Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

WEEK 8
Gamit ng Wika sa Lipunan

Bago mo umpisahan ang aralin, ikaw muna ay manalangin. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Panginoon, salamat sa araw na ito at isang pagpapala mo ang handog mo sa akin.
Salamat po sa nagdaang araw ng patnubay at gabay mo at mga biyayang natanggap
ko. Salamat sa pamilya, mga kaibigan at mga bagong kakilala na alam kong isa ring
biyaya sa buhay na mula sa iyo. Sa lahat ng ito Panginoon, maraming salamat po.
Hindi ka nagsasawa na ako ay pagpalain. Dalangin ko po Ama ang kapatawaran ng
aking mga kasalanan, Dalangin ko po Ama ang pag-iingat mo sa akin at ilayo mo po
kami sa anumang kapahamakan at karamdaman o sakit. Sa iyo po itanatagubilin ang
buhay ko magpakailanman. Salamat po Ama, ito po ang aking dalangin, sa iyo, ang
pinakamataas na papuri at pasasalamat at kaluwalhatian. Sa ngalan ng Ama, at ng
Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
I. PANIMULA
Sa araling ito ay iyong babalikan ang aralin sa ikatlong linggo na Gamit ng Wika sa Lipunan. Sa modyul na ito tatalakayin
ulit ang pag-unlad ng wika at mga gamit ng wika ayon kay Michael Halliday. Ayon sa kaniyang teorya, dumaraan ang
tatlong yugto ang pag-unlad sa wika ng isang bata: (1) sa antas ng protowika, gumagamit siya ng mga kilos na maytiyak
na ibig sabihin upang magpahayag gaya ng pag-iyak kapag nagugutom; (2) sa antas ng leksikogramatiko, nakagagamit
na siya ng mga simpleng salitang may lohikal na ayos, gaya ng pagsasabing “kain ako” upang malaman ng mga tao sa
paligid niya na gutom siya.; at sa (3) antas ng maunlad na wika, nakagagamit na siya ng buo-buong pangusap at
nakapagdidiskurso nang tuloy-tuloy.

Ngayon ay umpisahan mo ng pag-aralan ulit kung ano ba ang gamit ng ating wika sa lipunan. Umpisahan mo sa
paunang pagsasanay.
II. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
a. Nabibigyang kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M.A.K Halliday)
b. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood sa telebisyon at pelikula
(Halimbawa Be Careful with my heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word of the Lourd)
(http://lourddeveyra.blogspot.com))
c. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa
lipunan
SANGGUNIAN
a. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino p. 58-72
III. PAGTALAKAY
UNA AT IKALAWANG ARAW
Ano nga ba talaga ang gamit ng wika sa ating lipunan? Upang mas madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa aralin
ngayon ay balikan at basahin mo ulit ang…

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ang kuwento ni
Tarzan. Mga tunog ng hayop ang kanyang unang natutuhan dahil ito ang wika ng mga kasama niyang hayop sa gubat.
Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao ay mahiirapang matutong magsalita dahil wala naman siyang kausap.
Maging ang isang taong bagong lipat lang sa isang komunidad na may ibang wika kung hindi ito makikipag-ugnayan sa
iba , ay hindi matuto ng ginagamit nilang wika. Kung gayon, ang isang taong hindi nakikipag-ugnayan o nakikisalamuha
sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita sa paraan kung paano nagsasalita ang naninirahan sa komunidad na
iyon. Sadyang ang wika nga ay isang sistema nga ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran
ang mahahalagang gamit nito sa lipunan.

Marami-rami na rin ang nagtatangkang i-kateorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay, isa
na rito si …

Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K HALLIDAY)


Ay isang bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang
panlipunang phenomenon. Naging ambag niya sa mundo ng linguwistika ang popular niyang modelo ng wika, ang
systemic functional linguistics.

KOMUNIKASYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | 1


Siya rin ang naglahad ng pitong tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of
Language (Exploration in Language Study) 1973.

Ang pitong tungkulin ng wikang iniisa-isa ni M.A.K Halliday ay ang mga sumusunod:

1. INSTRUMENTAL- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon


sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.
Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na 
nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa
 ng tungkuling ito.

2. REGULATORYO-Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa


pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng
direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon
sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.

3. INTER-AKSIYUNAL- Ang tungkuling ito ay ay nakikita sa paraan


ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan;
pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa.

4. PERSONAL -Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng


sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal,
at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo
ng panitikan.

