Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO V

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Level of Thinking

Instructional Time
Competency Code

Number of Items

% of Items
Test

Evaluating
Learning Competencies

Applying

Creating
No.

F5PB-
Id-3.4

1. Naibibigay ang F5PB-


mahahalagang Ie-3.3 1,2,
pangyayari/nasasagot ang 8 5 10 3
4,5
mga tanong sa binasang F5PB-
talaarawan, journal, IIf-3.3
talambuhay at anekdota

2. Nagagamit ang
pangkalahatang sanggunian F5EP-
sa pagtatala ng IIe-i-6 6-
mahahalagang 5 5 10
10
impormasyon tungkol sa
isang isyu

F5PD-
3. Nailalarawan ang Id-g-11
tagpuan at tauhan ng F5PB- 10 11-
napanood na pelikula at 5 5
IIa-4 15
nabasang teksto.

F5PB-
4. Nakapagbibigay ng Ig-8
angkop na pamagat sa isang F5PN- 10 16,
talata at tekstong 4 5 17 18 20
Ih-17 19
napakinggan.

5. Nabibigkas/Naibibigay F5PS-Ie-
nang may wastong tono, 25 10 22. 24,
diin,antala at damdamin 5 5 21
23 25
ang napakinggang tula.

6. Naibibigay/naipahahayag
ang sariling opinyon o
reaksiyon sa F5PS-Ia- 30,
napakinggang/naobserbaha j-1 31,
20 26,2 28,2
ng balita, isyu o usapan 4 10 32, 35
7 9
33,
34

F5PS-Ig-
12.18

F5PS-
7. Nagagamit ang IIf-
magagalang na pananalita 12.12 10 37-
4 5 36
sa pagsasabi ng hinaing o 40
reklamo, sa pagsasabi ng F5PS-IIj-
ideya sa isang isyu , at sa 12.10
pagtanggi

8. Napahahalagahan ang
panibagong mga kaalaman
sa binasa at mga personal 10 41-
5 5
na datos na hinihingi sa 45
mga pormularyo.

F5PU-
Ic-1 10 46-
5 5
9. Nababaybay nang wasto 50
ang mga salitang hiram.
Inihanda ni : Sinuri ni:

Teacher III School Guidance Coordinator

PINAGTIBAY :

School Principal I

Republic of the Philippines


Department of Education

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO V

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Pangalan: _____________________________________________________________ Iskor: _________

I. Panuto: Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong kasunod nito.Piliin ang titik ng inyong sagot sa
loob ng kahon. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel.

Sa isang paaralan, isang hapon nasa isang mahabang mesa ang mga guro upang magwasto ng mga
modyul galing sa mga bata. Napansin ni Gng. Rosario na mabilis magtsek ang isang guro sa unang baitang.
“Gng. Altar, ang galing mo naman. Mabilis kang magtsek.” Tatawa-tawang sumagot si Gng. Altar, “Ay sus,
mare, mabilis ako kasi yung mga bayad ko ng utang ang nilalagyan ko ng tsek.” Dadag pa niya, “Natapos ko
na kasi itsek ang ibang modyul kagabi kaya kaunti na lang din ang itse-tsek ko ngayon.”

1. Ano ang ginagawa ng mga guro sa paaralan?


2. Ano ang napansin ni Gng. Rosario kay Gng. Altar?
3. Bakit tawang-tawa si Gng. Altar sa sinabi ni Gng. Rosario?
4. Nasaan ang mga guro?
5. Sino ang nakapansin kay Gng. Altar na mabilis magtsek?
.
A. Dahil mali ang iniisip ni Gng Rosario tungkol sa pagtsek ng modyul.
B. Nagtsetsek ng mga modyul ng kanilang mag-aaral
C. Si Gng. Rosario
D. Mabilis magtsek ng modyul si Gng. Altar.
E. Isang mahabang mesa

II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot upang makompleto ang pangungusap at isulat sa inyong sagutang
papel.
6. Ang _______ ay tala ng nangyayari sa bawat araw.
A. anekdota B. talaarawan C. journal D. talambuhay
7. ___________ at pananaw lamang ang karaniwang laman ng talaarawan, ngunit ito ay depende sa sumusulat
at sa kapaligiran ng pagsusulat.
A. pansariling karanasan B. anekdota C. talambuhay D. journal
8. Ang _____________ ay isang anyo ng panitikan kung saan nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang
tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.
A. journal B. talambuhay C. anekdota D. talaarawan
9. Ang __________ ay tala ng mga obserbasyon sa paligid na nakatawag ng atensiyon ng isang indibidwal.
A. talambuhay B. journal C. talaarawan D. anekdota
10. Ang _____________ ay maikling kuwento na isang nakawiwiling insidente sa buhay ng isang tao.
A. pansariling karanasan B. talaarawan C. anekdota D. talambuhay

