Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management

KAHALAGAHAN NG ASIGNATURANG FILIPINO SA MGA MAG-AARAL NG PAM-


PUBLIKONG ADMINISTRASYON SA KABILA NG PAGGAMIT NG INGLES BILANG
MIDYUM NG PAGKATUTO

2022-2023

Isang Sulating Pananaliksik

Na iniharap kay Bb. Danneca P. Gupit

ng Batangas State University

Main I, Batangas City

Bilang Bahagi ng Pagtupad

sa Pangangailangan ng Kursong

Filipino sa Iba't-Ibang Larangan

Ipinasa nina:

Aguila, Ram Geoffrey C.


Arban, Heart Angel M.
Cepeda, Ashantie Ivan T.
Dapat, Andreia Melize G.
Encarnacion, Kenneth E.
Espinosa, Hannah Joanna B.
Reyes, Justine G.
Rodriguez, Jersey B.
Ona, Lorie Shane G.

Leading Innovations, Transforming Lives


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

INTRODUKSYON

Sa kabanatang ito, nakalakip ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na may

kaugnay sa pananaliksik, ito ay tumutulong upang mas maunawaan at mapaunlad ang

balangkas ng aralin. Ibabahagi ang mga nakalap na literaturang konseptwal at

literaturang pananaliksik na may katuturan sa Kahalagahan ng Wikang Filipino sa mga

mag-aaral ng pam-publikong administrasyon. Matutuklasan ang mga impormasyon at

datos na napag-aralan upang magbigay suporta sa paksang sasaliksikin. Dumaan ito

sa pagsusuri ng mananaliksik, na kaugnay sa literatura at pag aaral na nakapaloob dito

at sinisigurado na angkop ang mga ito sa pananaliksik.

LITERATURANG PANANALIKSIK

Tinatalakay sa bahaging ito ang literaturang pananaliksik na may kaugnayan sa

pag-aaral na binasa at sinuri sa iba’t ibang silid-aklatan na makakatulong sa paksang

pag-aaralan ng mga mananaliksik.

Ang programang Bachelor in Public Administration ay isang akademikong

disiplina sa ilalim ng agham panlipunan. Bilang isang akademikong disiplina nakapaloob

at napag-aaralan dito ang pagpapatupad ng iba’t ibang patakaran ng pamahalaan na

umiiral sa isang bansa. Ito din ay ang pag-aaral ng paggawa ng desisyon ng

pamahalaan, pagsuri ng mga patakaran, ang iba't ibang mga bagay na gumawa sa

kanila, at ang mga bagay na kailangan upang makabuo ng alternatibong patakaran.

Saklaw ng pampublikong administrasyon ang iba't ibang sangay ng pamahalaan ang

ehekutibo, pambatasan at panghukuman, at ang kanilang mga relasyon.

Ayon kay Dr. Antonio Contreras ng DLSU sa aklat ni Mortera (2019), mas mabilis

matuto angmga mag-aaral kung Filipino ang ginagamit na midyum sa pagtuturo dahil

Leading Innovations, Transforming Lives


naiitindihan nila ang lenggwahe. Para naman kay Marvin Lai, tagapangulo ng

Department of Filipinology sa Polytechnic University of the Philippines, ang

pagtatanggal sa Filipino bilang asignatura sa kolehiyo ay katulad ng pagtatanggal sa

identidad ng mamamayang Pilipino.

Inilahad ni Tasic sa aklat ni Mortera (2019) na isinulong ni dating Pangulong

Manuel L. Quezon noong 1940 ang Executive Order No. 263 n nag-uutos sa lahatng

pribado at pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang

pambansa. Ito ang tinatawag na asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol sa

tamang paggamit ng wika at mga literaturang itinuturing na kayamanan ng mga Pilipino.

Para naman kay Tipones, ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag-iisip ng

mga kabataang Pilipino dahil ang dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang

edukasyon sa kultura, tradisyon, kasaysayan, at lalo na sa wika ng Pilipinas. Ang pag-

aaral ng Filipino ay pag-aaral rin ng pagiging Pilipino.

