Bylaws Pta 2022 2023

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SALIGANG BATAS NG PTA

PANIMULA

Kaming mga magulang at guro ng mga batang nagsisipag-aral sa Sta. Cruz Elementary
School, Sta. Cruz, Sta. Maria Bulacan ay naghanda ng Saligang Batas ngayong araw na
ito, ika- 25 ng October ,2022 upang pangalagaan ang  kapakanan ng mga batang
nagsisipag-aral, mapahusay ang aming paaralan.

ARTIKULO I
PANGALAN

 Ang pangalan ng samahang ito ay SAMAHAN NG MGA MAGULANG, GURO NG 


PAARALANG ELEMENTARYA NG STA. CRUZ ELEMENTARY SCHOOL, Sta.
Cruz, Sta. Maria,  Bulacan. 
ARTIKULO II
MGA LAYUNIN

1. Upang mapangalagaan ang karapatan ng mga batang nagsisispag-aral sa aming 


paaralan. 
2. Upang mapahusay ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng mga kasapi ng 
samahan. 
3. Upang higit na mapahusay ang pagtutulungan sa pagsasaayos at pagpapaganda  ng
paaralan. 
4. Upang makatulong sa lahat ng mabuting kilusang pambaranggay, pambayan at 
panlalawigan. 
5. Upang makiisa sa ibang samahan ng mga magulang at guro na pambayan at 
palalawigan. 
6. Mabigyan ng wastong kalinga at mapangalagaan ang ari-arian ng paaralan.
ARTIKULO III 
ANG PAMUNUAN 

1. Ang pinuno ng mga samahan ito ay ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, kalihim, 
Ingat-yaman, Tagasuri, Tagapagbalita , Tagapamayapa, Lupon ng Patnugutan, Escorte.
ARTIKULO IV 
KASAPI 

1. Ang mga kasapi ng mga samahan ay bubuuin ng mga magulang ng mga batang 
lehitimong tagapag- alaga na sa talang bata ay siyang nakalagay at mga interesadong 
mamayan ng komunidad na nais sumapi sa samahan subalit pinagbabawalang  humawak
ng tungkulin sa samahan 
2. Sa loob ng tatlumpong (30) araw matapos ang pagbubukas ng klase, ang tagapayo  ng
bawat klase, ng mga magulang o tagapag-alaga ay dapat magbuo ng Homeroom  PTA. 
3. Ang bawat Pangulo ng Homeroom PTA ng bawat klase at mga interesadong  miyembro
ng komunidad ay maghahalal ng Pangkalakahatang Pangulo ng PTA ng  paaralan at lupon
ng patnugutan (Board of Directors). 
ARTIKULO V 
HALALAN 

 Ang pinuno ng samahan, liban sa mga tagapayo ay inihalal ng mga Lupon ng  Patnugutan
( BOARD OF DIRECTORS) na binubuo ng mga pangulo ngbawat klase  ( HOMEROOM
PTA) sa Huling Biyernes ng buwan ng Hulyo tuwing ikalawang taon at  manunungkulan
sa loob ng dalawang taon ang mga mahahalal sa pamunuan.

ARTIKULO VI 
PANAHON NG PANUNUNGKULAN 

 Pagkaraan ng dalawang taon ay maaring mahalal na muli ang mga mabuting 


manungkulan at ititiwalag ang nagpapabaya sa tungkulin sa pamamagitan ng 
nakararaming boto ng mga kasaping nasa kapulungan. Ang bawat isa sa pamunuan  ay
mahahalal na muli subalit hindi lalagpas ng anim na taong panunungkulan, liban  na lam
ang kung ang isang mabuting namumuno ay hilingin ng nakararaming kasapi  na muli
siyang ihalal. 
ARTIKULO VII 
LUPONG PATNUGUTAN 

 Ang Lupon ng Patnugutan ( Board Of Directors) ay bubuuin ng mga Pangulo ng 


Homeroom PTA ng bawat klase na umiiral o sa kasalukuyang taong pampaaralan.  Ang
lupong ito ay pamumunuan ng mga samahan ng mga magulang at guro ay  maaring
magpasiya sa pangalan ng samahan sa anumang panukala at gawain nito  liban sa
pagsususog sa Saligang Batas. 
ARTIKULO VIII 
MGA TAGAPAYO 

 Ang mga tagapayo ay bubuuin ng Punong guro, nagging Pangulo ng samahan, 


Tagamasid pampurok ng distrito at punong Baranggay. 

