Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

1

Paggamit ng Magagalang
na Salita sa Angkop na
Sitwasyon
Filipino 1
Ikalawang Kuwarter- Modyul 3

Kinuha sa www.google.com

ROWENA W. CIRIACO
Gumawa

Kagawaran ng Edukasyon • SDO-Ifugao

i
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Cordillera Administratibong Rehiyon
Dibisyon ng Ifugao - Ifugao

Inilathala ng:
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT SYSTEM

KARAPATANG-ARI, 2020

Nailaan sa Seksyong 9 Atas ng Pangulo Blg.49, s.1972:


“Walang karapatang-ari ang hahalili sa gawain ng pamahalaan ng Pilipinas.
Subalit bago ang pag-aproba ng opisina ng ahensiya ng pamahalaan, ang
gawain ay kailangang likhain para sa pakinabang na paggamit.”
Ang materyal na ito ay binuo para sa implimentasyon ng K-12 na
Kurikulum sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)-
Learning Resource Management System (LRMS). Ito ay maaaring maparami
para sa layuning edukasyonal at dapat kilalanin ang gumawa. Ang pinagmulan
ng gawain kasama ang panibagong bersyon, ang pagbabago o karagdagang
gawain na pinahintulutan ng may gawa ay kinilala at ang karapatang-ari ay
naiukol. Walang gawain mula sa materyal na ito para sa komersyal na layunin at
kita.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division


partikular sa Learning Resource Management System (LRMS), Kagawaran ng
Edukasyon, Paaralang Sangay ng Ifugao, tugon sa pagsasakatuparan ng K-12
na Kurikulum. Ang proyektong ito ay Learning Resource Material Dapat at Sapat
(LRMDS) Para Sa Bata na maaaring gawin ng bata sa pamamagitan ng offline
modes.
Layunin ng modyul na ito na maiangat ang kasanayan ng mga mag-aaral
sa ikatlong baitang sa asignaturang Filipino.

Petsa ng Paggawa : Hulyo 2020


Lokasyon : Mababang Paaralan ng Tulludan
Distrito ng Tinoc, SDO-Ifugao
Asignatura : Filipino
Antas :1
Uri ng Kagamitan : Modyul
Lengguahe : Filipino
Pag-aaral na Kompitency/Koda : Paggamit sa Magagalang na Salita sa
Angkop na Sitwasyon
: MELC, F1WG-IIa-1,
F1PS-IIj-5j-6.11, F1WG-IIIb-1

iii
PAGPAPASALAMAT

Ang may-akda ay taos-pusong nagpapapasalamat sa mga sumusunod na


nag-ambag para sa pagkabuo at tagumpay ng modyul na ito:
Marilou T. Yogyog, Education Program Supervisor (EPS) ng Filipino para
sa pangunguna sa pagtataya at pagsusuri ng modyul na ito upang ito ay maging
kalidad;
Marilyn T. Lupai, Public Schools District Supervisor sa kanyang pagtaya
at pagsusri sa modyul na ito;
Fabiola B. Guiniling, ang aming Punungguro at Esberta C. Bataclao,
namahala sa paggawa ng Modyul sa Filipino 1 sa pagbibigay nila ng mga
mahahalagan mungkahi at paglalaan ng sapat na oras sa pagwawasto alinsunod
sa nakasaad sa RM No. 91 s. 2020 sa pagbuo ng modyul na ito;
Higit sa lahat, sa ating Poong Maykapal na siyang palaging nagbibigay
ng lakas, karunungan at magandang kalusugan habang ginagawa ang modyul na
ito, lahat ng pagpupuri at dakilang karangalan ay nararapat lamang sa Kanya.