5. HEURISTIKO- Ang tungkuling ito ay ginagamit sa


pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman
sa paksang pinag-aaralan. Halimbawa rito ay ang
pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon,
at pagbabasa ng pahayagan,blog at aklat.

6. IMPORMATIBO- Ito ang kabaligtaran ng heuristiko.


Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon,
ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon
sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay-ulat,
tesis,panayam, at pagtuturo.

Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng paggamit ng wika.

1. Pagpapahayag ng damdamin( Emotive)- Saklaw nito pagpapahayag ng


damdamin, saloobin at emosyon.

2. Panghihikayat (Conotive)-ito ay gamit ng wika upang makahimok


at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) – ginagamit ang wika


upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

KOMUNIKASYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | 2


4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)- ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang
sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.

5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)- Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng


pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.

6. Patalinghaga (Poetic)-saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay, at iba pa.

Matapos mong unawain ang iba’t ibang tungkulin ng wika ayon sa dalawang dalubhasa, maiiba na ang pananaw mo sa
wika. Hindi mo natitingnan bilang isang normal na bagay na ginagamit sa araw-araw kundi isang susi sa pagkakaisa at
pagkakaunawaan. Upang malaman ko kung naunawaan mona ng mabuti ang aralin ngayong araw na ito. Sagutin mo ang
inihanda kong ebalwasyon para sa iyo na makikita sa iyong Worksheets.

Para naman sa Ikatlo at Ikaapat na Araw, gawin ang inyong Pangwakas na Gawain na matatagpuan sa iyong
Worksheets at ang iyong kasagutan ay isusulat sa isang buong papel.

PAGLALAGOM
Sa modyul na ito ay natutuhan mo ang gamit ng wika sa lipunan, dahil sa wika, nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang
mga mamamayan. Isipin na lang natin na kung walang wika, mahihirapan tayong ipahayag ang mga bagay o plano na
mayroon tayo para sa ating lipunang kinabibilangan. Ang wika ang tulay sa pagkakaroon ng pagkakaintindihan sa bawat
mamamayan. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao at nagiging produktibo ang mga
mamamayan. Kapag produktibo ang mga tao, gaganahan silang gumawa at kumilos para sa ikabubuti ng buong
pamayanan.

KOMUNIKASYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | 3


WORKSHEETS
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
WEEK 8

Pangalan: _______________________________________________ Taon at Seksyon: _______________________


A. Panuto: Tukuyin ang gamit ng wika sa bawat bilang ayon kay Jakobson (2003). Pumili ng iyong kasagutan sa loob ng
kahon at isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
A. Pagpapahayag ng Damdamin (emotive)
__________1. Kumusta ka na?
__________2. Ang Climate Change ay pagbabago ng klima o B. Panghihikayat (conative)
panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit
sa mundo. Nagdudulot ito ng mga panganib kagaya ng baha at C. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (phatic)
tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay.
D. Paggamit bilang sanggunian (referential)
Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit
kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at heat stroke. E. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)
__________3. Nakatutuwang nanalo tayo sa patimpalak!
__________4. kaw ba ay nababahuan na sa iyong hininga? Ikaw ba F. Patalinghaga (poetic)
ay nahihilo na kapag ika’y nagsasalita? Ikaw ba ay pagod na pagod
na sa tuwing nabibili mo ang mga toothpaste na panira sa iyong dila? Gusto niyo bang magkaroon na ng toothpaste na
garantisadong gagawin ang iyong ngipin na mas malinis, matibay, malakas, at maputi? Puwes, ito ang nababagay sa inyo,
ang bagong JOY TOOTHPASTE. Patay agad ang germs at bacteria sa ngipin at dila.
Ano pa ang hinihintay mo? Lumipat ka na sa mas-pinagkakatiwalaang toothpaste ngayon, walang iba kung hindi ang
JOY TOOTHPASTE!
__________5. Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

B. Panuto: Isulat sa linya ang tungkulin ng wikang tinutukoy ayon kay M.A.K Halliday. Pumili ng iyong kasagutan sa
loob ng kahon at isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
A. Instrumental
___________1. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng
ibang tao. B. Regulatoryo
___________2. Ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinyon o
kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. C. Interaksiyonal
___________3. Tumutukoy ito sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may
D. Personal
kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
___________4. Ito ang tungkulin din ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao E. Heuristiko
gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
___________5. Tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon F. Impormatibo
na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Isa rito ang pinag-iinterbyu sa mga taong
makasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan.