Naniniwala si Dr. Bienvenido Lumbera, na ang wikang Filipino ay hindi lamang

isang simbolo ng ating pagiging bansa at dahil sa wika natin nakatuon ang asignaturang

Filipino, ito na rin ang pagkilala natin na nabibilang tayo sa iisang nasyon at ito ang

ating pangangailangan upang mahubog ang bawat isa tungo sa iisang sistema ng

edukasyon.

Mapagtutuunan ng maraming oras ang mga asignaturang kailangan ng mga

mag-aaral ayon sa nais na propesyon at mas lalawak ang kanilang kaalaman patungkol

sa kanilang larangan. Isinaad ni Tabora sa aklat ni Mortera (2019), na ang General

Education ay hindi lamang tungkol sa edukasyon ngunit ukol din sa buhay na mayroon

ngayon. Makatutulong ito sa pagbibigay liwanag sa mga mag-aaral upang maging mga

propesyonal at mga lider balang-araw.

Repleksyon ng mga Pilipino ang wika kaya hindi ito dapat balewalain bagkus ay

mas pahalagahan ito dahi ito aymagiging susi natinsa matibay at malinaw na

komunikasyon sa bawat isa. Ang komunikasyonna daan sa tagumpay ng bawat Pilipino

(Mortera, 2019).

Leading Innovations, Transforming Lives


LITERATURANG KONSEPTUWAL

Tinatalakay sa bahaging ito ang literaturang konseptwal na may kaugnayan sa

pag-aaral na binabasa at sinuri sa iba’t ibang silid-aralan na makakatulong sa pagbuo

ng pananaliksik.

Ito ay may layuning mapakawak ang konseptong may kaugnay sa pagkabatid

upang maipalaganap ang asignaturang Filipino sa suliraning hinaharap ng mga gurong

nagtuturo ng Filipino sa ilalim ng pampublikong administrasyon.

Ang Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas na siyang nagsilbing

pundasyon ng kultura nito. Napakalaki ng bahaging ginagampanan into sa buhay ng

isang tao lalo na sa mga mag aaral. Isa sa mga asignatura sa kasalukuyan ang

kabilang sa bawat programa sa pag aaral na inilatag ng DepEd ay ang asignaturang

Filipino.

Hindi lang basta basta nakapokus ang asignaturang ito sa pagtalakay ng teorya,

balarila o kaya’y mga panitikan sapagkat ito ay nagiging daan ng mga estudyante sa

pagpapalawak ng kanilang intelektwalisasyon.

Ayon kay Salcedo (2019), Ito ang siyang naging daan upang tayo ay

magkaunawaan at mag kaintindihan. Dahil dito naipapahiwatig angating damdamin at

kaisipan sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat at pagbasa. Ngunit sa paglipas ng

panahon, ang pag-usbong ng Wikang Ingles ay naging usap- usapan lalo na sa

larangan ng pagtuturo. Ganito ang paliwanag ni Castro (2015), ang Wikang Ingles ang

pangunahinglenggwahe na ginagamit sa pagtuturo sa Kolehiyo lalo na sa mga kursong

ginagamitanng Agham at Matematika.

Ang pag gamit ng wikang pambansa ay talagang kakikitaan ng malaking

benipisyo. Dahil dito ay mas madaling mauunawaan ng mga mag aaral ang mga

tinuturo ng guro.

Leading Innovations, Transforming Lives


KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Nakatuon ang pag-aaral sa kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ng pam-

publikong administrasyon. Gumamit ang mga mananaliksik ng conceptual paradigm na

angkop sa mga baryabol na ginamit.

