Mala Masusing Banghay Aralin 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Ikaapat na Baitang

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahan na:

a. Naipapaliwanag ang aspektong perpektibo, imperpektibo,at


kontemplatibo
b. Nasusuri ang mga aspekto ng pandiwa
c. Natutukoy ang wastong aspekto ng pandiwa sa bawat
pangungusap.

II. Paksang Aralin

A.Paksa:Aspekto ng Pandiwa
B. Sangunian:Aklat sa Filipino IV (pahina 99-100)
C.Kagamitan: Powerpoint presentation,mga larawan,manila paper,chalk

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagbati
3.Pagtatala ng lumiban sa klase

B.Balik-Aral
Tatawag ang guro ng mag aaral para maibigay ng rebyu sa paksa ng
nakaraang talakayan.

C.Pagganyak na tanong
Magpapakita ng larawan ang guro tungkol sa kanilang tatalakayin ngayon
araw.

D.Paglalahad

Pandiwa- ang salitang nagbibigay buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito


ng kilos o galaw ng isang tao,hayop o bagay.
Aspekto- Nagpapakita kung kailan naganap,nagaganap, o magaganap ang
kilos o galaw.

Tatlong Aspekto ng Pandiwa

1.Aspektong Perpektibo naganap- mga pandiwang tapos na o nangyari na.

-gumagamit ito ng mga salitang pampamanahong natapos na tulad ng:


kanina, kahapon, na, noon
Aspektong Perpektibo nabubuo sa pagsasama ng salitang-ugat at panlapi

nag+laro= naglaro
Halimbawa:Naglaro si Ben sa kanilang bakuran.

2.Aspektong Imperpektibo nagaganap- tumutukoy sa mga kilos na ginagawa


pa lamang.

-gumagamit ito ng mga panlaping nag, na, um,in


-gumagamit ito ng mga salitang pampamanahong tulad ng: ngayon, na, sa
kasalukuyan
Aspektong imperpektibo nabubuo sa pagsasama ng panlapi at pag uulit
nag+ la+ laro=naglalaro
Halimbawa:Naglalaro sila sa parke.

3.Aspektong Kontemplatibo magaganap-tumutukoy sa mga kilos na


gaganapin pa lamang sa hinahanap.

-gumagamit ng mga panlaping mag,in, han at an


-gumagamit ng mga salitang pampamanahong tulad ng mamaya, sa sunod
na, bukas.
Aspektong Kontemplatibo nabubuo sa pagsasama ng panlapi at pag-uulit ng
unang pantig ng salitang-ugat+ salitang ugat.
mag+la+laro= maglalaro
Halimbawa:Mamaya ay maglalaro sila sa palaruan.
Magbabasa ako mamaya ng maraming aklat.

E.Paglalagom
Tatawag ang guro ng ilang mag- aaral para maibigay ang pagbubuod ng
paksang tinalakay.

F.Palalapat
Panuto: Isulat ang tamang banghay ng pandiwa sa sumusunod na aspekto.

Salitang-ugat Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


1.sayaw
2.takbo
3.ayos
4.usap
5.akyat

IV.Pagtataya

Panuto:Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa


patlang ang titik A,B, o C kung saan:

A=Aspektong Perpektibo/ Naganap


B=Aspektong Imperpektibo/Nagaganap
C=Aspektong Kontemplatibo / Magaganap

_____1.Noong nakaraang linggo ay namasyal kami sa bukid.


_____2.Nakikinig kami palagi sa among guro.
_____3.Inayos ni mang Ben ang radio noong linggo.
_____4.Ako ay nagluto ng adobo kahapon.
_____5.Si Lisa ang nagsulat ng liham kanina.
_____6.Araw-araw tumatakbo sa parke si Ana.
_____7.Ang costume ay dadalhin ko bukas.
_____8.Uulan daw bukas ayon sa PAGASA.
_____9.Maglalaba si Lita bukas.
_____10.Nagtatanim ng palay si Lito sa bukid.

V.Takdang Aralin

Panuto: Sumulat ng limang pangungusap na naglalaman ng mga


pandiwa.Alamin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa
pangungusap.

You might also like