Professional Documents
Culture Documents
Fili 101
Fili 101
YUNIT I
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
Panimula
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay
mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor
mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-
aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12.
Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng
lakas paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng
pagtrabaho o pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang
ASEAN integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping
bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng
mga miyembro.
Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging
hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan
at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga
sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang
pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan
sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin
para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga
damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino.
Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang
nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa
Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na
organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na
grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang
Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos
500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at
pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa
forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay
kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015,
pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng
Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa
Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat
tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol
Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino
at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at
Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. (https://tanggolwika.org/)
Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa
pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko
kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang
larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng
posisyong papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa.
Karaniwang ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang
kanilang paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.
Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng
kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na
“Pagtatanggol
iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa
atin sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.
Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino
at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa
ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang
bayan”. Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal –
mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang
pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa
akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong
bayan at napakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang
sanayin ang mga mag aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki pakinabang
ang napili nilang disiplina sa oang araw araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang
karanasan ng mga magaaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa
mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino
upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.”
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang
pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring
matanggap ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong
kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay
ng pagunlad. Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng
intelektwalisasyon ay ang pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang
paglago sa pagkakamit ng degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at
ang mainam na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang
dulot ng parehas na wika.
Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas,
PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the
Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.
Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag
nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat
Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag
aaral ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung
ano ang wika mo yun ang identidad mo.”
Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng
sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit
ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong
papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na
mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang
antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng
mga lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.
Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan
at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng
silid aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang
karanasan at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa
posisyong papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa
kung ano man ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito
ang nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang
sa gayon ay masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat
Pilipino. Ito ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.
Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging
malaking bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at
Panitikan. Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan ay
nagbigay ng magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na henerasyon.
Patuloy na magiging mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay
mas humigpit ang pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa
napakaraming aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang
dadami ang mga propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang
pagtatalakay sa mga posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa
wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon. Dala ng mga
gadyet at mga pang madlang midya na ang pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga
kabataan ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Nakalulungkot mang
isipin na ganito ang nangyayari sa mga kabataan ay kailngang maikital sa kanilang isipan ang
patuloy na paggamit sa sariling wika sa gitna ng modernong panahon.
Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga umpukan
bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na “Subject to the provisions of law
and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and
sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction
in the educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na
itaguyod ang pagbuo ng mga hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim
pamamaraan
Layunin
11
Lunsaran
Nilalaman
12
kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa – dahil ito ang malaking bahagi ng kaalaman. Ang
ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon, at komunikasyon ay
nakasalalay sa nabuo nating kaalam at napanday nating karunungan.
Maraming pamamaraan kung paano tayo nagkakakalap ng kaalaman. Ang bawat
pangyayari sa araw – araw mula sa umaga pag gising hanggang sa gabi bago matulog na
bumubuo sa paraan kung paano tayo nagkakaroon ng kaalaman. Ang bawat karanasan mula sa
pinakamaliliit hanggang sa pinakamalalaki ay nagiging paraan din kung paano tayo natututo.
Kadalasan ang pinakamalalim na kaalaman ay nakukuha natin mula pinakakumplikado nating
mga karanasan. Kasabay ng mga pangaraw – araw na pangyayari ang pagusbong ng mga
perspektibo na maaari nating magamit sa pagtingin sa mga problema o isyung kinahaharap natin
lalo at higit sa mga panghamong panahon. Ito rin ang ngmumulat sa atin sa mas magmaging
mahusay sa pagdedesisyon at pagaksyon sa mga bagay bagay.
Sabi nga, ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa
harapang pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bias at
talab ng mga ibinabahaging kaalam batay sa malalim at malawak na pag susuri at pagtatahi ng
impormasyon. Ang makatotohanan at katiwa tiwalang kaalaman ay makakatulong sa pag igpaw
sa kamangmangan at kahirapan. Gayundin ito ay isa sa mga malakas ba panlaban sa panlilinlang,
pangaapi, at pang aabuso lalo pang ang mali at binaluktot na impormasyon ay ginagamit sa
kasamaan ng mga ganid at sira sa lipunan. Sa kasalukuyang panahon kung kailan laganap ang
kultura ng pang madlang midya at virtual na komunikasyon, mas madali ng magpakalat ng
tinatawag na disinformation sa paraang ng fakenews sa mga midya gingamit sa information and
communication technology (ICT). Sa kabila nito lalong pinaiigting ang pagmagmamatyag sa
mga impormasyong nagmumula rito upang makabubuo tayo ng makabuluhan at makatuturang
kaalaman na magagamit sa pagpapaunlad ngating buhay at lipunang Pilipino.
Sa pagiging aksesibol ng mga impormasyon dulot ng teknolohiya ay nagiging aksesibol
na rin para sa mga masasamang loob ang panlalamang sa kapwa at dahil dito mas kinakilangan
na maging matalino sa paggamit ng iba’t ibang midya ang mga mamamayan. Ang pagiging
mapanuri ay isa na dapat sa mga kasanayang kasama sa inaaral at isinasabuhay ninoman. Ito ay
upang hindi madala ng mga mapanlinlang na tao at impormasyong maaaring makasama o dili
kaya’y makapagdulot ng panganib sa sino mang magkakamit nito. Ang kapangyarihang dulot ng
komunikasyon ay magiging mas epektibo sa tamang paggamit nito.
Kagaya ng napag-aralan na sa hayskul bahagi ng mataas n antas ng literasing pang media
ang matalas na sensibilidad sa pagsagap ng mga impormasyon mula sa ibat-ibang midya sa ating
lipunan. Walang anumang midya at teksto ng media sa values free. Ang klase ng midya ang wika
at naratibong itinampok dito, ang estruktura at daloy ng kwento, ang mga tunog at imahen na
ginawang representasyon ng realidad at iba pang aspekto ng mediasyon ay hindi neutral—bagkus
may, sinasalamin at kinakatawan itong mga diskurso, ideolhiya, at kapangyarihanhgg sosyal ,
kultural, at ekonomik. Nakapaloob dito ang pagpapahalaga, interes, at adyenda ng mgfa
prodyuser. Ang ano mang napapanood, naririnig, at maging nababasa natin sa tradisyonal
o modernong midya man ay may kani-kaniyang layunin na bunsod ng tao o organisasyong
nasa likod nito. Sa kasalukuyan, hindi na maaaring iilang pandama ang ating gingamit sa
paghalaw ng meesahe mula sa mga nasasaksihan natin. Lalong nangangailngan na na
magkaagapay ang ating mga pandama at ang ating matalas na isip sa pagbibigay katuturan sa
mga midyang abeylabol. Ito ay para makasiguradong lubos at tama ang mga impormasyong
makakarating sa atin at ang maibabahagi natin sa iba. Kailngan na nating tanggapin na
binubuo ng tinatawag na binary
13
opposition ang mundo sa kadahilanang walang neutral at ang mga bagay ay nasa pagitan lamang
ng positibo at negatibo, masama o mabuti, sang-ayon o hindi.
Ayon sa website na MindTools may anim na paraan upang malaman ang fake news. Ang
fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang
katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo. Sinasbi rin
ng ilang tao na ang mga totoong kwento ay “fake news", dahil lamang sa hindi sila sangayon sa
kanila. Maaari itong humantong sa mapanganib na pagwawalang bahala na mahahalagang payo.
Ang mga fake news ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali sa lugar ng
trabaho. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagsira sa kultura ng pag-aaral, at naging sanhi ng
pagkalat ng tsismis at kawalan ng katiyakan. Kaya mahalaga na malaman kung paano ihiwalay
ang tunay mula sa mga pekeng impormasyon. May ilang hakbang upang malaman kung ang
impormasyon ay lehitimo o hindi. Una ay ang pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga
impormasyon. Kailngan din na maging mapanuri sa pinamulan ng impormasyon. Mahalaga rin
na kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at suriin ang mga katibayan.
Huwag magpadala sa tinatawag na “face value” ng mga impormasyon. Hiindi kasiguraduhan ang
magandang presenstasyon ng tama at lehitimong batis ng impormasyon. Higit sa lahat suriin
kung “tunog tama” ba ang pahayag o impormasyon.
Bahagi pa rin ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pakikinig ng awitin, panonood ng
mga palabas, o ang pag-alam ng mga makabagong kaganapan. Ang lahat ng ito ay sa maaring
magawa gamit ang telebisyon, radyo, o kaya ay kompyuter. Mass Media o pangmadlang midya
ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng impormasyon at balita. Ito ay
nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ang ng impormasyon ang madla. Ito ay
pangunahing paraan ng komunikasyon na gingamit upang maabot ang karamihan sa
pangkalahatang publiko. Ang pinaka-karaniwang pangmadlang midya ay pahayagan, magasin,
radyo, telebisyon, at Internet. Ang pangkalahatang publiko ay karaniwang umaasa sa
pangmadlang midya upang magbigay ng impormasyon tungkol sa mga isyung pampulitika,
lipunan, libangan, at balita sa kulturang popular.
Ayon kina Maxwell McComb at Donald Shaw, ang pangmadlang midya ang nagtatakda
kung ano ang pag uusapan ng publiko kung si George Gerbner, ang midya, lalo na ang
telebisyon, ang tagapagsalsay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na
ang mudoy magulo at nakakatakot kung si Marshall McLuhan, binabago ng midya ang
simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahn nito ang kanilang pananaw,
karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabng “ang midyum ay ang mensahe”; at kung si
Stuart Hall ang midya ang nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa
lipunan (Griffin, 2012). Sa makatuwid, kailangang maging mapanuri at kritikal sa mga
impormasyong nakukuha sa midya upang magamit ang mga ito sa kapakinabangan, sa halip na
kapahamakan.
Dapat ding maging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa harapang pakikipag
usap. Ang sinasabi ng ekperto, mahal sa buhay, matalik na kaibigan, sikat na artista, politiko, o
tinitingala sa lipunan ay hindi awtimatikong katotohanan. Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang,
at pagtatahi ng mga impormasyon-–mula sa mg taong nkakaranas hanggang sa mga kinikilalang
dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penominang pinaguusapan.
Bukod sa batis ng impormasyon, dapat ding isaalang alang ang pamamaraan ng pagkuha
ng impormasyon, ang konteksto ng impormasyon, at ang konteksto ng pinagkunan o
pingmulang impormasyon. Ang maling pamamaraan ay humahantong sa palso at di angkop na
datos. Ang konteksto ang nagbibigay ng linaw sa tukoy na kahulugan ng impormasyon at
nagsisilbing gabay sa interpretasyon nito. Dagdag pa, konsiderasyon din kung anong
pamamaraan ang gagmitin sa
Lunsaran
Nilalaman
pakay sa paglahok dito. Kung ang paksa naman ng talakayan ay desisyon ng pagsuporta o
pagtutol sa patakaran depende sa bentahe at disbentahe ng pagsasalita, ang isang tutol sa
patakaran ay malamang na may pakay na mangumbinsi ang mga kapwa kalahok na pumanig sa
posisyong laban sa patakaran. Konsiderasyo naman ang uri at kalakaran ng sitwasyong
pangkomunikasyon sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman at pagpili ng plataporma ng
pagpapahayag.
Mapapansin sa talakayan na nauna ang paglilinaw sa paksa, uri, at kalakaran ng
sitwasyong pangkomunikasyon bago ang pakay sa paglahok dito ang pagtukoy sa tiyak na paksa
at tiyak na layon ng pananaliksik. Maaari ring kabaligtaran ang mangyari, na mauna ang
pagsasaliksik hinggil sa isang napapanahon at mahalagang paksa bago magdesisyon ang
mananaliksik kung saang sitwasyong pangkomunikasyon niya ibabahagi ang kaalamang nahalaw
at kung ano ang pakay niya sa pagbabahgi nito. Anuman ang proseso, ang pag alam sa uri ng
sitwasyong pangkomunikasyon ay makatutulong din upang makilala ang kapwa kalahok.
(katalastasan) o audience (tagapakinig, mambabasa, o tagapanood) mapaghandaan ang posibleng
estraktura at daloy ng sitwasyon at makagawa ng estratihiya kung paano pupukawinang interes
ng mga kapuwa kalahok o audience
Si San Juan (2017) ay nagbigay ng limang hakbangin na dapat isakatuparan sa ikauulad
ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino bukod sa pagsipat sa iba’t ibang realidad at/o
suliraning panlipunan na maaaring pagmulan ng makbuluhang adyendang pananaliksik. Una,
“magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino
paano babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino
mismo. Ikalawa, “magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng
Netherlands at diva-portal.org ng Sweden. Ikatlo, “magdevelop ng katiwa-tiwalang translation
software na libreng magagamit para sa mga mass translation projects. Ikaapat, “bigyang
prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong maitaas ang edukasyon at ang mga programamng
grdwado. Ikalima, “atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng
Filipino at/o Araling Pilipinas.”
Mainam din na ikonsidera ng mananaliksik ang ilan sa mga mungkahi nina Santiago at
Enriquez (1982) para sa maka-Pilipinong pananaliksik. Una, iugnay sa interes at buhay ng mga
kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa. Pangalwa, gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat
na nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura, at katanggap tanggap sa ating mga
kababayan. Pangatlo, humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga kalahok, lalo na
iyong makabuluhan sa kanila.
Mulaan ng Impormasyon:
Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa. Facts, and
figures at datos (halimbawa. Obserbasyon , berbal, at biswal na teksto, artifact fossil) na kailangan para
makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad. Ang
mga ito ay maikakategorya sa dalwang pangunahing uri: primera at sekundarya.
Primary at sekundaryang batis. Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at
teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon nanakaranas, nakaobserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o phenomena. Halimbawa ng mga primaryang batis ng mga sumusunod:
Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao:
1. pagtatanong tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturado talakayan;
5. umpukan
6. pagbabahay bahay
Alinman sa mga sekondaryang batis ay maaring maging primaryang batis kung ito ang mismong
paksa ng pananaliksik. Halimbawa ang nilalaman ng tsismis na pangshowbiz na nalalathala sa mga
diyraryo at katuturan nito sa buhay ngmga Pilipino ay maaring magoing paksa ng isang pag aaral ng
diskurso. Sa gayon, ang tsismis ay ituturing na primaryang batis dahil ito mismo ang susuriin.
Sa pangkalahatan, sa dalwang uri ng batis, binibigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang
primary kes sekondaryang batis sapagkat ang una ay nanggaing sa aktuwal na karanasan, obserbasyon o
pagsisisyasat kaya itinuturing na mas katiwa tiwala kaysa pangalawa. Ngunit hindi dapat ipagbalewalang
bahala ang alinmang sekondaryang batis dahil maaaring maghain ito ng kaugnay o alternatibong
perspektiba at kabatiran na magpapapatatag sa kaaalamang binubuo ng manananaliksik lalo na kung ang
mga ito ay mula sa kinikilalang eksperto. Dagdag pa, daan ito tungo sa pagtukoy ng iba pang
mahahalagang batis ng impormasyon na posibleng magamit ng manananaliksik; gayunman, dapat na
balikan, suriin, at gamitin ng manananaliksik ang primaryang batis kung saan kinuha ang mga
imporamsyong nagamit sa sekondaryang batis (Hinampas 2016).
Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga sanggunian na
ang nialaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman tulad na lamang ng Wikipedia.
Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon. Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis
impormasyon, kailangan timbangin ang kalakasan, kahinaan kaangkupan ng harapan at mediadong
pakikipag ugnayan. Ang mga kapwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban kung
ang nsagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao.
Sa harapang ugnayan ng kapwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang
indibiwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik, ang mga apektado nito,
nakaobserba rito, dalubhasa rito o nakaugnay, nito sa ibat-ibang dahilan (halimbawa.lider ng komunidad
kung saan nagaganap ang penomeno, mananaliksik at nagsisisyasat din sa paksa). Sa mediadong ugnayan
naman, maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-tao sa pamamagitang ng ICT
(halimbawa. Telepono, email, pribadong mensahe sa social media), lalo na kung may limitasyon sa
panahon at distansya sa pagitan ng mananaliksik at ng natukoy ng mga indibidwal. Ilan sa mga kalakasan
ng harapang ugnayan ang mga sumusunod:
1. maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid;
2. makapagbigay ng angkop na angkop na kasunod na tanong ( follow-up question) sa kaniya;
3. malinaw niya agad ang sagot; at
4. maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresion.
Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas malaking oras para sa fieldwork lalo
na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid. Bentahe naman sa mediadong
ugnayan ang:
1. pagkakataong makapagbatid ang mga nasa malalayong lugar sa anumang oras at pagkakataon
kung kalian nila maiisisingit ang pag responde
2. ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang personal ng
manananaliksik ang mga tagapagbatid; at
3. ang mas medaling pag oorganisa ng mga datos lalo na kung may elektonikong sistema na
ginagamit ang manananaliksik sa pagkalap ng datos (halimbawa. Mga online survey tools,
digital transcriber, vedio analysis, software, computer, assisted qualitive data analysis. )
Midya bilang batis ng impormasyon. Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon,
kelangan ding pag isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para sa binubuong
pahayag ng kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, angkop na uri ng
midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.
Lunsaran
Nilalaman
lumahok , at isangguni sa kanila ang takdang lugar, araw at oras ng harapan o mediadong
interaksyon para sa pangangalap ng datos.
1. Eksperimento
Sa teksto ng agham panglipuanan, ang eksperemto ay isang kuwantitatibong disenyo ng
pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng
interbensiyon. Halimbawa, ano ang epekto ng paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa klase
(independent variable) sa antas ng kaaalaman ng mag aaaral hinggil sa isang paksa sa agham (
dependent variable). Madaas na gumagamit ng kontrol at eksperimental na mga pangkat ng
kalahok para mapagkumpara ang resulta sa pagitan ng pangkat na hindi finagamitanng
interbensiyon (kontrol) at sa pangkat na gimagamitan ng ( eksperimental). Limitado ang gamit
ng eksperomento sa agham panlipuanan at nahaharap ito sa maraming banta sa katumpakan
( baxter & babbie 2004).
2. Interbyu
Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagian ng mananaliksik bilang
tagapagtanong, at tagapoakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon
(baxter & babbie 2004). Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang mananaliksik ng gabayna
tanong, na ang pgkakasuynod ay mahalaga upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng
tragapagbatid. Sa semi-estrukturadong interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang
mananaliksik, subalit maari niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu
at maaari din niyang dagdagan kung mayroon siyang followup na tanong. Sa di estrukturadong
interbyu ay hindi kahingian ang mga gabay na tanong upang mas maging natural ang daloy ng
usapan, subalit makabubuti na kahit paanoy lagging tinatandaan ang manananaliksik sa layon at
paksa na kaniyang sinisiyasat habangnagiinterbyu para magabayan siya ng dapat itanong at
malaman. Mainam ang interbyu sa pagkalap ng mga datos na hini direktang naoobserbahan, sa
pagunawa sa ibat ibang kahulugan sa karanasan o penomeno batay sap unto de bista ng
tagapagbatid, sa pag aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa ibat ibang
aspekto ng isang paksa ( baxter & babbie 2004).
5. Pagtatanong-tanong
Marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa pagkalap ng
katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay mainam sa sumusunod na pagkakataon :
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid:
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa paksang
sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa : at
4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid (
Gonzales, 1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya
masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal
at bernakular na wika ang ginagamit para medaling magkaintindihan ang nagtatanong
at ang tinatanong ( gonzale, 1982). Sa ganitong pamamaraan, may mga dapat isa
alang alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag siyasat, pook nbg
pagtatanong tanong, at panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales, 1982).
6. Pakikipag kwentuhan
Pakikipag kwuwentuhan naman ang ginagamitr ni de vera na (1982 ) upang pag aralan
ang pakiki apid sa isang baryo sa camarines norte . itoay isang di-estrukturadong at impormal na
usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na hingil sa isa o higit pang mga paksa kung saan
ang mananliksik ay walang ginagami na tiyak na mga tanong at hindiniya pinipilit at igiya ang
daloy sa isang direksyon. Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan , kundi ang
pagiging “Malaya” ng mga kalahok na “magapahayg ng anumang opinion o karanasan” at
magbigay ng verbal at di verbal na ekspresyon ng “walang takot” o pag aalinlangan na ang
binitiwan nyang salita aymagagamit laban sa kanya sa pag hihirap (de vera 1982, p. 189). Wala
rin sa kahingian ng pakikipagkwentuhan na ganapain ito sa isang tiyak na lufgar at oras. Madalas
na nangyayari na lamang ito ng walang ka aabog abog habang ang mananaliksik ay nasa
fieldwork.
7. Pagdalaw-dalaw
Sa pag aaral ng kaiharapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa malabon,
rizal ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina Gepigon at Francisco
(1982) ay pagdalaw dalaw ayon sa kanya ang pagdalaw dalaw ay ang pagpunta punta at
pakikipag usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala; matapos magpakilala
at makuha ang loob ng iat isa,mas maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang
mga nais niyang sabihin bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194).ito ay
maaroing kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag
kuwentuhan at pakikilao. Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago itopalalamin at
palawigin ang mga imporamsyon kinakalap mula sa mga tagapagbatid.
8. Pakikipanuluyan
Ginagamit naman ni nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag aaral ng konsepto ng
panahon ngf mga tsiaong, guiguinto bulacan. Para makakuha ng datos sa pamamaraang ito
dumadalaw muna sila nbsa barangay habng sa naninirahan na siya ng talong buwan ditto para sa
kanyang pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa
kanyang mga aktibidad kagaya ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo
sa ibat ibang pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong
hingil sa paksang sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang pang
matagalan at masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat
ng iba pang mga espesipikng amamaraan ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg
nakikitira sa isang bahay at nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag
mamasid nag tatanong tanon, nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain.
Pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim at komprehensibo ang mga impormasyong
malilikom ngmananaliksik. Hindi to kataka taka dahil ang pakikipanuluyan “ ay isa sa
pinakamabisang pamamaraan upanfg mapaunlad ang pakikipag kapuwang isang tao” (san juan &
soriaga, 1985,p.433).
9. Pagbabahay bahay
May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa
bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag
kuwentuhan at nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasasaggawa
ng survey, pero ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng
hitik, kompleks, at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.
10. Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula
kapuwa tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa
medaling salita, ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at
kapaligiran. Kung kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng
mananaliksik kung “maari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa
pananaliksik ( Gonzales 1982 p.175) Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may
pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay, at
pakikipanulyan.
May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958): complete observer
(ganap na tagamasid ), complete participant (ganap na kalahok), observer as participant
(tagamasid bilang kalahok), at participant observer (kalahok bilang taga masid) (salin sa Filipino
ni Agcaoili
2016, p. 60). Ipinapakita sa pigura 1 ang buod ng topolohiya ni gold. Sa pagpili ng angkop ng
akopna papel sa pagmamasid, dapat pag aralang mabuti ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa
at isaalang alang ang layon at disenyo ng pananaliksik. Halimbawa, ang mismong ng
mananaliksik at/o ang pagkaalam ng tagapagbatid na may ginagawang pasasaiksik hinggil s
kanila ay maaaring makaapekto sa kanilang kilos habang sila ay inoobserbahan; sa gayon, itoy
makapagdulot ng kuwestiyon sa pagiging katiwatiwala na datos na makakaya. May etikal
naisyunaman ang papel ng ganap na kalahok kaya kailangang timnbanging mabuti kung ang
paglilihim sa mga tagapag batid ay mabibigyang katuwaran ng mabuting intesnyon ng
pananaliksik at kungito ay hindio magdudulot sa kanila ng kapahamakan ( baxter & babbie,
2004, p. 307 – 309 )
gadyet na cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis na ito ang mga artikulos sa
journal, balita sa online news site, at account ng karanasan sa blog.
Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa
isyung pambansa.
Website ng pamahalaan
Website ng ahensiya ng pamahalaan
Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
Website na gumagawa ng fact check
Pagsusuri ng Datos:
Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga
Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
1. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago tukuyin ang
mga suisng salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema. Bago sulatin ang buod,
palitawin muna ang koneksiyon ng mga susing salita, ang paksang pangungusap, at/o ang
mga tema upang malaman ang sintesis o pinakapunto ng teksto. (Constantino et al., 2016)
2. Kahingian sa ilang uri ng materyal ang ankop na elemento at estruktura ng buod.
3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong
pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang
hinahantungan ng huling sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto.
4. Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinanong.
