Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

PAARALAN: FULLBRIGHT COLLEGE BAITANG: 3

GURO: GLENDOLYN CARDEJON S. ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN


PETSA AT ORAS NG FEBUARY 27 2023 KWARTER: III
PAGTUTURO: 1:50-2:30

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipapamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang rehiyon.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakapagpapahayag ng may pagmamalaki at pagkilala sa nabubuong kultura ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Nailalarawan ang kultura ng mga lalawigan sa kinabibilang ang rehiyon
AP3PKR-IIIa-1
Layunin:
Pagkatapos ng limampung minuto. Ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga katangian ng pangkat ng tao sa mga lalawigan n gating rehiyon.
b. Nailalarawan ang mga katangian ng mga pangkat ng tao sa mga lalawigan ng ating rehiyon.
c. Napapahalagahan at naipapakita ang pagkakakilanlan ng mga pangkat ng tao sa iba’t-ibang lalawigan
at rehiyon.
II. NILALAMAN
Aralin/Paksa MGA PANGKAT NG TAO SA IBA’T IBANG LALAWIGAN NG BAWAT REHIYON
Estratehiya sa Pagtuturo Talakayan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo 1. Gabay sa pangkurikulum sa Araling Panlipunan
2. Mga pahina sa kagamitan ng Mag-aaral Araling Panlipunan-Ikatlong Baitang; Kagmitan ng mga mag-aaral Bahagi, pahina 185-201
3. Iba pang Kagamitang Panturo Larawan, aklat, Kartolina

IV. PAMAMARAAN GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Balik aral sa nakaraang aralin at/o pagsisismulang Tumayo ang lahat at tayo ay manalangin na pangungunahan
bagong aralin ni Keiytrish Margarette.
Angel of God, my guardian dear, to whom God’s Love
Commits me here, ever this day (or ever this night), be
AMEN at my side, to light and guard, to rule and guide. AMEN
Magandang hapon mga bata. Kamusta kayo?
Magandang hapon rin po ma’am. Kami po ay nasa
maayos na kalagayan.
Ako nga pala si Glendolyn Cardejon ang guro sa Araling
Panlipunan sa Ikatlong Baitang. Ikinagagalak kong makilala
kayo. Ikinagagalak rin po naming kayong makilala.

Bago kayo umupo nais kung pagmasdan ninyo ang inyong


paligid kung kayo ay may nakikitang kalat pulutin at itapon (Pinulot ng mga bata ang basura at itinapon sa tamang
sa tamang basurahan. basurahan.)

May lumiban ba sa klase ngayon araw? Walang lumiban po Teacher

Ako ay lubos na nagagalak dahil walang lumiban ngayon sa


aking klase.

Bago tayo magpatuloy sa ating bagong tatalakayin nais


kung ipaalala ang ating alitutunin sa loob ng ating klase.
1. Umupo ng maayos
2. Itaas ang kanang kamay kung kayo ay may nais itanong o
kayo ay may hindi naintindihan at:
3. Makilahok sa talakayan at mga gawain Opo titser
Naiintindihan ba mga bata?

Dumako sa ating panibagong aralin, ano na nga ang ating Ito po ay patungkol sa kultura ng bawat rehiyon.
tinalakay kahapon?

Masuhay mga bata!


Anu-anong kaugalian ang naging bahagi ng tradisyong Bayanihan titser
Pilipino?

Ano ang bayanihan? Ang bayanihan ay kusang-loob na pagtutulungan ng


Rodge? mga tao.

Tumpak! Pakikisama titser


Ano pang ibang kaugalian? Ang pakikisama ito ay ipinapakita ang pakikiisa sa
Iniego? gawain.

Ano ang pakikisama?

Mahusay! Utang na loob Titser


Magbigay pa ng ibang kaugalian?
Keiytrish Margarette? Ang utang na loob ang tawag sa tulong o pabor na
tinanggap ng isang tao mula sa kanyang kapuwa?
Ano naman ang utang na loob?