PANGKAT NG DIBISYONG LRMS

SHAILA S. TAKINAN NANCY GANO-NALUNE


Librarian II PDO II

JOVITA L. NAMINGIT
Edukasyong Tagamasid LRMS

Mga Kasangguni

MARCIANA M. AYDINAN PhD


Hepe ng Dibisyong Implimentasyon sa Kurikulum

GERALDINE B. GAWI EdD


OIC- Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

BENEDICTA B. GAMATERO
OIC-Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

iv
TALAAN NG NILALAMAN
Nilalaman Pahina

Karapatang-ari - - - - - - - - ii
Paunang Salita - - - - - - - - iii
Pagpapasalamat - - - - - - - - iv
Talaan ng Nilalaman - - - - - - - v
Pamagat na Pahina - - - - - - - - vi
Alamin- - - - - - - - - - 1
Pamantayan sa Pagkatuto
Subukin- - - - - - - - - - 4
Balikan- - - - - - - - - - 5
Tuklasin- - - - - - - - - - 6
Suriin - - - - - - - - - 7
Pagyamanin - - - - - - - - 9
Gawain 1 - - - - - - - - - 10
Tayahin 1 - - - - - - - - - 10
Gawain 2 - - - - - - - - - 11
Tayahin 2 - - - - - - - - - 12
Gawain 3 - - - - - - - - - 12
Tayahin 3 - - - - - - - - - 13
Isaisip- - - - - - - - - - 14
Isagawa- - - - - - - - - - 15
Tayahin- - - - - - - - - - 16
Karagdagang Gawain- - - - - - - - 17
Susi sa Pagwawasto sa Subukin - - - - - - 18
Susi sa Pagwawasto sa Ibabang Tayahin - - - - - 19
Sanggunian- - - - - - - - - - 20

v
1
Paggamit ng Magagalang
na Salita sa Angkop na
Sitwasyon
Filipino 1
Ikalawang Kuwarter-Modyul 3

Kinuha sa www.google.com

Rowena W. Ciriaco
Gumawa

Kagawaran ng Edukasyon • SDO-Ifuga

vi
ALAMIN

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain tungkol sa


paggamit ng magagalang na salita sa angkop na sitwasyon.

Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, maging mahinahon at mapag-unawa sa
paggabay ng mga mag-aaral sa modyul na ito. Magbigay ng
malinaw na panuto kung paano isasagawa ang mga gawain at
himukin ang mga mag-aaral na tapusin ang modyul. Huwag
kalimutang ipaalala sa mga mag-aaral na gumamit ng sagutang
papel sa mga gawain.

Para sa mga mag-aaral:


Laging panatilihing malinis at maayos ang modyul na ito.
Basahing maigi ang bawat pahina at sundin nang mabuti ang mga
panutong hinihingi sa bawat gawain. Sagutin ang lahat ng mga
tanong sa abot ng iyong makakaya nang buong katapatan. Isulat at
iwasto ang sagot sa sagotang papel. Kung may katanungan ka,
huwag mag-atubiling magtanong sa inyong tagapagdaloy.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan sa iyo
na magagamit mo ang magagalang na salita sa sinumang inyong
maka-usap o makahalubilo.

Ang talahanayang nasa ibaba ay makakatulong sa iyo para


maunawaan mo nang lubos ang mga bahagi ng modyul na kailangan
mong basahin at isagawa.

Aycon Tatak Detalye


Alamin Isinasaad sa bahaging ito ang nilalaman ng
modyul, mga panuto para sa mga guro at
mga mag-aaral. Nakasaad din ditto ang

1
mga layunin nakanilang maisagawa.
Subukin Ito ang paunang pagtataya para sa iyo
upang subukin ang iyong kaalaman sa
paksang tatalakayin.
Balikan Ipinahayag ditto ang nakaraang paksa na
inuugnay sa bagong paksa.
Tuklasin Ipinapakilala ang bagong paksa sa
pamamagitan ng isang gawain

Suriin Maikling talakayan sa paksa

Pagya- Mga gawaing isinasagawa upang Makita


manin kung maunawaan ang paksa.
Isaisip Isinasaad ditto ang buod ng napag-aralan.