(Jimenez, 1982, p.27)
YUNIT III
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
33
34
35
paano kung ang laman ng tsismisan ay tungkol sa pangungurakot ng mga opisyal sa isang bayan?
Oo nga’t hindi agad dapat paniwalaan, ito’y dapat usisain. Kung mapatunayang totoo ang
tsismis, kailangan ng aksyon mula sa taumbayan at makikinabang dito ang bayan. Kung hindi,
ang napatunayan nito’y malinis ang budhi ng mga opisyal na natsismis at malamang na may
naninira sa kanila na silang maitim ang budhi. Samakatuwid, ang implikasyon nito’y kailangan
ng matinding paghimok sa mga Pilipino na idirekta ang tsismis sa layong ito’y mapatotohanan o
mapasubalian-ang transpormasyon ng tsismis na walang kasiguraduhan ang katotohanan tungo
sa pagiging balita na batay sa empirikal at kritikal na pagsusuri.
Sa mga mapaglaro ang isipan na sangkot sa social marketing, puwede ring magamit ang
tsismis para takamin ang mga tao hinggil sa isang bagong teknolohiyang panlipunang maaaring
ilako para mapakinabangan ng marami. Madaling maintriga ang maraming Pinoy at mabilis
kumalat ang tsismis. Halimbawa, kung may magsisimula ng tsismis hinggil sa bago at murang
pamamaraan ng paggamot sa isang sakit, malaki ang posibilidad na may mga mag-uusisa tungkol
dito pagkatapos makipagtsismisan. Sa politikal na pananaw, sinasabing ginagamit ng mga
naghaharing uri ang tsismis bilang “instrumento ng kapangyarihan” para linlangin ang
taumbayan (Dela Cruz, 2014, p. 2). Halimbawa, ginamit ng mga Espanyol ang tsismis laban sa
mga babaylan, si Jose Rizal, at ang Katipunan upang manatili at mapalakas ang dominasyon ng
dayuhang kapangyarihan sa bansa (Dela Cruz, 2014, pp. 9-10). Sa kabilang dako, nagbibigay ng
panandaliang katuwaan at kaluwagan sa damdamin ng mga mahirap na manggagawa ang
tsismisan dahil dito nila naibubuhos ang sama ng loob nila sa kanilang mahirap na kalagayang
panlipunan. (Dela Cruz, 2014, pp. 11- 12; Tan, 2016, p. 12). Halimbawa, noong lumabas ang
Noli Me Tangere, sa tsismis nakuha ang karamihan ang tungkol sa laman nito, sapagkat pilit
pinigilan ng mga Espanyol ang pagkalat nito (Dela Cruz, 2014), Noong panahon naman ng Batas
Militar ni Ferdinand Marcos, ang mga tao ay kumukuha ng bali-balita mula sa tsismisan dahil sa
midya noon ay kontrolado ng pamahalaan at puro pabor kay Marcos ang ipinapahayag (Tan,
2016).
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa sikreto at baho ng iba.
Ang mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring
nagmumula sa kakitidan ng utak natin. Ang pangtsitsismis ay nagiging simpleng paraan upang
makapanakit sa kapwa at mga kaaway. Ang tsismis ay karaniwang ginagamit para makasakit at
makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman o kaya naman ay husgahan ang kanilang
katauhan, kamalian at kasalanan. Ang madals na pinag-uusapan ng tsismis sa kumonidad ay mga
sensitibong bagay tulad ng sex, pagbubuntis ng mga hindi kasal o disgrasyada, pagiging
homosexual at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado
sa buhay o kaya naman ay pag-aaral.
Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa
katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na narinig
nila, marami pa rin ang naniniwala sa alternative facts. Kakaunti lamang ang mga taong
nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaunti pa ang mga tao na
sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap.
Lunsaran
Nilalaman
Ang umpukan ay impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para
mag- usap na magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso
ng pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para
makiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit. Sa pagkakataong hindi
kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang usisero na ang tanging magagawa’y amnood at
making sa mga nag-uumpukan; kung siya ay sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga nag-
uumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o pabida. Kagaya sa tsismisan, walang tiyak o
planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan. Subalit di kagaya sa una, ang umpukan ay
puwedeng dumako rin sa seryosong talakayan, mainit na pagtatalo, masayang biruan, malokong
kantiyawan, at maging sa laro at kantahan. Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas talagang
maisingit ang biruan, na minsa’y nauuwi sa pikunan. Naniniwala si Enriquez (1976) na taal na sa
maraming Pilipino ang pagkapikon dahil sa “isang kulturang buhay na buhay at masigla dahil sa
pagbibiruan”(p. 13). Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag-isipang
mabuti maaaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, magkakaparehong interes
ng mga nag-uumpukan, o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid. Minsan, kung sino ang
dumaan malapit sa umpukan ay siyang napag-uusapan. Nangyayari ang umpukan hindi lamang
sa kalye
dahil madalas sa paaralan (mga mag-aaral at guro), opisina (mga empleyado), korte (hurado at
mga manananggol), at botante (mga kongresista o senador). Sa senado halimbawa, nag-
uumpukan ang mga mambabatas bago ang simula o pagkatapos ng isang sesyon, at kapag break.
Madalas matampok sa telebisyon at sa diyaryo ang umpukan ng mga magkakaalyadong senador
at kongresista. Minsan, sa umpukan din humihingi ng pasensiya ang mga mambabatas na
nagkainitan habang matinding nagbabalitaktakan dahil sa magkakaibang pananaw sa mga isyu at
prosesong may kinalaman sa paggawa ng batas.
Sa isang komunidad at maging sa iba’t ibang lugar sa loob nito kagaya ng paaralan at
tambayan sa kanto, ang umpukan ay isang masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para
mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapuwa. Dito umuusbong at napapayabong ang diwa ng
ating paki sa kapuwa. Kumbaga, ang magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay sa isa’t isa,
may pakialam sa isa’t isa, at nagbabahagi at sumasagap ng mga impormasyon mula sa usapan ng
mga magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang pagiging kasapi ng pamayanang kinabibilangan
at kaniyang pakialam dito. Dito rin naisasalin at napapalaganap ang mga kuwento ng bayan, ang
mga lokal na pananaw, ang pagkaunawa sa mga katutubong kaugalian, at iba pang salik na
panlipunan at kultural na reyalidad. Ang salamyaan ay isang halimbawa ng tradisyon kung saan
tampok ang umpukan. Pinag-aralan ni Petras (2010) ang salamyaan sa Marikina bilang
pagpopook sa siyudad sa kamalayang- bayan ng mga mamamayan nito. Bukod sa kainan,
kantahan at paglalaro ng Bingo, isa rin sa itinatampok sa salamyaan ang umpukan na may
kalahok na ring tsismisin, talakayan, balitaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa isang
silungan o tambayan (Petras, 2010, p. 95-96). Binigyang pansin ni Petras (2010) ang
kahalagahan ng salamyaan bilang talastasang bayan kung saan nabubuo at napapalaganap ang
mga salaysay mula sa loob, namamayani ang diwa ng pagkakapantay-pantay sa mga kalahok, at
napapasigla at napapatibay ang ugnayan at samahan ng mga Marikenyong magakakatulad ang
“interes at hanapbuhay” (p. 102).
Marami pang ibang katuturan ang umpukan. Sa karanasan ng mga boluntir sa Ugnayan
ng Pahinungod/Oblation Corps (UP/OC), ang programang pamboluntaryong serbisyo ng
Unibersidad ng Pilipinas Los Banos (UPLB), mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao sa
isang komunidad ang pakikiumpok. Sa umpukan, nakikilala at nakakapalagayang-loob ng mga
boluntir ang mga taong katuwang nila sa mga gawaing pangkaunlaran sa pamamagitan ng
pakikinig at pakikipagkwentuhan sa kanila. Nagkaroon din minsan ng kantahan, talakayan, at
tawanan habang nag-uumpukan (Pigura 1). Estratehiya naman ng ilang boluntir ng UP/OC na
eksperto sa agrikultura ang makipag-umpukan sa mga magsasaka ng isang komunidad. Dahil sa
impormal na lapit at malayang daloy ng talakayan, mas nakapagtatanong at nakapagbabahagi ng
ideya ang mga magsasaka sa umpukan kaysa sesyon mismo ng pagsasanay o seminar na
karaniwang nakaistruktura sa di-pormal na edukasyon na nakakatakot sa mga kalahok. Isa pang
halimbwa ng komunikasyong pangkumunidad kung saan tampok din ang umpukan at iba pang
kagawiang pangkomunikasyon ay ang ub-ufon ng mga tubong Kadaclan sa Barlig, Bontoc, Mt.
Province na naninirahan sa Siyudad ng Baguio sa dahilang pang-ekonomik.
Sa paglipas ng panahon, tumaas ang bilang ng mga taga-Kadaclan na lumipat sa siyudad
at karamiha’y ilang komunidad na room (Potectan, 2012 p. 29). Madalas na ginagawa ang ub-
ufon sa isang itinakdang ator o dap-ayan (lugar), ng pagsasama-sama ng mga umuli
(magkabahayan) para magpakilala, mag-usap hinggil sa iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo,
magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon (customs/traditions) sa nakababata, mag-imbita
Lunsaran
Nilalaman
mga opinion, kaalaman at proposisyon. Malabong may maabot ang isang talakayan kung
walanag mangyayaring
2. Hindi palaban. May mga pagkakataong nagiging mainit ang talakayan subalit hindi
dapat dumating sap unto na nawawalan ng magalang na tono, paraan ng
pagpapahayag ng bawat kasali sa talakayan; mainit ang pagtalakay subalit nananatili
ang paggalang.
3. Baryasyon ng ideya. Mahalaga ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba ng pananaw ng
mga pahayag upang matamo ang higit na malalim na pagtalakay.
4. Kaisahan at pokus. Mahalaga ang pael ng dalubguro o ng tagapamagitan upang hindi
mawala sa punto ng usapin sa kabilang mga mga baryasyon ng ideyang ipinapahayag
sa malayong pagtalakay.
Ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita at
gawa aysadyang di na maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon hanggang sa
katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at gabay upang maiwasan ang di pagka-
kaunawaan kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isa’t-isa. Samakatuwid
ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan at mapanatili sa
pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na
ibahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali.
Lunsaran
Nilalaman
pormal nag awing pangkomunikasyon kagaya ng pulong, seminar at pampublikong forum. Kung
nais malaman ang iniisip at saloobin ng mga tao sa isyung ito at para makapagsakatuparan ng
mga angkop na dulog sa mga programang tutugon sa mga isyung ito, ang pagbabahay-bahay ay
isa sa mga mainam na estratehiyang pangkomunikasyon na maaaring isagawa ng pamahalaan,
non government organization, at iba pang samahan o institusyon na may mga proyekto hinggil
dito. Kung tutuusin, ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian ng pangangapitbahay
na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino, lalo na sa mga lugar na rural. Sa mga pamilyang
magkakalapit ang bahay, ang pangangapitbahay ay nakapagpapatatag ng samahan sa mga
mamamayan ng isang komunidad. Dito nagaganap ang kamustahan o usisaan sa buhay ng bawat
isa, bahagian ng iniisip at saloobin, hingian p palitan ng mga material na bagay, lalo nang mga
sangkap sa pagluluto at iba pang gawain sa bahay, at maging tsismisan at umpukan. Ang laman
at layon ng interaksyon ay madalas na hinggil sa karaniwang intindihin at gawain sa araw-araw.
Minsan, ang pangangapitbahay ay nauuwi rin sa pakikikain, pakikipag-inuman, at pakikitulog.
Sa kabilang banda, ang pagbabahay-bahay ay madalas isinasagawa ng mga kinatawan ng
ahensiya ng pamahalaan, pribadong institusyon, o nongovernment organization na may tiyak na
layong panlipunan na nangangailangan ng kontribsyon, pakikiisa, at pakikipagtulungan ng mga
residente ng isang komunidad. Ang estratehikong estilo sa pagbabahay-bahay ay kahilantulad din
ng pangingitbahay: mas personal at impormal, may pagkamusta sa buhay ng pamilyang dinalaw,
at lapat sa araw-araw na alalahanin ng pamilya ang takbo ng usapan. Subalit sa una, kadalasang
ang mga nagbabahay-bahay ay mga tagalaas ng isang kapitbahayan at ang saklaw ng layon nila
sa pagdalaw ay nakasentro sa mga isyu, alalahanin, at programang panlipunan na saklaw ng
isang buong komunidad.
Ang Pasko ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga Kristiyano sa pagsilang kay
Hesukristo. Karaniwan na nagbabahay-bahay ang bawat pamilya upang magmano at magbigay
ng pagpapahalaga sa mga nakatatanda at mga kamag-anak sa kahit na naumang paraan. Mayroon
ding nagaganap na pamamahagi at pagtanggap ng munting aginaldo para sa mga bata. Ito ay
kaugaliang kinagisnan minana natin sa ating mga ninuno at patuloy na nagpasalin-salin sa mga
susunod na henerasyon bagama’t may mga modipikasyon sa paraan ng selebrasyon batay sa
pagbabago at pangangailangan ng panahon. Isa pang halimbawa ng pagbabahay-bahay ay ang
pangangaluluwa na ginagawa sa bisperas ng Araw ng mga Patay. Itoy isinasagawa sa
pamamagitan ng pag-awit ng mga awiting bayan kapalit ang konting donasyon at dasal para sa
mga namayapa. Pero halos tuluyan na at nagbago ang konseptong ito sapagkat ngayon ay hindi
na umaawit sa tapat ng bahay sa halip sila ay nakasuot ngayon ng kasuotang pang trick or treat
ang naumang kapalit na kahit na naong bagay o halaga na manggagaling sa mga may-ari ng
bahay.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon sa pagbabahay-bahay dahil na rin sa
layunin ng makarami ng bahay na mapupuntahan sa araw na iyon, subalit ang prinsipyong ito ay
hindi totoo sa iba na higit na pinahahalagahan ang kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong
kanilang pinupuntahan.
Lunsaran
Nilalaman
Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay ang Pulong
bayan. Karaniwan itong isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga mamayan o
particular na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang napakahalagang usapin.
Pinangungunahan ng lider ang pagtalkay sa isang usapin na may kaakibat ng pagpapahalaga sa
opinion at mga mungkahi ng mga taong kabahagi sap ag-uusap. May pahkapormal ang mga
pagtalakay na nakapokus lamang sa paksa na inihanda para sa espisipikong gawain na ito- ang
pulong bayan.
Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at
lunan upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan. Madalas itong isinasagawa kapag may programang pinaplano o isasakatuparan,
may mga problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa isang komunidad.
Depende sa layon, maaring ang mga kalahok sa pulong-bayan ay mga kinatawan ng iba’t-ibang
sector sa isang pamayanan, mga ulo o kinatawan ng mga pamilya o sinomang residenteng
apektado ng paksang pag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin.
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga
Pilipino upang mapag-usapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng mga
kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Ito ay
pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.
Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang tradisyunal na “saragpunan” o tipunan ng
mga tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung saan may malalaking batong
nakaayos nang pabilog na nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa pulong.
Lunsaran
Nilalaman
Marahil ay sasabihin nating labis naman ang pagpapahalagang ibinibigay ng pormulang ito sa
mga senyas na di-berbal tulad ng tinig at mukha. Marahil nga, ngunit kung iisipin natin kung
gaano kalimit nating ginagamit ang ating mga mata kaysa ating mga tainga, mauunawaan natin
kung bakit ganito na lamang ang pagpapahalaga ni Mehrabian sa mga senyas na di-berbal.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika. Sa ating kultura, ang
pagtango ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang “oo”, ang pag-iling ng ulo ay ginagamit
na panghalili sa salitang “hindi”. Matapos ang isang laro ng basketball, halimbawa, hindi na
kailangang gumamit ng wika ang mga manlalaro upang ipahayag kung nanalo sila o natalo.
Naipapahiwatig ang kanilang kasiyahan sa pagkapanalo o kaya nama'y kalungkutan sa pagkatalo
sa pamamagitan ng galaw ng kanilang katawan.
3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika. Alam na nating
higit na ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa mga senyas na di-berbal at
ng wika, higit na pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una. Halimbawa, kung
ang kasabay ng pangungusap na “Masaya naman ako” ay malamlam na mga mata at pilit na
ngiti, dalwang mensaheng magkasalungat ang ikinukumunika. Nagiging suliranin ng tagapakinig
kung alin sa dalawang mensahe ang dapat bigyan ng reaksiyon.
4. Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon. Halimbawa nito ay ang paghipo sa braso upang
itulak ang isang kalahok sa talakayan na magsalita. Ayon sa pananaliksik ni Patricio,
nakatutulong ang ganitong senyas sa daloy ng talakayan.
Maraming kahulugan ang maaaring ibigay sa mga senyas na di-berbal. Upang maging higit na
mabisang kaugnay ang mga senyas na ito ng mensaheng berbal, kailangang palagi nating isa-isip
ang ilang katangian nito.
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo – Ayon kay Edward Hall, ang uri ng ugnayang
namamagitan sa mga tao ay maaaring ipahiwatig sa pamamagitan ng apat na uri ng distansiya: a)
sa distansyang pampubliko, ang mga kalahok ay magkakalayo ng mga labindalawang
talampakan o higit pa. Ang ugnayan ay pormal tulad ng namamagitan sa isang komunikasyong
pampubliko;
b) sa distansyang sosyal, ang mga kalahok ay magkakalyo ng mga apat hanggang pitong
talampakan. Ito ay angkop sa mga talakayan ng mga mangangalakal at kombersasyon sa mga
pagtitipon. Ang layong ito hanggang labindalawang talampakan naman ay angkop para sa mga
pulong. Ang mga taongnasa loob ng silid na pinagdarausan ng pulong ngunit wala sa loob ng
distansiyang ito ay hindi dapat maghinanakit kung hindi sila kabilang sa interaksiyon; c) sa
distansyang personal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng isa't kalahati hanggang apat na
talampakan. Ang distansiyang ito ay para sa magkakaibigan o higit pang malapi na pakikipag-
ugnayan; d) sa distansyang pangtapatan ng loob ang mga kalahok ay magkakalayo ng hindi
hihigit sa labindalawang dali. Ang paksang tinatalakay ng mga kalahok ay kalimitang lihim. Ang
tinig ay mahina at higit ang gamit ng mga senyas na di-berbal.
Isa pang aspeto ng komunikasyong ito ay ang paraan ng pag-aayos ng isang silid. Halimbawa,
ang posisyon at kapangyarihan ng isang tao sa organisasyon ay maaring ikomunika sa
pamamagitan ng ayos ng silid. Ang pinakabago sa mga empleyado ay maaaring idestino sa
pinakamalapit sa pinto.
Ang mga nabanggit ay halimbawa ng komunikasyong di-berbal. Ngunit higit na malinaw at tiyak
ang kaugnayan sa komunikasyon ng mga halimbawang ibinigay nina Reusch at Kees na:
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng mga obheto – Kabilang dito ang lahat ng sadya at hindi
sadyang pagpapakita ng mga obheto tulad ng mga alahas, damit, aklat, disenyo ng bahay, atbp.
Halimbawa, ang singsing sa palasingsingan ng kaliwang kamay ay nagpapahiwatig na ang may
suot ay may nobyo na; ang salamin sa mata ay nagbibigay daw ng impresyong matalino ang
gumagamit nito bagama't ang angkop na kahulugan ay ang ikinukumunikang kalabuan ng mata
ng nagsuuot ng salamin.
Ang tatlong ito, ang senyas, aksiyon at obheto, ay may higit pang angkop na gamit sa
komunikasyong pasalita na nagsisilbing mensahe tulad ng ekspresyon ng mukha, pisikal na
kaanyuan, paraan ng pagdadala sa sarili, paraan ng pagtingin sa tagapakinig, kumpas at
paggalaw.
Lunsaran
Nilalaman
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohikal at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala at pangungusap na ginagamit ng mga
tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.
Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.)
Malay ko.
Ano ga!
Sayang.
Hay naku.
Susmaryosep
Anak ng !
Naku po!
Dyusko!
Anla naman.
“Ala eh! ano ga naman yaan.”
Ang mga Batangueño ay kilala sa pagsasalita ng Tagalog na mayroong punto. Kilala rin
sila sa pagdadagdag ng salitang “eh” sa kanilang pananalita at sa paggamit ng “ga”. Isa rin sa
kilalang katangian ng mga Batangueño ay ang tinatawag na “Matanda sa Dugo”, kung saan
nagbibigay respeto ang isang kamag-anak hindi dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad.
Ang mga Batangueño ay kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa. Halimbawa sa isang pagtitipon,
mapapansin na ang mga Batangueño ay magkakasama hanggang sa matapos ang nasabing
pagdiriwang. Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Batangueño ay ang pagsasaka at
pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan. Kilala rin ang mga ito bilang malakas sa pag-
inom ng alak at pagkain ng matatamis. Isa sa mga itinuturong dahilan nito ang Central Azucarera
Don Pedro, na itinuturing na pinakamalaking tagagawa ng asukal sa buong bansa. Isa naman sa
pinakakilalang produkto ng lalawigan ang kapeng barako, gayon din ang balisong.
Ang Ala eh ay nagaling sa salitang tagalog na “wala eh” ibig sabihin ay ” wala pong
problema , easy easy lang ” Ito ay isa sa mga dialekto na ginagamit mas lalo na sa lalawigan ng
Batangas at sa mga bahagi ng Quezon, at lalawigan ng Laguna at isla ng Mindoro. Ito ay
nailalarawan sa pamamagitan ng isang malakas accent at isang bokabularyo at grammar malapit
na nauugnay sa mga sinaunang Tagalog . Ito ay hindi kaugalian ng ibang batangeño , kadalasan
mga taga taal ang gumagamit nito.May ibait iba mga salita ang sa batangeño na ginagamit tulad
mg mga halibawang ito:
Kadlo: \kahd-loh\
Ibig sabihin: Upang kumuha ng tubig.
Ibang tawag :igib.
Halimbawa: “Utoy , wala na tayong tubig pwede gang magkadlo ka ng tubig sa timba.”
Kagaykay: \kah-gai-kai\
Ibig sabihin: Isang insekto na maingay tuwing gabi.
Ibang tawag : kuliglig.
Halimbawa: “Ang ingay ng mga kagaykay sa gabi.”
Kalamunding: \kah-lah-moon-ding\
Ibig sabihin: Isang maliit na kulay berde na prutas at asa pamilya ng sitrus.
Ibang tawag :kalamansî.
Halimbawa: “Naku isda ang ulam , masarap ito sa isawsaw sa toyo at kalamunding.”
Kalasti: \kah-lahs-tih\
Ibig sabihin: Isang mayabang na tao at kasuklam suklam.
Ibang tawag: mayabang.
Halimbawa: “Alam mo ba si ganun nakupo ay sobrang kalasti ng tao yun , ngalingali
kong sumbiin.”
Pagaw: \pah-gao\
Ibig sabihin: Tungkol sa ang kawalan ng kakayahan upang makipag-usap sa isa sa natural
na boses dahil sa isang sigaw o dahil sa pagkakroon ng sakit.
Ibang tawag: paos.
Halimbawa: “Yan kasi, sabinang wag mag kokonsert sa banyo kya ka napagaw eh.”
Palakat: \pah-lah-kaht\
Ibig sabihin: Pag tawag sa isang tao na ginagamit ay isang malakas na bosses.
Ibang tawag: sigaw.
Halimbawa: “Ano ganaman yaan palakatan kyo diyan eh magkatabi naman kayong
dalawa.”
Sagimis: \sah-gih-mihs\
Ibig sabihin: Ito ay isa sa mga paburitong merenda ng pilipino, gawa sa rapper na
may banana slice sa poob at asukal , at ito ay piniritos hangang mag brown ang kulay.
Ibang tawag: Turon.
Halimbawa: “Hala favorite ko ga yang sagimis , kahit yan lang kainin ko sa buong araw
, masaya na ako .”
Sakol: \sah-kol\
Ibig sabihin: Kakain na ang gamit ay ang kanyang kamay.
Ibang tawag: kamay o magkakamay.
Halimbawa: “Masarap ang ulam ngayon nilabong itlog tapos may toyo , maslalo
nang sasarap pag magsasakol.”
Tabig: \tah-big\
Ibig sabihin : Hinding sinasadyang masangi ang isang tao.
Ibang tawag: sagî, tama, dali(e).
