Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TAUHAN: padre damaso, maria clara, dona victorina, alfonso linares, padre salvi, lucas,

crisostomo ibarra(mentioned), carlicos (mentioned), pepa (mentioned)

SETTING: ospital, caida/lilim ng mga halaman sa durungawan ni Maria Clara

STORY
Matapos suriin ni Don Tiburcio de Espadana si Maria Clara at bigyan siya ng reseta,
dumating si Padre Dámaso at dumiretso sa higaan ni Maria at sabi, “María, anak ko, ika’y
hindi pwedeng mamatay!" na may luhang mata. Binuksan ni Maria ang kanyang mga
mata at tiningnan siya ng may tanging pagtataka.
Sino man sa mga nakakakilala kay Padre Damaso ay hindi nangaghihinala man lamang
na siya'y may taglay na gayong lubhang mga damdamin; hindi inaakala ng sino mang sa
ilalim ng gayong matigas at magaspang na anyo’y, sya’y may tangkilik na isang puso.
Hindi nakapanatili roon si Padre Damaso, kaya’t umiiyak na parang musmos na lumayo
sa dalaga. Pinagmasdan siya ni Padre Salví nang hindi kumikilos at hindi umiimik. Nang
natatahimik na si Padre Dámaso'y ipinakilala sa kanya ni Doña Victorina ang binatang si
Alfonso Linares, na sa kanya’y magalang na lumapit. Binigyan ni Linares si Dámaso ng
sulat mula sa kanyang bayaw, na
Ang sabi ni Linares ay galing sa ninong niya. Binasa ni Padre Damaso ang sulat, kung
saan hiniling ng ninong ni Linares na hanapan ni Padre Damaso ang binata ng isang
trabaho at asawa. Sinabi ni Padre Dámaso na madali siyang makahanap ng trabaho,
ngunit pinag-iisipan saglit kung saan niya maaaring mahanap si Linares ng asawa.
“Hmmm… Trabaho ... trabaho…marunong ka bang bumasa't sumulat?” tanong ni Padre
Damaso. “Tinanggap ko ang pagka abogado sa Universidad Central” sagot naman ni
Linares, na labis kinatuwa ni Damaso. “Carambas! ikaw pala'y isang picapleitos
datapuwa't wala sa iyong pagmumukha ... tila ka isang mahinhing dalaga, nguni't lalong
magaling! Datapuwa't bigyan kita ng̃ isang asawa… hmm… isang asawa….”
Hindi na malungkot at hindi naman masaya ang kanyang mukha; ngayo'y nagpapakilala
ng malaking kataimtiman at wari'y may iniisip. Habang siya ay nag-iisip, si Padre Salví
naman ay nanonood mula sa malayo. "Hindi ko akalain na magiging ganito kahirap," sabi
ni Dámaso sa sarili, "ngunit ito ang mas maliit sa dalawa.
kasamaan.” Pagkatapos ay niyakap niya si Linares, sinabing, "Halika rito, anak,
kakausapin natin si Santiago.”. Namutla si Linares at kusang napahila na lamang sa
kanya, na nag-iisipisip habang sya’y naglalakad. Nang marinig ang palitan na ito ni Padre
Damaso at Linares, napaatras si Padre Salví at pasulong hanggang sa batiin siya ng isang
lalaki. Ito ay si Lucas, at sinabi niya kay Salví na siya ay kapatid ng lalaki
na namatay sa trenches ng paaralan noong pista ng bayan. Paatras ng isang hakbang si
Padre Salví,
nagsasabing, "At?”. Habang ipinapaliwanag ni Lucas na ininsulto siya ni Ibarra sa
pagpapabaya sa pagbabayad para sa pagkamatay ng kanyang kapatid nagpupumilit siyang
umiyak at pinapahid ng panyo ang kanyang mga mata. “Among, ang sinabing
nagtutumangis, naparoon po ako sa bahay ni Don Crisóstomo upang humingi ng
kabayaran sa buhay ng aking kapatid.., ipinagtabuyan muna ako ng sicad, at ang sabi'y
ayaw raw niyang magbayad ng ano man, sa pagka't nanganib daw siyang mamatay sa
sala ng aking guiliw at kahabaghabag na kapatid. Nagbalik po ako kahapon, nguni't siya'y
nakapasa Maynila na, at nag-iwan ng limang daang piso upang ibigay sa akin, parang
isang kaawang-gawa, at ipinagbiling huwag na raw ako bumalik kailan man! Ah, among,
limang daang piso sa aking kaawa-awang kapatid, limang daang piso, ah!”. Nung una'y
pinakikinggan siya ng cura na nagtataka at inuulinig ang kanyang pananalita, at
untiunting nasnaw sa kanyang mga labi ang isang lubhang malaking nagpapawalang
halaga at pag-alipusta, sa pagkamasid ng gayong daya at paglambang, na kung sana’y
nakita ni Lucas ang mga susunod na mangyayari, marahil siya'y tumakas na at
nagtumacbo ng buong tulin. “At ano ang ibig mo ngayon?” tanong ni Padre Salvi habang
tumatalikod. “Ay! among, sabihin po ninyo sa akin, alang-alang sa Diyos, kung ano kaya
ang dapat ko na gawin; sa tuwi na'y nagbibigay ang among ng mabubuting mga hatol-“.
Hininto sya ni Padre Salvi at sinabi ng may taras at pagtatalka “Sino ang may sabi sa iyo?
Hindi katagarito”. “Nakikilala ang among sa boong lalawigan” dahilan naman ni Lucas.
Si Salví ay sumugod sa kanya na nanglilisik ang mga mata sa galit, itinuro sa kanya ang
lansangan at sinabi sa gulat na si Lucas; “Humayo ka sa iyong bahay at pasalamat ka kay
Don Crisostomo na hindi ka ipinabilanggo! Lumayas ka rito”. “Ibig ko po sanang
makipagkita kay Padre Damaso….” mahinhin na sagot naman ni Lucas. “May gagawin si
pari Dámaso! Lumayas ka rito!” ang muling ipinagutos ng matindi na cura. Dahil sa di
inaakalang reaksyon ni Padre Salvi ay nalimutan ni Lucas ang kanyang pagpapakunwari
at bumulong; “Isa pa naman ito ... pagka siya'y hindi nagbayad ng magaling!... kung sino
ang bumayad ng magaling….”. Nagsidalo ang lahat, dahil sa malakas na katatalak ng
cura, kasama na rito sila PadreDámaso, Kapitan Tiago at Linares.... “Isang walang
hiyang hampas-lupa, na naparitong nanghihingi ng limos at ayaw magtrabaho!” ang
sigaw ni Padre Salví, at katapos ay sya’s tumungo sa convento.