Isagawa Ipinapakita sa bahaging ito ang


pagsasagawa o paglalapat sa buhay batay
sa napag-aralan.
Tayahin Ang pangwakas na gawain o pagataya
batay sa paksang napag-aralan.
Karagdaga Mga karagdagang gawain na matutulungan
ng Gawain ka upang madagdagan ang kaalaman
tungkol sa paksa.

2
SUBUKI
N

Anong mga magagalang na salita ang ginagamit mo?


Subukan mong sagutin ang mga aytem sa ibaba.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Isang umaga, nasalubong mo si Gng. Ummas. Alin ang tamang


pagbati ang sasabihin mo?
a. Magandang umaga po!
b. Kumusta po!
c. Magandang gabi po!

2. Isang gabi, dumating ang inyong Lola. Aling tamang pagbati


ang sasabihin mo?
a. Magandang umaga po!
b. Magandang hapon po!
c. Magandang gabi po!

3
3. Paano mo tanggapin ang inyong Lola pag dumating sa bahay
ninyo?
a. Matulog ka. b. Pasok ka. c. Tuloy po kayo.

4. Tinatanong ka ng Lolo mo. Anong baitang ka na?


Paano mo sasagutin?
a. Ewan ko. c. Unang baitang po.
b. Unang baitang.

5. “Nagaaral ka ba?” Tanong ng isang kuya. Paano mo


sasagutin?
a. Oo. b. Opo. c. Oo naman.

BALIKAN

Panuto: Tingnan ang larawan. Itanong lahat ang gusto mong


malaman tungkol sa larawang ito. (Isusulat ng tagapagdaloy
lahat ang tanong sa sagutang papel at bilangin ang tamang tanong na
nauugnay sa larawan.)

4
Ano ang kinakain ng gagamba?

www.google.com

TUKLASIN

Basahin ang pag-uusap sa ibaba. Tuklasin kung gumamit ng


magalang na pananalita ang bata sa pakikipag-usap. Anong mga
magagalang na salita ang ginamit niya?

5
Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

6
Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

7
SURIIN

Sino ang bata sa nabasa mong “comic strip”? Ano ang


masasabi mo sa kanya?
Napansin mo ba ang asul na sulat sa pag-uusap na nabasa
mo? Anong salita ang mga ito?
Paano nag-umpisa ang pag-uusap? Anong pagbati ang
ginawa ni Lola bety? Kung magandang umaga ang pagbati sa
umaga, ano naman sa tanghali, hapon, at sa gabi?
Paano pinakita ni Lara ang paggalang kay Lola Bety sa
kanilang pag-uusap?
Paano pinatuloy ni Lara ang bisita? Ano ang mga sinabi
niya?
Anong katangian ni Lara ang dapat mong tularan?

PAGYAMANIN

Gawain 1

8
Panuto: Ibigay ang dapat sasabihin na magalang na pagbati sa
bawat sitwasyon.(Papakinggan at iwawasto ng tagapagdaloy)

1. Isang umaga, nasalubong


mo ang dati mong guro.

Mula sa Landas sa Wika at Pagbasa 1 ni Lydia B. Liwanag, PhD

2. Isang gabi, dumating ang


inyong tiya sa bahay ninyo.

Mula sa Landas sa Wika at Pagbasa 1 ni Lydia B. Liwanag, PhD

3. Tanghali, pinuntahan mo
ang inyong ate sa kanilang
silid-aralan.

Mula sa Landas sa Wika at Pagbasa 1 ni Lydia B. Liwanag, PhD

4. Gabi ng dumating ang


inyong tatay mula sa
trabaho.
Mula sa Landas sa Wika at Pagbasa 1 ni Lydia B. Liwanag, PhD

5. Umaga nang pumasok ka sa


tanggapan ng inyong
punong guro.

Ang larawan ay nagmula sa www: at binago ng gumawa ng modyul na ito.

