Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Alamat Ng Aklat

Group 6
Sa isang malayong nayon, may isang binate na nagngangalang Akat. Siya ay binayayaan ng angking katalinuhan
subalit, namatay ang kanyang mga magulang noong bata palang siya dahil sa sakit,hindi nya kilala ang iba nyang
kamag-anak, at ang kanyang pisikal na kaanyuan ay hindi din kapansin-pansin at dahil dito, hindi siya nagkaroon ng
kaibigan, kaya natuto na siyang mabuhay ng mag-isa.

Araw-araw ay nagsasaliksik siya nang mga bagong kaalaman at sinusulat ito sa papel gamit ang kanyang balahibong
panulat na nanggaling sa kanyang alagang manok at tinta na nagmula sa kanyang sariling dugo o mga dagta nang
ibang halaman, ipinag-sasama niya ang mga papel para hindi mawala at nakabase ang pagkumpol sa iba’t ibang
kategorya. Natuto na rin siyang magtanim at magpalago ng sariling mga tanim at halaman. Mga halamang
pwedeng kainin, pwedeng magpagaling nang mga sakit, at mga tanim o halaman na makakatulong sa kanya sa
pang araw-araw na pamumuhay.

Nagkakapera lamang siya kapag nagbebenta siya ng mga rekados na pangluto sa bayan. Minsan lang siya
pumupunta sa bayan, yun ay kapag may kailangan siyang gamit na wala sa bahay niya o magbebenta, minsan lang
talaga dahil narin sa sakit na delikado at nakakamatay. Isang araw, pumunta siya sa bayan upang bumili nang mga
kagamitan.

Pauwi na siya nang mapansin na may nawawalang bata sa daan. Bakas sa mukha ng bata ang takot at pagkalito.
Tinulungan ito ni Akat at sinama sa kanyang bahay. Sa una ay natatakot ang bata sa kanya pero kinalaunan ay
nawala din ito. Napansin ni Akat ang sugat sa tuhod ng bata, dahil narin siguro ay natumba ang bata kaya nangyari
ito. Ginamit ni Akat ang mga halamang tinanim niya at ang kanyang kaalaman sa paggagamot para malunasan ang
sugat.

Namangha ang bata dahil nawala ang sakit ng sugat, gusto ding matuto ng bata kung paano yun nagawa kaya
nagulat si Akat sa sinabi ng bata, noon palang niya narinig ang mga salitang nag bibigay puri sa kanya. Natutuwang
tinuruan ni Akat ang bata kung paano magbasa at magsulat sa sariling paraan ni Akat, sa una ay nahihirapan ang
bata pero kinalaunan ay natututo na nang kaunti ang bata. Dumating ang ilang linggo at bumalik sa bayan si Akat
kasama ang bata, nalaman ni Akat na ang bata ay anak ng pinuno ng bayan.

Pinaghinalaan nila si Akat na pinuwersa niyang uwiin ang bata para gawing bitag para nakawan ng pera ang
pinuno. Hindi sila naniniwala kay Akat dahil narin sa kasuspetsya suspetsyang mukha na taglay nito. Hindi din sila
naniwala sa bata dahil baka daw tinatakot ni Akat ang bata para di magsabi ng totoo. Pinasok nila sa kalungan si
Akat at iniwan. Doon lang napagtanto ni Akat ang realidad nang mundo, na kahit anong kabutihan ang gawin mo,
may iba’t ibang ikaw sa paningin ng iba.

Dumating ang ilang linggo at patuloy na naninira sa bayan ang sakit o salot, di alam nang mga tao ang dapat gawin
kaya nagkagulo ang lahat, napansin ito ni Akat at dali-daling nanalangin sa panginoon, pinagdasal niya na sana may
magawa siya upang masolusyunan ang problemang kinakaharap nila, ang sakit at ang kawalan ng pagkakaisa.

May narinig siyang isang boses na nagsasabing “Ano ba talaga ang gusto mong gawin?” “Ano ba sa tingin mo ang
dapat mong gawin?” “Bakit sa lahat ng ginawa nila sayo ay ito parin ang gusto mong gawin?” Ngumiti si Akat at
sinabing “Gusto ko silang tulungan sa abot ng aking makakaya, lahat nang meron ako, gagamitin ko para tulungan
sila, dahil alam ko yung pakiramdam na di mo na alam ang gagawin, di mo na alam ko ano pa ba ang tama at mali,
at kung ano ang pakiramdam nang pangangailangan ng kaalaman para mabuhay sa mundong to.”

Nakita niya ang isang maliwanag na ilaw at biglang dumating ang bata para sana ay tulungan si Akat na makatakas
subalit ang nakita niya sa loob ay hindi si Akat kundi ay isang kumpol ng mga papel.
Kinuha ito ng bata at dali dali siyang tumakbo papunta sa bahay ni Akat dala-dala ang mga papel, pagpasok niya ay
hinalugbog niya ang buong bahay ngunit wala doon si Akat, nakita niya ang alagang manok ni Akat. Sinundan ito ng
bata at napadpad sa kwarto ni Akat, mga kumpol ng papel ang nakita nang bata, ang iba dito ay pinag-aralan nila.

Nabasa niya ang mga medisina at mga paraan para sa maayos na pakikisama sa kapwa at iba pang mga kumpol ng
papel na pwedeng makatulong sa kanila. Kinuha nya ang dalawang kumpol ng papel. Pero di niya alam na sinundan
siya nang mga tao. Sinusumbat nila na si Akat ang dahilan ng mga problema dahil simula nung pa balik-balik siya sa
bayan ay kamalasan ang dinala niya mula pa noon.

Aakmain sanang susunugin ng taong bayan ang bahay ni Akat pero lumabas ang bata at napaliwanag, lahat ng
katotohanan at mga solusyon na si Akat lang ang nakaisip, mga gamot sa sakit, at mga paraan para sa maayos na
bayan. Tinuruan si ng bata kung paano magbasa at magsulat. Ilang araw at na solusyunan na rin nila ang problema.
Pinuri nila ang bata pero mas pinuri nila si Akat at ang mga kumpol ng papel na kanyang ginawa. Natupad ang
hiling ni Akat na makatulong sa kanila sa abot ng kanyang makakaya. Pinangalanan nila ito kasunod sa pangalan ni
Akat, at kalaunan ay naging Aklat.

You might also like