Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

AYON SA DAMI NG SINUSUKAT NA KAKAYAHAN

• PAGSUSULIT NA DISCRETE POINT.


- Isang kakayahan lamang bawat aytem ang sinusubok ng ganitong uri ng
pagsusulit.
Hal. Pagsusulit na may maraming pagpipilian.
• PAGSUSULIT NA INTEGRATIVE.
- Pangkalahatang kakayahan sa paggamit ng wika ang sinusubok ng pagsusulit na
ito.
Hal. Pagsubok na dictation, cloze test.

AYON SA PARAAN
ORAL
• Pasalitang sasagutin o gagawin ng mag-aaral ang pagsusulit na maaaring nakasulat o
pasalita ring ibibigay ng guro.
PASULAT
• Ang pagsusulit ay maaaring pasalita o pasulat naibibigay ng guro subalit ang pagtugon
ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat.

AYON SA PORMAT
PAGSUSULIT NA OBHEKTIBO O OBJECTIVE TEST.
-may kahirapang gawin ang ganitong uri ng pagsusulit subalit nagiging mabalis lamang
ang pagwawasto at pagmamarka nito. Isang tiyak na sagot lamang itinuturing na tama
sa bawat aytem ng pagsusulit.
Tama o Mali
Simpleng Pag-alala
Maraming Pagpipilian
Pagtatapat-tapat
Pagtukoy ng Mali

KATANGIAN NG PAGSUSULIT
A. BALIDO
• Ang pagsusulit ay kailangang sumukat ng dapat sukatin.
B. MAPANGHAHAWAKAN
• Taglay ng pagsusulit ang katangiang ito kung konsistent ang mag-aaral sa kanyang
ranggo tuwing bibigyan ng pagsusulit na may katulad na nilalaman.
C. MAY KAKAYAHANG MAGTANGI
• Ang mabuting pagsusulit ay nagkapagsasabi kung sino ang mag-aaral na natuto ng
ganap at kung sino ang nangangailangan ng ibayong pagtuturo.
4. MALINAW AT MADALING MAUNAWAAN
• Layunin ng pagsusulit na masukat ang kakayahang natamo ng mga mag-aaral, ang
magulo at nakalilito ng panuto ay sumisira sa layuning ito.

HAKBANG SA PAGHAHANDANG PAGSUSULIT

1. PAGPAPLANO NG PAGSUSULIT
• Ano ang mga layunin sa gagawing pagsusulit?
• Tiyakin ang sakop o saklaw ng pagsusulit. Maaring ito ay base sa balangkas ng aralin,
silabus, kurikulum o iba pa.
• Tukuyin ang mga uri o teknik ng gagawing pagsusulit at ang tiyak na bilang ng aytem.
• Gumawa ng talahanayan ng ispesipikasyon o Table of Specification (TOS)

2. PAGBUO NG AYTEM SA PAGSUSULIT


• Gawing gabay ang ginawa ng TOS
• Malayo pa ang takdang panahon ng pagsusulit ay nabuo na ang mga aytem upang may
panahon pang irebisa ito.
• Humingi ng opinion mula sa ibang guro upang matiyak ang katumpakan ng mga aytem.
• Isaayos ang mga aytem batay sa plano.

3. PAUNANG PAGSAGOT SA PAGSUSULIT O PRE-TESTING


• Ang paunang pagsagot ay maaring gawin ng mismong guro o kaguro. Sa hakbang na
ito makikita ang maaring mga pagkukulang ng nabuong pagsusulit bago aktwal naibigay
sa mga target na mag-aaral.
• Isang paraan pa ng pagwawasto ng pagsusulit ay ang paggawa ng susing sagot.
• Irebisa ang nabuong pagsusulit batay sa mga pagbabago nang lumitaw.

4. PAGBUO NG ISKEMA SA PAGWAWASTO


• Sa obhektibong tipong pagsusulit, madali lamang ang iskemang pagmamarka,
maaaring gawing isang aytem isang punto ang pagmamarka.
• Sa mga rubric na pagbabatayan ng markang mga magiging sagot ng mga mag-aaral.
MGA URI NG TANONG ALINSUNOD SA LAYUNIN

A. PAGTAYA NG PANGKABATIRAN
• Ang layunin ng katanungang itoa y upang maditermina ang kaalaman sa pag-unawa ng
isang mag-aaral. Iniaangat nito ang pag-iisip ng mga mag-aaral sa mataas na lebel o
antas. Ito iyong mga tinatawag na divergent ng mga katanungan at open-ended na
tanong na nangangailangan ng analisis at ebalwasyon.
Hal. Ano ang mangyayari sa ozone layer ng papawirin o agay-ay kung patuloy itong
mapipinsala?

B. PAGPAPATOTOO/PAGPAPATUNAY
• Diniditermina ng layuning ito ang ganap na kawastuan ng resultang isang aktibidad o
pagganap. Hal. Bakit unang nakikita ang kidlat bago marinig dalugdog o dagundong ng
kulog?