ARTIKULO IX 
MGA TUNGKULIN 

1. PANGULO- Tungkulin ng pangulo ang mamuno sa lahat ng pulong ng samahang  ito;


magtatag ng mga lupon at gumanap ng pagsasaayos at pagpapatupad sa mga  gawain at
lahat ng mga dapat ihanda tungo sa pagpapaunlad at pagpapasigla sa mga  balakin at
gawain ng samahan. Tungkulin din ng pangulo na pangalagaan ang  pananalapi ng
samahan.

2. PANGALAWANG PANGULO- Ang Pangalawang Pangulo ay manunungkulan kung 


ang pangulo ay hindi makadalo sa pagpupulong o kaya’y hindi makaganap sa  tungkulin
dahilan sa di maiiwasang pangyayari o makatuwirang dahilan. Gaganap din  ito sa iba
pang tungkulin na ipinatutupad sa kaniya ng Pangulo ng Samahan. 
3. LUPON NG PATNUGOT- Tungkulin nito na ipagbigay alam ang gawain na 
napagkaisahan o napagpasiyahan ng samahan ng mga magulang ng mga batang  kaniyang
nasasakupan sa bawat baiting o klase. Subaybayan ang mga pamamalakad  sa samahan.
Magbigay ng kaukulang disiplina sa sinumang pinuno ng samahan na  nagkukulang o
nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. 

4. KALIHIM- Tungkulin ng kalihim na ihanda at ingatan ang mga kasulatan ng  samahan.
Magkaroon siya ng mga kasapi o kagawad at lagging isaayos ang talaan  taun-taon. 

5. INGAT-YAMAN- Tungkulin ng Ingat-Yaman ang paglikom at pangangalaga sa lahat 


ng salapi na dapat pumasok sa samahan at gugulin iyon sa wasto ayon sa  pamamaraan na
itinakda o itatakda ng samahan. Kung ang pondo ng samahan ay  ipapasok sa bangko,
kailangan nakalagda ang kasalukuyang punong-guro ng  paaralan at pangulo ng samahan,
subalit libreta de bangko ay nasa pag-iingat ng  ingat-yaman na magsasagawa ng maayos
na pagtatala ng pumapasok at lumalabas  na pananalapi ng samahan at iulat ito minsan
man lamang sa loob ng isang taon. 
6. TAGASURI- Tungkulin ng tagasuri na suriin ang lahat ng salaping pumapasok at 
lumalabas na pag-aari ng samahan. Siya din ang dapat magsikap na sumubaybay sa 
wastong paggugol ng salapi ng samahan. 
7. TAGPAGBALITA- Tungkulin ng tagapagbalita ang magdala ng balita sa mga kasapi 
tungkol sa iba’t-ibang gawain ng samahan upang mapasigla ang kilusang itinataguyod 
nito.

ARTIKULO X 
PULONG 

1. Ang mga pulong na regular ay gaganapin dalawang beses isang taon at tatawag  din ng
espesyal na pulong ang pangulo kung kinakailangan. Ang pagpupulong na  regular o
karaniwang pulong ay gaganapin dalawang lingo matapos ang unang araw  ng pasukan at
isang buwan abgo matapos ang klase; at ang espesyal na pulong ay  maaring tawagin sa
panahon ng pangangailangan. 
2. Ang humigit - kumulang na limampung bahagi ng mga pinuno at kasaping dadalo  sa
pulong ay may kapangyarihang bumuo ng isang kapulungan at magpasya sa  pangalan ng
samahan. 
ARTIKULO XI 
AMBAG O PONDO NG SAMAHAN 