ARAL: Isang moral na matututuhan natin sa ugali ni Padre Salvi sa kabanatang ito ay
dapat tayong maging bukas-palad at mapagbigay sa mga nangangailangan sa abot ng
ating makakaya, nang walang anumang anyo ng diskriminasyon o pananalakay, dahil sa
pamamagitan ng kahit sa munting kabaitan at kagandahang-loob ay maaaring umunlad
ang mga buhay at mapasaya ang mga taong ito. Sa linya ni Padre Salvi, "Isang walang
hiyang hampas-lupa, na naparitong nanghihingi ng limos at ayaw magtrabaho!" nakikita
natin na hindi nya man lamang subukan na dumamay o isipin ang sitwasyon ng tao kung
sya’y nangangailangan na at tinatrato pa ng masama ng mga maaaring matulungan siya.
Minsan kinukuwestiyon ng mga tao kung bakit nanghihingi lang ng pera o suplay sa
kanila ang mga taong nangangailangan at hindi na lang maghanap ng trabaho. Ang hindi
nila naiintindihan ay ang paghahanap ng trabaho mismo ay mahirap; Ang mabuhay sa
araw-araw nang ika’y nagkukulang nang lubos sa iyong mga pangunahing
pangangailangan ay sapat na mahirap na, pagkatapos ay makita at maranasan mo pa na
ang iyong mga kapwa tao na dumaraan lamang sa iyo sa mga lansangan at hindi man lang
sinusubukang na ika’y tulungan o pansinin man lang. Dapat nating matanto kung gaano
tayo pinagpala sa ating buhay at na maaari tayong maging isang pagpapala sa mga taong
ito sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtulong sa abot ng ating makakaya, at lagi nating
tandaan na kahit kaunting kabaitan at pagkabukas-palad lamang ay maaaring
makapagpabago sa buhay ng isang tao.

TANONG: Bakit kaya bigla gumaan ang loob ni Padre Damaso nang makita niya si
Linares?

You might also like