Student Led Discussion (Performance Task-G10) PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangkatang Gawain:

“Student Led Discussion”

Pangkalahatang Panuto:
1. Ang bawat grupo ay magtatakda ng miyembro para sa mga gawain
a. Tagapaglahad ng presentasyon (panimula at pagpapalalim ng paksa)
b. Tagagawa ng presentasyon (PPT/Video)
c. Tagapaghanda ng maikling gawain (10 puntos na pagsusulit)
2. Mula Nobyembre 7-11, ang mga mag-aaral ay inaasahan na makapaghahanda para sa presentasyon na
iniatas sa bawat grupo.
3. Ang mga gagamitin na materyales ng bawat grupo tulad ng PPT/Video/Script at iba pa ay inaasahan na
maisusumite sa email ng guro: tps.gnotarte@gmail.com

Gawain sa Araw ng Presentasyon:


1. Ang bawat grupo ay inaasahan na maisasagawa ang presentasyon sa loob ng 35 minuto.
2. Ang presentasyon ay inaasahan na binubuo ng:
a. Panimula ukol sa aralin (2 minuto)
b. Pagpapalalim ng kaalaman tungkol sa paksa (15 minuto)
c. Pag-alam sa kaalaman mula sa mga tagapakinig (3 minuto)
d. Pagtatanong ng mga tagapakinig at guro (5 minuto)
e. Pagsusulit na inihanda ng grupo (10 minuto)

Petsa ng Pagsusumite:
Unang Grupo-Nobyembre 11-13, 2022
Ikalawang Grupo-Nobyembre 14, 2022
Ikatlo-Ikaapat na Grupo-Nobyembre 18, 2022

UNANG GRUPO: MIGRASYON


LAYUNIN:
1. Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.
2. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang epekto ng migrasyon sa aspekto ng panlipunan, pampulitika, at
pangkabuhayan.
3. Nakabubuo ng konklusyon at nasusuri ang paksa sa pamamagitan ng maikling gawain.

IKALAWANG GRUPO: SULIRANING TERITORYAL


LAYUNIN:
1. Natatalakay ang mga dahilan ng suliraning teritoryal.
2. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang epekto ng mga suliraning teritoryal sa aspekto ng panlipunan,
pampulitika at pangkabuhayan.
3. Nakabubuo ng konklusyon at nasusuri ang paksa sa pamamagitan ng maikling gawain.

IKATLONG GRUPO: MULTICULTURALISM AT DISKRIMINASYON


LAYUNIN:
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng multiculturalism at dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon.
2. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang pagtugon sa isyu ng multiculturalism at diskriminasyon.
3. Nakabubuo ng konklusyon at nasusuri ang paksa sa pamamagitan ng maikling gawain.
IKAAPAT NA GRUPO: POLITICAL DYNASTIES
LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng political dynasties sa pamamagitan ng picture analysis.
2. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at
matatag na pamahalaan.
3. Nakabubuo ng konklusyon at nasusuri ang paksa sa pamamagitan ng maikling gawain.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

PAMANTAYAN PUNTOS
Natutunghayan ang kooperasyon ng bawat grupo at ang motibasyon na nagmumula sa lider 5
ng bawat grupo.
Nakapagbigay ng matatag na opinyon at mayroong basehan ang mga nabanggit na puntos 10
ukol sa paksa.
Nakapaglahad ng malikhaing presentasyon at angkop ang konsepto para sa paksang 10
tinalakay.
Nakapabigay ng limang mahalagang katanungan ang grupo at napagalaman na nagawang 5
makasagot ng halos lahat ng miyembro ng klase.
Naipamalas ng grupo ang kanilang opinyon at presentasyon sa loob ng 35 minuto at hindi 5
humigit sa oras na nailaan.
Naipasa ang mga materyales na gagamitin sa presentasyon sa angkop na oras at nakitaan ng 5
kaayusan.
KABUUANG PUNTOS-40

GROUPINGS AND EVALUATION: https://bit.ly/GROUPINGSANDEVALUATION


SANGGUNIAN: https://bit.ly/AP10MATERIALS

You might also like