III. Panuto: Basahin ang bawat kalagayan. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot

A. Diksyunaryo B. Almanac C. Atlas D. Pahayagan E. Ensiklopedya

11. Ito ay isang pangkat ng mga aklat na nakaayos nang paalpabeto. Naglalaman ito ng mga mahahalagang
impormasyon o paksa tungkol sa iba’t ibang tao, bagay at pangyayari,
12. Ang mga salita rito ay nakaayos nang paalpabeto. Ito ay naglalaman ng kahulugan, tamang baybay,
tamang bigkas, bahagi ng pananalita at pinagmulan ng mga salita.
13. Naglalaman ito ng mga balita o mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.

14. Ito ay aklat na naglalaman ng mga pinakamahahalagang pangyayari sa larangan ng palakasan, politika,
ekonomiya, teknolohiya, na nangyari sa loob ng isang taon.
15. Ito ay naglalaman ng mapa ng iba’t ibang lugar, eksaktong lokasyon, lawak, dami ng populasyon, lagay ng
ekonomiya. Mababasa mo rin ang mga anyong lupa at tubig na matatagpuan sa isang tiyak na lugar.

III. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais niya ay
isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na
ang oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niyaito inaaksaya. Ayon sa kaniya, ang
magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at matapos nito ay
naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of
America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay naging pangulo
ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng Commonwealth o ng Malasariling
Pamahalaan noon.
Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng pantay na
pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon natin ng
pambansang wika. Kung hindi dahil sa kaniya, walang isang wika na magbubuklod sa lahat ng Pilipino.
Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.” (DepEd, The Philippine Informal Reading
Inventory Manual 2018, Panimulang Pagtatasa, Ikalimang Baitang, Set D, p.212-214)

16. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?


A. Andres Bonifacio C. Diosdado Macapagal
B. Jose Rizal D. Manuel Quezon
17. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa?
A. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
B. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
C. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
D. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.
18. Alin sa sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?
A. guro, doktor, abogado C. alkalde, kongresista, pangulo
B. senador, modelo, kawal D. abogado, gobernador, senador
19. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Manuel Quezon?
A. Pamahalaan ng Biak na Bato. C. Pamahalaan ng Ikatlong Republika.
B. Pamahalaang Commonwealth. D. Pamahalaang Rebolusyunaryo.
20. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa?
A. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang gawain.
B. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.
C. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.
D. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa gawain.
21. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si Quezon?
A. Tumira siya sa bahay ng mahihirap.
B. Binibigyan niya ng pera ang mahihirap.
C. Pinatupad niya ang Katarungang Panlipunan.
D. Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.
22. Sa pangungusap na “Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan,” ano ang iba pang kahulugan ng
salitang kawal?
A. bayani B. doktor C. manunulat D. sundalo
23. Anong uri ng seleksyon ang binasa mo?
A. alamat B. kuwentong-bayan C. pabula D. talambuhay
24. Alin sa sumusunod ang nararapat na pamagat ng teksto?
A. Mga Ambag ni Manuel Quezon
B. Ama ng Wikang Pambansa
C. Manuel Quezon at ang Pamahalaang Komonwelth
D. Manuel Quezon at ang bansang Pilipinas
25. Sang-ayon ka ba sa ginawang hakbang ni Quezon na magkaroon tayo ng pambansang wika?
A. Oo B. Hindi

III. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang tula sa susunod na pahina upang masagot ang mga tanong.
Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot.

A. Tungkol sa ating yaman C. upang hindi ito mawala sa atin


B. Kalusugan at karunungan D. Dahil ito ang daan sa pagiging matagumpay.
E. Binigkas ang tula na may wastong tono, diin, antala at damdamin

Yamang Dunong at Kalusugan

Dunong at kalusugan ating yaman,


nararapat na pangalagaan.
Huwag nating pabayaan,
ingatan at pahalagahan.

Anumang minana sa magulang,


walang tutumbas sa dunong at kalusugan.
Aanhin ang materyal na yaman kung sakitin naman?
Karunungan at kalusugan pagyamaning lubusan.

Dunong at kalusugan, sandatang maituturing,


sa anumang suliraning kahaharapin.
Maging matatag sa anumang pasanin,
tiyak na mithiin ay mararating.
26. Ano ang paksa ng binasang tula?
27. Ano ang itinuturing na ating yaman ayon sa binasang tula?
28. Bakit ito itinuturing na yaman?
29. Bakit kailangang pakaingatan at pahalagahan ang dunong at kalusugan?
30. Paano mo binigkas ang tula?