Halimbawa : “Hala , pasensya na po di ko po nakita yung vase ninyo , sorry po talaga
di ko sinasadyang matabig ung vase.”
Tagaktak: \tah-gahk-tahk\
Ibig sahihin : Tuloy tuloy na pagpatak, katulad ng pawis pag sobrang init.
Ibang tawag: daloy.
Halimbawa : “Kainit naman dito sa pinas , tuwing lumalabas ako ng bahay eh tagaktak
na pawis ko eh.”
Balisong
Balisong ang isang uri ng patalim na naititiklop ang puluhan na nagsisilbi ring kaluban ng talim.
Malimit gamitin ito ng mga Batangueño na nagpatanyag din dito. Ipinangalan ito sa Baryo
Balisong na isang nayon sa bayan ng Taal sa Batangas dahil doon ginagawa at ibinebenta ang
sari- saring uri ng balisong. Sinasabing ito ang bersiyon ng Swiss knife ng Pilipinas, dahil sa
dami nang maaaring gamit dito—panghiwa, pantilad, pambukas ng de-lata, pantanggal ng tansan
sa bote, pangkayas ng kawayan, pang-ahit, at iba pa. Kahit maraming gamit o silbi ang balisong,
ipinagbabawal pa rin ng awtoridad ang pagdadala nito dahil maaari itong makapanakit o
makamatay, gaya ng ginagawa ng masasamang loob. Ngunit sa kamay ng matwid na tao, ang
balisong ay nagiging sining kapag ginamit nang kapaki-pakinabang sa anumang bagay.
Kapeng Barako
Ang kapeng barako o barako ay isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga
lalawigan ng Batangas at Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica, subalit ginagamit din ang
pangalang ito sa lahat ng kapeng galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang salitang
“barako” mula sa salitang ginagamit para sa lalaking hayop.
YUNIT IV
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL (UNANG BAHAGI)
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
unemployment rate sa mauunlad na bansa ay mataas o kayaý tumataas pa, nagiging limitado ang
oportunudad para sa mga gusting magtrabaho sa ibang bansa, mas humigpit ang mga awtoridad
sa mga patakaran sa migrasyon, at sa ilang bansa gaya ng Greece, Great Britain, at France may
ilang grupong racist ang nananwagan sa pagpapahinto ng migrasyon. Ang mga suliraning dati
atiý tila local lamang ay malinaw na may global nang saklaw, dahil na rin sa mahigpit na
integrasyong ekonomiko at sosyo-kultural ng maraming bansa sa proseso ng globalisasyon.
Isa sa mga suliraning global na nangangailangan ng pagtugon ang pagbabago ng kilma.
Idinulot ito ng daan taong industriyalisasyon sa mauunlad na bansa na nagbunga ng
napakalaking quantity ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gas na naglimita sa kakayaha n
ng atmospera na pasingawin ang init sa daigdig. Bunsod ng climate change, lalong naging
mapaminsala ang mga bagyo at tagtuyot sa iba’t ibang panig ng mundo, maging sa mga lugar na
dati ratiý hindi binabagyo at hindi rin nakakaranas ng tagtuyot.
Sa gitna ng ganitong kalunos-lunos na kalagayan ng daigdig, naghahanap ng kasagutan sa
mga tanong at solusyon sa mga problema ang mga mamamayang naghahangad ng magandang
bukas. Sa asignaturang Kontemporaryong Isyu, hindi man maibigay lahat ng sagot at solusyon
ay tiyak na mabubuksan ang iyong mga isipan upang malinang ang iyong interes sa patuloy na
paghahanap ng mas magandang kinabukasan para sa bansa at para sa daigdig ang iyong
henerasyon at mga susunod pang henerasyon.
Ang pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu at suliranin ay makatutulong din sa paglinang
sa mga praktikal na kasanayan sa paglutas ng mga problema, pagsusuri ng datos, paggamit ng
estadistika, pananaliksik, paghahambing at iba pa. Saan mang larangan mapdpad, babaunin moa
ng isang malawak na perspektiba ng pag-unawa sa iyong lipunan at daigdig, isang perspertibang
inaasahang makatutulong sa iyo upang maging mas kapaki-pakinabang ba mamamayan ng bansa
at responsableng tagapagpangalaga ng kaisa-isang planetang tahanan ng mga tao.
Isa sa mga pinakamalubhang suliranin ng mga Pilipino ang mga usaping pang-ekonomiya.
Saklaw nito ang mga suliraning gaya ng kahirapan, agwat ng mayaman at mahirap, migrasyon, at
disempleyo. Ang maraming suliranin ng ating lipunan sa kasalukuyan ay pawing mga mauugat
sa anyo ng ating sistemang ekonomiko. Samakatuwid, makabuluhan ang pagtatalakay sa mga
isyung pang-ekonomiya sa paghahanp ng mga solusyon sa mga nagnanaknak na kanser ng
lipunan. Ayon sa ibang ekonomista, bawat pasya ng mga mamamayan at ng mga pamahalaan ay
ginagabayan ng kanilang pag-unawa sa mga usaping pang-ekonomiya.
Tatalakayin natin ang mga isyung pang-ekonomiya at pangkapaligiran upang bigyang diin
ang pagkawasak ng kalikasan, ang mga suliraning pangkapaligiran, ay pawing mga isyung
ekonomiko rin. Nakasalalay sa pag-iral ng isang makatarungang Sistemang ekonomiko ang
pagpapanatili ng pamumuhay ng mga mamamayan at ng planeta para sa patuloy na pagsulong ng
sangkatauhan. Gayundin, nakabatay sa pagpapanatili ng masiglang daigdig ang masilang
ekonomiko na magbibigay buhay sa mga susunod pang henerasyon.
Pilipinas, sa halip na maging suplayer ng mga produktong para sa domestikong gamit. Bukod
dito, ineeksport din ng bansa ang mga tubo ng mga dayuhang korporasyon dito sa Pilipinas,
gayundin ang bahagi ng mga tubo ng mga local na korporasyon na may mga kamay-ari
(stockholder) o kasosyong dayuhan. Tumatanggap naman ng puhunan, utang, at
makinarya/teknolohiya ang Pilipinas mulasa ibang bansa. Kung susuriing mabuti, lugi ang
Pilipinas sa ganitong kalakaran dahil sa pangkalahatan, mas malaki ang halaga ng iniimport ng
bansa-lalo na ang makinarya/teknolohiya, bukod pa sa mataas na interes sa pautang-kaysa halaga
ng inilulunsad nito. Dapat tandaan na kahit ang bilyon-bilyong dolyar na ipinapasok ng mga
migranteng Pilipino sa kaban ng Pilipinas ay tila nakakansela naman ng mga suliraning
panlipunan na idinudulot nito gaya ng pagkakawata-watak ng pamilya at iba pang social costs.
Sa mga nakalipas na taon, mas marami pa ring iniimport kaysa ineeksport ang bansa, at
kapansin pansin na ang mga pangunahing eksport ng bansa ay pawang mga hilaw na materyales
o kaya’y semi-processed goods sa halip na mgakumpletong produkto tulad ng mga kompyuter at
kotse. Sa kasalukuyan, ganito pa rin ang kalakaran. Kung papansinin, Malaya ring
nakapagnenegosyo ang mga dayuhan sa bansa, gaya ng pinatutunayan ng kanilang pagmamay-
ari sa napakaraming minahan sa bansa na pinayagan ng Mining act of 1995. Sa medaling sabi,
ekonomiyang kolonyal noon – at neokolonyal o malakolonyal naman ngayon – ang namayani sa
Pilipinas sa pangkalahatan. Ito’y isang sistemang ekonomikong nakadepende sa mga dayuhang
namumuhunan at kanilang mga local na kasosyo, isang sistemang ekonomiko na
pinakikinabangan lamang ng iilan at nabigong maghatid ng malawakang kaunlaran sa buhay ng
mga mamamayan. Sa ganitong kalakaran, tila kolonya pa rin ng mas mauunlad na bansa ng
Pilipinas. Sa sektor ng agrikultura naririyan rin ang sistemang hacienda. Sa kabila ng programa
sa reporma sa lupa ng gobyerno, malaking porsyento ng lupain sa bansa ang pag-aari g iilang
pamilya lamang. Maging ang mga lugar na urban na pinagsulputan ng napakaraming mga
condominium ay monopolisado na ng iilang pamilya na may kontrol sa industriyang real estate.
Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang paglago ng ekonomiya sa makroekonomikong
antas ay hindi nararamdaman ng napakaraming mamamayan. Ang pinakamayayamang pamilya
lamang na may kontrol sa malalaking negosyo at malalaking parsela ng lupa ang higit na
nakikinabang sa paglago ng ekonomiya. Katunayan, hindi nagbago ang income share ng
pinakamayayaman at pinakamahihirap sa bansa sa mga nakalipas na dekada. Kung gagamitin
naman ang terminolohiya ni Papa Francisco, maituturing na isang “ekonomiya ng eksklusyon
´ang sistemang ekonomiko ng bansa, sapagkat, hindi kasali, hindi saklaw ng kaunlaran at
paglago ng ekonomiyang ito ang malaking porsiyento ng mahihirap na mamamayan. Sa pananaw
naman ng ekonomistang si Alejandro Lichauco na nagtapos sa Harvard University, umiiral ang
“economic underdevelopment” sa bansa (1998). Aniya, ito’y tumutukoy sa kawalang-kakayahan
sa isang bansa na”… lilikhain ang mga kasangkapan sa produksyon: ang mga kagamitan na
makapagbubunsod upang sila’y makalikha ng iba pang produkto…mga kasangkapan na
magagamit sa paggawa ng karayom at gunting…makina…tela…typewriters at xerox
(photocopying) machines.” Sa pangkalahatan, ito ang pangunahing kaibahan ng Pilipinas sa mga
industriyalisadong bansa sa Asya gaya ng Japan, South Korea, Taiwan, at China. Ganito ang
umiiral na hindi makatuwirang kalakaran sa globalisasyon na isa sa mga dahilan kung bakit
hanggang ngayon ay hindi pa rin ganap na umuunlad ang bansa, marami pa rin ang mahihirap sa
arkipelago, at mataas pa rin ang antas ng disempleyo sa Pilipinas.
mamamayan at ng ekonomiya upang umunlad pa ito. Sa katunayan, lumobo ang imported, lalo
na
2019. Dahil dito nabawasan naman ng
ang mga materyales para sa 40,000 ang bilang ng walang trabaho
imprastruktura at patungong 2.3 milyon na lamang – 5.1% ang
konstruksyon, subalit kasama tantos ng walang trabaho ibig sabihin.
rin ang mga makinarya man o Ngunit pambawi lamang ito sa malakihang
hilaw na materyales, pagkain bilang ng nawalang trabaho sa simula ng
man o produktong konsumo. termino ni Durterte. Sa katunayan,
Inabot ang pinakamalalang nakakalikha lamang taon-taon sa ilalim ni
depisito sa kalakalan sa ilalim Duterte ng abereyds na 477,000 trabaho –
ng gobyernong Duterte. ikalawang pinakamalala ito sa mga
Sa kawalan ng pag- administrasyon pagkatapos ni Marcos. Mas
unlad ng agrikultura at mataas ito nang bahagya kaysa sa panahon
industriya, hindi lumilikha ng ni Estrada na nagmula sa katatapos na krisis
sapat na trabaho ang pampinansya sa Asya.
ekonomiya para sa milyong Patuloy ang tumitinding krisis sa
pwersa sa paggawa. Kung may agrikultura na muling nawalan ng 300,000
trabaho man ay hindi sapat ang trabaho sa ikatlong sunod na taon noong
kinikita ng isang karaniwang 2019. Sa pangkabuuan, mula nang maupo si
manggagawa para buhayin Duterte sa pwesto, 1.4 milyong trabaho na
nang marangal ang kanyang ang nawala sa sektor at umabot na lamang sa
pamilya. Lalong nagiging 9.7 milyon ang may trabaho. Ito ang
dayukdok sa kahirapan ang pinakamababang bilang ng may trabaho sa
karamihan ng mga Pilipino, agrikultura mula noong 1989 o sa nakalipas
samantalang may napakakitid na tatlong dekada.
na bahagi ng populasyon na
nagkakamal ng labis-labis na
tubo. Sa paghina ng
agrikultura at lokal na
manupaktura, nakararanas
ngayon ang bansa ng walang
kapantay na krisis sa trabaho.
Historikal ang rekord ng
administrasyong ito sa tunay
na bilang ng mga walang
trabaho. Isang indikasyon din
ng kapalpakan ng ekonomiya
na makalikha ng sapat na
trabaho ang patuloy na pagtaas
ng bilang ng mga
manggagawang Pilipino sa
ibayong dagat.
Ayon sa Philippine
Statistics Authority (PSA),
nadagdagan ng 1.3 milyon ang
may trabaho sa bansa
patungong 42.4 milyon noong
Kahirapan sa Pilipinas
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
chain. Ang ganitong sukatan ng kahirapan ay hindi gaanong komprehensibo dahil hindi nito
isinasaalang-
Sa kabila ng saganang likas na yaman ng bansa, tila kataka-taka ang pag-iral ng kahirapan sa
Pilipinas. Mailalantad ang mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas kung mulig babalikan ang
magkaroon ng pambili ng pagkain. Kahirapan ang dahilan kung bakit libo-libong Pilipino
ang napipilitang
Lunsaran
Panoorin ang bidyo na ito at pagkatapos ay magbigay ng mga suhestiyon tungkol dito.
https://www.youtube.com/watch?v=A8s1tAOqi9U.
Nilalaman
Europea noong (Middle Ages). Tinatayang 60% ng mga luoang agrikultural sa bansa ay
kontrolado ng
Lunsaran
Nilalaman
pagsasayang ng pagkain o kaya’y pagkain nang sobra-sobra sa kailangan. Lumalala ang ganitong
penomenon sa pagdami ng
mga fastfood chain na lagging nang-aakit sa mga tao na kumain nang kumain, lagpas sa
kailangan ng kanilang katawan. Bunsod ng konsumerismo, mas maraming likas na yaman ang
kailangang gamitin upang makalikha ng mga produkto, habang may mga produkto naman na
nasasayang lamang. Kaugnay ng konsumerismo sa gadget, isang suliranin din ang pagkakaroon
ng sustentableng enerhiya ng daigdig ay nanggagaling sa mga plantang pinatatakbo ng uling,
petrolyo, at iba pang fossil fuel na nakasisira sa kalikasan kapag sinunog. Samakatuwid, ang
konsumerismo sa gadget at iba pang mga appliance na hindi naman talaga gaanong kailangan ay
nakadaragdag pa sa problema dahil nangangahulugan ito ng mas mataas na pangangailangan sa
kuryente o enerhiya.
Sapagkat bahagi ng kalikasan ang sangkatauhan, ang pag-iral ng inequality sa kalusugan ay
isa ring suliranin para sa pagkamit sa sustentableng kaunlaran. Batay sa estaditika, relatibong
mas malulusog at mahahaba ang buhay ng mga nasa mauunlad na bansa kaysa sa mga mahihirap
na bansa. Bunsod nito, mas nakahantad o exposed sa iba’t ibang sakit ang mga nasa mahihirap na
bansa. Sila rin ang pinakanaapektuhan ng malulubhang epidemya sa mga nakaraang dekada dahil
ang kanilang sistemang pangkalusugan ay mahina at maliit lamang ang pondo. Dahil dito, hindi
lubos na napakikinabangan ng mahihirap na bansa ang human resources nito. Sa konteksto
naman ng mga indibiduwal na mamamayan, hindi nila nagagawang mag-ambag nang malaki sa
pagkakaroon ng sustentableng ekonomiya dahil wala sila sa wastong pangangatawan at hindi
maayos ang kanilang kalusugan.
Ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya (economic sustainability) ay maaaring
kasangkutan ng pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng nakararami subalit nangangailangan ng
pagbabawas ng konsumo ng kalikasan (Brown 2011). Sinabi ni Dyllic (2002), na ang mga
usaping patuloy na pagpapaunlad (sustainable development) ay nakabatay sa mga pagpapalagay
na kailangan ng lipunan na mapangalagaan ang talong uri ng pamumuhunan (ekonomiya,
lipunan, at likas na yaman) na maaaring walang katumbas o hindi kayang palitan at ang paggamit
dito ay hindi kayang iwasan.
Lunsaran
Nilalaman
nangyayari iyon. Tumataas na ang lebel ng tubig sa dagat (sea level) dahil sa pagkalusaw ng yelo
sa rehiyong Artiko.
Malawak at masaklaw ang epekto ng climate change sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buing daigdig. Higit na ramdam at tuwiran ang epekto ng
climate change sa aspektong pang-ekonomiya. Bunsod ng climate change, naging mas mahirap
na ang pagtantiya sa tamang panahon ng pagtatanim. Sa tindi ng pagtaas ng temperatura sa iba’t
ibang lugar, naging normal na ang tagtuyot at desertipikasyon sa maraming panig ng mundo.
Bunsod naman ng paglakas ng mga bagyo at poagtaas ng sea level, naging madalas din ang
insidente ng pagkawasak ng mga pananim. Sa pangkalahatan, ang climate change ay may
negatibong epekto sa seguridad sa pagkain ng daigdig. Nagdulot ito ng global na pagtaas sa
presyo ng mga karaniwang pagkain o staple ng mga mamamayan sa daigdig gaya ng bigas, mais,
at iba pang pagkaing butyl.
Isa pang aspektong ekonomiko ng climate change ang mataas na gastusin sa disaster
risk response at mitigation. Halimabwa, bilyon-bilyong dolyar bawat taon ang ginagasta ng
buing daigdig para sa relokasyon at pagpapakain sa mga biktima ng matitinding baha, bukod pa
sa aktuwal na pinsala ng bagyo sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan. Halimbawa, batay
sa pagtatay ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III, $8.9 bilyon ang kailangan para
sa rehabilitasyon ng mga lalawigang apektado ng bagyong Yolanda (Haiyan) noong 2013. Ayon
naman sa AIR Worldwide, isang kompanyang eksperto sa “catastrophe risk modeling software
and consulting services,” tinatayang $14.5 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Yolanda sa
mga ari-ariang residensyal, komersyal, at agricultural. Samakatuwid, nakabawas sa pondo para
sa iba pang serbisyong panlipunan ang paglalaan ng pondo para sa disaster risk response at
mitigation.
Bukod dito, isa pang suliraning ekonomiko na dulot ng climate change ay ang posibleng
pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng mundo kapag ganap nang ipinatupad ang mga kasunduan
sa paglimita sa greenhouse gas emission ng mga bansa. Ang mga industriya ng daigdig ay
pawang nakakapgdudulot ng pagtaas ng greenhouse gas emission kaya anumang paglimita sa
gayon ay tiyak na makaaapekto sa paglago ng ekonomiya ng mundo. Kailangang balansehin ang
pangangalaga sa kalikasan at ang paglago ng ekonomiya, isang bagay na napakhirap ipatupad.
Dahil sa likas na kahirapan ng pagpapatupad ng mga kasunduang pandaigdig hinggil sa
climate change gaya ng paglimita sa greenhouse gas amission, may aspektong politikal din ang
climate change. Halimbawa, ang Kyoto Protocol na isa sam mga kasunduan naglilimita sa
greenhouse gas emission, ay hindi pa niraratipikahan ng U.S, ang bansang sa kasalukuyan ay
may pinakamalaking GDP. Bunsod nito, bantulot din sa pagpapatupad ng Kyoto Protocol ang iba
pang bansang industriyalisado. Maraming bansa rin ang hindi pa ganap na umaayon sa
implementasyon ng Kyoto Protocol dahil sa napakalaking halagang kailangan sa paglimita sa
greenhouse gas emissions. Halimbawa, ayon sa isang ulat ng International Energy Agency (IEA),
ang paggamit ng energy resources na mababa sa carbon sa halip na fossil fuels ay kailangang
gastusan ng $44 trilyon mula 2014 hanggang 2050.
Isang pang politikal na usaping kaugnay ng climate change ang paggigiit ng mahihirap
na bansang pinakaapektado nito na piliting magbayad-pinsala sa kanila ang mayayamang
industriyalisadong bansa. Sa kanilang opinion, ang climate change ay direktang bunga ng ilang
dekadang industriyalisasyon ng mauunalad na bansa sa Kanluran na hindi lamang sila ang may
pananagutan sa climate change dahil nga ang mga bansa sa Silangan ay may sarili na ring mga
Bilang tugon sa climate change, isinabatas ng Pilipinas ang Btas Republika Bilang 9729
o Climate Change Act of 2009. Itinatadhana ng nasabing batas ang pagtatatag ng Climate Change
Commission sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo, na siyang tanging ahensiya ng gobyerno na
Lunsaran
Panoorin ang bidyo pagkatapos ay magbigay ng mga sanhi at bunga ng mga kaganapan
sa ating kapaligiran. https://www.youtube.com/watch?v=wINpYbATXjM
Nilalaman
Simula pa lang, maganda na talaga ang ating kapaligiran, sariwa ang hangin, malinis ang
katubigan, tahimik ang mamamayan, walang basura na nakakalat kung saan saan at higit sa lahat,
walang mga punong pinuputol. Polusyon, isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang
lupa, tubig, hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga dilikado at nakasisirang sangkap o
maling pamamaraan. Mayroong tatlong uri ng polusyon, hangin, tubig at lupa.
Ang polusyon sa hangin ay ang mga usok na nag mumula sa mga pabrika at mga iba't-
ibang bagay na sinusunog na sumasama sa hangin at nagiging resulta sa pagka sira ng ating
ozone layer. Ang polusyon naman sa lupa ay ang mga dumi at kalat ng mga basura galing sa mga
mamamayang iresponsable at walang disiplina. Ito rin ang mga pagputol ng mga puno sa ating
mga kapaligiran. Ang polusyon sa tubig ay ang mga dumi na nangagaling sa pabrika, mga
basurang itinatapon sa tubig, at mga dumi galing sa kanal.
Dapat nating mapigilan ang lahat ng ito dahil nakakadulot ito ng kasamaan hindi lang sa
ating bansa kundi sa buong mundo. Maraming mga paraan para mapigilan ito. Isa na dito ay ang
pagtapon ng mga basura sa tamang paraan, pagtitipid ng enerhiya, obserbahan ang mga
nakakasama sa kapaligiran, maging isang responsableng mamamayan at marami pang iba.
Bilang isang estudyante makakatulong ako sa ating bansa na panatilihin nating malinis ang
kapaligiran sa paraan ng pagturo sa aking sarili at sa aking mga kapwa na pangalagaan ang mga
nasa paligid natin.
Karaniwang bunga ng industriyal na aktibidad ang polusyon sa tubig sa bansa. Marami sa
mga pabrika sa bansa ang walang liquid waste treatment facilities kaya karaniwang ang mga ilog
ang nagiging taounan ng mga duming nagmumula sa mga ito. Ang sitwasyon ng Ilog Pasig ay isa
sa magpapatunay sa ugnayan ng industriyal na aktibidad at polusyon sa tubig. Kapansin-pansin
na ang kahabaan ng Ilog Pasig na bumabaybay sa iba’t ibang lungsod ng Metro Manila gaya ng
Pasig, Maynila, Taguig, Makati, Marikina, at Quezon ay punong-puno ng mga pabrika, lalo na
noong dekada ’90. Bukod sa mga pabrikang naglalabas ng duming likido na hindi isinasailalim
sa treatment, pinalalala rin ng paglobo ng populasyon ng mga naninirahan sa gilid ng Ilog Pasig
ang polusyon nito. Bagama’t karaniwang isinisisi sa mga informal settler o squatter ang ganitong
penomenon, dapat bigyang-diin na sa kahabaan ng Ilog Pasig ay napakarami na ring matataas na
gusaling residensyal na ang mayayaman at nasa panggitnan uri lamang ang nakakabili. Ang mga
gusaling residensyal na ito ay nagdudulot din ng polusyin sa tubig sapagkat ang mga sewage
system ng mga ito ay karaniwang direkta o kaya tumatagas tunging Ilog Pasig. Ang kawalan ng
sentralisadong pagpaplano sa Metro Manila ang isa sa mga salarin sa walang rending paglobo ng
populasyon sa gilid ng Ilog Pasig.
