Professional Documents
Culture Documents
Sa Hapunan
Sa Hapunan
Narrator: Dumulog ang mga panauhin sa hapag-kainan sa bahay ni Kapitan Tiago. Si Padre Damaso ay
mukhang inis. Sinisikaran niya ang mga upuang nakaharang sa kanyang dinaraanan. Siniko pa niya ang
isang kadete. Nandun naman si Padre Sibyla na masayang lumapit sa mesa. Dala marahil sa nakaugalian
ay sabay na lumapit sa kabisera ang dalawang prayle.
Padre Sibyla: Kayo ang dati nang kakilala sa bahay na ito, kompesor ng maybahay. Para sa inyu ang
upuang ito, alang-alang sa katandaan, sa katungkulan at pamamahala.
Narrator: Habang nagsasalita si Padre Damsao ay hindi niya binibitawan ang paghawak sa upuan. Uupo
sana si Padre Sibyla ng magtama ang paningin nila ng tenyente, inalok ni Padre SIbyla ang tenyente na
umupo sas kabisera. Ngunit tumanggi ang tenyente dahil ayaw niyang mapagitnaan sa dalawang prayle.
Habang kumakain ang lahat sa hapag-kainan, tinatanong nila si Ibarra tungkol sa kanyang pagpunta sa
Europa.
Ibarra: Malayo pong mangyari .Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lage ko naman syang
naaalala.
Ibarra: Isang taon na akong hindi nakababalita tungkol sa ating bayan mistulang isang dayuhan na hindi
nakakaalam kung kailan at kung paano namatay ang aking ama.
Narrator: Habang nakikinig si Damaso ay nakaramdam siya ng konsensya sapagkat naalala niya ang
kanyang nagawa sa bangkay ni Don Rafael. Parang siyang nababalisa ng maalala ito sa hapag kainan.
Narrator: Nang makarating sa bahay si Padre Damaso, may naramdaman siyang kakaiba. Tila may isang
tao sa loob ng kanyang kwarto. Parang may isang anino. Dahan-dahan siyang pumasok sa kanyang
kwarto upang tignan ngunit laking gulat ni Padre Damaso nang makita niya si Don Rafael na nakatayo
ngunit tila may galit sa mukhan nito. Nanginig ang buong katawan ni Padre Damaso.
Narrator: Sa araw ng mga patay, pumunta si Padre Damaso sa libingan ni Don Rafael. Sa di inaasahan,
nadatnan niya si Ibarra na hinahanap ang libingan ni Don Rafael. Nilapitan niya ang binata.
Padre Damaso: Alam kong hinahanap mo ang libingan ng iyong ama, Ibarra.
Ibarra: Diba nagalit ka akin nung sinabi kong matalik mong kaibigan ang aking ama?
Padre Damaso: Naging mabait na kaibigan ang iyong ama sa akin ngunit hindi ako naging mabait sa
kanya. Patawad sa aking nasabi noong araw ng hapunan. Sana ako’y iyong mapatawad.
Ibarra: Hindi naman ako nagkikimkim ng sama ng loob, Padre Damaso. Marunong akong magpatawad
lalo na sayo. Ngunit matanong ko, asan ang libingan ng aking ama?
Padre Damaso: Ito na ang oras para malaman mo ang lahat. Pinalipat ko ang libingan ng iyong ama sa
libingan ng mga Intsik ngunit hinulog ng tagapaglibing ang kanyang bangkay sa ilog ng San Diego.
Narrator: Nabigla si Ibarra. Nakaramdam siya ng galit at lungkot. Sinugod niya ang kura at diniinan ang
balikat.
Padre Damaso: Naiintindihan ko ang iyong galit sa aking Ibarra. Alam kong hindi mo ako mapapatawad
sa aking nagawa.
Narrator: Binitawan ni Ibarra ang kura at di niya tinuloy na saktan si Padre Damaso.
Ibarra: Marahil tama ka. Hindi ka nga mabuting kaibigan sa aking ama.
Narrator: Umalis si Ibarra na nagtitimpi. Naiwan si Padre Damaso na makikita sa mukha niya na
nalulungkot at nakokonsensya.
THE END