Tayahin 1
Panuto: Tingnan ang bawat komik istrip. Isulat ang ang angkop na
magalang na pagbati sa usapan.
A. Isang umaga

9
Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

B. Isang hapon

Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

C. Isang gabi

Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

Gawain 2

Panuto: Basahin at pag-aralan ang bawat komik istrip.” Punan


ng po, opo o hindi po ang patlang .

10
A.

B.

C.

Ang mga larawan ay kinuha sa Pagdiriwang Wikang Filipino 2 ni Patrocinio V. Villafuerte et al.

Tayahin 2
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Gumamit ng po, opo, o hindi
po.

1. Anong pangalan mo? __________________________


2. Kailan ka ipinanganak? _________________________
3. Ilang taon ka na? _______________________________
4. Nasa unang baitang ka ba? ___________________
5. Pangarap mo bang maging guro? ________________
__________________________________________________.

Gawain 3

Panuto: Piliin sa kahon at isulat ang titik ng magalang na salita


na angkop na gagamitin sa bawat sitwasyon.

11
a. Salamat po. e. Tuloy po kayo.

b. Pahiram po. f. Walang anuman.

c. Maari po ba? g. Makikiraan po.

d. Paumanhin po.

1. Pagdaan sa pagitan ng tao g


2. Kung magpapasalamat
3. Igagati sa nagpapasalamat
4. Kung manghihiram
5. Kung manghihingi ng pahintulot
6. Pagtanggap ng panauhin
7. Kung manghingi ng paumanhin

Tayahin 3

Panuto: Pag-aralang mabuti ang diyalogo. Punan ang patlang


ng angkop na magalang na salita.

1. Mel: Nanay, __________ ___ _____ pupunta kami ni


ate kina Tiya Helen?
Nanay: Oo, pero huwag kayong magtatagal doon.

12
2. Guro: Tao po.
Joy: Magandang Umaga po, Ginang Santos. Kayo po
pala._______ ___ _____.

3. Dan: Naiwan pala ang lapis ko sa bahay. __________ ng


lapis mo, Mara.

4. Kuya: Kara, kinuha mo ba ang aklat na sinabi ko?


Kara: __________ ____, Kuya. Nakalimutan ko.

5. Aling Helen: Maraming salamat, Sasa. Natulungan mo


akong buhatin ang mga bagahe ko.
Sasa: _______ ____ _______ , Aling Helen.

ISAISIP

Ang paggamit ng magagalang na salita ay isang napakahalaga


sa pang araw-araw na buhay. Sinuman ay dapat magalang at
igalang.
A. Mga ginagamit na magagalang na salita sa pagbati, tulad ng:
a. Magandang umaga po.
b. Magandang tanghali po.
c. Magandang hapon o gabi po.
B. Gumamit ng “po”, “opo” o “hindo po” sa pakikipag-usap sa
nakatatanda o sa may tungkuling tao.
C. Mga magagalang na salita sa iba pang sitwasyon.

13
1. Paghingi ng pahintulot, manghiram o magpa-alam.
 Maari po ba?
 Maari po bang humiram/Pahiram po.
 Aalis na po ako.
2. Paghingi ng paumanhin, magpasalamat at pagsagot sa
pasasalamat.
 Paumanhin po/pansensya po
 Salamat po/Maraming salamat.
 Walang anuman.
3. Pagdaan sa pagitan ng tao.
 Makikiraan po.
4. Pagtanggap ng panauhin.
 Tuloy po kayo.
 Maupo po kayo.

ISAGAWA

Panuto: Pag-aralan ang mga komik strip.


Gumamit ng magagalang na salita sa pagtugon sa mga
patlang.

A.

B.

14
C.

D.

TAYAHIN

Panuto: Piliin at isulat ang titik nang tamang magalang na


salita na gagamitin sa bawat sitwasyon.