Sa ibang lugar gaya sa Marinduque, ang pagmimina ay isa ring sanhi ng polusyon sa
tubig. Noong 1996, nagkaroon ng aksidente sa pagmimina ng kompanyang Marcopper. Nasira
ang isang bahagi ng waste treatment facilities ng Marcopper kaya bigkang umagos ang
nakalalasong dumi sa Ilog Baoc mula roon. Bunsod sa trahedyang ito, ang Barangay Hinapulan
ay nailibing sa putik, at nakontamina ang tubig sa mga karatig-lugar. Nagkamatay rin ang mga
isda at iba pang nasa Ilog Baoc. Mula noo’y itinuring nang patay na ilog ang 26 na kilometrong
Ilog Baoc. Dahil sa tindi ng polusyon mula sa Marcopper, hindi na kayang mabuhay ng anumang
organism sa nasabing ilog. Noong 2005, nagsampa ng kaso sa U.S laban sa may-ari ng
Marcopper ang pamahalaang lokal ng Marinduque uoang papanagutin ang kompanya sa
polusyong dulot nito na sumira sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan doon.
Kung ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng kontaminasyon ng mga pinagkukunan ng
tubig ng mga mamamayan, bukod pa sa kontaminasyon ng mga anyo ng tubig na pinagkukunan
ng kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino. Ang polusyon naman sa hangin ay sanhi ng
pagdami ng insidente ng pagkakasakit sa baga at sa puso ng mga Pilipino. Ang polusyon sa
hangin ay inaakalang karaniwang dulot din ng mga industriyal na aktibidad. Gayunpaman, ayon
sa 2006 National Emission Inventory ng DENR, 65% ng polusyon sa hangin sa bansa ay mula sa
mga sasakyan at 21% lamang ang magmumula sa mga di-natitinag o stationary sources gaya ng
mga pabrika at mga planta ng koryente na gumagamit ng mga fossil fuel gaya ng coal at
petrolyo. Ayon sa datos ng World Bank, may 29 at 30 sasakyan para sa bawat 1000 tao sa bansa
noong 1999-2003 at 2004-2008. Batay naman sa ulat ng Chamber of Automotive
Manufacuturers of the Philippines Inc. (Campi) at ng Truck Manufacturers Association (TMA),
patuloy na tumataas ang kabuuang benta ng mga kotse sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon.
Matinding suliranin din ang polusyon sa lupa. Ang polusyon sa lupa ay tumutukoy sa
kontaminasyon ng lupa sa pamamagitan ng pagtatambak ng mga basura sa ibabaw ng lupa at
pagtagas ng mga dumoo o kemikal sa ilalim ng lupa. Nagbubunsod ng pagbaba ng produktibidad
ng lupa para sa agrikultura ang polusyon sa lupa. Samakatuwid, malaki ang epekto nito sa
pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa. Ang mga dumi na sanhi ng polusyon sa
lupa ay karaniwang nagmumula sa mga industriyang illegal na nagtatambak ng basura sa iba’t
ibang lugar, mga dumi ng hayop, pagtagas ng nakalalasong likido mula sa mga tambakang
walang pasilidad ng treatment, at paggamit ng mga pestisidyo na may nakalalasong kemikal.
Bukod sa negaibong epekto nito sa sapat na suplay ng pagkain, ang polusyon ng lupa ay sanhi rin
ng mga depekto sa mga sanggol na isinisilang sa mga lugar na kontaminado ang lupa. Marami
ring kaso ng pagkakasakit ng mga tao-tulad ng kanser-na naitatala dahil sa polusyon ng lupa na
nagdudulot din ng kontaminasyon sa mga pinagkukunan ng tubig at ng mga pananim.
Lunsaran
Nilalaman
Ang tanging sanhi kung bakit mayroong pagmimina ay isa sa ating kailangan ang
pagkuha ng mga mineral na batong ito upang magamit ng ating mga kababayan para sa ating
kabuhayan. Dumarami ang mga nagmiminahan dahil malaking pera ang naibibigay sa kanila nito
at ginagamit nila ito upang sila'y lalong yumaman.
Problemang pangkalikasan din ang mapangwasak na pagmimina sa ilang bahagi ng
bansa. Bagama’t nakapag-aambag nang kaunti sa ekonomiya ng bansa ang pagmimina, dapay
bigyang- din na nagdudulot din ito ng maraming suliraning panlipunan at pangkalikasan, gaya ng
dislokasyon ng mga katutubong mamamayan na karaniwang pinalalayas sa kanilang lupang
ninuno o ancestral domain at mga aksidente sa pagmimina. Ang mga epekto ng malawakang
pagmimina ay itinala ng isang aklat ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na
inilathala noong 2005. Ayon sa PRRM, ang pagmimina ay nagdudulot ng pagkawasak ng natural
na habitat o tirahan ng mga hayop; pagkalason ng mga ilog at kontaminasyon ng lupa na dulot ng
mga tumagas na kemikal sa minahan; pagkawala ng natural na taba ng lupa; peligrong bunga ng
mga estrukturang tulad ng dam na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha; polusyon dahil sa
pagtagas ng kemikal sa mga drainage ng minahan, pagtagas ng petrolyo mula sa mga makinarya
at iba pang aparato, pagtagas ng mga kemikal sa waste treatment facilities, pagbuga ng usok ng
mga makinarya sa pagmimina, pagbuga ng alikabok na dulot ng pagdurog sa lupa at mga bato, at
paglabas ng methane mula sa mga minahan.
Maraming pangyayari sa bansa ang nagpapatunay na hidni sapat ang proteksiyong
pangkalikasan na ipinatutupad ng malalaking korporasyong nagmimina. Noong 2005, tumagas sa
mga karatig-katubigan ang mine tailings mula sa ore processing mill ng Rapu-rapu Pollymetaliic
Project (RRP) Regis , Emelina, 2007. “The Tradegy of Mining in Rapu-rapu Island Ecosystem,
Albay Province.” Malalaking quantity ng nakalalasong of Mining in Rapu-rapu Island
Ecosystem, Albay Province.” Malalaking quantity ng nakalalasong cyanide ang tumagas sa mga
katubiagn ng nagdulot ng pinsala sa isda at iba pang organism roon. Noong 2012 naman,
inatasan ng gobyerno ang Philex, isa sa mga pinakamalaking korporasyong nagmimina sa bansa,
na magbayad ng P1.034 bilyong mullta pagkatapos na masira ang tailings pond sa Benguet.
Humigit-kumulang 20 milyong metrikong tonelado ng duming mula sa minahan ang tumagas sa
mga katubigan sa paligid ng minahan ng Philex. Noong 2011, nagsampa naman ng kaso sa Korte
Suprema ang taga-Surigao upang ipahinto ang mapaminsalang operasyon ng limang
korporasyong nagmimina na pag-aari ng mga Tsino, na nagdulot ng polusyon sa katubiagn
bunsod ng open-pit na pagmimina.
Ang matinding pinsala sa kalikasan na dulot ng pagmimina ay maaari sanang maibsan
kung ang mga korporasyong nagmimina ay nagbabayad ng sapat na buwis na maaaring magamit
sa rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala. Sa kasamaang-palad, hindi gaanong malaki ang
ambag ng mga korporasyong nagmimina sa GDP ng bansa, at maliliit na porsiyento lamang din
ito ng kita sa buwis ng gobyerno.
Bunga nito, matapos mahalukay ang yamang natatangi sa lugar ay iniiwan na lamang
nilang nakatiwangwang. Kalimitan pa ang sistema ng pagproproseso sa pagmimina ay isang
maskarang mapanlinlang, na kung saan ang likido at kemikal na ginagamit ng ilang ganid na
dambuhalang korporasyon ay pimupinsala sa balanse ng isang ekosistema na unti-unting
pumapatay sa kahinaan ng mga may buhay sa isang kapaligiran na kung saan nagaganap ang 'di
makatuwirang aktibidades. Hindi lamang iyon, ito rin ay may malaking dulot sa pang-
kabuhayang sakahan at pangisdaan ng ating mga maralitang kababayan at lalot higit sa ating mga
kapamilyang katutubo... Damay din dito ang kalusugan ng ilan nating mga kababayan, na kung
saan naapektuhan ng nasabing pagmimina.
Lunsaran
Nilalaman
Lunsaran
Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay tanungin ang sarili ano ang magagawa
mongsolusyon dito bilang tao. https://news.abs-cbn.com/news/06/06/18/tamang-pangangasiwa-
ng-basura-dapat- magsimula-sa-mga-bahay-denr.
Nilalaman
Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng
kapaligiran. Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi
nakakasira ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki
ang kontribusyon mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang pagsusunog ng basura
sa paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang tabi. Imbes na sunugin, ano
naman ang maaari nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng bahay para maging pataba? Paano naman
ang mga basurang hindi nabubulok kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang suliranin
sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong
kaakibat ng pag-unlad ng lipunan.
Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao: mga
produktong nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang
pinagkukunan ng
walang rending paglikha ng basura ay tiyak na makapipinsala sa kalikasan. Limitado lamang ang
kapasidad ng mundo sa paglikha ng mga bagong sanitary landfill para sa mga basurang hindi ma
maaaring mai-recycle.
YUNIT V
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL (IKALAWANG BAHAGI)
Panimula
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Kasaysayan ng Globalisasyon
Kung kailan nagsimula ang proseso ng globalisasyon ay hindi tiyak. Katunayan, may
mga manunulat ng kasaysayan na nagsasabing ang globalisasyon ay mauugat sa sinaunang
panahon ng malalaking imperyo (Imperyong Romano, Persian, Griyego, at Tsino). Anila, sa
pamamagitan ng napakalawak na saklaw ng mga nasabing imperyo ay naging pangkaraniwan na
ang pagpapalitan ng produkto mula sa iba’t ibang imperyo (Makikita sa mapa ng Silk Road ang
mga ruta ng mga mangangalakal na nagdadala ng mga produkto mula Silangan tungong
Kanluran at vice-versa.).
Gayunpaman, naging pormal lamang ang modernong porma ng globalisasyon ng
kalakalan ng lagdaan ng maraming bansa ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT)
na mas kilala ngayon sa tawag na World Trade Organization (WTO) mula pa noong 2014. Sa
pamamagitan ng GATT, ang restriksyon at limitasyon sa malayang kalakalan ay sinimulan ng
maraming bansa. Isang halimbawa nito ay mula noong dekada ‘90, unti-unti nang inalis ang mga
taripa o buwis sa maraming angkat na produkto. Naging dahilan ito ng mabilis na pagpapalitan
ng mga produkto, bagay na nagpalago sa ekonomiya ng maraming bansa. Bagama’t tila lugi
naman ang mga bansang hindi industriyalisado o mga bansang agrikultural, sapagkat ang halaga
ng kanilang karaniwang eksport (hilaw na materyales at semi-manupaktura) ay mas mababa
kaysa halaga ng kanilang karaniwang import (makinarya) sa mga bansang indistriyalisado sa
ganitong kalakaran.
Mahalaga rin ang papel ng mga internasyonal na institusyong pinansyal gaya ng World
Bank at International Monetary Fund sa globalisasyong ekonomiko. Ang mga institusyong ito
ang nagpapautang ng salapi sa mahihirap na bansang kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa (UN)
para sa proyektong pangkaunlaran (patubig o irigasyon, imprastraktura, at iba pa) na may
kondisyon
tulad ng pagpapataw ng mataas na interes, paniningil ng bago o mas mataas na buwis (para
matiyak ang pagbabayad sa utang), at pagtitipid sa mga serbisyong panlipunan. Ang mga gayong
kondisyon, sa pangmatagalan, ay nagiging tanikalang nagtitiyak na hindi na makababangon sa
utang ang mahihirap na bansa at sa halip ay paulit-ulit silang mangungutang. Isang halimbawa
ang Pilipinas. Sa mga nakalipas na dekada, napakalaking bahagdan ng pambansang badyet ay
inilalaan sa pagbabayad ng utang na patuloy pa ring luamalaki habang tumatagal.
Sa aspektong politikal ng globalisasyon, ang pagtatatag ng UN pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay maituturing na panandang bato o milestone. Naitatag ang UN bilang
tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, pagkatapos
ng mapaminsalang digmaang kumitil ng milyon-milyong buhay at nagwasak ng bilyon-bilyong
dolyar na halaga ng ari-arian. Samakatuwid, isinilang ang UN bilang bahagi ng paghahangad ng
mga bansa na maiwasan ang muling pagkakaroon ng digmaang pandaigdig at maitaguyod ang
kooperasyon ng mga bansa tungo sa paglutas ng mga global na suliranin tulad ng kahirapan,
kagutuman, at epidemya.
Sa pamamagitan din ng UN, nagkaroon ng istruktura ang isang entidad na may
limitadong kapangyarihang sumasaklaw sa halos lahat ng mga bansa sa daigdig. Kumikilos ang
UN sa pamamagitan ng isang General Assembly na binubuo ng isang kinatawan mula sa bawat
bansang kasapi ng UN, at ng Security Council na binubuo ng kinatawan mula sa limang
pinakamakapangyarihang bansa (China, U.S., U.K., France, at Russia)pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at ng ilan pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansang inihahalal at
nagsasalitan. Ang UN General Assembly (UNGA) ay taunang nagpupulong tuwing Setyembre
upang talakayin ang pinakamahahalagang usaping nakaaapekto sa kapakanang ng nakararaming
mamamayan ng daigdig. May kapangyarihan ang UNGA na maglabas ng mga resolusyon o mga
dokumentong naghahayag ng pagkakaisa para sa o laban sa isang partikular na usapin, entidad, o
gobyerno. Samantala, ang UN Security Council (UNSC) naman ay may kapangyarihang patawan
ng parusa ang mga bansang lumalabag sa mga tuntunin ng UN. May kapangyarihan din itong
atasan ang mga bansa ng UN na magpadala ng tropa sa mga bansang nangangailangan ng tulong
para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan nito, lalo na sa panahon ng
digmaan. Marami pang mahahalagang ahensyang pandaigdig ang nasa ilalim ng UN tulad ng
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organisation (UNESCO), International
Labor Organization (ILO), Food and Agricultural Organization (FAO), at ang World Health
Organization (WHO).Sa pamamagitan ng mga ahensyang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang
mga bansa na magtulungan para sa pagpapabuti ng antas ng edukasyon, pamumuhay, at
kalusugan ng mga mamamayan.
Maaari namang ugatin ang aspektong sosyo-kultural ng globalisasyon sa panahon ng
kolonyalismo at imperyalismo na lalong nagpatibay sa ugnayan ng mga bansa sa Kanluran at
Silangan. Mapait at marahas mang panahon sa kasaysayan ang panahon ng kolonyalismo at
imperyalismo, nagbigay naman ito ng pagkakataon na magkapalitan ng kultura ang Kanluran at
Silangan. May mga pagkakataong sapilitang ipinataw ng mga bansang mananakop sa mga
bansang sinakop ang kanilang kultura. May mga pagkakataon ding kabaligtaran ang nangyayari.
Makikita sa pagkain, pananamit, wika, at iba pang larangan ang resulta ng pagpapalitan ng
kultura mula pa noong panahon ng kolonyalismo. Ang ganitong pagpapalitan ay nagpatuloy
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang globalisasyong sosyo-kultural sa kasalukuyan ay lalong pinasigla ng mabilis na
takbo ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon. Sa pagkaimbento ng Internet noong
dekada ‘90, unti-unting bumilis ang paglaganap ng mga awit, pelikula, at iba pang naging
popular sa buong
mundo at maituturing na bahagi ng global na kultura. Naging mabilis din ang pagpapalitan ng
impormasyon sa pagitan ng bawat bansa at ng mga mamamayan sa buong daigdig. Hindi na
kailangang pumunta sa U.S. ang mga estudyanteng Tsino para mag-aral ng wikang Ingles dahil
maaari nang mag-enrol sa mga online English language courses na inaalok ng mga gurong
Pilipino sa Pilipinas. Tumitibay ang pagsasamahan at mabuting ugnayan ng mga bansa sa
pamamagitan ng globalisasyong sosyo-kultural. Pinag-aaralan at pinahahalagahan ng mga
mamamayan ang kultura ng ibang bansa. Isang tiyak na halimbawa nito ang epekto ng ASEAN
integration na nagpabilis ng mobilisasyon na may malaking naiambag sa turismo sa Timog-
Silangang Asya.
Sa kabila ng maraming mabubuting bunga ng globalisasyon sa aspektong sosyo-kultural,
partikular sa mga umuunlad na bansa, hindi rin mapasisinungalingan ang mga negatibong epekto
nito sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao. Sa tala ng The Endangered Language Project,
40% ng 7,000 wikang umiiral sa bansa ang nasa peligro ng pagkawala bunsod ng patuloy na pag-
igting ng globalisasyon na ang pangunahing wikang isinusulong ay Ingles. Sinundan ito ng mga
patakaran sa wika na pawang nakatuon sa paghubog ng mga mag-aaral na matuto ng Ingles gaya
ng nagyayari sa pagpaplanong pangwika ng Departamento ng Edukasyon, na nananatiling
naksandig sa bilingual education mantra nito, lalo na sa antas sekundarya. Maging ang relihiyon
ay nalalagay sa peigro bunsod ng homogenisasyon ng mga paniniwala. Sa pag-aaral ni Jaime
Bulatao S.J., isiniwalat niya ang katayuan ng pananampalataya sa Pilipinas at tinawag itong
split- level Christianity dahil sa pagkakahalo ng ilang Tsino at indigenized na paniniwala at sa
mga gawi at ritwal ng mga Kristiyano, gaya ng sayaw sa Obando at paniniwala sa feng shui sa
kabila ng pagiging kabilang sa Simbahang Katolika. Patuloy rin ang paglabnaw ng sistema ng
pagpapahalaga (values system) ng mga Pilipino dahil sa palagiang exposure sa kulturang
Kanluranin. Kapansin-pansin ngayon ang pagiging indibidwalista ng mga kabataan hinggil sa
maraming isyung panlipunan, gaya ng mantrang “Pera ko ito, gagastusin ko ito sa paraang gusto
ko,” na maituturing na imoral kung isasaalang-alang ang sitwasyon ng nakararaming Pilipino, at
taliwas sa dating masinop na paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ang epekto ng labis na
pagtalima sa kulturang Kanluranin na nagbubunsod ng malalim na kagustuhan ng mga Pilipino
na pumuti, upang makasunod sa pamantayan ng kagandahan sa konteksto ng mga Kanluraning
bansa ay nakababahala rin. Maging ang patuloy na militarisasyon sa mga pambansang minorya
gaya ng mga Lumad at iba pa na pilit na pinaaalis sa kanilang mga ansestral na lupain ng mga
kumpanya ng pagmimina sa mga bansa ay nakaaalarma rin. Ang nakalulungkot dito, mas
pinoproteksyonan pa ng gobyerno ang mga nasabing kumpanya kaysa mga grupong ito.
Sa madaling salita, kung nakabubuti man ang globalisasyon sa iba’t ibang aspekto, higit
na malaki naman ang negatibong epekto nito. Naririto ang iba pang epekto ng globalisasyon.
Epekto ng Globalisasyon
May mga positibong epekto ang globalisasyon. Sa pamahalaan, nagkakaroon ng
pagkakaisa ang mga bansa. Nagkakaroon din ng demokrasya sa mga komunistang bansa. Sa
ekonomiya, nagkakaroon ng malayang kalakalan, mas napabibilis ang kalakalan o ang
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo, paglaki ng bilang ng export at import sa isang bansa,
pakikipagsundo ng mga bansa tungkol sa isyu sa kalikasan, paglaki ng oportunidad para
makapagtrabaho, malayang nakapaghahanap ng trabaho ang mga tao, maiiwasan din ang
monopolyo, at tataas ng pamumuhunan (investment). Sa kultura, mas naiintindihan natin ang
mundo, at pagtanggap ng kultura ng iba.
I-click ang mga website sa ibaba upang malinang ang iyong kaalaman sa dami ng
Pilipino na nandarayuhan sa loob at labas ng bansa.
a. http://www.adbi.org/files/2013.01.23.cpp.sess1.5.capones.labor.migration.philippi
nes.pdf pdf ukol sa labor migration sa Pilipinas
b. http://www.nscb.gov.ph/ncs/10thNCS/papers/contributed%20papers/cps03/cps03-04.pdf
naglalaman ng datos ng migrasyon sa Pilipinas
c. http://www.census.gov.ph/content/domestic-and-international-migrantsphilippines-
results-2010-census Domestic and International Migrants in the Philippines (Results from
the 2010 Census)
d. http://www.migrationpolicy.org/programs/data-hub/charts/international-
migrantpopulation-country-origin-and-destination interactive website sa datos ng
immigrant
Ngayon ay i-click at suriin mo ang video sa ibaba upang malaman mo ang mga
pangyayaring nagaganap sa mga mandarayuhan tulad ng mga kabataan at ang dahilan ng
kanilang pandarayuhan pati na ang hakbang kung paano sila natutulungan. Pagkatapos ay sagutin
ang sumusunod na tanong: 1.) Anong nakita mo sa video? 2.) Ano ang epekto ng pandarayuhan
sa naiwang bansa? Ipaliwanag. 3.) Ano ang epekto ng pandarayuhan sa pinuntahang bansa?
Ipaliwanag. 4.) Ano-ano ang mga maling pananaw sa pandarayuhan at sa globalisasyon?
Ipaliwanag. 5.) Bakit umaalis ang mga kabataan sa kanilang lugar? 6.) Paano sila tinutulungan
upang mapabuti ang kanilang mga kalagayan? 7.) Paano nakakamit ang isang matatag at
nakikipagsabayang maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng
globalisasyon?
a. https://www.youtube.com/watch?v=qUHZqWGTkjw youtube video in "Youth Migration
and Development: Towards Sustainable Solutions" Hangout, 6 March 2013
b. https://www.youtube.com/watch?v=xg5JVK42xVk video sa Migration and Development:
Melissa Siegel
Kapag sinipat ang mga panlipunan epekto sa bansa, lalong mapatutunayan ang pinsala ng
migrasyon sa Pilipinas. Inisa-isa ni Alcid (c. 2005, sa isang pananaliksik na pinondohan ni
Friedrich Ebert Stiftung (FES), ang napakaraming panlipunang epekto ng migrasyon (tulad ng
exodus ng mga nars, kasama na ang mga dating doktor), bagay na inaasahang “hahantong sa
matinding krisis sa sistemang pangkalusugan... ng bansa, “...de-skilling ng mga propesyonal…”
at ang “negatibong impact ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata.
Dapat ding bigyang-diin, bilang panghuli, na mayorya sa mga OFW ay nasa kasibulan ng
buhay, sa kanilang mga prime year. Ito’y nangangahulugang sa halip na makapag-ambag sa pag-
unlad ng Pilipinas sa panahong pinakaproduktibo sila, ang mga migrante’y pinagsasamantalahan
ng mauunlad na bansa na nakikinabang nang husto sa kanilang kabataan at kahusayan. Mismong
sa isang ulat ay nagtanong ang National Statistical Coordination Board (NSCB) kung kailan
mabibigyan ng oportunidad sa trabaho ang pangkat na ito ng mga kabataan na ang karamiha’y
katatapos pa lamang sa kolehiyo upang direkta silang makatulong sa paglago ng ekonomiya ng
bansa sa halip na sa ekonomiya ng ibang bansa. (Kailan maiibsan ang social cost ng Pinoy
diaspora. Ayon sa nasabing ulat, may halos kalahating bahagdan (50%) ng mga OFW ang nasa
edad 25-29 at 30-34.
Ang politika ay makikita natin saan mang dako. Lahat ng gawaing pantao ay likas na may
politika. Ngunit ano nga ba ang politika? Bakit marami ang interesado sa mga isyung politikal?
Maraming suliranin sa ating bansa gaya ng katiwalian at ang mga dinastiyang politikal ay
malinaw na mga suliraning politikal. Ang mga rebelyon, bagama’t isang suliraning ekonomiko,
ay maituturing na kaugnay rin ng mga isyung politikal dahil malinaw na may ugnayan din ang
sistemang ekonomiko at sistemang politikal ng bansa (Halimbawa: Ang mga dinastiyang
politikal na may kontrol sa mga institusyon ng pamahalaan ay may koneksyon din sa mga
pamilyang elite na may kontrol naman sa estrukturang ekonomiko ng bansa.). Samakatuwid,
maaaring may pinagmulan ding politikal na suliranin ang anumang rebelyon.
