Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Granja-Kalinawan National High School

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 10


1st QUARTER
WEEK 1
PANGALAN:________________________________________YR.@SEC._____________________PETSA:_______________

SUSING PAGKATUTO:
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU
Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari,ideya,opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang
panahon. Mula sa mga isyung pangkapaligiran,edukasyon, at kalusugan,ang kontemporaryong isyu ay makikita sa iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay.Ito ay
sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao.
Ang kontemporaryong isyu ay mga isyu ng kasalukuyang panahon.Karamihan sa mga ito ay mga isyu na hindi naranasan ng mga ninuno natin sa mga nakaraang
panahon at sa kasalukuyan lamang naging malaking usapin ang mga ito.Ilan sa mga halimbawa nito ay ang climate change, globalisasyon at mabilis na pag-usad ng
teknolohiya.Kasama rin sa kontemporaryong isyu ang mga perenyal na problema sa lipunan. Ito ay mga isyu na mula noon at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa
nabibigyan ng karampatang solusyon at nanatiling bahagi ng mga usapin ng modernong lipunan. Ang ilan sa mga halimabawa nito ay
angkahirapan,kurapsyon,diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao.
SAKLAW NG KONTEMPORARYONG ISYU:
1. Kontemporaryong isyung panlipunan (hal.halalan, terorismo, at rasismo)
2. Kontemporaryong isyung pangkalusugan (hal. Sobrang katabaan,malnutrisyon,kanser,covid-19,etc.)
3. Kontemporaryong isyung pangkapaligiran(hal.polusyon sa tubig,hangin,at iba pa,climate change,disaster.etc.)
4. Kontemporaryong isyung pangkalakalan (globalisasyon, outsourcing,technological divide,etc.)
Saan ka maaaring makasipi ng mga siyu? Maaari kang makasipi ng mga isyu mula sa PRINT MEDIA ( diyaryo,magazine at komiks),VISUAL MEDIA
(documentaries, balita, pelikula,drama sa TV) at ONLINE MEDIA (online blogs,websites,facebook).
Ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay nakakatulong at nagbubuklod ng mga tao upang pag-usapan at unawain ang mga suliranin na kinakaharap ng
lipunan at bigyan ng solusyon ang mga problema na ito na nakaapekto sa lahat ng miyembro ng pamayanan.Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga
kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay makatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.

Kasanayang Pagkatuto: Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu.


FORMATIVE ASSESSMENT:
PANUTO: Isulat ang T kung tama ang pahayag tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu, M naman kung mali.
1.Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari,ideya,opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
2.Ang kontemporaryong isyu ay mga isyu ng nakaraang panahon.
3.Kasama sa kontemporaryong isyu ang mga perenyal na problema sa lipunan.
4.Ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay nakakatulong at nagbubuklod ng mga tao upang pag-usapan at unawain ang mga suliranin na kinakaharap ng lipunan
at bigyan ng solusyon ang mga problema na ito na nakaapekto sa lahat ng miyembro ng pamayanan.
5.Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay hindi makatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.

FORMATIVE ASSESSMENT:

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na mga larawan at tukuyin kung anong saklaw ng kontemporaryong isyu ito nabibilang. Isulat ang numerong 1 kung ito ay
kontemporaryong isyung panlipunan,2 kung ito ay kontemporaryong isyung pangkalusugan,3 kung kontemporaryong isyung pangkapaligiran at 4 kung ito ay saklaw
ng kontemporaryong isyung pangkalakalan.

1 2 3 4 5
. . . . .

7 8 9 10
6
. . . 00
.

PERFORMANCE TASK:

PANUTO: Kumuha ng 3 kontemporaryong isyu mula sa iba’t ibang uri ng media at gumawa ng sariling reaksiyon tungkol dito. 15pts.

