Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Probinsya ng Pampanga
Lungsod ng Mabalacat
Barangay Dau
OPININA NG PUNONG BARANGAY
Tel. No: (045) 402 1867

PAMPUBLIKONG ANUNSYO

Mula sa: Punong Barangay


Petsa: Ika-28 ng Pebrero taong 2023
Paksa: Konstruksyon ng gusali sa Samsonville Subdivision – Partikular sa pag konekta ng mga kable ng
kuryente at internet na magdudulot ng pansamantalang pagkawala ng serbisyo sa buong
subdibisyon.

Ang kasalukuyang pag tatayo ng komersyal na gusali sa subdibisyon ng Samsonville, ay inaasahang magdudulot
ng pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng kuryente at internet sa buong lugar. Ito ay para sa ikakaayos ng
ating mga kable sa subdibisyon at upang maging pag iingat na din sa ating mga mangagawa na gagawa nito.

Ang pag aayos ng mga kable ay inaasahang matatapos sa loob ng 5 araw simula ngayon. Ang pagkawala ng
mga serbisyo ay pansamantala ngunit inaasahan na magiging paulit ulit sa mga susunod na araw.
Batid ng Punong Barangay ang abala na magagawa nito sa residente ng subdibisyon ng Samsonville. Kami po ay
lubos na humihingi ng paumanhin at pag unawa. Ang lahat ng ito’y para sa ikakaunlad at ikakadami ng trabaho
ng ating barangay at ng lungsod ng Mabalacat.

Para sa kaalaman ng ating mga residente,

BENJAMIN M. MANLAPAZ
Punong Barangay

You might also like