Input-Process-Output ang ginamit ng mananaliksik sa paglalahad ng mga variable ng

pag-aaral upang makamit ang resultang ninanais. Ang input ay naglalaman ng mga

paraan upang mapahalagahan ang kontribusyon ng Asignaturang Filipino, ang

gampanin ng Asignaturang Filipino sa pag-kamit ng kaalaman at karapatan na maging

wikang opisyal ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagkatuto sa kursong

Pam-publikong administrasyon. Ang proseso ay tumutukoy sa pangangalap ng datos na

ginamit sa pananaliksik. Isang sarbey na talatanungan ang ginamit ng mga

mananaliksik sa pangongolekta ng mga datos. Ang magiging resulta ay ang mga plano

upang malaman ang kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng pam-

publikong administrasyon. At sa huli ang mga mananaliksik ay bubuo ng mga

rekomendasyon at implikasyon upang makamit ang layunin ng pag-aaral.

Leading Innovations, Transforming Lives


INPUT PROCESS OUTPUT

1 Mahalagang
kontribusyon ng
Asignaturang
Filipino sa mga
mag-aaral ng Pam-
Publikong
Administrasyon
2 Gampanin ng
Asignaturang
Filipino sa pag-
kamit ng kaalaman Mga planong
sa mga aralin ng ipapatupad para
programang Pam- mapakita ang
Publikong kahalagahan ng
Administrasyon Asignaturang
3 Nararapat na Filipino sa mga
bang maging mag-aaral ng
opisyal ang
Pam-publikong
paggamit ng
wikang Ingles SARBEY administrasyon
bilang midyum ng  Librong Filipino
pagkatuto ng mga  Poster
mag-aaral ng Pam-  Infographics
publikong
Administrasyon
para mabigyan ng
pagpapahalaga
ang Asignaturang

Pigura 1
Konseptuwal na Paradigma ng Pag-aaral

Leading Innovations, Transforming Lives


SINTESIS

Ang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalahad ng pinaka-buod ng mga

panayam at opinyon ng mga kilalang manunulat at mga pahayagan mula sa mga

pribadong organisasyon. Malaking bahagi kontekto’t nilalaman nito ay hango sa

kabuoang impormasyon na nakatala sa Kabanata II ng pananaliksik na ito.

Ayon kay Dr. Antonio Contreras ng DLSU sa aklat ni Mortera (2019), mas mabilis

matuto angmga mag-aaral kung Filipino ang ginagamit na midyum sa pagtuturo dahil

naiitindihan nila ang lenggwahe. Para naman kay Marvin Lai, tagapangulo ng

Department of Filipinology sa Polytechnic University of the Philippines, ang

pagtatanggal sa Filipino bilang asignatura sa kolehiyo ay katulad ng pagtatanggal sa

identidad ng mamamayang Pilipino.

Inilahad ni Tasic sa aklat ni Mortera (2019) na isinulong ni dating Pangulong

Manuel L. Quezon noong 1940 ang Executive Order No. 263 n nag-uutos sa lahatng

pribado at pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang

pambansa. Ito ang tinatawag na asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol sa

tamang paggamit ng wika at mga literaturang itinuturing na kayamanan ng mga Pilipino.

Ang Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas na siyang nagsilbing

pundasyon ng kultura nito. Napakalaki ng bahaging ginagampanan into sa buhay ng

isang tao lalo na sa mga mag aaral. Isa sa mga asignatura sa kasalukuyan ang

kabilang sa bawat programa sa pag aaral na inilatag ng DepEd ay ang asignaturang

Filipino.

Ayon kay Salcedo (2019), Ito ang siyang naging daan upang tayo ay

magkaunawaan at mag kaintindihan. Dahil dito naipapahiwatig angating damdamin at

kaisipan sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat at pagbasa. Ngunit sa paglipas ng

panahon, ang pag-usbong ng Wikang Ingles ay naging usap- usapan lalo na sa

larangan ng pagtuturo. Ganito ang paliwanag ni Castro (2015), ang Wikang Ingles ang

pangunahinglenggwahe na ginagamit sa pagtuturo sa Kolehiyo lalo na sa mga kursong

ginagamitanng Agham at Matematika.

Leading Innovations, Transforming Lives


Nakatuon ang pag-aaral sa kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ng pam-

publikong administrasyon. Gumamit ang mga mananaliksik ng conceptual paradigm na

angkop sa mga baryabol na ginamit.

