Ang Mga Mahalagang Ambag NG Kabihasnang Mesopotamia

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang mga mahalagang ambag ng kabihasnang Mesopotamia

Ang kabihasnan o sibilisasyon ng Mesopotamia ay isa sa pinakauna at pinakamatandang


kabihasnan na natuklasan sa buong mundo. Ang pangalang Mesopotamos ay mula sa dalawang
salitang greek na meso at potamos na ang ibig sabihin ay lupa sa pagitan ng ilog. Maraming
mahahalagang ambag ang kabihasnang Mesopotamia sa modernong sibilisasyon. Ang pinaka-
pangunahin rito ay ang mga unang sistema ng pagsulat na pinaniniwalaang nagsimula pa noong
3100 BC. Sa Mesopotamia rin nagsimula ang unang sibilisasyon na kung saan nagbukas ito ng
maraming kaunlaran sa iba't ibang larangan at aspeto tulad ng arkitektura, matematika,
astrolohiya, agrikultura, at maging sa panitikan at batas.

1. Imbensyon sa gulong

Ang pag-imbento ng gulong ay maiugnay sa Mesopotamia. Noong 1922, natuklasan ng


arkeologo na si Sir Leonard Wooley ang mga sinaunang gamit na gulong sa pinananiwalaang
lungsod ng Ur. Ito raw ay ang pinakalumang parte ng sasakyan na natagpuan sa kasalukuyan.
2. Cuneiform writing
Ang cuneiform ay ang unang sistema ng pagsulat na nabuo at nagsimula sa Mesopotamia. Ang
sistemang pangkomunikasyon na ito ay nilikha ng mga Sumerians dahil sa kalakalan upang
mapadali ang komunikasyon at upang mapanatili ang isang talaan ng mga komersyal na
transaksyon na ginawa ng isang lungsod. Ang Cuneiform ay naging lingua franca sa buong
rehiyon at kahit nong pagbagsak ng Sumer ay patuloy pa rin itong ginagamit.
3. The Hanging Gardens
Kilala ang Mesopotamia sa “The Hanging Gardens of Babylon”. Ito ay itinayo ni Haring
Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa. Ang mga hardin na ito ay may haba na 1300 metro at
mga 260 metro ang taas, nahahati sa mga platform o "floors". Ipinaliwanag ng ilang mga
historians kung bakit pinuno ito ng mga magagandang kalsada, mga bukal at magagandang
bulaklak upang ang reyna ay hindi magdusa ng kalungkutan sa mga nakaraan.

4.Ang Ziggurats
Ang mga ziggurats ay napakalaking templo na itinayo sa Mesopotamia, partikular sa Sumeria,
bilang paggalang at pananampalataya sa kanilang mga diyos. Sa tuktok ng gusali, ang mga pari
ng Sumerian ay nag-iwan ng mga handog (pagkain at mahalagang bagay) para sa kanilang mga
diyos.

5. Agrikultura at pag-aalaga ng hayop


Ito ang pangunahing rason kung bakit isang Agrikultural na society ang Mesopotamia. Ang mga
kondisyon ng mga lupain noon ay posibleng malaking dahilan kung bakit naisip ng mga
sinaunang tao ang pagsasaka at pag-aalaga ng hayop. Bukod pa rito, ang sistema ng patubig ay
naimbento sa Mesopotamia upang mailipat ang tubig mula sa hilaga patungo sa timog.

6. Hammurabi`s Code
Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang code of Hammurabi o batas ni
Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.

Noong 1595 b.c.e, sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay sila at
nakuha nila ang estatwa ni marduk, ang patron ng Babylon.

You might also like