C. PARA SA MALIKHAING PAG-IISIP


• Kinakailangan ditto ang orihinalidad.
Hal. Gayahin o pakilosin mo ang iyong sarili na parang si Matsing at si Pagong.
Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong batay sa kanilang mga ideya at kuro-kuro
tungkol dito o di kaya’y ibang paraan sa paggawa ng mga bagay.
• Ang mga tanong dito ay dapat na makilinang ng malikhaing pag-iisip ng mga tao. Hal.
Bakit sinasabing ang alamat ay maaaring totoo maaaring hindi totoo?
• Pangatwiranan nang may kaakibat na katunayan.

D. PARA SA PAG-EEVALWEYT/PAGTATASA
• Ang mga katangian para rito ay kinapapalooban ng pagpapahalaga, pagpapasya at
pagpili (choice). Nagtatanong din ang layuning ito ng mga personal na opinion tungkol sa
isang pangyayari, tungkol sa isang patakaran o isang tao.
Hal. Maganda ba ang slide presentation ng iyong Guro?
May kaugnayan ba sa tunay na buhay ang napanood mong dula?
Bakit ninais na lamang ng mag-anak na manatili sa sariling bayan?
Bakit sa ganoong kalagayan winakasan ang kuwento?

E. MABUNGANG (PRODUCTIVE) PAG-IISIP KASALI RITO ANG PANGANGATWIRAN


• Pangkabatiran - Sinusuri nito ang katotohanan, kinikilala ang mga desinyo, mga
huwaran o pattern, mga kalakaran at hiningi rin ng mga katanungan ang pag-alaala
(memory) at ang panunumbalik ng gunita(recall).
Hal. Bakit matagumpay ang pang-apat nating Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura sa
pakikipagpulong sa maliliit na panginoong may-lupa (landlords)?
Paano pagbubutihin ang Law of conservation of Energy?
F. PARA SA PAGGANYAK
• Bago talakayin ang aralin, magbibigay ang Guro ng maraming katanungan hinggil sa
paksa nang sa ganoon ay mapukaw ang interes ng mga mag-aaral.
Hal. Alam ba ninyo kung ano ang mga layuning pangkabatiran, upang higit na
maunawaan ang mga behebyural na layunin.

G. PARA SA PAGTATAGUBILIN (FOR INSTRUCTING)


• Ginagawa ang pagtatanong para sa mahalagang kabatiran o impormasyon.
Ipinagbibigay alam, minamandihan, tinitiyak, pinapatnubayan at pinapayuhan nito kung
ano at paano gawin ang isang aktibidad.
Hal. Ano-ano ang mga proseso sa pagsasagawa ng eksperemento? Paano magluto ng
adobong manok?

MGA URI NG TANONG ALINSUNOD SA LAYUNIN

1. MABABANG ANTAS NG MGA TANONG


• Bunubuo ito ng mga ganitong tanong o nangangailangan itong payak na alalahanin o
alaala. Hal. Ibigay ang katuturan ng pangungusap. Ano ang katuturan ng maikling
kwento?

2. MATAYOG NA ANTAS NG MGA TANONG


• Ang mga tanong na mga ito ay para sa pagsusuri, pangangatwiran, pagtataya o pag-
eevalweyt, paglikha at paglutas ng problema.
Hal. Bakit tumataas ang temperature kapag malapit na ang pananghalian?

3. MGA TANONG NA CONVERGENT


• Mga tanong ito tungkol sa pagbibigay kahulugan, paglalahad, pagbibigay-
interpretasyon, at para sa pagbubuod/paglalagom.
Hal. Bakit pinamagatan ang kwento na Uhaw ang Tigang na Lupa? Kailan naganap ang
Lunar eclipse?

4. MGA TANONG NA DIVERGENT


• Pinapaisip ng mga tanong na ito ang mga respondent sa ibang direksyon, mag-isip ng
alternatibong Gawain o magbigay ng sariling desisyon. May mga posibleng sagot sa mga
tanong tulad ng Bakit mo inihalal si Presidente Noy-noyAquino? Ano ang mangyayari sa
barong tagalog mo kung ibibilad ito nang tatlong araw?

KATANGIAN NG MABUTING TANONG


1. TIYAK
• Maikli, tuwiran, at tumutukoy sa isang tiyak na kasagutan lamang. Makakatulong ang
hindi maligoy na pagtatanong upang hindi malito ang mag-aaral sa pag-iisip ng
kasagutan.

2. MALINAW
• Pili ang mga salitang gagamitin sa pagtatanong, yaong malinaw na makararating sa
mga mag-aaral. Hindi man nila alam ang isasagot subalit nauunawaan naman nila kung
ano ang itinatanong.

3. MAPANGHAMON
• Ang mga tanong na nasa mababang antas, o yaong mga tanong nasumusukat lamang
sa kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip. Kinakailangang ang tanong ay
yaong humahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral magpaliwanag, mangatwiran, o
magdesisyon.

1. Ilang Porsyento ng Northern Hemisphere ang tinitirahan? 90%

Spinach is high in which mineral? IRON

What is the diameter of earth? Greenland with 12, 742 kilometer

Name the largest sea of the world? Philippine sea

Pat Villafuerte ay isang manunulat, at propesor. Isinilang sa Nueva Ecija noong Mayo
7, 1948. Ano ang kanyang Buong pangalan? Patrocinio F. Villafuerte

You might also like