Amerikano ang alinmang bahagi ng bansa. Samantala, impluwensiyado rin ng mga dayuhan
maging ang mga
Ipinakita ng pag-aaral noong 2012 ng Asian Institute of Management Policy na ang mga
pampulitikal na dinastiya ay bumubuo ng 70 porsyento ng mga mambabatas na may sariling
hurisdiksyon sa ika-15 Kongreso ng Pilipinas. Isiniwalat nito ang mga palatandaan na kailangan
pag-isipan mabuti: ang mga dinastiyang pampulitika ay kadalasang nauuwi sa pangingibabaw ng
mga pangunahing partidong pampulitika at, karaniwan, nasa mga lugar na may mababang
pamantayan ng pamumuhay, mas mabagal na pag-unlad ng tao, at mas mataas na antas ng
kawalan sa buhay. Ang mga miyembro ng dinastiyang pampulitika ay kadalasang mas
mayayaman kaysa sa mga hindi miyembro.
Sa kanyang huling State of the Nation Address noong 2015, sinabi ni Pangulong Benigno
Aquino III na panahon na para sa isang batas laban sa pampulitikang dinastiya na maglilimita sa
dalawang miyembro lang ng isang pamilya na maaaring manungkulan (sa halal na posisyon)
nang sabay.
Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang tungkulin
na inaasahan sa kaniya ng mga tao sa kaniyang kapaligiran. Kung wala ito, walang puwersang
makapagbibig ay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na
implementasyon ng isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang
gawin kundi ipatupad ang isang polisiya. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagtupad sa tungkuling
pambatas trapiko para sa maayos na transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino; ang
mekanikong pagpoproseso ng income tax return; pagpoproseso ng ligal na titulo ng lupa mula sa
orihinal na may-ari tungo sa bumili nito; at pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na ibinabayad
ng mamamayan.
balota, at ang pagbili o panunuhol sa mga botante kapalit ng isang boto; (2) Election
manipulation na
isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga
manghahalal ay nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng
demokrasya; (3) Disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto na
isinasagawa kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang botante o grupo ay sumusuporta sa
kalabang panig o partido. Maaari itong makita sa anyo ng pagpapahina ng loob ng iba na
magrehistro, o kung sakali man na nakapagrehistro na, ay tanggalin sila sa talaan ng mga botante
sa pamamagitan ng animo ba ay legal na pagtanggal sa proseso ng korte; (4) Manipulasyon ng
demograpiya kung saan, maraming pagkakataon na kayang kontrolin ng mga kinauukulan ang
komposisyon ng mga manghahalal upang makatiyak ng isang resultang pumapabor sa
sinusupotahang politiko. Kabilang dito ang (a) Intimidasyon na tumutukoy sa lakas o puwersang
ibinibgay sa mga botante upang sila’y bumoto pabor sa isang partikular na kandidato o kaya’y
pigilan silang makibahagi o makiisa sa pagboto; (b) Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng
Karahasan na nagpapakitang ang mga botante sa isang partikular na demograpiko o mga
kilalang tagasuporta sa isang partikular na kandidato ay direktang tinatakot ng mga tagasuporta
ng kalabang partido upang ibasura ang pagsuporta na hindi makabubuti sa sinusuportahang
kandidato. Inilalarawan ito ng mga krimeng tulad ng pagpatay, pananakit, mga pagpapasabog, at
iba pa; (c) Pag-atake sa Lugar ng Halalan kung saan ang madalas na nagiging target ay ang mga
lugar na aktuwal na pinagdarausan ng lokal o pambansang halalan. Inilalarawan ito ng
bandalismo, paninira ng mga kagamitan o ari-arian, mga pananakot na nagbubunga ng pangamba
sa mga botante na tumutungo sa lugar na pagdarausan ng halalan; (d) Mga Pagbabantang Legal
kung saan, may pagkakataong sinasamantala ng mga politiko ang ng kaalaman ng isang
indibidwal sa kaniyang karapatan na makiisa sa lokal at pambansang halalan sa pamamagitan ng
pagboto. Sa pagkakataong ito, ang mga botante ay pinaniniwalaang walang legal na karapatang
bumoto o kaya’y may obligasyong bumoto gamit ang partikular na pamamaraan. Ginagamit ng
mga taong mapagsamantala ang kahinaan ng isang indibidwal na ito ay matakot sa magiging
resulta ng isang partikular na aksyon; (e) Pamimilit na nagpapakitang ang demograpiko na may
kontrol sa balota ay sinusubukang hikayatin ang iba na sumunod sa kanila. Sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga lumalaban sa higit na nakararami, ang mga ito ay naiimpluwensiyahan na
palitan ang kanilang mga naunang desisyon sa kung sino ang kanilang iboboto; at (f) Pamimili
ng Boto na isang akto ng kung saan ang isang partido politikal o kandidato ay nanghihingi ng
boto sa mga botante kapalit ng salapi, mga kinakailangang kagamitan o kaya ay mga serbisyo.
Ang kasanayang ito ay karaniwang ginagamit upang hikayatin ang mga botante na bigyan sila ng
pabor sa araw ng halalan. Hindi lamang sa Pilipinas talamak ang ganitong usapin ng pandaraya
sa eleksyon. Maging sa Amerika, Argentina, Mexico, Kenya, at Nigeria ay talamak din ang
pamimili ng boto para sa eleksyon.
Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct
bribery) ay maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa
ng isang akto na maituturing na krimen, kaugnay ng kaniyang opisyal na tungkulin, bilang
konsiderasyon sa kahit na anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal,
personal man o sa pamamagitan ng iba. Ang krimen sa ilalim ng probisyong ito ay maaari ding
ipukol sa opisyal na tatanggap ng regalo bilang konsiderasyon sa isang akto na hindi maituturing
na krimen, bagama’t higit na mababang parusa ang katumbas nito. Mayroon ding krimen ng
katulad na uri kung ang isang opisyal ng gobyerno ay tatanggap ng regalo o ng pangako bilang
kondisyon na hindi siya gagawa na isang akto batay sa kaniyang opisyal na tungkulin. Kung ang
bagay na kung saan ang regalo ay tinanggap o ipinangako ay ginawa sa kondisyon na iiwasan ng
opisyal ng gobyerno na gumawa ng isang akto na kaniyang opisyal na tungkulin.
Sa kabilang dako, isinasaad naman sa Artikulo 220 ang ilegal na gamit ng pondo at ari-
arian ng publiko. Tahasang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kahit sinong opisyal ng
gobyerno na gagamit ng pondo at ari-arian ng kaniyang administrasyon sa pampublikong gamit
bukod sa totoong pinaglalaanan nito batay sa batas at mga ordinansa. Tinatawag din itong
technical malversation. Korapsyon din ang paggasta para sa pagbili ng mga substandard na
materyales na regular ang presyo, o kaya’y pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng
pekeng proyekto ( gaya ng modus operandi ng mga nagtayo ng pekeng NGOs sa pangunguna ng
kasalukuyang nasasakdal sa kasong si Janet Napoles at tatlong senador na sina Bong Revilla,
Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile).
Ang mga sumusunod ay mga espisipikong akto na may kaugnayan sa pandarambong: (1)
Paglustay, paglilipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal sa mga pondong pampubliko o
mga pagsalakay sa kabang-yaman ng bayan; (2) Pagtanggap nang direkta o hindi direkta,
anumang paggawa, regalo, bahagi, bahagdan, mga kickback o anumang anyo ng pansalaping
pakinabang mula sa sinumang tao at/o anumang entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata
o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opisyal ng
bayan; (3) Ilegal na pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan o
anumang subdibisyon nito, mga ahensya o instrumentalidad o mga pag-aari ng gobyerno o
kinokontrol ng gobyerno na mga korporasyon at mga subsidyaryo nito; (4) Pagkakamit,
pagtanggap nang tuwiran o hindi tuwiran ng anumang mga bahagi ng stock, ekwidad o
anupamang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng panghinaharap na trabaho sa
anumang negosyo; (5) Paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopolyo
o iba pang kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay
makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes; o (6) Higit sa nararapat na
kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan, koneksyon o impluwensiya upang
hindi makatarungang payamanin ang sarili nito na may pagsasawalang-bahala sa panganib o
pinsalang maidudulot nito sa mamamayang Pilipino at Republika ng Pilipinas. Ilang halimbawa
ng pandarambong ang overpricing gaya ng mga lampposts na nagkakahalaga ng P224,000 bawat
isa sa Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu o kaya’y ang mga proyektong pinondohan ng malaki
ngunit hindi natapos (gaya ng Bataan Nuclear Power Plant na nagkakahalaga ng $2.3 bilyon, at
ang North Rail Project na nagkakahalaga naman ng $500 milyon) o kaya’y hindi talaga naitayo.
Ang konsepto ng graft and corruption ay mga usaping nagpapasakit sa bawat Pilipino.
Ang usaping ito’y matagal nang hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa kasalukuyan, bigo
pa ring mapaglabanan. Dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng personal na benepisyo
mula sa transaksyong pampamahalaan ang graft and corruption. Tumutukoy ang korapsyon sa
maling gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo. Ang graft sa
kabilang banda ay tumutukoy naman sa maling gamit ng impluwensiya para sa personal na
benepisyo. Makikita sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang enumerasyon ng
mga espisipikong akto ng paggawa ng krimen sa ilalim ng batas na ito.
Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng pamamahala ay ang
sistemang padrino o ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang
nagiging bulag at binging saksi sa hustisyang dapat ibigay sa taumbayan mapagbigyan lamang
ang mga taong pinagkakautangan nila ng loob. May mga pagkakataong ang isang indibidwal ay
nabibigyan ng magandang katungkulan sa gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya
dahil sa basbas ng mga makapangyarihan, ito’y sa kabila ng kawalan ng sapat na karanasan at
kwalipikasyon sa posisyong ipinagkaloob sa kaniya ng nasabing makapangyarihan. Ang tanging
pinanghahawakan lamang niya ay ang proteksyong nanggagaling sa pinunong minsan ay
sinuportahan niya sa panahong kailangan nito. Ang suliraning ito’t talamak sa mga posisyong
nakabatay lamang sa tiwala at kumpiyansa ng taong nasa puwesto, bagama’t ang mga posisyong
nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Civil Service Commission ay hindi rin ganap na ligtas sa usaping
ito.
mga ebidensyang ipinakita - ito ay legal, at ang pagpapahirap o torture na isang konsepto
ng pagpapaamin o
pagpapahirap sa isang indibidwal na aminin ang isang krimen na maaaring kaniyang ginawa o
kaya ay hindi ginawa; (5) pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang
mapagtagumpayan ang nais na makuha - kinikilala bilang isang anyo ng pangingikil na
lumalabag sa mga umiiral na batas at polisiya sa Pilipinas; at (6) paglahok ng kapulisan sa mga
organisadong krimen tulad ng pagnanakaw, terorismo, kidnapping, at iba pa.
Kaakibat ng mga maling gawi o akto ng hukom sa paglabag sa kanilang Koda ng Etika ay
ang pagharap sa mga kasong administratibo o maaari ding pagtanggal sa kanilang lisensya bilang
abogado. Isa sa mga naging mainit na usapin ang kasong ipinukol kay dating SC Justice Renato
Corona dahil sa maling deklarasyon ng kaniyang mga pagmamay-ari at pagkakautang batay sa
deklarasyon ng kaniyang SALN na sinasabing lumalabag sa RA 6713. Naging daan ito sa
pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto, ang kauna-unahang SC Justice sa kasaysayan ng Pilipinas,
sa pamamagitan ng proseso ng impeachment noong Mayo 29, 2012. Hindi rin nalalayo ang
kapalaran ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno - ang kauna-unahang babaeng Chief Justice - kay
dating SC Justice Renato Corona. Na-impeach din siya sa pamamagitan ni Atty Larry Gadon na
siyang naghain ng impeachment case laban sa babaeng Chief Justice. Sinuportahan pa ito ni
Solicitor General Calida sa pagsasabing walang bisa ang pagkakapagtalaga dito bilang Chief
Justice ni dating Pangulong Aquino dahil hindi nito naibigay ang basikong kahingian na
paghahain ng SALN.
prinsipyo upang labanan ang katiwaliang ito sa pamahalaan gaya ng: (1) hindi tugmang
tanggapan (incompatible
office) kung saan pinagbabawalan ang mga mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon
sa anumang ahensya ng gobyerno kasama ang GOCC o Government Owned and Controlled
Corporations liban na lamang kung iiwanan niya ang kaniyang posisyon bilang mambabatas
(TANDAAN: Hindi lahat ng tungkulin sa gobyerno ay maituturing na incompatible office
sapagkay mayroong mga tungkuling maaaring tanggapin ng isang mambabatas batay sa pagkilala
ng Saligang Batas. Halimbawa ang pagiging kasapi ng Electoral tribunal at Judicial and bar
Council of the Philippines); (2) ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office) kung saan
pinagbabawalan ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na
nilikha o ang suweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya’y nanunungkulan pa bilang
kongresista. Ang layunin nito’y upang iwasan ang anomalya na ang isang kongresista ay
makinabang sa batas na siya mismo ang nagbigay ng inisyatibo.
Ang iba pang korapsyon na palasak sa Pilipinas ay ang: (1) pagtakas sa pagbabayad ng
buwis; (2) ghost projects at payroll; (3) pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng
pagkakaloob ng mga kontrata; (4) pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor tungo sa iba
pa o subcontracting; (5) pangingikil; at (6) panunuhol.
Sa paghahari ng mga Espanyol, sumulpot ang lokal na elite o principlia mula sa mga
dating datu, rajah, at maharlika. Para mapatahimik ang mga dating pinuno at di na sila mag-isip
na mag- aklas laban sa mga Espanyol, ibinigay sa kanila ang mababang posisyon gaya ng
mamahala sa lupa at maningil ng buwis. Samakatuwid, kunga ang mga ordinaryong indio ay
walang sariling lupa at wala ring pera, ang mga pricipalia at ilustrado ay mayroon sapagkat
pinaboran sila ng mga Espanyol para maging maamong tagasunod na maglilingkod sa Espanya
at wala ng iba pa. Katunayan, sa maraming taon ay naging matapat sila sa mga Espanyol dahil
nakikinabang nga sila nang malaki sa paghahari ng mga ito. Marami sa mga pamilyang
asenderong ito’y nanatiling bahagi ng alta sociedad sa kasalukuyan, sapagkat mayaman pa rin
sila sa salapi at lupain.
Hindi naging mabisa ang reporma sa lupa ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang
pananakop, at hanggang ngayon, ang programa sa reporma sa lupa ng pamahalaan - ang CARP
na pinalawig pa at naging CARPER - ay napatunayan na ring hindi mabisa. Samakatuwid,
napanatili ng iilang pamilya mula pa noong panahon ng Espanyol ang kanilang kontrol sa
malalaking lote ng lupa, at ang kanilang kayamanan. Sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang
kayamanan ay napanatili rin nila ang kontrol sa kapangyarihang politikal. May natural na
kalamangan o edge sila sa mayorya ng mga ordinaryong Pilipino, sapagkat ang kanilang
kayamanan ay nangangahulugan din na may kakayahan silang mag-aral hanggang kolehiyo, at
bumuo ng mga koneksyon sa iba pang makapangyarihan sa lipunan. Sa mga unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano, ang karapatang maghalal at mahalal ay maaari lamang tamasahin
ng mga mamamayang may edukasyon at ari-arian. Samakatuwid, lalong tumibay ang monopolyo
ng mayayaman sa kapangyarihang politikal sa panahong iyon, bagay na nagpatuloy hanggang sa
kasalukuyan.
Sa pag-aaral naman ng Asian Institute of Management Policy Center noong 2011, mahigit
100 o 68% ng mga kinatawan sa ika-15 Kongreso na nahalal noong 2010, ang may mga kamag-
anak sa ika-12, 13, 14, at 15 Kongreso, o kaya mga lokal na opisyal na nahalal noong 2001,
2004,
Ayon naman sa aklat na “The Rulemakers, How the Wealthy and Well-born Dominate
Congress” (2004) nina Shiela Coronel et al., halos isang siglo nang kontrolado ng mga dinastiya
ang sistemang politikal ng bansa. Anila, bagama’t hindi na puro asendero ang mga dinastiyang
nakapuwesto, lahat ng mga angkang ito’y pawang mayayaman at maituturing na bahagi ng
noveau rich. Samakatuwid, malinaw na ang kayamanan at kapangyarihang politikal ay
magkaugnay pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Mga Bunga ng Korapsyon
Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga
ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Halimbawa, kahit may mga kinatawan ang mga grupong marginalized sa pamamagitan ng mga
partylist, kontrolado pa rin ng mga dinastiyang elite ang Kongreso dahil mayorya sa mga
kongresista ay mula sa mga mayayamang dinastiya. Samakatuwid, hadlang din sa mga
repormang sosyo-ekonomiko na isinusulong ng mga grupong marginalized ang mga dinastiya.
Pangalawang bunga ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng gobyerno para sa mga
serbisyong panlipunan (gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon , at kalusugan). Malaking
halaga ng badyet ng gobyerno ang napupunta sa korapsyon, na tinatayang umaabot sa 200
bilyong piso kada taon (ayon sa World Bank). Ang ganitong kalaking halaga ay maaari sanang
magamit sa paglutas ng kahirapan at iba pang kaugnay na suliranin. Samakatuwid, ang kabiguan
ng pamahalaan na lutasin ang kahirapan ay isa sa mga epekto ng katiwalian sa gobyerno.
Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa. Sa halip
na mga propesyonal at ideolohikal na partidong may magkakaibang paninindigan sa iba’t ibang
mahahalagang isyu, mga personalistikong partido ang nangingibabaw sa bansa, mga partidong
kontrolado at pinopondohan ng mayayamang dinastiya.
Bukod sa mga institusyonal na pagsisikhay na maisabatas ang isang Anti-Dynast Bill, ang
pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng
mga partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga dinastiyang politikal. Ang
pagsasagawa ng mga voter’s education forum, sa panahon ng eleksyon at pagkatapos nito, ay
makatutulong din sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mamamayan sa politika, na
makapagpapahina naman sa kapangyarihan ng mga dinastiya.
Bago pa man dumating ang unang mananakop, ang mga mangangalakal galing Malaysia,
India, Hapon, Indonesia, at Tsina ay mayroon ding malaking kontribusyon sa kultura ng
Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay impluwensiya rin sa mga katutubong paniniwala ng
mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol at ang mga mangangalakal na Muslim sa atin.
Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito.
Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain ay minana pa sa mga mangangalakal na
Intsik. Ibig sabihin, ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng mga
kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika, at pamahalaan.
Sa tatlong daang taon na nakatira dito ang mga Kastila, maraming bahagi ng kanilang
kultura ay isinama sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino, katulad ng
Katolisismo o rehilyon Katoliko, mga Kastilang pangalan, wika, at pagkain. Hindi lang ito,
ngunit ang mga ginagawa ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon katulad ng pagbebeso,
pagsasali sa mga pista at pagsisiesta ay galing din sa mga Kastila. Sa panahon ng mga Kastila,
naniniwala sila na mas mabuti ang kanilang kultura kaysa sa kultura ng Pilipinas, at ang kaisipan
na ito ay pumasok sa utak ng mga Pilipino, lalong lalo na sa mga mas mayaman na tao.
Noong naging kolonya ng Estados Unidos ang bansang ito, pinakilala ng mga Amerikano
ang iba’t ibang uri ng kanilang kultura sa mga Pilipino. Ang panonood ng mga pelikula, ang mga
popular na “fast food” katulad ng hamburger at french fries, ang mga pangalang Amerikano, at
ang pagsuot ng pantalong maong ay mga halimbawa nito. Tinanggap ng malugod ng Pilipino ang
mga impluwensiyang ito, at dahil dito, naniwala sila na napakabuti ang mga natunan nila sa mga
dayuhan.
Kamakailan lamang ay nag-survey ang Pulse Asia tungkol sa kawalan ng pag-asa ng mga
Pilipino sa ating bansa. Ayon sa survey, wala pa sa kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang
“may pag-asa pa ang bansang ito.” Dama ng karamihan ang pangangailangan para sa
pundamental na pagbabago sa ating lipunan ngayon. Kailangan ng pagbabago sa ating ekonomya
kung saan ang karamihan ay nananatiling hikahos, hindi nakikinabang sa kanilang
pinagpapawisan. Kailangan ng pagbabago sa ating pulitika, kung saan ang gobyerno ay gobyerno
ng iilan, at hindi ng karamihan. Pero batid din natin na ang pagbabago sa lipunan ay hindi
magiging ganap kapag walang kasabay na pagbabago sa kultura ng bayan. Pagbabago sa
dominanteng kaisipan, kaugalian, pagpapahalaga, panlasa, sining at panitikan. Pero ano nga ba
ang kailangan baguhin sa kultura sa bansa ngayon? Hayaan ninyo akong magbahagi ng aming
pagsusuri hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng sining at kultura sa Pilipinas, mga patakaran at
programa sa kultura ng pamahalaan at pribadong sektor, at ugnayan ng mga ito sa ekonomya at
pulitika ng bansa sa panahon ng globalisasyon. Kung ito ay makakatulong sa paglilinaw at
paggigiit sa tungkulin ng artistang Pilipino sa pagsusulong ng pagbabago sa ating lipunan,
nakamit na rin namin ang aming layunin sa pagkakataong ito.
Ang dominanteng kultura sa Pilipinas ay nananatiling kolonyal, burges at pyudal sa
kasalukuyang panahon. Itinatakda ito ng mga dominanteng pwersa sa ekonomya at politika ng
bansa – ang U.S. at ang mga elite sa ating lipunan, ang malalaking kapitalista at asenderong
Pilipino.
Dahil sa patakaran ng import liberalization mas malaya nang nakapapasok pati mga
dayuhang produktong pangkultura sa Pilipinas katulad ng pelikula, aklat, musika at software. Sa
ilalim ng Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights o TRIPS ng WTO, nagiging mas
madali para sa mga higanteng korporasyon mula sa ibang bansa ang pamumuhunan, pagbili, pag-
agaw, pagkontrol at pagmomonopolyo sa mga sumusunod:1) likhang sining at distribusyon nito
(sa pamamagitan ng karapatang-ari at mga kaakibat nito), 2) tatak (trademark) at pagtukoy sa
pinagmulan ng produkto (geographical indications),3) imbensyon (sa pamamagitan ng patente),
industrial design at trade secrets. Sa pamamagitan ng General Agreement on Trade in Service o
GATS ng WTO, pinadali rin ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa mga serbisyo sa
Pilipinas. Kabilang dito ang mga serbisyong tumutugon sa pagpapalaganap at preserbasyon ng
ang US ang pinakamalaking exporter ng mga produktong pangkultura ngayon. Kasabay ng halos
monopolyado ng US ang produksyon at distribusyon ng produktong pangkultura, hinuhulma nito
ang panlasa ng mga tao upang lumikha ng pangangailan (demand) para sa kaniyang mga
produkto. Ang panlasang Pinoy ay matagal ng nabababad sa pamantayang Amerikano kaya
madaling tanggapin ito ng marami. Ngunit nagreresulta ito sa pagkalugi o paglamon sa lokal na
industriyang pangkultura. Dahil sa matinding kumpetisyon lumalaban ang mga ito sa pabababaan
ng sahod, kontraktwalisasyon, at pagbabawas ng mga manggagawa na nagaganap sa mga
estasyon ng telebisyon at mga produksyong pampelikula. Ibinubunsod din ng kumpetisyon na ito
ang lalong pagkasadlak ng mga likhang sining sa pamantayang komersyal at kolonyal para
makapatas sa mga imported na likhang sining at pamantayan ng kahusayan. Naging laganap din
ang pamimirata ng mga nais kumita ng malaki sa mababang kapital. Habang sa isang banda, ang
panggagaya ay kinukunsinti ng mga dayuhang korporasyon dahil pinalalaganap pa nito ang
dayuhan o anila’y “global” na panlasa, ang pamimirata nama’y malupit nilang nilalabanan sa
larangan ng intellectual property rights dahil umuuk-ok ito sa kanilang tubo. Nagkakaroon din
ng impluwensya o kontrol ang pribadong korporasyon sa mga likhang sining sa pamamagitan ng
pagpondo nito sa mga ahensyang pangkultura at mga grupo o indibidwal na artistang hindi
nakatatanggap ng suporta mula sa gobyerno. Ang ganitong kalagayan ay lalong pang dadausdos
kapag naisulong ang mungkahing charter change ng administrasyong Arroyo kung saan kabilang
ang pag-alis ng mga restriksyong pang-ekonomya sa dayuhang pagmamay-ari.
