Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Juan III S.

Morilla
11- Lily

Base sa aking napanood, umpisa pa lamang ay maiisip na ng kahit sinong manonood kung anong
kasaysayan sa mundo ng politika ng Pilipinas ang nais ipakita rito. Ang palabas na ito ay
sumasalamin sa mga Marcos na kung saan ay kalakip na nila ang mga salitang batas militar o
‘martial law’, ‘diktador’, ‘magnanakaw’. Ilan lamang yan sa mga salitang ibinabato sa kanilang
ppamilya lalong lalo na ang may mga galit sa kanila. Makikita sa palabas kung anong klaseng
gobyerno ang mayroon sa panahon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr. Para sa akin, sa totoo
lang ay napahanga ako sa umpisa kung paano naiahon ni Marcos ang Pilipinas na ang sa totoo ay sa
mga panahon na iyon ay katatapos lamang ng ng World War II nang siya ang namuno. Nagsimula
nga sa halos wala lahat ang Pilipinas, ika nga ni Imelda. Napag-alaman ko rin na halos karamihan
sa mga unang ospital ay sa ilalim ni Marcos tulad na lamang ng Philippine Heart Center at marami
pang iba, hanggang sa mga iba’t ibang mga tulay. Hanggang sa sumapit ang taong 1972, at
sumailalim na sa batas militar ang ating bansa. Base sa aking nalalaman ay, kinailangan magdeklara
ni Marcos ng martial law dahil sa banta ng mga terorista lalo na sa Mindanao, ngunit ang
gobyernong pala ito ay magdudulot ng lagim sa nakararami. Aking napanood sa palabas ang
pagsasalita ng ilan sa mga aktibista noon na sinasabing naging biktima raw ng kalupitan noong
martial law na hanggang sa kasalukuyan ay nagdulot ng galit at poot sa nakararami.

Pagdating naman kay Imelda Marcos, para sa akin ay malaki ang naitulong niya sa Pilipinas noong
panahon na iyon na nadala hanggang kasalukuyan. Masasabi ko na, nagawa niya ang tungkulin niya
bilang ‘first lady’ base na lamang sa mga bidyo na ipinakita. Para sa akin, ang isa sa
pinakamagandang ambag niya ay ang pagpe-preserba ng ating kultura. Makikita na sa panahon rin
nila nagsimula ang pagtatayo ng ‘Cultural Center of the Philippines’ atbp. Lubos din akong
nagagalak sapagkat makikita sa dokumentaryo na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin
nagbabago ang estilo ni Imelda sa pananamit. Napansin ko na lagi siyang nakasuot ng “filipiniana”.
Napansin ko rin sa halos lahat ng mga bidyo at panayam sa kanya kahit noong panahon niya bilang
‘first lady’ ay buong puso niyang ipinagmamalaki ang kasuotan na iyon kahit sa pagpunta niya sa
iba’t ibang bansa noon.

Sa pangkalahatan, halo halong emosyon ang aking naramdaman sa aking napanood. Ngunit,
masasabi ko na ang kagandahan sa dokumentaryong ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga
manonood na tulad ko, na marinig ang lahat ng panig, mula sa mga Marcos, hanggang sa mga
Aquino at maging sa mismong aktibista noon na sinasabing biktima ng martial law. Ang masasabi
ko langay, sa totoo lang, hindi ko isinasantabi at binabalewala ang mga magagandang nagawa ni
Marcos noong panahon niya, ngunit hindi rin dapat natin kalimutan ang lagim na naidulot ng batas
militar noon sa nakararami.

You might also like