C. Panuto: Magbigay ka ng sarili mong halimbawa para sa bawat paraan ng pagbabahagi ng wika ayon sa mga sinabi ni
Jakobson (2003). Gawing malikhain subalit makatotohanan dahil sadyang nasasambit mo ang mga paraang ito sa iyong
pakikipag-ugnayan o pakikipag-usapa sa iba.
Mga Paraan ng Pagbabahagi ng Wika

KOMUNIKASYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | 4


Pagpapahayag ng Damdamin Panghihikayat (Conotive) Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan
(Emotive) Gusto mong hikayatin ang mga (Phatic)
May isang taong matagal mo ng producer at director ng pelikulang Isang bagong lipat na kamag-aral
lihim na minamahal subalit hindi mo Pilipino upang bumuo ng matitino at ang nakita mong nag-iisa at wala
masabi sa kanya ang damdamin mo. mahuhusay na pelikula ntulad ng pang kaibigan. Lumapit ka at
Ilahad sa ibaba ang sasabihin mo sa Heneral Luna sapagkat sawang- magsimula ka ng usapan para
kanya kung sakaling magkaroon ka sawa ka na sa mga paksang paulit- mapalagay ang loob niya.
ng lakas ng loob na ipahayag ito. ulit na tinalakay sa pinilakang
tabing. Paano mo sila hihikayatin?

Mga Paraan ng Pagbabahagi ng Wika


Paggamit bilang Sanggunian Paggamit ng Kuro-kuro Patalinghaga (Poetic)
(Referential) (Metalinggual) Muling isipin ang taong matagal mo
Lagi mong sinasabi sa kapatid mong Ang buwis na binabayaran sa nang lihim na minamahal. Lumikha
tigilan na niya ang labis na pagkain Pilipinas ay painakamataas sa buong ngayon ng pagpapahayag ng iyong
sa fastfood dahil hindi ito nakakabuti Asya subalit hindi nararamdaman ng damdamin para sa kanya sa
sa kalusugan. Ngayon ay gumamit ka karamihan ang serbisyong ibinabalik patalinghagang paraan. Maaring
ng sanggunian para maipakita sa taumbayan kapalit ng mataas na isang maikling tula ang iaalay mo
niyang hindi mol ang opinyon ang buwis nito. Magpahayag ka ng kuro- para sa kanya.
sinasabi mo sakanya kundi may kuro kaugnay sa usaping ito.
sanggunianh magpapatunay rito.

PANGWAKAS NA GAWAIN
Ang paggamit ng wika ay sadyang hindi maiiwasan. ‘Ika nga ng iba, ito ay inevitable. Ang halaga nito ay panlipunan.
May kung anong lakas itong taglay na nakapagbubuo at nakapag-iisa sa lipunan. Makikita natin ang kahalagahan ng
paggamit ng wika kahit kailan at kahit saan. Kung dati-rati ay limitado lamang tayo sa panonood ng telebisyon, pakikinig
ng radio, pagbabasa ng mga diyaryo at magasin upang makakita o makarinig ng mga sitwasyon ng pakikipagtalastasan,
ngayon ay makakakuha tayo ng iba’t ibang sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan sa iba’t ibang paraan.
Magsaliksik ng sitwasyong magpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. Isulat ang nakalap na impormasyon sa isang buong
papel.

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong gagawin.

Pamantayan 3 2 1
Pananaliksik Nakapagsaliksik ng Nakapagsaliksik ng Nakapagsasaliksik ng
halimbawang sitwasyong halimbawang sitwasyon. halimbawang sitwasyon.
patunayan ng mga inilahad May sanggunian inilahad May sanggunianng
na mapagkakatiwalaang na nagpapatutunay na inilalahad ngunit kaduda-
sanggunian. sinaliksik ang halimbawa. duda o hindi
KOMUNIKASYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | 5
mapagkakatiwalaan.
Paraan ng paglalahad ng Malinaw na malinaw na Malinaw na nailahad ang Hindi malinaw na nailahad
pananaliksik nailahad ang nasaliksik ng nasaliksik na mga ang nasaliksik na mga
mga halimbawang halimbawang sitwasyong halimbawang sitwasyong
sitwasyon na nagpapakita nagpapakita ng gamit ng nagpapakita ng gamit ng
ng gamit ng wika sa wika sa lipunan wika sa lipunan
lipunan.
Nilalaman May ilang halimbawang May halimbawang hango sa May halimbawang hindi
kapani-paniwala at hango mga totoong pangyayari sa kapani-paniwala at
sa mga totoong pangyayari buhay. mistulang kathang isip
sa buhay. lamang.

KOMUNIKASYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | 6

You might also like