Ang cultural diversity o ang pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig ay ang pagtingin
na may esensyal na kaibahan ang mga kultura at nararapat lamang na igalang, protektahan at
paunlarin ang mga pagkakaibang ito. Subalit ang pakahulugan sa cultural diversity – na
itinataguyod ng globalisasyon at tinatangkilik ng gobyerno – ay ang paglikha ng napakaraming
produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang kultura. Binibigyan ng halaga na parang sa palengke ang
mga “kakaiba,” ispesipiko, “walang katulad,” at exotic na kultura. May pagromantisa pa sa
samu’t- saring tribo at komunidad na nagsisilbing materyal para saimahinasyon at pantasya ng
“mas maunlad” na sibilisasyon.Hungkag ang ganitong konsepto ng ”cultural diversity”
sapagkathinihiwalay ang kultura sa kinaiiralan nitong panlipunangkonteksto. Mapananatili ba ng
mga katutubo ang kanilang kultura kung sila ay sapilitang inaalis sa kanilang lupain? Sa anong
antas makikipagturingan nang matino sa mga Muslim kung patuloy silang itinatakwil at
binabansagang terorista?
Laganap ang samu’t saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga
lokalidad at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa . Sa isang banda
nakabubuti ang turismo, kung bahagi ito ng edukasyon ng mga Pilipino at ng mga dayuhan na
makilala ang mayamang kultura sa ating bayan .Ngunit kung ang pangunahing layunin ay kumita
ng pera, nagiging kapital ang turismo sa komersiyalisasyon ng kultura. Bukod pa sa
pinagkakakitaan ang kultura, mas masahol ang usapin ngpanghihimasok sa isang kultura at ang
artipisyal na pagpoprosesodito upang maging mabenta sa pinakamaraming tao. Madalas kaysa
hindi, nababago sa kalaunan ang isang kultura kundi man ito tuluyang nasisira. Sa praktika ng
gobyerno, ginagamit nito ang turismo bilang tugon sa kahirapan. Sa isang banda, sinusuportahan
nito ang produksyon ng mga tradisyunal na kagamitan. Ngunit ang pagpayag at paghihikayat ng
gobyerno sa pagpasok ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na nagtataboy sa
mga kababayang tumutugon sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay sa tradisyunal
na produksyon.
Patuloy ang paglipas ng panahon ngunit tila ba isang iglap lang ay natapos ito na waring
walang naganap na tuwirang pagbabago sa lipunan. Maraming Pilipino ang nangarap ng
katiwasayan sa pamumuhay ngunit bigo pa rin ang karamihan. Ano ba naman ang simpleng
buhay na dapat makamit ni Juan dela Cruz? Maayos na trabaho, masarap na pagkain sa lamesa,
magarang damit na maisusuot, maipagamot ang iniindang sakit sa katawan, at iba pa. Marahil
ang mga pangarap na ito ay patuloy na sumasalamin sa sakit ng lipunan, na umuugat sa bulok na
sistemang politikal na siyang patuloy na nagpapahirap sa ating mamamayan. Ito marahil ang
dahilan kung
bakit marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang
matugunan ang pangangailangan at makamit ang minimithing katiwasayan ng pamumuhay. Isang
halimbawa ng pangyayaring ito ay ang pag-uwi sa Pilipinas ng marami sa ating mga kababayan
mula sa Taiwan dahil sa pagkalugi ng mga pagawaan at pabrika na nakadepende sa ekonomya ng
Amerika. Alam naman natin kung gaano kalaki ang lawak ng impluwensya ng bansang Amerika
sa kanilang pangangalakal sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Dahil sa hinaharap na krisis
pang- ekonomiya, ang Estados Unidos ay nasasadlak sa matinding problemang pinansyal. Dahil
dito, marami ang patuloy na nawawalan ng trabaho ‘di lamang sa Amerika kundi sa buong
mundo. Tiyak na marami ang tuwirang maghihirap lalo pa’t wala namang programa ng
pamahalaan na tutugon sa krisis na ito. Marami sa ating mga kababayan ang umaalis na buo ang
pangarap at matayog ang mithiin na makamit ang matiwasay na pamumuhay, nangutang ng
“placement fee” subalit umuwing bigo at sawimpalad. Sa totoo lang, masaklap ang hinaharap
nating lahat ngayon dahil sa patuloy na krisis pinansyal na humahagapit sa buong mundo. Sang-
ayon sa isang ekonomista sa Pilipinas hindi pa raw tuluyang nararanasan ang krisis na ito sa
Pilipinas. At ‘pag tinamaan daw nang husto ang ating bansa, marami ang mawawalan ng trabaho,
at patuloy na pagkalulong sa kahirapan ng ating mamamayan. Sa mga kagalang-galang na mga
politiko natin na maayos ang pamumuhay dahil sa karangyahan at katanyagan, ‘di nila alintana
ang kalunos-lunos na sinasapit ng ating mga kababayan sa kabila ng mapagkutyang kahirapan.
Patuloy pa rin ang kanilang kahangalan at kahibangan sa pagkalasing sa kapangyarihan. Ano ba
ang kailangan para magising sila sa katotohanan na sa serbisyo publiko ay inuuna muna ang
kapakanan ng mamamayan bago ang sarili? Kung buhay lang siguro si Gat Jose Rizal, baka lalo
siyang masuklam sa nakaririmarim na kalakalan sa politika sa ating bansa. At dahil dito, baka
makapaglimbag pa nga siya ng bagong serye sa kanyang librong Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Ilan sa mga iniwang pamana ni Rizal sa mga Pilipino ang: “di-makasariling
pamumuhay, pagmamahal sa kapwa higit pa sa sarili, pagkakakawang-gawa, pagsasakripisyo,
pagkamatulungin, mainam na pakikipag-kapwa tao at pagmamahal sa sariling bansa." Lahat ng
ito’y waring nauugat sa kulturang Pilipino pero unti-unting naglalaho na parang bula sa pag-ikot
ng kaunlaran. Sadyang mahirap na buwagin ang ‘di-magandang sistemang nakaukit na sa ating
kultura. Maihahalintulad ito sa dugo na nanalantay sa ating katawan na siyang nagbibigay ng
buhay sa atin; “ang sistemang kultural na siyang bumubuo sa ating kamalayang Pilipino ay
kumakatawan ng ating pagkakilanlan sa mundo. Masasabing ang Pilipino ay malikhain pero
mapanira; mapagmahal pero mapag-imbot; matulungin sa kapwa ngunit nakikitaan ng ‘utak
talangka’; mapagpakumbaba datatpwa’t nagpapayabangan sa isang banda; at matalino subalit ‘di
mapanuri sa mga isyung sosyal sa lipunan." Ang mas nakasusuklam ay ang ating ugaling
pagwawalang-bahala sa mga kritikal na isyung sosyal sa ating bansa. ‘Di kagaya noong
nakaraang dekada kung saan ang mga Pilipino ay mapanuri sa mapang-aping pamahalaan at
nagkaisang gumawa ng makasaysayang “People Power". Ano ba ang nangyari magmula noon?
Tila ba napagod na ang mamamayan sa kanilang pakikibaka sa mapang-aping gobyerno. Mas
kuntento na lang ang karamihan na punan ang kumakalam na sikmura kaysa ipaglaban at ituwid
ang baluktot na sistemang politikal. Ang iba naman ay talagang hindi na umaasa sa posibleng
magbabago ng ating lipunan. Sadyang ito ang pinakamasaklap sa lahat – kung ang bawa’t isa sa
atin tuluyang mawalan ng pag-asa na makamit ang pagbabago, saan kaya tayo dadalhin ng
tadhana? Mas pipiliin pa ng iba na mag-shopping na lang kaysa makibahagi sa politikal na
proseso. Halimbawa, marami ang nakilahok sa protesta laban sa gobyerno sa Maynila. Pero mas
marami naman ang ipinagwalang-bahala ito. Pinapatunayan lamang na wala na sa atin ang
makabayang kamalayan, dahil napagod na rin marahil ang mamamayan sa paulit-ulit na
mala-sarsuwelang pangangalakal ng ating pamahalaan. Mas
nakatutok pa nga ang karamihan sa pamimili sa mga shopping malls! Kung tutuusin, tayo’y mga
Pilipino ay lubusan ang ating pagkahumaling sa mga bagay-bagay na kumpuni o ginawa sa ibang
bansa. Tahasan nating iniiwasan ang mga lokal na produkto kasi sa ating kamalayan ito’y
madaling masira at ‘di maganda. Kaya hayun naglipana ang mga “imported goods" na
kumukumpitensya sa ating mga lokal na produkto. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ito ang
siyang pangunahing dahilan kung bakit unti-unting nawawalan tayo ng kumpiyansa ng sariling
atin. Kahit anong bagay na gawa sa atin ay ‘di gaanong pinahahalagahan. Pero kung tutuusin,
marami sa mga produkto na ibinebenta sa Amerika ay gawa sa Pilipinas. Nagpapatunay lang na
mataas ang kalidad ng ating teknolohiya. Nararapat na siguro nating baguhin ang maka-
dayuhang pag-iisip at iwaksi ang ating mapanirang “colonial mentality." Dahil dito, hindi tayo
makausad sa ating pagkakasadlak sa banyagang kultura. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala
tayong tuwirang pagkakakilanlan sa buong mundo. Kumbaga, gaya-gaya na lang tayo sa kung
ano ang uso sa Amerika, o sa ibang bansa. Kalunos-lunos ika nga ang ating sitwasyon. Sana’y
lubusan nating isabuhay ang magandang asal ng Pilipino na magpapatibay sa ating
pagkakakilanlan – ang pagpapahalaga sa yaman ng ating kultura.
Marami sa atin ay nagsasalita sa Ingles dahil ito ay ang pangunahing wikang itinuturo sa
mga eskwelahan. Ayon nga kay Kate Mcgeon ng BBC News: “The Philippines is fast becoming
the world’s low-cost English language teacher – with rapid increases in overseas students coming
to learn English or study in English-speaking universities. The main reasons that attract them are,
again, the cost – and the fact that, in the country’s top universities, all classes are held in
English.” Dahil sobrang laki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa wikang Ingles, ang wikang
Tagalog ay nawawalan na ng kahalagahan. Kailangan natin gamitin ang sariling wika para
maipagmamalaki natin ang pagiging Pilipino. Hindi naman sinasabi na ang paggamit ng wikang
Ingles ay masama o dapat tigilan ang pagturo ng Ingles sa eskwelahan, ngunit dapat mas madalas
tayong gumamit ng sarili nating wika sa pagsasalita. Ipinagmamalaki natin ang ating wika sa
mga panahon na nagsasalita tayo sa Tagalog.
Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa wikang Filipino, maaaring panoorin ang isang
dokumentaryo sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To
Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit
ay mayroong mabuting kalusugan. Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng kalusugan dahil ayon
sa World Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging
masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit,
kapansanan, o iba pang karamdaman. Ang kalusugan ay karapatan ng lahat ng tao sa mundo,
maging mayaman man o mahirap. Walang pinipiling edad, kasarian, paniniwala o relihiyon ang
pagkakaroon ng karapatan sa kalusugan. Ito ay isa ring responsibilidad sa ating sarili at sa ating
kapwa – tao. Sa madaling salita, ang kalusugan ay para sa lahat at ito ay isa sa
pinakamahalagang bagay na dapat nating tinatamasa sapagkat ito ay isang kayamanan.
Masasabing ang kalagayan ng kalusugan sa ating bansa ay hindi maganda sapagkat
maraming mamamayan pa rin ang hindi nakakatanggap ng mataas na kalidad ng tulong
pangkalusugan. Sa resulta ng isang pakikipanayam sa isang Provincial DOH Officer napag-
alaman ang totoong kalagayan ng isang pampublikong ospital sa bansa.
Hallway ng Ospital
Kuwarto ng Ospital
Ayon sa Provincial Department of Health (DOH) Officer na ito, ang isang problema sa
sangay ng kalusugan ay nagdudulot ng mas maraming problema. Ang halimbawa nito ay
ang sobrang dami ng pagpasok ng pasyente. Dahil nga hindi mura ang magpagamot sa mga
pribadong pagamutan, lagpas kalahati ng ating populasyon ang pinipiling magpagamot sa mga
pampublikong ospital. Kung saa'y nagreresulta sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan gaya
ng gamot at kakulangan sa mga tauhan. Bunga ng mga kakulangang ito, mas malaking
problema ang dumarating gaya ng paglalabas ng pera mula sa sariling bulsa ng pasyente
kahit na libre naman ang pagpapagamot sa mga pampublikong pagamutan. Ayon sa DOH
officer, hindi maiiwasan ang pagkaubos ng gamot sapagkat hindi sapat ang dumarating na
pondo para sa gamot dahil sa sobrang dami ng pasyente. Binanggit din niya ang kakulangan
sa pasilidad gaya ng mga kwarto at mga hospital bed kung kaya’t napipilitan ang mga
namamahala sa pagamutan na ipuwesto ang mga pasyente sa mga pasilyo at pahigain sa mga
folding bed. Ipinaliwanag din niya na dahil nga sa sobrang dami ng pasyente, nagkukulang ang
mga pagamutan sa tauhan. Kung kaya’t ang kalidad ng serbisyo at pag-aalaga sa mga
pasyente ay naapektuhan na siya ring magreresulta sa pagiging masungit ng mga tauhan ng
pagamutan.
Ayon sa resulta ng ginawang survey ng Pulse Asia, 63% ng mga Pilipino ang itinuturing
na pangunahing pangangailangan ang kanilang kalusugan. Gayunpaman, ang sistemang
pangkalusugan sa Pilipinas ay hindi gaanong nabibigyang importansiya. Ayon sa Department of
Health, noong 2009 ay may kabuuang 94,199 hospital beds ang Pilipinas; ito ay 1.04 na kama sa
bawat isang libong Pilipino. Ito ay mababa kung ikukumpara sa rekomendasyon ng World
Health Organization (WHO) na 20 hospital beds sa bawat 10,000 ng populasyon. Mula sa mga
datos na ito, makikita agad na talagang kulang ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng isang
ospital at iyon ang hospital beds.
Hindi lang sa mga health center ang may kakulangan sa tauhan ngunit katulad sa mga
nakuhang sagot mula sa panayam, ang mga doktor, nars, at iba pang nasa medikal na propesyon
ay kulang ayon rin kay Sen. Sonny Angara. Base sa tala ng Philippine College of Physicians,
dalawa hanggang tatlong doktor, nars, at midwives ang nagsisilbi para sa bawat 10,000 katao.
Tulad sa isyu ukol sa hospital beds, malayo ito sa rekomendasyon ng WHO na dapat ay hindi
bababa sa 23 na medikal na propesyonal ang nakalaan para sa sampung libo na ito.
Nakababahala rin na ang Pilipinas ay mayroong 1:50,000 na ratio ng psychiatrist at populasyon.
Dahil dito, ang panukala na Senate Bill 1157 o ang panukalang medical scholarship program ay
kinakailangan ng agarang pagpasa ayon kay Angara. Hindi lamang ito makatutulong sa mga
mahihirap na nais na makapag-aral ngunit maaari din itong solusyon sa kakulangan sa tauhan.
Kung susuriing mabuti, hindi nabibigyan ng mataas na kalidad ng serbisyo ang bawat
pasyente maging sa mga pampublikong ospital o sa mga institusyong pangkalusugan dulot ng
kakulangan sa pasilidad. Gaya na lamang sa "Hospital X", na ayon sa provincial DOH officer
nito'y ang ospital ay may kakulangan sa pasilidad (gaya ng gamot, tauhan, kagamitan gaya ng
mga hospital beds at kwarto) at kakulangan sa pondo, pangkalap ng mga medisina at pangpaayos
sa istraktura ng ospital dahil ito ay binabaha tuwing may malakas na bagyo na siyang
nakapagdudulot ng mababang kalidad na serbisyo lalo't para sa mga pasyenteng kailangan ang
mabilis na pagtugon sa karamdaman. Ngunit, hindi lang dito ang pangunahing pinagmumulan ng
problema, maaari rin
ito'y magmula sa istatus sa lipunan kung saa'y hirap makatugon ng sapat na kalusugan ang
mahihirap kung ikukumpara sa mayayaman.
Kung iisipin, nang dahil sa kakulangan ng pasilidad, pondo at hindi maayos na istruktura
ng ating takbuhan para sa kalusugan, na imbis tayo'y maibsan ng problema'y tila naragdagan pa
ito at hindi nalang din nakatutulong sa atin. Ngunit, saan nga ba nagmumula ang mga
problemang ito ng mga mamamayang may pangangailangang pangkalusugan? Hindi ba't bilang
isang mamamayan ng bansang Pilipinas ay prayoridad dapat ng bawat isa ang pagkakaroon ng
maayos at mabisang serbisyo ng kalusugan, hindi lamang ang may mga pera ang dapat
makinabang sa benepisyong ito dito dahil tayong lahat ay may karapatang mabuhay na nararapat
lamang masubaybayan ang estado ng kalusugan.
Maraming mga paniniwala kung bakit ang mga tao ay may mga problema sa kalusugan
ng kaisipan. Ayon sa mga siyentipikong pagsusuri, maraming malubhang problema sa kalusugan
ng kaisipan na dulot ng biochemical disturbances sa utak. Naniniwala din ang mga propesyonal
na ang iba't ibang mga sanhi na may kaugnay sa sikolohiya, lipunan, at kapaligiran ay
nakaaaapekto rin sa kaniyang kapakanan. Ang kalusugan ng kaisipan ay naaapektuhan din ng
pangkatawan, pangkaisipan, pandamdamin at pang-espiritwal na mga bahagi ng buhay. Ang
stress ay nakaaaapekto sa kakayahan sa kahit anong bahagi o sa lahat ng mga bahaging ito at
maaaring pahirapan nito ang pangangasiwa ng tao sa pang-araw-araw na niyang gawain. Maaari
siyang mahirapan dahil wala siyang mga bagong kasanayan at impormasyon na maaaring
makatulong sa kaniya.
May iba’t ibang uri ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan Kadalasan ay iba-iba ang
hugis at klase ng mga problemang ito sa iba't ibang panahon. May mga taong nalulumbay nang
malubha (depressed). May iba namang nababalisa at natatakot. Maaaring magpakita ang isang
bata sa klase ng asal na di-pangkaraniwan o umiwas sa iba. May mga di-gaanong kumakain. At
may mga sumosobra naman ang pagkain. Ang ilan ay umiinom ng alak o umaasa sa ibang mga
droga bilang pampamanhid sa mga masakit na damdamin. At ang ilan naman ay nawawala ang
panghawak sa katotohanan. Halimbawa, maaari silang makarinig ng mga boses, makakita ng
mga bagay na wala doon, o maniwala sa mga bagay na hindi totoo. Ang iba ay nag-iisip
magpakamatay
— at ang iba ay talagang nagpapakamatay. May mga nagiging magagalitin at agresibo. At may
ilan din namang nagkakaroon ng trauma dahil sa isang pangyayari, gaya ng grabeng aksidente sa
sasakyan o dahil sa isang problema na pinagtiisan nang mahabang panahon, gaya ng abuso nang
ilang taon habang bata pa sila. Maraming tao ang mayroong higit pa sa isa sa mga problemang
ito. Ang mga problema sa kalusugan ng kaisipan ay babalik lagi o hindi kailanman mawawala.
Marami nang mga taong nakapanunumbalik sa mga hamong ito. Maraming taong may mga
problema sa kalusugan ng kaisipan na gumagaling sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang
sariling lakas at kakayahan (resilience), suporta ng pamilya at mga kaibigan, psychotherapy, mga
paraan upang bawasan ang kanilang stress, at gamot, kung kinakailangan. May mga taong
lumuluwag ang kalooban kapag nalaman nila kung paano kinikilala ng mga doktor ang kanilang
mga problema. Maaaring magalak silang makakuha ng pagsusuri na nagbibigay ng palagay kung
ano ang diperensiya at nagbibigay ng mga mungkahi kung paano maaaring bigyang lunas ang
kanilang mga problema. Ngunit may iba naman na maaaring hindi makatagpo ng tulong kung
malaman ang resulta ng pagsusuri. Maaaring ituring nila ito bilang isang marka o
kategoriya na hindi
Ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang mapataas ang antas
ng kaalaman ng tao sa tamang nutrisyon. Nagsasagawa rin ng tinatawag na feeding program ang
pamahalaan upang makatulong sa pagpapababa ng kaso ng malnutrisyon.
Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng (10 ligtas na pakikipagtali; (2) programa para sa
pagpapalitan ng karayom; (3) paggagamot; at (4) pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata
sa panahon na ito ay ipinagbubuntis. Tandaan na ang antiretroviral na gamutan ay makatutulong
lamang sa pagbagal ng pagkalat ng sakit upang magkaroon ng inaasahang normal na pamumuhay
ang bata.
Tinatayang nasa 36.7 milyong katao noong 2016 ang mayroong HIV na nagresulta sa
kamatayan ng nasa 1M tao.
Malaking usapin sa lipunan ang sakit na ito na naging ugat ng maraming diskriminasyon
at epektong pang-ekonomiya. Bunga ng maling edukasyon o kakulangan ng kaalaman hinggil sa
sakit na ito ay ang paniwala ng taong maaaring mahawa kahit sa ordinaryong pakikipag-usap
lamang. Kontrobersiya din ang sakit na ito sa posisyon ng simbahan na tutulan ang paggamit ng
condom bilang proteksyon sa pakikipagtalik.
Maaaring gumaling ang may dengue sa loob ng dalawa hanggang pitong araw subalit
may mga pagkakataon na ang kasong ito ay nauuwi sa nakamamatay na lagnat na dengue
hemorrhagic na nagreresulta ng pagsurugo, pagbaba ng platelets ng dugo at pag-awas ng blood
plasma, o ng dengue shock syndrome na kung saan ay maaaring magdulot ng napakamapanganib
na low blood pressure.
Mabibili sa merkado sa bawat bansa ang vaccine bilang panlunas sa dengue, subalit
maituturing na pinakamabuting pananggalang dito ang pagiging malinis sa kapaligiran na
pampublikong kalusugan at ngayon ay mabilis na suriin kung ano ang nangyayari sa ating
komunidad.
Dapat gamitin ang Acetaminophen upang mabawasan ang lagnat at pananakit at sakit.
Para sa mga malubhang kaso, ang pangangalagang medikal ay maaaring kailanganin upang
mapawi ang mga sintomas at suportahan ang mga mahahalagang pag-andar ng organo hanggang
sa gumaling ang pasyente.
Sa panahon ngayon, marami ang umiiwas sa mga taong bumabahing dahil sa pangamba
na makakuha ng virus, partikular ang bagong coronavirus. Maaaring isa sa mga sanhi ng
pagbahing ng isang tao ay dahil sa allergic rhinitis, na nararanasan ng 2 sa bawat 10 Pilipino.
Ang allergic rhinitis ay ang pamamaga ng ilong dahil sa pagkalantad sa mga allergen o
iyong mga bagay na maaaring magdulot ng allergic reaction, sabi ng pulmonologist na si Marvin
Hilaro. Ilan sa mga karaniwang sintomas ng allergic rhinitis ay ang madalas na pagbahing at
pagsinghot, at pagkati ng ilong. Isa sa mga karaniwang allergen sa labas ng bahay ay ang pollen
na nakukuha sa mga halaman, sabi ng doktor. Kabilang naman umano sa mga allergen sa loob ng
bahay ay dust mites na nakukuha sa alikabok at mga insekto. Maaari din umanong magdulot ng
allergic rhinitis ang molds o amag na nasa bahay.
Para malaman kung saan allergic ang isang tao, puwede umano siyang kumonsulta sa
isang allergologist. Maaaring sumailalim ang isang tao sa skin test, kung saan tinitingnan kung
may reaksiyon ang balat niya sa mga allergen na ilalagay sa braso niya. Kung ayaw naman
magpa-skin test, puwede ring matukoy ang allergen sa pamamagitan ng blood test. Ayon kay
Hilario, may gamot naman sa allergic rhinitis tulad ng mga antihistamine.
Nagpaalala naman ang isang social enterprise group na maging listo laban sa sintomas ng
hepatitis B sa harap ng pandemya sa COVID-19. Sa harap ito ng paggunita sa World Hepatitis
Day noong Martes, Hulyo 28. Sa isang pahayag, sinabi ng grupong HepaHealth na mas mahirap
na makakuha ng healthcare services ngayong may pandemya at naka-quarantine ang ilang lugar.
