Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao del Norte
LUNA NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna, Kapalong, Davao del Norte

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

Petsa: Disyembre 12, 2022

Kasanayang Pampagkatuto:
 Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang d e gulong
at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

I-LAYUNIN:
Tungo sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang

1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng tulang panudyo;


2. Naiuugnay sa pang-araw-araw na buhay ang gamit ng tulang panudyo,; at
3. Nakasusulat ng sariling tulang panudyo na naaayon sa itinakdang
pamantayan.

II-PAKSANG-ARALIN:
1. Paksa : Tulang Panudyo
2. Sanggunian: Panitikang Rehiyunal Kagamitan ng Mag-aaral

III-PAMARAAN:

1. Panimulang Gawain:
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban sa klase
2. Pagganyak:
 Iparinig sa mga mag-aaral ang awiting ‘Sitsiritsit” habang ipinapaskil
ang liriko nito sa pisara. Sasabayan ng mag-aaral ang awitin.
Mga Tanong:
 Tungkol saan ang napakinggang awit?
 Ano ang iyong naramdaman habang pinapakinggan o inaawit
ang kanta?
3. Gawain:
Pagpapangkatin ng guro ang klase sa 5 pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan
ng halimbawa ng tulang panudyo at bibigyan ng 10 minuto upang basahin
at unawain ito. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang paksa ng tula?
b. Para kanino ipinapatungkol ang nilalaman ng tula?
c. Ano ang damdaming nais ipahayag ng binasang tula?
d. Ano ang iyong opinyon sa kabuoan ng nilalaman ng tulang binasa?
4. Pagsusuri:
a. Ano ang pagkakatulad ng mga halimbawang tula sa bawat pangkat?
b. Ano na man ang pagkakaiba ng mga ito?
c. Ano ang pangkalahatang layunin ng mga tulang binasa at pinakinggan?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao del Norte
LUNA NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna, Kapalong, Davao del Norte

d. Kung ikaw ang taong pinapatungkulan ng isa sa mga tula, ano ang iyong
mararamdaman?
5. Paglalahat:
 Ano ang kahulugan ng Tulang Panudyo?
 Ano ang kahalagahan at kaugnayan nito sa pang-araw-araw na
buhay natin?
 Bilang isang Pilipinong mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong
pagpapahalaga sa panitikang Pilipino kagaya ng Tulang Panudyo.

6. Pagtalakay:
 Tatalakayin ng guro ang kahulugan ng Tulang Panudyo at
maglalahad ng mga halimbawa. Hahayaan ang mga mga mag-aaral
na ipaliwanag ang bawat halimbawang inilahad.
7. Paglalapat:
 Sumulat ng 3 halimbawa ng Tulang Panudyo mula sa mga binigay na
halimbawa at isulat ang damdaming nakapaloob dito.

IV-PAGTATAYA:
 Sumulat ng sariling Tulang Panudyo batay sa sumusunod na
pamantayan.

A. Nilalaman
1. Malinaw ang mensahe……………………. 3 puntos
2. May orihinalidad……………………………...3 puntos
B. Pagiging Masining
1. Malikhain ang presentasyon…………….3 puntos
2. May hikayat sa madla……………………...3 puntos
3. Angkop ang mga salitang ginamit…….3 puntos
KABUOAN………………………………………………15 puntos

V-TAKDANG-ARALIN:
 Magsaliksik tungkol sa Tugmang de-gulong. Isulat sa kwaderno ang
kahulugan at 3 halimbawa.

You might also like