1. Isang umaga, nasalubong mo si Ginoong Mangibin. Paano mo


siya babatiin?
a. Magandang umaga sa iyo.
b. Magandang umaga po.
c. Magandang umaga.
2. Tinatanong ng tiya mo kung anong baiting ka na, Paano mo
sasagutin?
a. Nasa unang baitang ako.
b. Nasa unang baitang po ako.
c. Nasa unang baitang, syempre.
3. Manghihiram ka ng lapis sa kamag-aral mo.
a. Hiramin ko ang lapis mo.
b. Maaring humiram ng lapis mo?
c. Pakibigay ang isang lapis mo.
15
4. Nag-uusap ang guwardya at isang babae sa daraanan mo, ano
ang sasabihin mo?
a. Alis muna diyan.
b. Huwag kayong magharang sa daan.
c. Makikiraan po.
5. Nagpapasalamat ang kaibigan mo dahil tinulungan mo, anong
sasabihin.
a. Tulungan mo rin ako.
b. Walang anuman.
c. Walang sasabihin.

KARAGDAGANG GAWAIN

Isulat nang wasto ang magalang na pananalitang angkop sa


sitwasyon:
1. Isang hapon, Pumunta si Tesa sa bahay ng kanyang kaibigan.
Nadatnan niya ang nanay ng kaibigan. Ano pagbati ang
sasabihin?
2. Nasalubong ni Jolo ang kanilang guro, si Ginang Mangibin isang
umaga. Ano ang tamang pagbati na sasabihin ni Jolo?
3. Tinatanong ng punong-guro kung anong baitang ka. Paano mo
sasagutin?
4. Papasok ka sa loob ng silid-aralan. Nakita mong nag-uusap ang
inyong principal at ang inyong guro sa harap ng pintuan. Ano
ang inyong sasabihin?
5. Handa ka na sa pagpasok sa paaralan. Ano ang sasabihin mo sa
mga magulang mo bago ka umalis?

16
SUSI NG PAGWAWASTO SA SUBUKIN

1. a
2. c
3. c
4. c
5. b

17
SUSI NG PAGWAWASTO SA IBANG
TAYAHIN

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. Magandang umaga po A. po 1. g 5. c
2. Magandang gabi po B. po 2. a 6. e
3. Magandang tanghali po C. Opo 3. f 7. d
4. Magandang gabi po po 4. b
5. Magandang umaga po Hindi po

Tayahin 1 Tayahi 2 Tayahin


A. Magandang umaga po (Iwawasto ng tagapagdaloy) 1. Maari po ba
Magandang umaga Ang sagot ay dapat ginamitan 2. Tuloy po kayo
B. Magandang hapon po ng po, opo o hindi po. 3. Pahiram
Magandang hapon 4. Paumanhin po
C. Magandang gabi po 5. Wala pong anuman

Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain


A. Magandang gabi po 1. b 1. Magandang hapon po.
B. Makikiraan po. 2. b 2. Magandang umaga po
C. Maari po ba 3. b 3. Nasa unang baiting po ako.
D. Maraming salamat 4. c 4. Makikiraan po
Walang anuman 5. b 5. Aalis na po ako.

18
SANGGUNIAN

Liwanag B. L. PhD, Landas sa Wika at Pagbasa 1, 2011, Quezon


City 1128, Philippines: EduResources Publishing Inc. pp.9-12

MELC, p.196

Villafuerte V. P. et al., Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2, 2003,


Parañaque, M.M, Philippines: Brown Madonna Press,
Inc.pp.70-74

19
Para sa mga katanungan tungkol sa modyul na ito, maaring
sumulat sa Kagawaran ng Edukasyon, SDO- Ifugao
o mag-email sa www.depedcarifugao

20
Kapag nakuha mong lahat ang sagot sa subukin,
huwag mo nang ituloy ang modyul na ito. Tingnan ang
tamang sagot sa SUSI NG PAGWASWASTO SA
SUBUKIN sa pahina 18.

21

You might also like