Mahusay mga bata! Tama ang inyong mga sagot. Ako ay


nagagalak na inyong natatandaan ang inyong nakaraang
aralin
B. Paghahabi sa layunin ng Aralin Sa pagpapatuloy ng ating aralin, narito muna ang ating mga
layunin na kailangan nating makamit pagkatapos ng ating
talakayan.
Mga bata sabay-sabay nating basahin ang layunin. Layunin:
Pagkatapos ng limampung minuto. Ang mag-aaral ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang mga katangian ng pangkat ng tao sa
mga lalawigan n gating rehiyon.
b. Nailalarawan ang mga katangian ng mga pangkat ng
tao sa mga lalawigan n gating rehiyon.
c. Napapahalagahan at naipapakita ang pagkakakilanlan
ng mga pangkat ng tao sa iba’t-ibang lalawigan at
rehiyon.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Aralin Ngayon naman sa pagsisimula ng ating bagong aralin
mayroon akong inihandang sayaw sabay-sabay natin itong
sayawin.
(Ang mga mag-aaral ay sumayaw)

Sabay sabay nating panoorin at sayawin.

Base sa sayaw na ating sinayaw kanina. Sa tingin nyo anong


Isa po itong katutubong sayaw.
uri ito ng sayaw?
Rodge anong uri ito ng sayaw?

Mahusay! Isa itong katutubong sayaw ng mga t’boli.


Sa inyong palagay tungkol saan ang ating pag-aaralan Tungkol po sa pangkat-etnikong
ngayong araw?
Km?

Mahusay kung ganun ang ating pag-aaralan ay tungkol sa Opo titser


pangkat etniko ng ating Rehiyon.
Handa naba kayong making?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Mga bata ang pag-aaralan natin ngayon araw ay tungkol sa
bagong kasanayan # 1 mga pangkat ng tao sa ibat-ibang lalawigan ng bawat
rehiyon unahin na natin ang etniko at etnolinggwistiko.

KM maari mubang basahin ang nakasulat sa pisara.


Ang Etniko ay pangkat ng mga taong may sariling
wika, kaugalian, tradisyon, at paniniwala na sama-sama
sa isang lugar.
Salamat km. Tama ang etniko ito ay pangkat ng mga tao na
mayroong ginagamit na sariling wika, kaugalian, tradisyon
at paniniwala at sila ay sama-sama naninirahan sa isang
lugar .
Rodge paki basa ang sunod. Etnolinggwistiko ang tawag sa magkaibang
pagkakapangkat ng mga tao ayon sa gamit na wika o
diyalekto.

Maraming salamat Rodge.

Ang etnolinggwistiko ito naman ang tawag natin sa


pagkakapangkat ng mga tao ayun sa gamit na wika nito.

Mga bata mayroong uri ng pangkat etniko ito ay ang


minoring pangkat etniko.
Mga Minoryang katutubong Pangkat Etniko

Km maarai mo bang basahin ang nakasulat? Ita-kilala rin bilang Negrito, Ayta, o Baluga.

Maraming salamat Km.


Ang ita ay kilala rin bilang Negrito, Ayta, o Baluga.Ang
mga ita ay nakatira sa Gitnang Luzon sa Kabundukan ng
Quezon, Laguna Cagayan at sa kabundukan ng Panay at
Negros.
Asan na nga natin matatagpuan ang mga ita? Ang mga ita ay matatagpuan sa sa Gitnang Luzon sa
Kabundukan ng Quezon, Laguna Cagayan at sa
kabundukan ng Panay at Negros.

Mahusay mga bata ang mga ita ay matatagpuan sa sa


Gitnang Luzon sa Kabundukan ng Quezon, Laguna
Cagayan at sa kabundukan ng Panay at Negros.
Rodge paki basa ang susunod.
Ifugao- Karaniwang naninirahan sa Ifugao Province.

Maraming salamat Rodge.


