EXAM 2nd QUARTER Fil 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panitikang Pandaigdig

Filipino 10
Ikalawang Markahang Pagsusulit

Pangalan:__________________________ Seksyon:_______________ Iskor:______

I. PAGPIPILI
Panuto: Piliin ang LETRA ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

______1. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang
isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
a. Editoryal b. Talumpati c. Sanaysay d. Talambuhay

______2. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na gahol sa banghay at panay
paglalarawan lamang.
a. Kuwentong bayan b. Maikling kuwento c. Dagli d. Komiks

______3. Paano ipinahiwatig ni Dilma Rousseff ang kanyang layuning pagbabago sa Brazil?
a. Ang matinding hangarin sa pagbabago lalo sa kahirapan.
b. Ang maging isang pinuno sa bansang Brazil
c. Maging unang babaeng pangulo ng bansa
d. Magkaroon ng katungkulan sa bansa.

______ 4. Kung ikaw si Dilma Rousseff, ano ang mararamdaman mo habang nagsasalita ka sa harap ng
maraming taong nasasakupan mo?
a. Maging matatag habang nagsasalita, at sagutin na may paggalang ang mga
katanungan.
b. Matakot sa dami ng nakikinig
c. Magsalita ayon sa idinidikta ng iyong isipan
d. Maging authoritative dahil ikaw ang pangulo ng bansa.

______5. Alin sa mga sumusunod ang suliraning panlipunan na kinakaharap ng maraming bansa.
a. kahirapan c. populasyon
b. kalidad ng edukasyon d. drug addiction

______6. Ano ang nais makamit ni pangulong Rousseff sa kanyang pamumuno sa Brazil?
a. de-kalidad na pamumuhay
b. mapalaki at mapaunlad ang paliparan
c. matatag na ekonomiya
d. mainam na pagpapatakbo ng negosyo

_______7. Paano nagkatulad ang Pilipinas at Brazil sa suliraning kinakaharap?


a. prayoridad ang pagsugpo sa kahirapan
b. matatag ang programang panlipunan
c. matatag na ekonomiya
d. pantay na polisiyang pang-ekonomiya

_______8. Alin sa mga tungkuling ginagampanan ni Amelia ang ‘di kapani-paniwalang kayang gawin ng
isang batang pitong taong gulang?
a. umigib sa balon at balansehin sa ulo ang banga
b. maghanda ng almusal at maghain sa pamilyang pinaglilingkuran
c.maghatid sa paaralan ng anak ng amo
d. maglinis ng bahay
_______ 9. Gula-gulanit po ang aking damit at walang sapin sa paa. Ano ang kahulugan ng salitang
GULA-GULANIT?
a. butas butas b. sira-sira c. kaputulan d. kulang-kulang

_______10. Anong nais ipabatid ng awtor sa mga mambabasa tungkol kay Amelia?
a. Isang batang mahirap
b. Ang kaawa-awang bata
c. Matiyagang naglilingkod sa isang amo
d. Lahat ay tamang sagot

_______11. Laganap ang child labor hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng
mundo, ano sa palagay mo ang magandang solusyon sa suliraning ito?
a. Sapat na hanapbuhay ng mga magulang
b. Kailangan ang batas na magdidikta sa Child labor
c. Matinding pagbabawal sa lansangan sa mga kabataan
d. Pagpapataw ng malaking halaga sa mga magulang na hinahayaang
maghanapbuhay ang mga anak

_______ 12. Anong suliraning panlipunan ang karaniwang nararanasan ng ilang mga bansa sa iba’t ibang
panig ng daigdig?
a. kawalan ng katarungan c. kahirapan
b. diskriminasyon d. kawalan ng hanapbuhay

