Anyong Tubig at Lupa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANYONG TUBIG

KARAGATAN
Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi
ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng
kalawakan ng tubig o hidrospera.Tinatayang
nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig ang
natatakpan ng karagatan.

DAGAT
Ang dagat ay isang malaking lawas ng tubig-
alat na nakadugtong sa    isang karagatan, o
ng isang malaking lawang-alat na walang
likas na lagusan.

LAWA
Ang lawa ay isang anyong tubig na
pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga
lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat
ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero.
Tinatawag namang mga panloob na dagat ang
mga malalaking lawa.

LOOK
Ang look ay isang baiya na maaaring gamitin
bilang kanlungan ng sasakyang
pandagat,katulad ng mga bapor, partikular na
kung may malalakas na mga bagyo. Ito ang
tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang
tawag sa malalaking look.
TALON
Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang
mataas hanggang sa    mababang bahagi ng isang
pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang
tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga
batuhan patungo sa mas mabubuwag o
mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.

BATIS
Ang batis ay isang anyong tubig na may patuloy na
agos sa pinanggagalingan nito. Mayroon itong tubig
sa ibabaw na dumadaloy sa  ilalim nito at sa mga
pampang ng isang kanal. Karaniwan nang malinis at
malamig ang tubig sa batis na madalas
matatagpuan sa gitna ng mga kakahuyan sa gubat.
BUROL

Ito ay ang burol na parang maliliit na bundok


ngunit higit na mas mahaba ito at pabilog.
Kadalasan, ang burol ay kulay luntian tuwing
tag-ulan at kulay tsokolate tuwing tag-araw.
Ang isa sa pinakatanyag na burol ay
ang Chocolate Hills sa Bohol.

LAMBAK

Ang Lambak ay isang patag na lupa na nasa


gitna ng mga bundok. Katulad ng kapatagan,
mainam rin itong taniman ng mga mais,
gulay, at iba pang pananim dahil mabilis itong
linangin.
ANYONG LUPA

KAPATAGAN

Maraming kapatagan sa Pilipinas lalong-lalo


na sa Luzon. Ito ang uri ng lupa na walang
pagtaas at pagbaba. Patag ang lupain na ito
at malawak. Mainam itong tamnan ng iba’t
ibang pananim katulad ng gulay dahil madali
itong linangin.

BUNDOK

Ang isa pang kilala na anyong lupa ay ang


bundok. Maraming bundok sa iba’t ibang dako
ng mundo. Ito ay makikilala dahil sa mataas
na pagtaas ng lupa.

BULUBUNDUKIN

Ang bulubundukin ay binubuo ng maraming


magkakahanay na bundok o pagtaas ng lupa
ng daigdig. Mas matataas at matatarik ito
kaysa sa bundok.

BULKAN

Ang bulkan ay isa ring uri ng bundok. Subalit,


malaki ang ipinagkakaiba nila dahil ang bulkan
ay maaring maglabas ng “lava” o mga tunaw na
bato. May mga bulkan na aktibo at mayroon din
namang hindi aktibo.

You might also like