Ang mga ifugao ay karaniwang naninirahan sa Ifugao
Province.Ang mga Ifugao ang kilalang gumawa ng
hagdang-hagdang palayan na ginawa mahigpit sa dalawang Hagdan-hagdang palayan po titser
libong taon na ang nakaraan.
Ano nga ulit ang ginawa ng mga ifugao?

Tama Hagdan-hagdang palayan ang ginawa ng mga ifugao.


Iniego paki basa ang sunod.

Meranaw- Naninirahan sa paligid ng Lano lake (Lanao


del Sur, Lanao del Norte, Marawi city, at Iligan City).
“Ranao” ibigsabihin ay lawa.

Maraming Sa Iniego.
Ang mga meranaw ay naninirahan sa paligid ng Lano lake
(Lanao del Sur, Lanao del Norte, Marawi city, at Iligan
City). “Ranao” ibigsabihin ay lawa. Ang mga meranaw ay
may dugong bughaw at sila kang ng dapat mag suot ng mga Lawa titser
kulay-ginto.
Mga bata ano na nga ibig-sabihin ng Rano?

Mahusay mga bata ang ibigsabihin ng ranao at Lawa.


Km paki basa ang susunod.
Tausog- kilala bilang matapang at mahusay makidigma.

Salamat Km.
Ang mga tausog ay kilala bilang matapang at mahusay
makidigma. Kasi para sa kanila ang karuwagan ay isang
kahihiyan ng kanilang pamilya. Ang mga tausog ay likas na
mapagbigay at palakaibigan ang karaniwang hanapbuhay ng
mga tausog ay pangingisda dahil nakatira sila malapit sa Opo titser
dagat at magsasaka ang mga nasa loob ng bahagi.
Naiintindihan ba mga bata?

Mahusay mga bata!Rodge paki basa ang susunod.

Badjao- Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau,


Orang Laut, Samal Pal’u at Pala’u.

Ang mga Badjao at tinatawag din silang Luaan, Lutaos,


Bajau, Orang Laut, Samal Pal’u at Pala’u. Ang wika na
kanilang ginagamit ay samal. Ang mga Badjao ay
karaniwang nakatira sa bangkang-bahay na maaring tirahan Pangingisda at pagsisid ng Perlas.
ng dalawa hanggang labintatlong miyembro ng pamilya.
Pangingisda at pagsisid ng perlas ang kanilang hanapbuhay.
Mga bata ano ang hanap buhay ng mga Badjao.

Mahusay at naiintindihan nyo.


Sunod nating pag-aaralan ang Tagbanua maari mubang
basahin Iniego?
Maraming salamat Iniego.
Ang mga Tagbanua ay nasa tabing dagat ng Palawan ang Tagbanua- ay nasa tabing dagat ng Palawan.
hanapbuhay ng mga tagbanua ay mangisngisda, magsasaka
at manghuhuli ng hayop sa gubat.

Sunod nating pag-aaralan ay pangkat etniko ng mga Ilongot.


Km, maari mubang basashin ang nakasulat.

Ilongot- ito ay matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at


Nueva Vizcaya. “Mula sa Gubat” ang ibigsabihin ng
Maraming salamat Km. Ilongot. Tinatawag din silang Ilongotes o ibilao.

Ang mga Ilongot ito ay matatagpuan sa kagubatan ng


Isabela at Nueva Vizcaya. “Mula sa Gubat” ang ibigsabihin
ng Ilongot. Tinatawag din silang Ilongotes o ibilao. Ang
mga Ilongot ay natutong gumamit ng pana dahil sa mga ita. Sa mga Ita po

Mga bata asan natutong gumamit ng pana ang mga ilongot?

Tama!mahusay mga bata ang mga ilongot ay natutong


gumamit ng pana sa tulong ng mga ita.
Rodge maari mubang basahin ang sunod.
Isneg- Kilala rin sila sa tawag na Apayao.