 Ipauubaya ng pangulo ng samahan at lupon ng mga patnugot ang pagpapasiya  tungkol sa


ambag gaya ng sumusunod-PTA Fee, ambag ng bawat bata ( Baitang 1-V  Recognition),
karagdagang ambag ng mga magsisipagtapos (Grade VI) bukod sa  itinakda ng kagawaran
( Authorized for Graduation) at iba pang ambag para sa  kapakinabangan ng mga proyekto
ng paaralan, ambag ng bawat mag-aaral ( Kinder  at Grade I-VI). Ang lahat ng koleksyon
o ambag na napagkaisahan at pinagtibay ng  samahan ay dapat kolektahin ng ingat-yaman
ng samahan. 
ARTIKULO XII 
MGA GAWAIN NG SAMAHAN 

1. Tulungan ang mga batang nagsisipag-aral upang mapabuti ang kanilang pag-aaral, 
mapalinis at amisaayos ang kanilang paaralan at paligid. 
2. Pagsisikapan ng samahan na tulungan ang mga guro upang magampanan ang  kanilang
layunin sa pagtuturo.
3. Pagsisikapan ng samahan na tumulong sa pangangailangan at pagmamalasakit sa  mga
ugali, kasangkapan, mga halaman ng paaralan at mga pag-aari ng samahan. 
4. Pagsisikapan ng samahan na makipag-ugnayan sa pamahalaan upang  makapagtayo ng
mga gusaling kinakailangan ng paaralan. 
5. Pagsisikapan ng samahan na makatulong sa mga kailangan ng paaralan gaya ng  desk,
mesa, palikuran, shop building, Home economics, tanghalan at iba pa. 
6. Ang mga proyektong balak o itatayo sa loob ng paaralan ay isasangguni muna sa 
nanunungkulang punong guro ng paaralan at pag-uusapan ang mabuting kalalabasan  nito
bago isakatuparan. 
ARTIKULO XIII 
MGA BAWAL NA GAWAIN NG SAMAHAN 

Ang Samahan ng PTA lalo na ang mga Pamunuan ay pinagbabawalang 

a. Makialam sa pang-akademiko at administratibong pamamalakad at operasyon ng  mga


paaralan. 
b. Kasangkapanin ang paaralan sa paglahok sa pulitika. 

c. Magpalakad ng kantina o magbukas ng tindahan ng mga gamit pampaaralan sa  loob at


labas ng paaralan. 
d. Magtinda sa guro ( Insurance, pre need plans o katulad na gawain o programa sa  mga
bata. 
Ang paglabag sa mga ipinagbabawal na gawain ay maaring maging dahilan ng 
pagkansela sa samahan.

ARTIKULO XIV 
PAGSAPI NG IBANG SAMAHAN 

 Kung sakali’t kailangan na ng samahan ay masapi sa Pambayang Kapisanan ng  mga


Magulang, guro at mamamayan (PTA Federation) kinailangang pagsumikapan  ng
samahan na masapi sa nasabing kapisanan. 
ARTIKULO XV 
PAGSUSUSOG SA SALIGANG BATAS NG SAMAHAN 

 Ang mga mungkahing susog ay maaring magkabisa bilang bahagi ng Saligang  Batas na
ito kung sasang-ayunan na hindi kukulangin sa limampung bahagdan (50%)  ng mga
kasapi at mga pinunong natitipon sa isang pulong pangkalahatan sa samahan. 
ARTIKULO XVI 
PAGPAPATIBAY 
PAMUNUAN
Posisyon  Pangalan  Lagda

Presidente  Evelyn S. Santos

Bise Presidente  Mary Ann Tataro

Kalihim  Jeanne Pauline


G.Bernardo

Ingat-Yaman  Gina Villanueva

Auditor Dianne Delos Reyes

PRO 1 Ariane Trocio

PRO2 Maybelle Lapig

Sgt. @ Arms  1 Joseph Laguna

Sgt. @ Arms 2 Irine Lapig

Muse Maricel Royo

Escort Arman Halop

You might also like