Para sa HepaHealth, dapat paigtingin ang kaalaman ng publiko sa Hepatitis B. Binigyang-diin ng
mga eksperto na mahalagang malaman ng isang pasyente na may hepatitis B ito lalo’t lumalabas
sa mga pag-aaral na may mga hepatitis B patients na walang nararanasan na sintomas.
Ayon sa grupo, aabot sa 90 porsiyentong tao na may Hepatitis B Virus (HBV) ay walang
nararanasang sintomas. Posibleng makuha ang Hepatitis B sa palitan ng body fluids at isa sa
pinakapangkaraniwang paraan ng paglipat ng virus ay ang mother-to-child transmission na
kadalasang nangyayari sa panganganak ng ina. Kaya giit ng grupo na dapat bigyan din ng
atensiyon pagtugon laban sa naturang sakit, lalo’t maaaring mangyari anila ito sa kahit sino.
Umakyat naman sa 16 ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa mula nang magdeklara
ng outbreak noong Setyembre ng nakaraang taon, sabi ngayong Huwebes ng Department of
Health (DOH). Kabilang sa mga bagong kasong naitala ang pinakaunang pasyente ng polio sa
Metro Manila, na isang 3 taong gulang na lalaki mula Quezon City. Bukod sa bata sa Quezon
City, kasama rin sa mga bagong kasong iniulat ng Research Institute for Tropical Medicine sa
DOH ang 2 lalaki mula Mindanao na may mga edad 2 at 3, at isang 2 taong gulang na lalaki
mula Sultan Kudarat.Hinimok naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang na
pabakunahan laban sa polio ang kanilang mga anak, lalo iyong mga may edad 5 pababa.
Maituturing ang polio na isa sa mga suliraing pangkalusugan sa bansa. Ang poliomyelitis
o polio ay isang nakahahawang sakit dulot ng poliovirus. Ito ay maaaring maging sanhi ng
pagkalumpo, hirap sa paghinga, at kamatayan.
Tumaas ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa sa kabila ng pinatinding kampanya ng
gobyerno para bakunahan ang mga bata laban sa nasabing sakit. Nagtakda ang DOH ng
malawakang pagbabakuna kontra polio sa Mindanao mula Enero 20 hanggang Pebrero 2 at
Metro Manila mula Enero 27 hanggang Pebrero 7. Inatasan din ni Duque ang mga health facility
na paigtingin ang kanilang pagbabantay sa acute flaccid paralysis, na nagpapahiwatig ng
pagkakaroon ng polio. Noong Setyembre ng nakaraang taon, kinumpirma ng DOH ang
pagbabalik ng polio sa Pilipinas, 19 taon mula nang ideklara ng World Health Organization na
"polio free" ang bansa.
Bagama’t ang puso ay isang napakatibay na organ, hindi nangangahulugan na hindi ito
tinatamaan ng sakit. Kung ang mga bahagi ng puso ay may problema o pagkasira, maaaring
magkaroon ng sakit sa puso o heart disease ang isang tao. Bukod sa puso, maaari ring
magkaroon ng problema sa ibang bahagi ng cardiovascular o circulatory system gaya ng mga
daluyan ng dugo. Sa Pilipinas lamang, isa ang sakit sa puso sa mga pangunahing sanhi ng
pagkamatay ng mga tao. Kung may sakit sa puso ang isang tao, maaari siyang makaramdam ng
iba’t ibang sintomas gaya ng pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, iregular na pagtibok ng
puso, pagkahilo, pananakit ng ulo, pamumutla, pangangasul ng balat, pamamanas ng tiyan, binti,
at paa, madaling pagkapagod, at marami pang iba. Depende sa uri ng sakit sa puso, ilan sa mga
sintomas na nabanggit ay maaaring hindi maranasan gaya ng pangangasul ng balat at
pamamanas.
Ang sinuman ay maaaring magkaroon ng sakit sa puso at wala itong pinipiling kasarian o
edad. Kahit ang isang sanggol ay maaaring maapektuhan ng sakit na ito kung siya ay isinilang na
may problema sa puso o congenital heart defect. Maaari ring magkasakit sa puso dahil hindi
malusog ang pamumuhay ng isang tao. Ang kadalasang sanhi ng sakit sa puso ay ang pagkain ng
maaalat at matatabang pagkain, kakulangan sa pag-eehersisyo, labis na timbang, paninigarilyo,
labis na pag-inom ng alak, at iba pa. Kung minsan naman, nagkakaroon din ng sakit sa puso
dahil komplikasyon na ito ng ibang karamdaman. Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ay maaaring
magdulot ng panganib sa buhay ng isang tao lalo na kung hindi ito maaagapan. Kung ito naman
ay maaagapan, maaari pang makontrol o maibsan ang mga sintomas upang gumaan ang
pakiramdam ng pasyente. Ang ibang uri ng sakit sa puso ay maaari pang malunasan sa
pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot, samantalang ang iba naman ay nangangailangan na ng
operasyon.
Ang sakit sa puso ay karaniwang isang lifestyle disease o mga sakit na nakukuha lamang
dahil hindi malusog ang paraan ng pamumuhay. Ang mga karaniwang sanhi nito ay: (1) Labis na
pagkain ng maaalat at matatabang pagkain; (2) Hindi nag-eehersisyo; (3) Labis ang timbang; (4)
Paninigarilyo; (5) Labis na pag-inom ng alak
Ang sakit sa puso ay nakaaapekto sa kahit sinuman subalit mas mataas ang posibilidad na
magkaroon nito kung nabibilang alinman sa mga sumusunod na grupo: (1) Pagiging matanda; (2)
Kasarian; (3) Namamana sa pamilya; (4) Altapresyon; (5) Hindi malusog na pamumuhay.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso, gawin ang mga sumusunod: Kumain
ng balanse at masusustansiyang pagkain; Mag-ehersisyo araw-araw; Panatilihin ang tamang
timbang; Itigil ang paninigarilyo; Bawasan ang pag-inom ng alak; Regular na magpatingin sa
doktor.
Francisco Duque III, na ang ginawang konsultasyon sa publiko para sa pagbuo ng IRR ay
kinabilangan ng lahat ng sektor at nagbibigay
ng boses sa publiko. Ayon pa kay Duque, “To ensure that 106 million Filipinos benefit from the
UHC reform the soonest, we need to make sure that first, Filipinos know what to expect, and
second, the implementers (health care providers, managers, and stewards) have a clear idea of
how to implement this task.” Ang buong implementasyon ng batas ay mangangailangan ng P270
bilyon kada taon. Dagdag pa nito, para mapondohan ang UHC, kukuha ito ng parte mula sa
taunang pondo ng DOH, subsidiya ng PhilHealth sa mahihirap na pamilya, alokasyon na mula sa
Philippine Gaming and Amusement Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office,
kontribusyon mula sa mga miyembro ng PhilHealth, at sin tax na nakukuha mula sa alcohol at
tabako.
Isa sa mga layunin ng 4Ps ang social development sa pamamagitan ng pagsira sa siklo ng
kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at
edukasyon ng mahihirap na kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng: (1) check-up
para sa mga buntis at batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang; (2) pagpupurga ng bulate ng
mga mag-aaral edad 6 hanggang 14; (3) pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at
hayskul; at
(4) mga sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya.
Tinutulungan din ng 4Ps ang pamahalaan ng Pilipinas na matupad ang pangako nito sa
Millenium Development Goals (MDGs)—ispesipiko sa pag-alis ng labis na kahirapan at gutom,
sa pagkamit ng unibersal na edukasyong primarya, sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa
kasarian, sa pagpapababa ng bilang ng mga batang namamatay, at sa pagpapabuti ng pag-aalaga
sa mga buntis.
May dalawang uri ng tulong-pinansiyal o cash grant ang 4Ps na ibinibigay sa mga
benepisyaryong pamilya: (1) pinansiyang pangkalusugan: P500 bawat pamilya buwan-buwan,
o kabuuang P6,000 taon-taon; at (2) pinansiyang pang-edukasyon: P300 bawat bata buwan-
buwan, sa loob ng sampung buwan, o kabuuang P3,000 taon-taon (maaaring magrehistro ang
isang pamilya ng hanggang tatlong bata para sa programa). Ipinaaabot sa mga pamilyang
benepisyaryo ang tulong-pinansiyal na ito sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines o,
kung di kakayanin, sa pamamagitan ng mga alternatibo tulad ng Globe G-Cash remittance at
mga transaksiyon sa mga bangkong pamprobinsiya.
Kinakailangan ding isang propesyonal na kumadrona o doktor ang magpaanak sa kanila; (2)
Kailangang pumunta ang mga magulang o tagapangalaga sa mga family development session, o
kung saan tutulungan sila kung paano maging responsableng magulang, alagaan ang kalusugan
at nutrisyon; (3) Kailangang regular na magpa-check up at magpabakuna ang mga batang may
edad
0 hanggang 5 taong gulang para maiwasan ang pagkakasakit; (4) Kailangang uminom ng
pampurga ng bulate sa tiyan ang kabataang may edad 6 hanggang 14 taong gulang dalawang
beses sa isang taon; at (5) Kailangang mag-enrol sa eskuwelahan ang mga benepisyaryong
kabataan na may edad 3 hanggang 18 taong gulang, at pumasok sa klase nang di-bababa sa 85%
ng kabuuang bilang ng klase kada buwan. Sa pakikipagtulungan ng PhilHealth, 4.4 milyong
benepisyaryo na ang naipasok ng 4Ps sa ilalim ng National Health Insurance Program.
seguridad sa transport; at (d) di-sapat na pasilidad pangtransport lalo na sa mga lugar na apektado
ng sigalot at kawalan ng kaunlaran.”
Mahalaga ang panghuling punto (d) ng National Transport Policy, dahil ito, sa esensiya
ang polisiya ng kasalukuyang rehimen: Mag-akit ng malalaking dayuhang kapital para
mamuhunan sa imprasktraktura ng transportasyon sa bansa. Siyempre, nangangahulugan ito na
aasahan din ng malalaking dayuhan at lokal na negosyanteng sangkot dito na kikita ang kanilang
puhunan.
Isang halimbawa lang nito ang pagbibigay ng rehimeng Duterte ng malalaking kontrata
sa malalaking negosyanteng Tsino sa pagmamantine sa MRT at LRT (Light Rail Transit).
Samantala, gusto ng rehimeng Duterte na amyendahan ang Commonwealth Act No. 146
o Public Service Law, lalo na kaugnay ng mga nagnenegosyo sa pampublikong mga serbisyo
tulad ng transportasyon. Sa panukala ng rehimen, maaaring mag-ari na ang mga dayuhan ng 100
porsiyento ng mga kompanya sa transportasyon.
Halata sa mga programa ng rehimeng Duterte na target talaga nitong isapribado ang sa
ngayo’y pampublikong mga transportasyon na inoopereyt ng maliliit o kaya’y independiyenteng
mga operator – mga moda ng transportasyon na inaasahan ng mayorya ng mga komyuter.
Maliban sa MC 2017-011, kasama rin dito ang planong Provincial Bus Ban ng MMDA
o pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA. Batay ito sa Regulation No. 19-002
ng MMDA na naglalayong ipasara ang lahat ng 47 terminals ng provincial buses sa naturang
kalsada. Ang sinasabi ng rehimeng Duterte na dahilan: para maibsan daw ang trapiko sa EDSA.
Pero batay mismo sa datos ng MMDA, umaabot lang sa tatlong porsiyento ng lahat ng
sasakyan sa EDSA ang mga bus. Samantala, umaabot na sa 67 porsiyento ng mga sasakyan sa
EDSA ay pribadong mga sasakyan tulad ng pribadong mga kotse, van, SUV, at iba pa. Mula sa
datos na ito, mahihinuhang hindi bus ang problema ng trapiko sa EDSA – at nakita ito sa
pagtindi
ng trapiko sa EDSA sa kabila ng pangalawang dry run ng provincial bus ban na isinagawa ng
MMDA rito noong Agosto 7. (Isinagawa ng MMDA ang naturang dry run sa kabila ng
temporary restraining order ng Korte Suprema sa naturang ban.)
Nakatanggap ang MMDA ng matinding batikos sa naturang plano nila. “Talagang di-
siyentipiko at di-demokratiko ang hakbang (provincial bus ban),” sabi ni Ariel Casilao,
pangalawang tagapangulo at dating kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list. Sa
maraming pag-aaral, ayon kay Casilao, malinaw na mas marami ang naisasakay ng isang bus
kumpara sa dalawa hanggang tatlong kotse na sumasakop sa parehong espasyo ng bus.
Ayon naman kay Sen. Grace Poe, tagapangulo ng committee on public services sa
Senado, mistulang “science project na puno ng eksperimento” ang ginagawa ng MMDA at
DOTr na lalong nagpapalala umano sa sitwasyon. Pinaiimbestigahan ni Poe sa Senado ang
naturang mga iskema ng gobyerno.
Pero ano ang itinutulak ng rehimeng Duterte sa ilalim ng National Transport Policy nito?
Dito, nakabalangkas na sa pribadong pamumuhunan at negosyo ang polisiya sa transportasypon
ng rehimeng Duterte, at hindi sa prinsipyong dapat na serbisyong panlipunan ang transportasyon.
Taong 2017 nang matagumpay na naipahayag ng Piston at iba pang grupo ng mga tsuper
at operator ang pagtutol nila sa jeepney modernization sa pamamagitan ng mga protesta at welga.
Noong panahong iyon, napabuladas si Duterte na ipapabaril niya ng “rubber bullets” at
“hihilahin” niya ang mga jeep ng mga miyembro ng Piston na nagpoprotesta at hindi sumusunod
umano sa “modernisasyon.” Sa kabila ng mga protesta, bahagyang napaatras ang DOTr sa
implementasyon ng programa. Gayunman, pansin ng Piston na tila ipinatutupad naman ito ng
naturang ahensiya sa pamamagitan ng lalong paghihigpit sa mga jeepney drayber at operator at
pagpataw ng matataas na mga singil sa kanila.
Ayon sa Agham, grupo ng makabayang mga siyentipiko, ang dapat sanang ginagawa ng
gobyerno sa kagyat ay bigyan ng ayuda ang impormal na mga moda ng transportasyon katulad
ng jeepney. Sa position paper nito hinggil sa jeepney modernization noong 2017 ay nabanggit na
sa kalagayang walang malinaw na plano sa pagtugon sa mass transport sa sentrong lungsod at
kanayunan, dapat sana’y sinusuportahan at sinusubsidyuhan ng gobyerno ang impormal na
public transport alternatives tulad ng jeepney. Sa kongkreto, maaari sanang suportahan ng
rehimeng Duterte ang panukalang “palit-jeep” (o libre o murang pagpalit sa mga lumang jeep).
Sinabi pa rin ng Agham na mas mapabibilis nito ang rehabilitasyon at paggamit ng bagong mga
teknoloniya sa halip na ipataw ang tungkulin (ng modernisasyon) sa naghihirap na ngang
jeepney drivers.
Binatikos din ng Agham ang plano ng gobyerno na itulak ang mga jeep na pumaloob sa
malalaking korporasyon o consortium, dahil mapapasailalim lalo ang sistema ng transport sa
malalaking pribadong pagnenegosyo. Samantala, kahit ang mga drayber o operator ng mga
prangkisa ng TNVS, ipinortesta noong Hulyo ang paghihigpit ng Land Transportation,
Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga rekisito—katulad ng pagbabawal sa ilang
klase ng kotse, mataas na bayad sa prangkisa at iba pa.
Malinaw mula sa mga pag-aaral kung ano ang pangmatagalang solusyon sa problema ng
trapiko sa bansa - ang pagpapalakas sa sistema ng pampubliko o mass transport.
Nangangahulugan ito ng direktang pagtuon ng gobyerno ng mga rekurso nito sa mass transport.
Kung kagyat na solusyon lang ang pagsuporta sa impormal na mga moda ng transport (tulad ng
jeep atbp.), ang pangmatagalan ay ang pamumuhunan ng gobyerno sa mga moda ng mass
transport na episyente at malinis na magsasakay sa dumaraming bilang ng mga komyuter sa
Kamaynilaan, ayon sa Agham.
negosyante para kumita. Kakatwang hindi man lang nagagamit sa National Transport Policy ng
rehimeng Duterte ang terminong “mass transport. Sabi pa ng Agham na mahalaga ang sistema ng
pangmasang transportasyon sa pagkakaroon ng dinamiko at industriyal na ekonomiya sa
pamamagitan ng paglilingkod sa iba-ibang ugnayan (linkages) sa ekonomiya. Bilang
pampublikong yutilidad (utility), may obligasyon ang gobyerno na magbigay ng episyente at
abot- kayang serbisyo sa transport ng mga mamamayan…”. Sinabi pa ng grupo na kailangang
tingnan ng gobyerno ang sarili nito bilang pangunahing tagabigay ng serbisyo sa transportasyon.
Habang hindi ganito pagtingin ng rehimeng Duterte, mananatili ang pagdurusa ng milyun-
milyong komyuter.
Disiplina sa lansangan ang lunas sa trapik. Tumataginting na P3.5 bilyon kada araw ang
nawawalang kita ng Pilipinas dahil sa malubhang problema sa trapiko, ayon sa pinakabagong
pag- aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Nakapanlulumo ngunit ito ang
katotohanan. Resulta ito ng labis na bilang ng mga sasakyan, mga kolorum, illegal parking,
illegal terminal, sidewalk vendors, jaywalkers, pedicab at tricycle sa mga highway, kamoteng
mga motorcycle riders at aroganteng mga tsuper. Samakatwid, kawalan ng disiplina ang
pangunahing problema ng bansa sa mga lansangan.
Kaya naman noong Agosto 2016, itinatag ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT)
sa pangunguna ni Department of Transportation Secretary Arturo Tugade upang pagsanibin ang
lahat ng ‘law enforcement agencies’ na may kaugnayan sa pagmamando sa trapiko. Kabilang
dito ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP-Highway Patrol Group,
Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Binuo ang i-ACT upang mas mabisang makatugon sa problema ng trapiko sa bansa habang
hinihintay ang hinihiling na ‘special power’ sa trapiko ni Pangulong Rodrigo Duterte buhat sa
Senado. Tututok ito sa limang “E” ng traffic management: ang enforcement, education,
environment, engineering at economics.
Nitong Setyembre 2017, muling inilunsad ang i-ACT at isinama na sa grupo ang Armed
Forces of the Philippines (AFP), mga lokal na pamahalaan sa pama•magitan ng Metro Manila
Council at ang Liga ng mga Barangay. Nakikita kasi ng pamahalaan na mas magiging epektibo
ang paglaban sa mga pasaway kung may kooperasyon ng mga lokal na opisyal lalo na ang mga
barangay chairman na siyang nakakakita sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.
Inilunsad din ang Task Force Alamid, ang ‘operating arm’ ng i-ACT na lumibot hindi
lang sa Metro Manila ngunit maging sa mga kanugnog na mga lalawigan ng Rizal, Cavite,
Bulacan at Laguna. Sa magkakasunod na operasyon, dito lumantad ang mapait na katotohanan sa
umiiral na bulok na sistema na mismong mga opisyal ng barangay ang kumukun•sinti sa mga
iligal na terminal, sidewalk vendors, mga establisyimentong kumain na sa bangketa at kalsada at
illegal parking. Tunay na nanuot na sa kalamnan ng lipunan ang problema sa lansangan.
jeep at mga UV Express na mu•ling lilitaw lamang kapag wala na sa kalsada ang tropa ng
pamahalaan.
Mula nang ilunsad ang Tanggal Usok, Tanggal Bulok campaign, nasa 1,904 na ang
nahuhuli ng TF Alamid sa mga lansangan. Nasa 1,499 ang natikitan dahil sa mga depektibong
parte ng sasakyan, 107 sasakyan ang na-impound dahil sa pagiging kolorum, illegal parking at
iba pa; habang 297 ang naisyuhan ng ‘subpoena’ dahil sa pagiging bulok ng mga behikulo.
Masakit sa bulsa ang multa kapag nahuli sa mga bayolasyon. Ipinatutupad ng i-ACT ang
Joint Administrative Order ng DOTr sa multa sa batas trapiko. Ang isang jeep na kolorum ay
pinagmumulta ng P50,000; P200,000 sa mga van at napakataas na P1 milyon sa bus. Ginawa ito
upang madala ang sinuman na mahuhuli na namamasada nang walang kaukulang prangkisa
buhat sa LTFRB. Masakit pa rito, ilan sa mga nahuhuli na na•ngongolorum ay tauhan ng pulisya,
ng pamahalaan, o kaanak na nais laktawan ang batas para sa sinasabi nilang “paghahanapbuhay.”
dahil sa hindi awtorisadong pag-angkas. Pinagmumulta ng P1,500 hanggang P2,000 ang mga
sinita sa unang paglabag. Muli ring kinontra ng motorcycle expert ang pagkakaroon ng
mandatory barrier. Ayon kay Atoy Cruz ng Motorcycle Philippines Federation, hindi ligtas ang
barrior at maaari pang pagmulan ng aksidente. Ilang beses na raw sumulat ang grupo sa mga
ahensiya ng pamahalaan pero hindi sila pinapakinggan. Pero nanindigan ang Department of
Transportation na paraan ang barrier para maiwasan ang road crashes dahil malilimitahan nito
ang bilis ng takbo ng motorsiklo.
Sa tala ng Global Homeless Statistics, nasa apanapu’t apat na porsyento (44%) ng mga
Pilipino ang nananatiling walang maayos at permanenteng tirahan na matatagpuan sa Metro
Manila.Batay naman sa tala ng Housing and Urban Development Coordinating Council
(HUDCC) nasa 5.5-milyong kabahayan pa ang kinakailangang ipatayo para sa mga mahihirap na
Filipino at higit 1.4 na milyong kabahayan para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.
Bagama’t may inisyatibo ang pamahalaan na magbigay ng mga libreng pabahay sa mga
walang masisilungan, ang mga inisyatibong ito ay hindi nagiging ligtas sa kontrobersiya. Ang
paliwanag ng nakararami, hindi sapat ang pagbibigay ng pamahalaan ng masisilungan ng mga
maralita. Ang kanilang kailangan ay disenteng tahanan na may angkop na mapagkukunan ng
kanilang mga pangunahing pangangailangan para mabuhay nang marangal katulad ng malinis na
tubig, kuryente, at ang distansya o lapit sa lugar kunga saan sila naghahanapbuhay.
Sa panahon ngayon, marami nang kabataan ang hindi nakapagtatapos ng pag-aaral at ang
pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng
bansang Pilipinas Ang pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan kung bakit
naghihirap ang
ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi nakapagtatapos ay dahil
nagiging rebelde ito. Maraming nakaiimpluwensiya sa mga kabataan ngayon. Mga problemang
pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada.
Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng pagtuturo. Dahil nga sa
mga maling metodolohiya na naituturo sa mga kabataan, inaakala nito na ito’y tama. Ang isang
epektibo at magandang kalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil
nga kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kaniyang napiling asignatura. Ang kakulangan sa
pondo ay isa pang problema sa ating edukasyon, kahit na sapat ang badyet ng ating gobyerno
kung hindi maayos ang paggamit nito, hindi uunlad ang edukasyon sa ating bansa.
Nakita rin suliranin ang kakulangan ng mga guro.Sa panahon ngayon kulang na
kulang pa rin ang mga guro sa paaralan, lalo na sa mga liblib na lugar. May mga guro na
pinagsasamang turuan ang mga batang nasa baitang 1 hanggang- 4, hinahati na lamang
ang kaniyang oras para maturuan ang ibang bata. Isa pang suliranin ang kakulangan ng
sweldo ng mga guro Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi ganun kalaki ang
suweldo ng isang guro, kulang pa ito sa kanilang mga gastusin, kaya naman ang ginagawa
ng iba ay nagtitinda ng kung anu-ano sa loob ng klasrum para maragdagan ang kanilang
pera, na nagiging dahilan daw naman ng hindi pagpopokus ng isang guro na maturuan ng
maayos ang mga bata. Ang mataas na matrikula sa mga pamantasan ay isa rinsa mga
dahilan kung bakit kakaunti lamang ang mga batang nakapapasok lalo na sa kolehiyo.
