Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Department of Education

Region VI – WESTERN VISAYAS


Schools Division of Iloilo City
ILOILO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
M.H. Del Pilar Street, Molo, Iloilo City

UNANG MARKAHAN
TAONG PANURUAN 2021-2022

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

PANGALAN: _____________________________________________ TAON/PANGKAT: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9


Mga Layunin:
a. Natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng pananalita.
b. Nagagamit ang mga halimbawa ng bahagi ng pananalita.
c. Nakalilikha ng mga pangungusap gamit ang mga bahagi ng pananalita.

I. PANGNGALAN
- ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.
Halimbawa:
Maria, Juan dela Cruz (ngalan ng tao) aso, Browny (hayop) kaarawan, Dinagyang (pangyayari)
lapis, Mongol (bagay) Esplanade, simbahan (pook)

A. PANUTO: Piliin sa loob ng pangungusap ang pangngalan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang bagong sapatos na ito ay regalo mula sa ninong ko.
A. ito B. bago C. sapatos D. ko
_____2. Magkasama nilang pinagdiriwang ang pagsapit ng Pasko.
A. Pasko B. nila C. magkasama D. pinagdiriwang
_____3. Napaiyak ang bata dahil sa narinig niya na malakas na pagsabog.
A. Napaiyak B. dahil C. bata D. malakas
_____4. Nais niyang maging isang magaling na guro.
A. guro B. Nais C. magaling D. niya
_____5. Isang malaking aso ang kanyang alaga.
A. kanya B. aso C. Malaki D. Isang
_____6. Sama-sama silang namasyal sa Plaza Molo.
A. sila B. sama-sama C. namasyal D. Plaza Molo
_____7. Si Gng. Reyes ang nagpasimuno ng pagpupulong kahapon.
A. Gng. Reyes B. kahapon C. nagpasimuno D. pagpupulong
_____8. Maaga kaming pumunta sa paaralan.
A. Maaga B. paaralan C. pumunta D. kami
_____9. Maghahanda tayo ng iba’t ibang pagkain sa darating na fiesta.
A. fiesta B. Maghahanda C. tayo D. darating
_____10. Sasakay tayo ng dyip para hindi tayo mahuhuli sa klase.
A. Sasakay B. dyip C. mahuhuli D. tayo

II. PANGHALIP
- ito ay bahagi ng panalita na panghalili o pamalit sa pangngalan.
Halimbawa:
ako, ikaw, sila, tayo, kami, akin (Panao) sino, ano, alin (Pananong)
ito. dito, rito, riyan, nito, doon (Pamatlig) lahat, madla, alinman, anuman (Panaklaw)

A. PANUTO: Tukuyin ang panghalip na maaaring pamalit sa mga salitang pinili sa bawat pangungusap. Isulat sa itaas ng mga salita.

1. Sina Andres at Amalia ay naghahanda ng maganda at malaking pagdiriwang para sa anibersaryo ng kanilang mga
magulang.

2. Tutulong ako at ang mga kapatid ko na si Manuel sa paglinis ng kanilang bahay at bakuran.

3. Si Ariel ang magdadala ng inumin at yelo para sa salu-salo, “sabi ni Marie”.

4. Ang mga kaibigan mo at ikaw ay matutuwa sa mga mang-aawit na darating mamaya.


5. Si Marco ang mag-aayos ng mga mesa at upuan.
B. PANUTO: Isulat ang nararapat na panghalip ayon sa pangungusap.

Ako ikaw siya tayo kami kayo sila ano dito kanila niya

1. Si Gabbie ay nanalo sa isang patimpalak. _____ ay nakatanggap ng regalo mula sa kaniyang mga magulang.
2. Sina Kate at Jade ay kadalasang magkapareho ang damit. _____ ay magkakambal.
3. Nandito ako ngayon sa sari-sari store ni aleng Neneng. Pumunta ka _____ at uminom tayo ng coke.
4. Nakatapos ang anak ko ng kanyang pag-aaral dahil sa’yo. Tunay ngang _____ ang kaniyang inspirasyon.
5. Kaarawan ng ating kaklaseng si Erwin sa Lunes. Inaanyayahan ____ ng kanyang ina na pumunta sa kanilang bahay.

III. PANDIWA
- ito ay tumutukoy sa salitang kilos o galaw.
Halimbawa: takbo, inom, sulat, lakad, sayaw, sulat, talon atbp.

IV. PANG-URI
- ay mga salitang naglalarawan sa pangngalan.
Halimbawa: maganda, masipag, makulay, matangkad, mabilis atbp.

A. PANUTO: Tingnan ang mga salita sa loob ng kahon. BILUGAN ang mga salitang kilos at SALUNGGUHITAN naman ang mga
salitang naglalarawan.

matalino pagguhit kami masunurin matapang

kain mabagal bolpen tayo

dito nagsasalita sila masarap malakas

tulog anibersaryo nagbubuhat mayabang

umaawit dumalo maingay magulang masinop

tumatakbo mag-aaral pinsan ano

masaya sumusulat pusa Browny naglalaro

KARAGDAGANG GAWAIN: Gamit ang mga bahagi ng pananalita, gumawa ng sariling pangungusap at salungguhitan ang mga ito.

PANGNGALAN 1. _____________________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________________
PANGHALIP 1. _____________________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________________
PANDIWA 1. _____________________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________________
PANG-URI 1. _____________________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________________

Repleksyon:
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga bahagi ng pananalita (pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-uri)? Paano mo ito
magagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan? (2pts)

_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________

Mga Guro sa Filipino 9

Pearlyshel E. Pano Maria Monica C. Nofuente Mara Krystyl T. Bautista


Maricar A. Porcal Reynan C. Garino Jr. Regie Faith T. Malaca

You might also like