IV. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon upang masagot ang mga tanong. Piliin sa loob
ng kahon ang titik ng tamang sagot.
Curfew
Ano nga ba ang curfew? Ito ay isang patakaran na ipinatutupad ayon sa batas. Ito ay nagtatakda at
naglilimita ng oras kung kailan nasa loob lamang ng bahay o nasa labas. Kadalasan ipinapatupad ito sa mga
lugar na may banta sa seguridad, o minsan din naman para sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa
isang komunidad.
Sa isang barangay, mahigpit ang pagpapatupad nito sa mga menor de edad. Pinagbabawalan silang
lumabas ng bahay sa gabi. Ang mga tanod ay naglilibot upang masigurong walang sinuman ang lumalabag sa
kautusang ito. Ito ay para maging matiwasay at maayos ang kanilang lugar.

A. Ito ay isang patakaran na ipinatutupad ayon sa batas.


B. Curfew
C. Mahigpit ang pagpapatupad nito sa mga menor de edad
D. para maging matiwasay at maayos ang isang lugar.
E. Pinagbabawalan silang lumabas ng bahay sa gabi.

31. Ano ang pamagat ng seleksiyon?


32. Ano ba ang curfew?
33. Kanino ipinapatupad ang curfew?
34. Ano ang ipinagbabawal sa mga menor de edad?
35. Bakit may curfew?

V. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik na nagpapahayag ng magalang na
pananalita.
36. Nawala ang iyong pera sa klase. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
A. Nawala ang aking pera.
B. Hanapin niyo ang aking pera.
C. Ma’am nawala po ang aking pera.
D. Ikaw ba ang kumuha ng aking pera?

37. Pinagalitan kayo ng inyong nanay dahil nag-away kayong magkakapatid.


A. Nanay, paumanhin po, hindi na po mauulit.
B. Sorry na.
C. Siya ang pagalitan mo.
D. Wala akong kasalanan.
38. Ginamit mo ang sapatos ng iyong kapatid at nakita niya itong isinusuot mo?
A. Akin na lang ito.
B. Ipagpaumanhin mo, ginamit ko ang iyong sapatos.
C. Ibabalik ko na lang sa iyo mamaya.
D. Bawal bang gamitin?

39. Nahulog ang iyong bolpen at kinuha ito ng klasmeyt mo. Ano ang sasabihin mo?
A. Huwag mong kukunin.
B. Pakibalik naman po ng bolpen ko.
C. Ibalik mo sa akin.
D. Sa akin yan.
40. Nakita ka ng may-ari ng hardin na pinitas mo ang kaniyang bulaklak. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Paumanhin po, hindi ko na po uulitin.
B. Isa lang naman ang kinuha ko.
C. Babayaran ko na lang.
D. Huwag ka ng magalit.

VI. Panuto: Bilang isang mag-aaral, kailangang magbigay ka ng impormasyon tungkol sa iyo. Piliin sa loob
ng kahon ang nararapat na ilagay. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. 5-Ilang-ilang B. Bangui C. Lanao D. 10/11 E. Gng. Erliza C. Rosete

41. Paaralang Elementarya ng _______________


42. Bayan ng _________________
43. Baitang / Seksyon ______________
44. Edad ___________
45. Guro ____________________________

VII. Panuto: Suriin ang mga salitang makikita sa ibaba. Isulat ang tamang titik nang may wastong baybay
nito sa wikang Filipino.

46. A. project B. pradyek C. pradjec


47. A. edukasyon B. education C. edukastion
48. A. titser B. teacher C. teacher
49. A. malnutrition B. malnutristion C. malnutrisyon
50. A. klasmate B. klasmeyt C. classmate

Inihanda ni : Sinuri ni:

Teacher III School Guidance Coordinator

PINAGTIBAY :

School Principal I

1 B 11 E 21 C 31 B 41 C
2 D 12 A 22 D 32 A 42 B
3 A 13 D 23 D 33 C 43 A
4 E 14 B 24 B 34 E 44 D
5 C 15 C 25 A 35 D 45 E
6 B 16 D 26 A 36 C 46 B
7 A 17 C 27 B 37 A 47 A
8 B 18 D 28 D 38 B 48 A
9 B 19 B 29 C 39 B 49 C
10 C 20 B 30 E 40 A 50 B
1 B 11 E 21 C 31 B 41 C
2 D 12 A 22 D 32 A 42 B
3 A 13 D 23 D 33 C 43 A
4 E 14 B 24 B 34 E 44 D
5 C 15 C 25 A 35 D 45 E
6 B 16 D 26 A 36 C 46 B
7 A 17 C 27 B 37 A 47 A
8 B 18 D 28 D 38 B 48 A
9 B 19 B 29 C 39 B 49 C
10 C 20 B 30 E 40 A 50 B
Republic of the Philippines
D

You might also like