Apayao po titser.
Maraming Salamay Rodge.
Ang mga Isneg ay kilala sa tawag na Apayao karaniwang sa
matarik na dalisdid o sa mga mababang burol o malapit sa
ilog sila nag tatayo ng pamayanan. Ang mga isneg ay
gumagawa ng seremonya bago mag tanim.
Mga bata ano nga ang iba pang tawag sa mga isneg?

Mahusay mga bata apayao ang iba pang tawag sa Isneg.


Sunod ay ang ivatan. Iniego maari mubang basahin ang nasa
pisara.

Ivatan- ang tawag sa mga katutubo ng batanes


Maraming salamat Iniego.
Ang mga Ivatan ito ang katutubo ng mga batanes ang mga
bahay ng mga taga batanes ay mababa lamang dahil
madalas ang bagyo sa kanilang lugar, yari sa bato, kogon at
apog ang kanilang tirahan.

Mahusay kung ganun, Saan nga gawa ang bahay ng mga


Ivatan?
Yari po ito sa bato, kogon at apog.
Magaling mga bata at ang panghuling pangkat etniko nating
pag-aaralan ay ang Cuyunon ano naman ang coyunon.
Maari mubang basahin Km.

Cuyunon- nasa pulo ng Busuanga, Agutaya, at Cuyo sa


Maraming salamat Km. Silangang Palawan at timog-Kanlurang Panay.
Ang mga Cuyunon nasa pulo ng Busuanga, Agutaya, at
Cuyo sa Silangang Palawan at timog-Kanlurang Panay ang
nga coyunon ay kilala sa pagiging masipag at magaling sa
kalakalan.Pag kakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka.
Karamihan sa cuyunon ay kristiyano, ngunit sumasamba
sila sa kaluluwa ng mga yumao at naniniwala sa ritwal ng
babaylan.

Anong paraan ng pagsasaka ang kanilang ginagawa?


Pagkakaingin po.
Mahusay mga bata pagkakaingin ang paraan ng mga
cuyunon sa kanilang pagsasaka.
Naiintindihan naba ang ating aralin? Opo titser.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Mga bata kung inyong lubos na naitindihan ang ating
bagong kasanayan # 2 tinalakay ngayong hapon magkakaroon tayo ng gawain
Mayroon akong tatlong sobre dito pumili ng isang larawan
at ilarawang ito.
Unahin na natin si Km.

Ang mga Ita ay kilala bilang Negrito. Ayta o baluga.

Mahusay Km! Tama ang mga ita ay kilala din bilang


Negrito, ayta o baluga.
Mahusay Km! bigyan nga natin si Km ng tatlong palakpak. (Ang mga bata ay pumalakpak)

Iniego ano ang iyong napili?

Ang mga Ifugao ang gumawa ng Hagdan-hagdang


palayan.
(Ang mga bata ay pumalakpak)

Tumpak Iniego Ang mga ifugao ang gumawa ng hagdang-


hagdang palayan.
Bigyan natin si Iniego ng tatlong palakpak.

Ang mga tausog ay matapang at mahusay sa


Rodge anong larawan ang iyong napili. pakikidigma dahil kapag ikaw ay isang duwag ikaw ay
ikakahiya ng iyong pamilya.

(Ang mga bata ay pumalakpak)


Mahusay Rodge!bigyan natin si Rodge ng tatlong palakpak.

Magaling mga bata ako ay lubos na natutuwa dahil inyong


naunawan ang ating tinalakay bigyan ninyo ang inyong
sarili ng talong palakpak.
F. Paglilinang sa kabihasnan Mga bata kung inyo ng lubos na naintindihan ang ating
tinalakay magkakaroon tayo ng gawain.
Basahin ang panuto Rodge.

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot sa bawat bilang.


Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot sa bawat
bilang.
Ifugao Ita Ivatan

Isneg Tausog

1.Kilala rin sa tawag na Apayo ang mga______________.


