Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

REGION XII: SOCCSKSARGEN Andrea Faye L.

Tolentino

AREA

● Matatagpuan ang Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN sa katimugang bahagi ng


Pilipinas. Hango ang pangalang SOCCSKSARGEN sa simula ng mga titik ng mga
lalawigang South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos
City.

PANGUNAHING INDUSTRIYA

Forestry, Agriculture, High Grade Copper, Livestock, Aquaculture, Energy, and Ecotourism

(Major Crops) (Major Export Industries)


● Corn - Fresh, canned, and frozen tuna
● Rice - Octopus
● Coconut - Shrimps
● Pineapple - Fresh and canned pineapples
● Oil Palm - Fresh bananas and banana chips
● Coffee - Fresh coconuts and coconut oils
● Sugarcane - Handicrafts/gifts
● Banana - Houseware products
● Mango

TOURIST SPOTS

● Seven Waterfalls of Lake Sebu, South Cotabato


Ang rehiyon na ito ay may ipinagmamalaki na magaganda at nakakamanghang tanawin
tulad ng Lake Sebu ng South, Cotabato na mayroong pitong waterfalls at dito mo rin
makikita at mararanasan ang pinakamataas na zipline sa buong Southeast Asia.

● Asik-Asik Falls Alamada, Cotabato


Ang Asik-Asik Waterfalls na matatagpuan sa Alamada, Cotabato o mas kilala bilang “The
Vegetable and Fruit Basket of Mindanao” ay mayroong malakas at malamig na agos ng
tubig na nag mimistulang kurtina sa paningin ng mga tao na dumadayo rito.

● La Palmera Mountain Ridge Columbio, Sultan Kudarat


Marami ang namamangha sa mga magagandang tanawin sa La Palmera Mountain Ridge
sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat, na naging patok sa mga turista mula nang
mag-viral sa social media noong nakaraang taon. Tampok sa mountain ridge ang mga burol
at talampas, na inihalintulad ng ibang dumarayo roon sa mga tanawin ng Batanes at
bansang New Zealand.

● Gumasa Beach, Sarangani


Tinutukoy ng mga lokal ang Gumasa Beach bilang “Small Boracay of Mindanao or Boracay
of South” dahil sa kalidad ng buhangin at malakristal na kulay ng tubig. Dito rin
ginaganap ang Sarangani Bay o ang SarBay Festival, ang pinakamalaking beach party sa
buong bansa.

● The Grand Mosque, Cotabato City


Ang Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mosque mas kilala bilang The Grand Mosque ay
matatagpuan sa Lungsod ng Cotabato at ito ang pinakamalaking mosque sa Pilipinas na
may kakayahang tumanggap ng 15,000 katao. Ito rin ang pangalawang pinakamalaking
mosque sa Timog-silangang Asya pagkatapos ng Istiqlal Mosque ng Indonesia.

● General Santos City Fish Port Complex


Ang General Santos City ay tinaguriang “Tuna Capital of the Philippines” dahil sa dami ng
mga tunang ibinabagsak sa lungsod at kilala rin ang lugar na ito bilang “The Home of the
Champions” sapagkat dito nakatira ang ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

● Lang Dulay Weaving Center (T’boli Tribe), South Cotabato


Ang SOCCSKSARGEN ay kilala rin bilang lugar na mayaman sa kultura sapagkat dito mo
makikita ang ating mga kapatid na katutubo na tinatawag na T'boli sa South Cotabato o
ang "The Land of Dreamweavers". Sikat sila sa paggawa ng mga T'nalak cloth na yari sa
abaca fibers. Sa Lang Dulay Weaving Center mo makikita ang T’nalak Weaving Master na
si Lang Dulay na kilala sa buong Pilipinas. Dahil sa kanya patuloy pa rin ang pananatili ng
tradisyon ng kanilang tribo sa pamamagitan ng paghahabi ng mga abaca fibers.

SCRIPT

Mabuhay, Kabayan! Ako ang inyong tour guide na si Andrea Faye Tolentino, ipapakilala ko
sa inyo ang isang lugar na punong puno ng mayaman na kultura at mga nakakamanghang
tanawin. Tara na sa SOCCSKSARGEN Region 12 “The Heart of Mindanao”.

Matatagpuan ang Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN sa katimugang bahagi ng Pilipinas.


Hango ang pangalang SOCCSKSARGEN sa simula ng mga titik ng mga lalawigang South
Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani at General Santos City.

Ang mga pangunahing industriya sa SOCCSKSARGEN ay pagtatanim at pangingisda.


Sikat dito ang mga produktong mais, bigas, niyog, pinya, oil palm, kape, tubo, saging, at
mga mangga. Kilala rin ang lugar na ito sa pag export ng mga fresh, canned, at frozen na
tuna, fresh at canned na pinya, mga hipon at pugita, banana chips at coconut oils, at pati
na rin ang mga handicrafts at houseware products.

Ang rehiyon na ito ay may ipinagmamalaki na magaganda at nakakamanghang tanawin


tulad ng Lake Sebu ng South, Cotabato na mayroong pitong waterfalls at dito mo rin
makikita at mararanasan ang pinakamataas na zipline sa buong Southeast Asia.

Ang Asik-Asik Waterfalls na matatagpuan sa Alamada, Cotabato o mas kilala bilang “The
Vegetable and Fruit Basket of Mindanao” ay mayroong malakas at malamig na agos ng
tubig na nag mimistulang kurtina sa paningin ng mga tao na dumadayo rito.

Marami ang namamangha sa mga magagandang tanawin sa La Palmera Mountain Ridge


sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat, na naging patok sa mga turista mula nang
mag-viral sa social media noong nakaraang taon. Tampok sa mountain ridge ang mga burol
at talampas, na inihalintulad ng ibang dumarayo roon sa mga tanawin ng Batanes at
bansang New Zealand.

Tinutukoy ng mga lokal ang Gumasa Beach bilang “Small Boracay of Mindanao or Boracay
of South” dahil sa kalidad ng buhangin at malakristal na kulay ng tubig. Dito rin
ginaganap ang Sarangani Bay o ang SarBay Festival, ang pinakamalaking beach party sa
buong bansa.

Ang Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mosqueo mas kilala bilang The Grand Mosque ay
matatagpuan sa Lungsod ng Cotabato at ito ang pinakamalaking mosque sa Pilipinas na
may kakayahang tumanggap ng 15,000 katao. Ito rin ang pangalawang pinakamalaking
mosque sa Timog-silangang Asya pagkatapos ng Istiqlal Mosque ng Indonesia.

Ang General Santos City ay tinaguriang “Tuna Capital of the Philippines” dahil sa dami ng
mga tunang ibinabagsak sa lungsod at kilala rin ang lugar na ito bilang “The Home of the
Champions” sapagkat dito nakatira ang ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Ang SOCCSKSARGEN ay kilala rin bilang lugar na mayaman sa kultura sapagkat dito mo
makikita ang ating mga kapatid na katutubo na tinatawag na T'boli sa South Cotabato o
ang "The Land of Dreamweavers". Sikat sila sa paggawa ng mga T'nalak cloth na yari sa
abaca fibers. Sa Lang Dulay Weaving Center mo makikita ang T’nalak Weaving Master na
si Lang Dulay na kilala sa buong Pilipinas. Dahil sa kanya patuloy pa rin ang pananatili ng
tradisyon ng kanilang tribo sa pamamagitan ng paghahabi ng mga abaca fibers.

You might also like