_______13. Sa anong uri ng maikling kuwento nabibilang ang akdang pinamagatang “Ang Kuwintas”?

a. Kuwentong makabanghay c. kuwento ng kababalaghan


b. Kuwento ng tauhan d. kuwento ng katutubong kulay

_______14. Anong kultura ng mga taga-France ang ipinakikita sa akdang “Ang Kwintas?
a. Pagpapahalaga sa kayamanan at karangyaan
b. Pagpapahalaga sa katagumpayan
c. Pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay at kapayapaan
d. Pagyakap sa kultura ng estilo at sopistikasyon

_______15. “Napakahangal mo!” bakit hindi mo hanapin ang kaibigan mong si Madame Foristier.
Humiram ka ng ilang hiyas sa kanya. Marahil hindi ka niya tatanggihan dahil matalik mo
siyang kaibigan.” Ano ang ipinahihiwatig ng bahaging ito ng kuwento?
a. Konsintidor c. mapagsamantala
b. mapamaraan d. mapagkunwari

______16. “Aba mayroon pa! mamili ka, hindi ko alam kung alin ang ibig mo.” Anong damdamin ang
nais ipakita nito?
a. mapagbigay c. maawain
b. mapagbiro d. mayabang

______17. “Hintayin mo ako rito sandali. Sisipunin ka sa labas.” Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalita?
a. Ayaw niyang masaktan ang kausap
b. Pagsisilbihan niya ang kanyang minamahal
c. Ayaw niyang magkasakit ang kanyang mahal
d. Gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti o ikasisiya ng kanyang mahal.
_______18. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagkuha ko sa paanyaya?” anong damdamin ang nais
ipahiwatig ng tauhan?
a. Pagmamakaawa b. pagkadismaya c. pagkagalit d. pag-aalala

_______19. “O kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon
lamang, puwit lang ng baso.” Ano kaya ang naging damdamin ng pangunahing tauhan nang
marinig niya ang sinabi ng kausap?
a. Pagkamangha b. pagkabigla c. panghihinayang d. pagsisisi

_______20. “Mabuti pa kaya’y huwag na akong dumalo sa sayawan. Wala man lamang akong maisusuot
kahit isang hiyas”. Anong damdamin ang ipinakikita ng nagsasalita?
a. Pagkamuhi b. pagkayamot c. pagkatuwa d. pagkalungkot

_______21. “Pagbabalikan kong lahat ng pinagdaanan natin. Baka sakaling makita ko.” Anong
damdamin ang nais iparating ng pahayag na ito?
a. Pag-asa b. pagkabalisa c. pagkainis d. pag-asam

_______22. “Wala ang kuwintas ni Madame Foristier!” ang pahayag ay nagsasaad ng


a. Pagkapahiya b. pagkayamot c. pag-aalala d. pagkabahala

_______23. “Ngumiti si Matilde nang may pagmamalaki, isang ngiting puspos ng kawalang-malay
katulad ng ngiti ng isang paslit.” Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?
a. Pasasalamat b. pagmamalaki c. pagkatuwa d. pagkamangha

_______24. “Ano! Paanong nangyari? Imposible!” ano ang ipinahahayag nito?


a. Pagkamangha b. pagkabigla c. di makapaniwala d.pag-aalala

_______25. Isa itong grapikong representasyon ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga larawan na
inayos ayon sa pagkakasunod-sunod.
a. Iskrip b. komiks c. story board d. photo essay

_______26. Sino ang orihinal na may akda ng nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”?
a. Pablo Picasso b. Guy de Maupassant c. Victor hugo d. Plato

_______27. Alin sa sumusunod ang katangian ng nobela?


a. Ang mga tauhan ay ginagawang buhay na buhay
b. Ang mga pangyayari ay pawang malayo sa katotohanan.
c. Nagnanais na mabigay kalibangan sa mambabasa.
d. Naglalarawan ng tagpuan at mga tauhan.

