Epp4 - H.e.4 - Q2 - M1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 4
Home Economics
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Ikalawang Markahan (Home Economics–H.E.)– Modyul 1: Pangangalaga sa
Sariling kasuotan!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Noreen G. Tua
Editor: Ruth D. Cabrera
Tagasuri: Jennylin E. Corpuz (teknikal)
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP
Home economics 4
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Pangangalaga sa sariling kasuotan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP 4 - Home Economics ng
Modyul para sa araling Pangangalaga sa sariling kasuotan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa EPP 4 – Home Economics Modyul ukol sa


Pangangalaga sa sariling kasuotan !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga bata ay


inaasahang napangangalagaan ang sariling kasuotan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang isinusuot sa paaralan?


A. Maong at polo C. gown
B. Uniporme D. pajama
2. Alin sa sumusunod ang isinusuot bilang pantulog?
A. Damit pangsimba C. gown
B. Pajama D. maong at polo
3. Saan kayo dapat umupo?
A. Sa malinis na lugar o upuan. C. Sasalampak sa
lupa.
B. Uupo kung saan saan lang. d. Wala sa mga
nabanggit.
4. Ano ang dapat gawin sa namantsahang damit?
A. Itapon na lamang ito.
B. Ilagay sa ropero.
C. Labahan agad ito at gamitan ng bleach ang mantsa.
D. Itago sa sulok na hindi nakikita ng magulang.
5. Ano ang dapat gawin sa natastas na laylayan ng damit?
A. Hayaan lang ito.
B. Tastasin nalang ang buong laylayan.
C. Tahiin agad ito pag- uwi ng bahay.
D. Lagyan muna ng aspili.
BALIK-ARAL

Magbigay ng iba’t-ibang uri ng damit na karaniwang


isinusuot ninyo araw-araw.

___________________________________________________________

ARALIN

Tingnan ang mga larawan ng iba’t- ibang kasuotan. Isinusuot ba


ang mga ito araw-araw? Saan ito dapat na isinusuot?
Paano natin ito mapapangalagaan?
Wastong pangangalaga sa sariling kasuotan.

 Ingatan ang palda ng


uniform o anumang
damit na may pleats.
 Huwag itong hayaang
1. magusot sa pag upo.
 Huwag umupo kung saan
saang lugar nang hindi
marumihan ang palda o
pantalon.

 Kapag namatsahan o
narumihan ang damit,
labahan ito kaagad para
2. madaling matanggal at
hindi gaanong kumapit
sa damit ang dumi o
mantsa.

 Magsuot ng angkop na
Kasuotan ayon sa
3. gawain.
> Huwag gawing panlaro
ang damit na pamasok
sa paaralan.

 > > Ugaliing magsuot ng


damit na pantulog, tulad
4. ng pajama, daster o
short.
> Kapag natastas ang
laylayan ng damit,
5. tahiin kaagad ito pag –
uwi sa bahay upang
hindi na lumaki.

> Alagaan ang mga damit


at iba pang gamit sa
6. pamamagitan ng
paglalagay ng mga ito sa
tamang lagayan.

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang. Piliin ang sagot


sa loob ng kahon.

Labahan palda pantulog natastas


Pamasok alagaan umupo kasuotan
Damit bleach o zonrox dumi
1. Kapag namantsahan o narumihan ang damit,
______________ agad ito para madaling matanggal at hindi
na kumapit ang dumi o mantsa.
2. Ingatan ang ____________ ng uniform na may pleats.
3. Ugaliing magsuot ng tamang damit na ___________ tulad ng
pajama, daster, at shorts.
4. Kapag ____________ ang laylayan ng damit, tahiin ito
kaagad pag –uwi sa bahay.
5. Huwag gawing panlaro ang damit na ___________ sa
paaralan.
6. ______________ ang mga damit at iba pang mga gamit sa
pamamagitan g paglalagay ng mga ito sa tamang lalagyan.
7. Huwag _____________ kung saan saang lugar para hindi
marumihan ang damit.
8. Magsuot ng angkop na _______________ ayon sa gawain.
9. Magsuot ng maluwag na _________ sa pagtulog upang ito
ay maginhawa sa pakiramdam.
10. Gumamit ng _____________ para matanggal ang dumi o
mantsa.

B. Panuto: Sabihin Kung Tama o Mali ang sumusunod na mga


pangungusap.

1. Ingatan ang paldang may pleats. Huwag itong hayaang


magusot.

2. Gawing pamasok ang mga damit pambahay.

3. Hayaang tastas ang laylayan ng damit at isuot ulit.

4. Umupo kung saan-saang lugar.

5. Labhan agad ang namantsahang damit.


PAGLALAHAT

Paano natin napapangalagaan ang sariling kasuotan?

___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Bakit kailangang pangalagaan natin ang ating mga sariling


kasuotan?

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit kailangang ingatan ang paldang may pleats?

A. Para hindi ito mabutas C. Para hindi madumihan.


B. Para hindi magusot. D. Para hindi matastas ang
laylayan.

2. Ano ang angkop na kasuotan ang pamasok sa paaralan?

A. pajama C. uniform
B. maong na pantalon at t-shirt D. kapote

3. Alin sa sumusunod ang isinusuot bilang pambahay?

A. shorts at t-shirt C. uniform


B. pantalon at polo D. gown

4. Ano ang dapat gawin kapag natastas ang laylayan ng palda o


pantalon?

A. tahiin agad pagdating sa bahay C. lagyan ng aspili


B. tastasin lahat ang laylayan D. itapon sa basurahan
ang palda o pantalon

5. Saan dapat nakalagay ang mga damit?

A. sa sako C. sa sampayan
B. sa kabinet D. sa isang sulok ng
bahay
SUSI SA PAGWAWASTO

10. bleach o zonrox


9. damit
8. kasuotan
5. B 7. umupo
5. C
6. alagaan
4. A 5. pamasok 5. tama 4. C
4. natastas 4. mali
3. A 3. pantulog 3. mali 3. A
2. palda 2. mali
2. C 2. B
1. labahan 1.tama
1. B B A 1. B
Panapos na Pagsusulit Pagsasanay Paunang Pagsubok

Sanggunian

Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 - Patnubay ng Guro.
DepEd Complex,Meralco Avenue, Pasig City:Vibal Group,Inc.,2015

Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 – Kagamitan ng Mag-
aaral. DepEd Complex,Meralco Avenue, Pasig City:Vibal
Group,Inc.,2015

Mga Iba't Ibang Uri Ng Kasuotan.” n.d. Pdfslide.tips. Accessed June


23, 2020. https://pdfslide.tips/documents/mga-ibat-ibang-uri-ng-
kasuotan.html.

Epp 6 He Aralin 4- Wastong Pangangalaga Ng Kasuotan.” n.d.


Pdfslide.net. Accessed June 23, 2020.
https://pdfslide.net/education/epp-6-he-aralin-4-wastong-
pangangalaga-ng-kasuotan.html.
PAGKILALA

EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMDS)
Tagalapat

Naglapat Ng Video

Video Editor

Tagapagsuri Ng Video

Gurong Tagapag-Ugnay

Helen C. Jagmis
Punong Guro

Sofia J. Papio
Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Pasig City

Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Telephone No.: (632) 8641-8885

Email Address: divisionofpasig@gmail.com

You might also like