VISUAL MEDIA PRINT MEDIA ONLINE MEDIA

ANSWER KEY:
1.T
2.M
3.T
4.T
5.M

PREPARED BY: CEFERINA GRACE A. TADO


AP TEACHER

QUALITY ASSURANCE/ CHECKED BY: JOEL C. ROCABO,MT-II


AP DEPARTMENT HEAD

Granja-Kalinawan National High School


GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 10
1st QUARTER
WEEK 2
PANGALAN:__________________________________________YR.@SEC._____________________PETSA:_____________________

SUSING PAGKATUTO:
Ang mga Suliranin at HamongPangkapaligiran
Ang pagkilos para sa pangangalaga ng kapaligiran ay nagsisimula sa pag-unawa sa mga sanhi at bunga ng suliranin at hamong nararanasan
natin sa kasalukuyan. Sa katunayan, humigit kumulang sa 65 milyong Pilipino ang umaasa sa likas na yaman para mabuhay. Ilan sa mga pangunahing hanapbuhay
nila ay ang pagsasaka at pangingisda na bumubuo sa halos 20% ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas noong 2014. Kasama din dito ang 1.4% mula sa
yamang-gubat, at 2.1% mula sa pagmimina. Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang turismo ay nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino. Makikita sa mga nabanggit na situwasiyon ang kahalagahan ng likas na yaman at kalikasan sa ating pamumuhay. Ngunit, sa kabila nito ay tila hindi
nabibigyang-halaga ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at hamong kinahaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso at
pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Ang kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalaakas na bagyo, pagguho ng
lupa, at malawakang pagbaha.Ilan sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa Pilipinas ay ang sumusunod:
Suliranin sa Solid Waste
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga
basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013),
ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila
kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na
mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste
Management Status Report,2015).
Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng electronic waste o e-waste tulad ngcomputer, cellphone, at tv. Ang mga
ginagawang pamamaraan tulad ng pagsunog upang makuha ang tanso, at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga
delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at maging ng tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011).
Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang magkaroon ng legal na
batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000). Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng
mga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite.
Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod:
 Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.
 Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life
Philippines(Kimpo, 2008).
 Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River
Rehabilitation Project.
 Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan
KASANAYANG PAGKATUTO: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas.

FORMATIVE ASSESSMENT:
PANUTO: Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Iguhit ang ‘’heart shape” kung tama ang pahayag, “star shape’’naman kung hindi.
1.Ayon sa pag-aaral,sa Maynila nanggagaling ang pinakamalaking pursyento ng solid-waste.
2.Ang solid waste ay tawag sa mga basurang nanggaling sa mga tahanan lamang.
3.Walang tugon ang pamahalaan tungkol sa isyu ng solid waste.
4. Pinakamalaki sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste Management Status Report,2015).
5.Ang bansang Pilipinas ay hindi nakaranas ng suliraning e-waste o electronic waste.

Summative Assessment:
Panuto: Paghambingin ang HANAY A at HANAY B. Isulat ang titik na may tamang sagot.
HANAY A HANAY B
1. Ito ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at A. Mother Earth Foundation
komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga B. Solid waste
basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang C. Biodegradable
hindi nakakalason. D. E-waste
2. Pinakamaraming uri ng basurang itinatapon sa bansa. E. Republic Act 9003
3. Tumutukoy sa mga electronic waste tulad ng computer,kable ng F. R.A.9160
kuryente at iba pa.
4. Kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000
5. NGO na tumutulong sa pagpapatayo ng mga MRF sa mga baranggay.

PERFORMANCE TASK:
Magsaliksik ng programa para sa solid waste management na ipinatutupad sa inyong paaralan o barangay. Gumawa ng presentation tungkol dito. 20PTS.

ANSWER KEY:
1.
2.
3.
4.
5.
PREPARED BY: CEFERINA GRACE A. TADO QUALITY ASSURANCE/ CHECKED BY: JOEL C. ROCABO,MT-II
AP TEACHER AP DEPARTMENT HEAD

You might also like