Input-Process-Output ang ginamit ng mananaliksik sa paglalahad ng mga

variable ng pag-aaral upang makamit ang resultang ninanais. Ang input ay naglalaman

ng mga paraan upang mapahalagahan ang kontribusyon ng Asignaturang Filipino, ang

gampanin ng Asignaturang Filipino sa pag-kamit ng kaalaman at karapatan na maging

wikang opisyal ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagkatuto sa kursong

Pam-publikong administrasyon.

Ang kaangkupang taglay ng asignaturang Filipino sa tuwirang paglinang ng mga

mag-aaral ng Pam-publikong administrasyon ang nag-silbing gabay sa mga

mananaliksik sa pagbuo ng sintesis ito, kaakibat ang mga opinyon at pahayag mula sa

mga kilalang dalubhasa pagdating sa komentaryo.

DEPINISYON NGTERMINOLOHIYA

Ang mga terminolohiyang nakapaloob sa pananaliksik na ito ay masusing

nilapatan ng kahulugan ng mga mananaliksik upang maging gabay sa tuwirang pagka-

unawa ng mga mambabasa. Naging responsible rin ang mga mananaliksik sa pag-

sangguni sa mga pinagkakatiwalaang websayt nang sa gayo’y maging makatotohan

ang paglalahad ng depinisyon.

INPUT-PROCESS-OUTPUT: Ang input-process-output (I-P-O) ay isang nakabalangkas

na modelo sa pananaliksik sa pagkuha at pag-visualize ng lahat ng input, output, at

mga hakbang na kinakailangan upang gawing output ang mga input. Madalas itong

tinutukoy, salitan, bilang isang I-P-O na modelo o isang I-P-O dayagram.

WIKANG FILIPINO: Ayon kay Dr. George Francisco, ang wikang Filipino ang

pambansang wika ng Pilipinas. Ibig sabihin, ito ang inaasahang wikang magbubuklod

sa pagkakaisa ng mga Pilipino.

Leading Innovations, Transforming Lives


INTELEKTWALISASYON: Ang intelektwalisasyon ay ang pagpapaunlad ng isang wika

sa isang antas na maaaring magamit para maka kuha ng impormasyon. Bukod dito,

ito’y naglalayon na magamit ang hindi pa intelektwalisadong wika sa pagtuturo at

komunikasyon.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS: Ito ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik

hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng

pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang presentasyon ng

paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos.

BALARILA: Ang balarila ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng

mga sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita

(morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging

makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o

kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga

salita. Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong

paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay

at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan,

palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa

mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga

kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.

FILIPINOLOGY: Ang filipinology o pilipinolohiya ay isang masistematikong pag-aaral:

una, Pilipinong kasipian at, ikalawa, Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan. Ang layunin

niyo ay palabasin ang pagka-Pilipino ng bawat larangan na meron ang kultura ng

Pilipinas.

WIKANG INGLES: Ang wikang Ingles ang pangunahing wika ng ilang bansa (kabilang

ang Australia, Canada, New Zealand, United Kingdom, at Estados Unidos) at

pangalawang wika sa maraming bansa (kabilang ang India, Singapore, at Pilipinas).

Leading Innovations, Transforming Lives


REFERENCES:

https://www.studocu.com/ph/document/sto-nino-catholic-schopl/bs-accountancy/fil-

modules-first-sem/23269813

https://www.isixsigma.com/dictionary/input-process-output-i-p-o/

https://www.coursehero.com/file/phtvbra/

https://newspapers.ph/2021/11/ano-ang-intelektwalisasyon

https://www.coursehero.com/file/p4r8rac/Ang-konseptwal-na-balangkas-

https://tagisanngtalino.weebly.com/balarila.html

https://rexjlt.wordpress.com/2011/07/25/pilipinolohiya/

https://tl.eferrit.com/kumuha-ng-pampanitikan

Leading Innovations, Transforming Lives

You might also like