2. _______ ang mga tawag sa katutubo ng batanes.
3.Ang _____ ay kilala rin bilang Negrito, Ayta o baluga.
4. Matapang at nahusay nakidigma ang mga ____________.
5. ___________sila ang gumawa ng hagdang-hagdang
palayan. Mga Sagot.
1. Isneg
2. Ivatan
3. Ita
4. Tausog
5. Ifugao
G. Pag-uugnay ng aralin sa pang araw-araw na buhay Mga bata bakit kailangan nating pag-aralan ang mga
pangkat etniko? Para po magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa
kanilang tradisyon.
Tama mahusay mga bata!para malaman natin ang kanilang
tradisyon.

Mga bata sa anong paaraan natin mapapahalagahan ang mga


manoryang pangkat-etniko?
Mapapahalagahan natin ang mga mayoryang pangkat-
etniko sa pamamagitan ng pagrespeto natin sa kanilang
tradisyon.
Mahusay! Mapapahalagahan natin ito sa pamamagitan ng
ng pag respeto natin sa kanilang tradisyon.

Mga bata bakit kailangan nating pag-aralan ang mga


pangkat-etniko? Upang kung sakaling tayo ay mapunta sa kanilang lugar
alam natin kung sa anong paraan natin sila
pakikitunguhan at alam natin ang kanilang mga
tradisyon
Tama magaling mga bata! upang kung sakaling tayo ay
mapunta sa kanilang lugar alam natin kung sa anong paraan
natin sila pakikitunguhan at alam natin ang kanilang mga
tradisyon.
H. Paglalahat Ng Aralin Mga bata naintindihan naba ang ating tinalakay ngayong
araw?
Opo teacher.
Kung inyo ng lubos na naunawaan ang ating aralin ano-ano
nga ulit ang mga minoryang pangkat-etniko.
Ita,
Ifugao,Meranaw,Tausog,Badjao,Tagbanua ,Ilongot,Isne
g,Ivatan, at Cuyunon
Mahusay mga bata! Ang mga minoryang pangkat-etniko ay
ang mga Ita,
Ifugao,Meranaw,Tausog,Badjao,Tagbanua ,Ilongot,Isneg,Iv
atan, at Cuyunon

Mga bata palagi nating tandaan na dapat mahalagang


igalang ang tradisyon ng ibang pangkat .
I. Pagtataya ng Aralin Mga bata kayo ba ay may mga katanungan pa tungkol sa
ting aralin?
Wala na po teacher.
Kung ganun may inihanda akong pagsusulit rito.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Sila ay naninirahan sa tabing dagat ng Palawan.


a) Badjao
b) Tagbanua
c) Ifugao
d) Cuyunon
2. Samal ang wikang kanilang ginagamit.
a) Ivatan
b) Isneg
c) Badjao
d) Ita
3. _______ ang ibigsabihin ng “ranao”
a) Lawa
b) Ilog
c) Dagat
d) Tubig
4. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka.
a) Cuyunon
b) Ifugao
c) Ilongot
d) Ivatan
5. ______ ang ibigsabihin ng Ilongot.
a) Mula sa gubat
b) Mula sa bahay
c) Mula sa paaralan
d) Mula sa ilog

Mga wastong sagot.


1b
2. c
3.a
4.a
5.a
J. Karagdagang gawain para saTakdang aralin at Panuto: Magdikit ng larawan sa inyong kwaderno ng taong
remediation kabilang sa pangkat-etniko at dayuhan o mestisong dayuhan
sa inyong lugar. Sumulat ng paglalarawan.
V. Mga Tala
VI. PAGNIN ILAY
1. Bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
2. Bilang ng Mag-aaral nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
3. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral
na nakaunawa sa arali.
4. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
5. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
6. Anong suliranin ang aking nararanasan na
nasulusyunan sa tulong ng punong guro at superbisor?
7. Ano ang kagamitang pangturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa kapwa ko guro.

Inihanda ni:

Cardejon Glendolyn S.

You might also like