Professional Documents
Culture Documents
q3 ST 4 Gr.6 Filipino With Tos
q3 ST 4 Gr.6 Filipino With Tos
(F6PU-IIIe-
Nakasusulat ng mga salita o
2.2) 33.33% 5 6-10
pariralang naglalarawan
Kabuuan 100 15 1 – 15
GRADE VI – FILIPINO
Pangalan:__________________________________________Grade and
Section:_________
I. A. Basahing mabuti ang mga sumusunod at isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel.
II. Basahin ang kuwento at unawaing mabuti upang maiugnay ang binasang kuwento sa sariling
karanasan.
ANG PIYESTA NG AGPAMAGO
“Letlet, gumising ka na!” tawag ni Lalay. Iminulat ni Letlet ang kaniyang mga mata. Nakita
niyang nag-aayos na ng higaan ang kaniyang kaibigan. “Piyesta ng Agpamago ngayon! “
“Oo nga pala!” sabi ni Letlet, na napaupo sa kaniyang banig. Taga-Batangas si Letlet, at
inanyayahan siya ng kaniyang kaibigan na makisalo sa Piyesta ng Agpamago. Ang Agpamago
ang pinakamasayang pagdiriwang para sa mga Alangan Mangyan sa Mindoro. Ginaganap ito
tuwing Abril.
“Ano nga ulit ang ibig sabihin ng Agpamago?” tanong ni Letlet.
“Ang Agpamago ay pasasalamat kay Kapwan. Kapwan Agalapet ang tawag naming sa Diyos na
ibig sabihin ay Tagapangalaga. O, narito na pala ang mga pinsan ko! Halika, ipakikilala kita.”
Nang umagang iyon ay nakilala ni Letlet ang lahat ng mga lolo, lola, tiyo, tiya, at pinsan ni Lalay.
Ang ilan sa kanila ay mula pa sa ibang mga barangay. Ang bawat pamilya ay may dalang palay
na pagsasaluhan ng lahat. Masayang nagkukuwentuhan at nagkakantahan ang matatanda
habang nagbabayo ng palay, nagluluto ng pagkain, at nakikinig sa kanila ang mga bata.
“Banggi ang tawag sa mga kantang naririnig mo,” paliwanag ni Lalay. “Sa pamamagitan ng mga
awit, natatanggap naming ang mga kuwentong o pangaral ng nakatatanda. Minsan naman, may
mga banging nagpapatawa!” Namangha si letlet sa kaniyang mga narinig.
Pagkatapos ng kainan, tumayo sa gitna si Aking Jose. Siya ang pinakamatanda sa kanilang
pamayanan. Iginagalang ng lahat ang kaniyang kabutihan at dunong. Ayon sa kaniya, magiging
mabuti ang kalusugan, kabuhayan, at samahan ng lahat. Sinabi rin niya na dapat maging
masipag ang bawat isa upang maging masagana ang buhay ng buong pamayanan.
Pagsapit ng hapon, nagpaalam na sa isa’t isa ang mga kamag-anak ni Lalay. Masayang-masaya
ang lahat dahil naipagdiwang nila ang kanilang magandang samahan at ang tapat na pag-aalaga
ni Kapwan. Masaya rin si Letlet dahil sa kakaibang karanasan na hinding-hindi niya malilimutan.
Napakarami niyang maikukuwento sa kaniyang mga kapatid pag-uwi niya sa Batangas.
_______ 14. Bakit Kapwan Agalapet ang tawag ng mga Mangyan sa Diyos?
a. Dahil siya ang tinaguriang Tagapangalaga
b. Para sa mga masayahin na manananggol
c. Dahil pinuno ng pamayanan
d. Wala sa nabanggit
ANSWER KEY:
1. B
2. B
3. A
4. D
11. D
12. B
13. D
14. C
15 .D