_______28. Anong uri ng teoryang pampanitikan ang may paniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay, ang siyang pinanggagalingan ng lahat?
a. Romantisismo b. feminism c. realismo d. humanismo

_______29. Isang akdang pampanitikang nasa anyong prosa, kadalasan kasinghaba ng aklat na ang
banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mg tauhan at dayalogo.
a. Maikling kuwento b. mitolohiya c. parabula d. nobela

_______30. Ano ang dahilan ng pagkakatanghal kay Quasimodo bilang “Papa ng Kahangalan”?
a. Dahil sa kanyang kabaitan
b. dahil sa kanyang pag-ibig
c. Dahil sakanyang kamangmangan
d. dahil sa kanyang labis na kapangitan

_______31. Paano napatunayan sa akda na labis ang pag-ibig na nararamdaman ni Quasimodo kay La
Esmeralda?
a. Iniligtas niya ang dalaga sa tiyak na kamatayan.
b. Pinatay niya ang taong kumupkop sa kanya alang-alang sa dalaga.
c. Namatay siyang nakayakap sa bangkay ng babaeng kanyang minahal.
d. Tiniis niya ang parusang iginawad sa kanya sa kasalanang di niya ginawa.

_______32. Bakit mahalaga ang papel ng katedral sa kuwento?


a. Ito ang naging tahananni Quasimodo
b. Dito natagpuan ang bangkay ng mga pangunahing tauhan.
c. Ito ang nagsilbing lugar para sa pagdiriwang ng araw ng kahangalan.
d. Dito nagana pang malalagim na pangyayari sa buhay ngmga pangunahing tauhan

_______33. Anong panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ang inilalarawan sa “Dekada ‘70”?


a. Martial Law c. EDSA Revolution
b. Kontemporaryong panahon d. Panahon ng hapon

_______34. Ano ang tema ng nobelang “Dekada 70”?


a. Paghahangad ng kalayaan c. pagharap sa mga hamon ng buhay
b. Pagpapakasakit d. pagmamahal sa bayan at pamilya

_______35. Anong katangian ni Amanda Bartolome ang magpapatunay ng kanyang pagiging isang
Pilipino?
a. Hindi nawawalan ng pag-asa sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
b. Handing magbuwis ng buhay para sa ikabubuti ng lahat
c. Katatagan sa kabila ng pagsubok na dumaan sa kanilang buhay
d. Paghahangad ng kalayaang pambansa at pansarili.

_______36. Paano mo ilalarawan si Julian bilang padre de pamilya?


a. Maasikaso b. mapagmahal c. walang pakiaalam d. makasarili

_______37. Ano ang natutuhan ni Amanda Bartolome sa lahat ng mga pagsubok na nangyari sa kanilang
buhay?
a. Natutuhan niyang pangibabawan ang kahinaa’t kahirapan
b. Natutuhan niyang pangalagaan ang kapakanan ng kaniyang pamilya
c. Natutuhan niyang magparaya
d. Natutuhan niyang magpakamanhid

Para sa bilang 38-42: Isulat sa patlang ang S kung pagtutulad, M kung pagwawangis, PM kung
pagmamalabis, PS kung pagsasatao.

_______38. Sabi nila, ang lungsod ng New York ay ang lungsod na kailanman ay hindi natutulog.
_______39. Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto.
_______40. Ginising ng araw ang mga hayop na natutulog.
_______41. Isang masalimuot na makina ang utak ng tao.
_______42. Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.

Para sa bilang 43-50: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang simuno at bilugan
ang pandiwa sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang kung ano ang ipinokus
ng pandiwa sa bawat pangungusap. (2 pts. Bawat aytem)

________________________43-44. Pinagtaniman ng palay ang dalisdis ng bundok.

________________________45-46. Ikinatuwa ni Jess ang pagdating ni Grace.

________________________47-48. Ikinagulo ng sitwasyon ang pakikialam ng maraming tao sa isyu.

________________________49-50. Ipinanungkit ni Jose ang kawayan sa Manga.

You might also like