Gayundin ang kakulangan ng mga libro. Hanggang ngayon kulang parin ang mga libro
kahit sabihing nasa makabago na tayong panahon uso na ang internet at computer at
madali ng mag search sa internet ng mga kaalaman, isipin naman natin ang mga batang
nasa malalayong lugar na di pa masyadong abot ng kabihasnan,saka iba parin talaga ang
may aklat sapagkat nadidisiplina ang bata na magbasa at magtiyagang magbasa ng aklat.
pa, sapagkat marami ang ayaw kumuha ng kursong edukasyon sa kolehiyo sapagkat hindi lingid
sa kanilang kaalaman na hindi sapat ang sahod ng isang guro sa hirap ng trabaho na ginagawa
nila. Itaas ang sahod ng mga guro, huwag ipagkait sa kanila ang dagdag na sahod, sapagkat ang
mga guro ang dahilan kung bakit may isang pulis, may mga duktor, may mga abogado at iba pa.
Hindi rin naman biro ang kanilang sakripisyo para matuto ang mga bata lalo na ang mga gurong
nadidistino sa malalayo at liblib na lugar. Ibaba ang matrikula sa mga pamantasan, magtayo ng
mas maraming pampublikong paaralan para sa mga mahihirap, magtayo ng mga programang
tutulong sa mga bata upang makapag-aral hanggang kolehiyo. Nararapat ding maglaan ang
pamahalaan ng badyet para sa mga aklat. Isipin ang mga batang nasa liblib na lugar na di pa abot
ng sibilisasyon na tanging aklat lang ang aasahan upang matuto sila. Turuan din ang mga bata
kung papaanong mag-ingat ng mga aklat, upang hindi ito masira at mapakinabangan pa ng mas
maraming kabataan.
Isang malaking usapin ngayon ang panukala ni Quezon City 5th District Rep. Alfred
Vargas ang “no homework policy.”
Samantala, taong 2011 naipatupad na rin ang matagal nang pinaplanong pagbabago sa
programang pang-edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na tinatawag na
K to 12 Program.
Gamit ang modelo ng mga Kanluraning bansa bilang modelo, ang bagong learning
scheme na ito ay ang K to 12 basic education program. Maraming miyembro ng Akademiya,
mga estudyante, at mga magulang ang unang tumanggi sa pagbabagong ito kahit noon pa lamang
iminumungkhai ito. Para sa mga magulang at mga estudyante, dagdag gatos ito dahil tatagal ang
ilalagi ng isang bata sa eskwelahan. Para sa mg administrador ng mga paaralan, napakalaki at
napakalalim ng kakailanganing reporma sa pagsasaliksik para matugunan ang requirements ng K
to 12 program. Sa kabila ng mga pagtutuol at pag-aagam-agam, naituloy rin ang mahalagang
pagbabagong ito sa Philippine education.
Ayon sa DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa ng 10
taong basikong edukasyon. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng
panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata. Ganito na rin kasi ang programa sa
mga bansang mauunlad sa mundo.
Ano nga ba ang kabutihang dulot ng bagong sistemang ito? Una, pinatitibay at
pinahahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten. Ang unang 6 na taon ng isang
bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain development. Ikalawa, idinagdag sa kurikulum ang
makabuluhang life lessons tulad ng pagbubukas ng diskusyon at pag-aaral tungkol sa Disaster
sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino. Ikatlo, may integrasyon at Seamless Learning o
Spiral Progression - ang pag-uulit ng pag-aaral ng mga kosepto at aralin mula pinakasimple
hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang. Inaayon ito sa edad ng mga mag-
aaral, kaya’t higit na naiintindihan at naaalala ang bawat aralin. Ikaapat, itinuturo ang aralin
gamit ang sariling wika, o tinatawag na Mother Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3
baitang, bago ituro ang ikalawang wika tulad ng English. May 12 mother tongue languages na
sinimulan nang gamitin sa pagtuturo noong 2012 - 2013: Bicolano, Cebuano, Chavacano,
Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao, Pangasinense, Tagalog, Tausug,
Waray. Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag, Ivatan, Kiniray-a, Sambal, Surigaonon, at Yakan
nang sumunod na taon. Ikalima, may 7 learning areas at 3 ispesyalisasyon na maaaring pagpilian
ang mga mag-aaral para sa Senior High School, ang 2 taon ng specialized upper secondary
education. Ang core curriculum learning areas ay languages, literature, communication,
mathematics, philosophy, natural sciences, at social sciences. Ikaanim, itinuturo ang information,
media at technology skills, learning at innovation skills, communication skills, at life career
skills, para lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na bilang isang adult.
Halos 6 na taon na mula nang ipatupad ang bagong sistemang ito sa mga pampubliko at
pampribadong paaralan sa buong Pilipinas. Maraming sumalungat noon pa laman, ngunit sa
ngayon, may karamihan na rin ang may nakikitang kabutihan at positibong resulta ang
programang ito.
Para sa matatagal nang nagtuturo, sinasabi nilang hindi sapat ang panahon ng paghahanda
para maipatupad ang programang ito. Pakiramdam rin ng mga guro na napakarami pang
problema at balakid para makamit ang primary goal ng DepEd para sa K to 12 program. Hindi
raw kompleto ang mga materyal, wala pang textbooks at hindi pa makasabay sa requirement na
programa lalo na sa public school dahil wala namang internet, computer, at telebisyon. Kaya ang
resulta, hindi pa nila tuluyang nararamdaman ang pagbabago, kahit na 6 na taon na itong
ipinatutupad.
YUNIT VI
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
Lunsaran
Sa unang larawan, ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa motorista? Paano niya
ipinahatid ang mensaheng ito? Sa ikalawang larawan, ano naman ang nais ipagawa ng traffic
enforcer sa motorista? Paano niya ipinahatid ang mensaheng ito? Sa aling larawan may
nangyayaring komunikasyon? Ipaliwanag ang sagot.
May dalawang uri ng komunikasyon; ang berbal at di-berbal. Berbal ang komunikasyong
ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimblo sa kahulugan ng mga mensahe. Di-
berbal naman kapag ginagamitan ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang
mensahe at hindi sa pamamagitan ng salita o wika. Sa pag-aaral ni Albert Mehrabian, propesor sa
Clarl Univeristy, na lumabas sa kaniyang aklat na Silent Messages: Implicit Communication of
Emotions and Attitudes, isang aklat hinggil sa komunikasyong di-berbal, 7% raw ng
komunikasyon ay nang gagaling sa mga salitang ating binibigkas, 38% ay nanggaling sa tono ng
ating pagsasalita, at 55% ay nanggaling sa galaw ng ating katawan. Sa madaling salita, 7% lang
ng nais nating iparating ang nanggaling sa ating mga salita. Ang resulta ng kaniyang pag-aaral ay
ginagamit at itinuturo rin sa ilang judicial institutes sa Amerika, bagama’t marami ang hindi
sumasang-ayon sa kaniyang natuklasan. Ayon sa ilang eksperto, kadalasan ang pag-aaral ni
Mehrabian ay hindi nauunawaan. May katotohanan man o hindi, isang aral ang iniiwan nito sa
atin na kung anuman ang mensahing nais nating ipahatid ay hindi masasabi lahat ng salita. Ang
ilang maseselang bagay, kung minsan, na maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon ay mas
mabuting sabihin nang personal.
Sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap, mahalaga ang di-
berbal na komunikasyon sapagkat nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe at pinananatili ang
resiprokal na interaksyon ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.
Samantala, may iba’t ibang pag-aaral sa mga anyo ng di-berbal na komunikasyon: (1)
Kinesiks (Kinesics) o ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo bumigkas ng
salita, sa pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin ang mensaheng nais nating ipaghatid.
Halimbawa, sa ikalawang larawan ay nakita mo na nang sumenyas ang traffic enforcer sa
motorista na alam niyang ang ibig sabihin nito ay hinto. Kapag ang isang tao ay idinikit nang
patayo ang kaniyang hintuturong daliri sa kaniyang labi, alam nating ang ibig sabihin nito ay
kailangang tumahimik. Kadalasan ginagamit din natin ang mga kumpas; (2) Ekspresyon ng
mukha (Pictics) o ang pag-aaral ng ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng
tagapaghatid. Sa
appropriateness. Maliban sa bisa, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang
kakayahang pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng
paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo, naiaangkop niya
ang kaniyang wika sa sitwasyon, sa lugar ng pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.
puwesto, malaking porsyento pa rin ng boto ang nakamal ng dating senador - patunay na malaki
ang tungkulin na ginampanan ng mga dokumentaryo at propagandang nabanggit.
Komunikasyon Bilang Panlinang Ugnayan
Gaya ng nabanggit na sa yunit na ito, isang tungkulin din ng komunikasyon ang luminang
sa ugnayan at relasyon. Nagsisimula ang pagkakaibigan sa interaksyon sa pagitan ng dalawang
nilalang na may pinagkasunduang bagay. Nagiging mas matibay ang samahang ito sa
pamamagitan ng palagiang pakikipag-usap sa isa’t isa. Komunikasyon din ang nagpapatibay sa
ugnayan ng mga miyembro ng isang komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-uusap sa
kung paano pamamahalaan ang mga mamamayan, lugar at mga pinagkukunan, lalong
napagbubuklod ang isang lipunan.
Sa mas malaking konteksto, pinagtitibay ng komunikasyon ang ugnayan ng mga bansa
gaya ng patuloy na nagaganap sa pagitan ng mga miyembro ng ASEAN Community. Dahil sa
tuloy-tuloy na diyalogo sa pagitan ng mga lider ng bansa, naging posible ang mas mabilis na
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Naging mas madali na rin ang paglilipat-lipat ng
kapital at puhunan sa pagitan ng mga bansang bahagi nito. Isa pa sa mga naging epekto ng
ASEAN Integration ay ang mas maluwag na foreign policy na nag-alis sa ilang restriksyon sa
pagbisita at pagtatrabaho sa mga miyembrong bansa.
(1967), maaaring baguhin - pagbutihin o hulawin - ng daluyan ang mensaheng nais iparating.
Halimbawa, mas sinsero ang paghingi ng tawad kung ito ay personal na ipararating kaysa
ipadadala sa pamamagitan ng text o email. Mahalagang isa-isahin ang mga uri ng komunikasyon
at himayin ang mga kalakasan at kahinaan nito sa pamamagitan din ng pagbibigay ng mga
halimbawa, upang mapahusay ang pakikipag-ugnay sa kapuwa.
Intrapersonal na Komunikasyon
Bagama’t madalas na bigyang-kahulugan ang komunikasyon bilang pagpapalitan ng
mensahe sa pagitan ng dalawang tao, itinuturing ding halimbawa ng komunikasyon ang
intrapersonal na komunikasyon o pakikipag-ugnayan sa sarili sa pamamagitan ng replektibong
pag-iisip o internal vocalization (Dance & Larson, 1972). Ito’y isang kognitibong proseso sa
loob ng ating sarili - isang diyalogo o kumbersasyon na patuloy na nagaganap sa ating sarili. Ito
ang uri ng komunikasyon na nagaganap sa loob lamang ng isipan ng isang tao, na nagdidkta ng
kaniyang magiging tugon sa mga pangyayari sa paligid. Pansarili ang ating
komunikasyon dahil may mga ideya at damdamin tayong
pinagninilay-nilayan. Isang halimbawa ng intrapersonal na
komunikasyon ay ang pagpapasiya kung anong reaksyon ang
ipakikita ng isang tagapagsalita - maiinis at mananatiling walang
tinag - matapos kuwestiyunin ng mga kalahok ang kaniyang datos
na ipinahayag sa isang plenaryong pagpupulong. Sa mas personal
na antas, ginagamit ginagamit din ang intrapersonal na
komunikasyon upang kumbisihin ang sarili na mas pagtuunan ng
pansin ang mas magagandang pangyayari sa buhay nang sa gayo’y
lalong ganahan na magpatuloy. Mahalagang matutuhan ang
intrapersonal na komunikasyon upang lalong maging malalim at
epektibo ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
Interpersonal na Komunikasyon
Nagaganap naman ang interpersonal na komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang
tao o pangkat. Ginagamit ang ganitong uri ng komunikasyon upang bumuo, magpanatili, at
maging
tumapos ng ng ugnayan. Upang matamo ang mataas na kalidad
sa pagtatrabaho at pagtatagumpay sa operasyon ng isang
tanggapan, ang interpersonal na komunikasyon ay isang
napakahalagang kasangkapan. Madalas makikita ang ganitong
uri ng komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa, dalawang
miyembro ng pamilya, magkaibigan, amo at empleyado, at iba
pa. Ilan pa sa mga halimbawa ang interaksyon sa pagitan ng
fitness coach at trainee, duktot at kaniyang pasyente, at
consultant at isang opisyal ng gobyerno. At dahil ito ang
pundasyon sa matagumpay na miting, paglutas ng suliranin,
resolusyon ng mga isyu, paghawak ng mga tunggalian o di-
pagkakaunawaan, interaksyon ng suplayer at kustomer, at ang pang-araw-araw na ugnayan sa
loob ng kumpanya o pangkat, kritikal ang epektibong komunikasyon. Upang maging lubusang
epektibo, nangangailangan din ito ng mataas na antas ng kakayahan sa pakikinig at conflict
management (Jones, 2008).
Pangkatang Komunikasyon
Itinuturing namang pangkatang komunikasyon ang
ugnayan sa pagitan tatlo o mahigit pang tao na
nagkakatipon- tipon sa isang layunin. Maaaring maganap
ang ganitong uri ng komunikasyon sa personal at maging sa
iba pang platform (gaya ng group chat sa social media at
video conferencing) katulad din ng iba pang uri ng
komunikasyon. Madalas na nagaganap ang pangkatang
komunikasyon sa mga mag-aaral bilang bahagi ng pagtupad
sa mga kahingian ng asignatura gaya ng kolaboratibong
pananaliksik na nangangailangan ng pagtalakay at
pagpapasiya. Kabilang din dito ang pagpupulong sa
barangay o sa munisipyo na naglalayong lutasin ang isang
suliranin (gaya ng trapiko), na sinisimulan sa pagbibigay ng
mungkahi at pagtatalaga ng mga taong gaganap sa mga
tiyak na gawain.
Pampublikong Komunikasyon
Pinakakinatatakutang uri naman ang pampublikong komunikasyon. Mas nakapokus ito sa
mensahero o sa tagapagdala ng mensahe kaysa tagatanggap (na malilit at mahigit sa apat). Ito rin
ang pinakamalayunin sa lahat ng.uri ng komunikasyon at madalas itong pormal. Sapagkat
ginagamit ito sa akademiya, sa trabaho, maging sa sibika, mahirap iwasan ang paraang ito ng
pakikipag-ugnay. Ilan sa mga halimbawa para sa
ganitong uri ng komunikasyon ang pagbigkas ng
talumpati sa harap ng klase bilang performance task
o kaya naman ay sa isang patimpalak,
pangangampanya para sa isang bagong proyekto sa
inyong barangay, at marami pang iba. Dahil sa bilang
ng ng mga kalahok nito, mainam itong paraan ng
pagpapalaganap ng kaalaman at impormasyon. Mas
marami ang hindi sanay makipag-ugnayan gamit ang
modang ito sapagkat nangangailangan ng masusing
paghahanda at tiyak na antas ng kahusayan upang
magtagumpay at hindi laitin ng mga tagapakinig.
Pangmadlang Komunikasyon
Tinatawag namang pangmadlang
komunikasyon ang paghahatid ng mensahe sa mas
malawak na awdyens sa lalong madaling pamamaran
at gumagamit ng mass media (telebisyon, radyo,
magasin, limbagan, rekording, pelikula, adbertaysing,
public relations, at iba pang teknolohiya. Dito, ang
publiko ay may pagkakataong maglimi sa mga
napakikinggang balita, komentaryo, pananaw ng
nagbabalita o brodkaster. Kinukuro ng tagapakinig
kung may katotohanan ang binanggit o ibinalita ng
tagapagpahayag. Nalalantad at nabubuksan ang mga
bagay na maaaring makonsumo, mapakinabangan o
mabatid ito may ay sabjek ng batikos, puna, kritisismo
ng tagapakinig o publiko na maaaring tanggapin o
hindi ng tagapakinig.
Layon din ng pangmadlang komunikasyon na
makipag-ugnayan at maghatid ng mensahe sa madla.
Naiiba ito sa pampublikong komunikasyon kung ang
mensahe ay ipinadadala nang palathala sa pamamagitan ng diyaryo at magasin o sa pamamagitan
ng electronic media gaya ng telebisyon at radyo. Kakaiba rin ito sa paraang mistulang bumubuo
ng personal na koneksiyon ang tagapagdala ng mensahe, bagama’t ang layunin nito ay
maipakalat ang nasabing nilalaman sa mas malaking tagsubaybay. Ilan sa mga halimawa ng
pangmadlang komunikasyon ang pagbabahagi ng rebyu ng isang pelikula o album ng isang
musikero; suri sa isang bagong panukalang batas; at ulat sa kaganapang pangkalikasan,
pampolitika o kultural. Ang kawalan ng agarang mekanismo para sa tugon o feedback - dahilan
kung bakit madaling magpakalat ng mensahe nang walang oposisyon, ang pangunahing hamon
ng ganitong uri ng komunikasyon.
Sa pag-usbong ng social media gaya ng Facebook, Twitter, blogs, at iba pa, naging bukas
sa lahat ang publikong komunikasyon sapagkat binibigyan nito ng kakayahan at oportunidad ang
mga tumatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagkokomento, pagre-repost ng isang content
na may kasamang komentaryong maaaring sumasang-ayon o sumasalungat, at direktang
pagtugon sa nagbahagi ng mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng @. Kapansin-pansin din na
bagama’t mistulang mabisang pamamaraan ang pangmadlang komunikasyon upang mabilis na
maibahagi ang isang mensahe (halimbawa: pag-oorganisa ng isang malaking rally para
kondenahin ang ilegal na pagpapatalsik sa punong mahistrado), maaari nitong ikompromiso ang
kahulugan ng mensahe. Dahil bagama’t tiyak ang layunin ng tagapagdala, hindi naman tiyak ang
konteksto ng tumatanggap ng mensahe - dahilan upang magkaroon ng pagkakaiba-iba ng
interpretasyon at tugon.
Multikultural na Komunikasyon
kultural na adaptasyon, lokalisasyon, marketing research (sa bisnes), at iba pang bagay na
kailangang tingnan (gamit ng wika, pagpili at kahulugan ng salita, mga idyoma, jargon, balbal na
salitang gagamitin, grapiks at icon na isasama
halimbawa, sa komersyal, balita, propaganda,
report/ulat o anumang komunikasyo. Kapag maingat
na nagamit ang komunikasyon sa iba’t ibang kultura,
ang tagumpay ng komunikasyon ay iaasahang
mangyayari. Maari nang magkaroon ng gulo kahit sa
pagpili pa lang ng ibibigay na nagalan sa produkto at
maaari na ang isang salita na piniling gamitin ay may
iba o masamang kahulugan.
Pangkatang Komunikasyon
Roundtable at Small Group Discussion
Ang talakayang roundtable ay maliit na grupo, madalas na sarado, mga pamamaraang
sinadya kung saan ang mga kalahok ay may pantay na pagpapalitan ng mga ideya tungkol sa
isang ibinigay na paksa. Ang mga talakayang roundtable ay mga maliit na talakayan ng grupo
kung saan ang lahat ay may pantay na karapatang lumahok. Ang pamamaraang ito ay maaaring
sa katotohanan ay sumasaklaw sa dami ng iba't ibang mga pormat; isa itong porma ng talakayang
pang-akademiko, na ginagamit bilang isang pamamaraan para sa pakikipag-ugnayan sa
pamayanan at pampubliko at maging sa mga organisasyon at negosyo. Ang mga roundtable ay
karaniwang hindi bukas sa mas malawak na publiko, ngunit nagsasangkot ng medyo maliit na
bilang ng mga kalahok na tumatalakay sa isang paksa na karaniwang kinilala nang una. Ang
pangunahing prinsipyo na sumasailalim sa isang roundtable ay ang lahat ng mga kalahok ay nasa
pantay na kalagayan.
Ang mga talakayan ng roundtableay naiiba mula sa Magic Roundtable, na isang tiyak na
pamamaraan ng sinasadya. Ang entry na ito ay tumutukoy sa mga roundtable sa isang
pangkalahatang kahulugan, ang pagpapatupad na kung saan ay magkakaiba sa kasanayan. Ang
pangkalahatang layunin ng isang roundtable ay upang magsagawa ng isang malapitang talakayan
at paggalugad sa isang tukoy na paksa. Ang isang roundtable, na humahawak sa lahat ng mga
kalahok sa pantay na kalagayan, ay naglalayong harapin ang mga isyu sa halip na ang mga tao.
Ang indibidwal na layunin ng isang talakayang bilog ay magkakaiba sa kasanayan. Ang mga
roundtable ay ginagamit bilang isang off-event, bilang serye, bilang isang kagamitan sa loob ng
mas malawak na mga proseso ng pakikiisa, at bilang itinatag na tuloy-tuloy na mga
pagpupulong. Habang ang termino ay pinahusay mula sa maalamat na mesa ni Round Arthur
kung saan nagtipon ang mga kabalyero, ang roundtable bilang isang pakikipag-ugnay ay medyo
kamakailan lamang, na nagmula noong 1980 at lumitaw "sa isang pangangailangan para sa
pagbuo ng
kasunduan upang makilala ang mga problema at maghanap ng mga solusyon sa relasyon sa
pagitan ng pormal na gumagawa ng desisyon (tulad ng mga pamahalaan at hudikatura) at iba
pang mga sektor ng lipunan (tulad ng mga pangkat sa kapaligiran, grupo ng komunidad at iba
pang mga grupo ng interes)." Gayunpaman, ang mga maalamat na pinagmulan ng roundtable ay
may kaugnayan pa rin, dahil ang bilog na hugis ng mesa ay nangangahulugang walang sinuman
ang nakatataas, at ang lahat ay nakaupo nang may pantay na katayuan.
Karaniwan ang bilang ng mga kalahok sa isang roundtable ay medyo maliit - 10-12 mga
tao lamang. Gayunpaman, ang mas malaking na bilang ay mapamamahalaan kung ang mga
kalahok ay nahahati sa mas maliliit na grupo, tulad ng nakikita sa Halton Citizens' Reference
Panel na nagsasangkot ng mahigit sa 50 mga miyembro ng publiko, nahati sa mga grupo ng pito
o walo.
Ang isang paksa para sa isang roundtable ay karaniwang natutukoy nang maaga. Ang
pagpili ng paksa at saklaw ay maaaring nakalilito kaya dapat itong matukoy nang malinaw,
subalit pahintulutan ang pagkakataon para sa bukas at likas na talakayan - kung hindi man ang
pag-uusap ay maaaring matuyo sa panahon ng talakayan. Iminumungkahi ng ilang mga
alituntunin ang maagang pagbuo ng isang agenda, ang paghahati ng paksa sa mas maliit na mga
lugar para sa isang mas istrukturadong talakayan, o nakatuon sa mga tiyak na layunin tulad ng sa
San Francisco Urban-Rural Roundtable.
Ang oras na inilaan para sa isang roundtable na talakayan ay maaari ding makaapekto
kung paano eksaktong umikot ang talakayan. Dahil sa isang limitadong oras, ang mga kalahok ay
maaaring pumili upang magtrabaho patungo sa isang tiyak na layunin o kinalabasan, o gumugol
ng talakayan sa mas malawakang pagmuni-muni nang walang umpisa upang makamit ang isang
tiyak na awtput. Gayunpaman, depende rin ito sa saklaw ng paksa at layunin ng mga nag-aayos.
Mahalaga isinasaisip ng tagapagturo ang oras upang maiwasan ang pagkabigo ng mga kalahok
kung maikli lamang ang talakayan - lalo na kung ito ay isang pulong na one-off.
Ang roundtable na talakayan ay isang mahusay na paraan upang mapagsama ang mga tao
sa network, makipagtulungan, at lumikha ng mga makabuluhang koneksyon sa pagitan ng mga
propesyonal. Ngunit ang pag-host ng isang kaganapang roundtable ay maaaring parang isang
napakalaking gawain. Bilang tagaplano ng kaganapan, dapat mong tiyaking ang iyong mga
dadalo ay may mga kapaki-pakinabang na pakikipag-uusapt. Ang pag-alam kung paano mapadali
ang isang roundtable na talakayan ay susi sa paglikha ng isang nakaaaliw at matagumpay na
sesyon.
Upang maging maayos ang pangangasiwa ng nasabing gawain, iminumungkahi ang mga
sumusunod na mga padron: (1) paglalahad ng layunin ng talakayan; (2) pagpapakilala ng mga
kalahok (pangalan at organisasyon); (3) pagtalakay sa paksa; (4) pagbibigay ng opinyon, puna, at
mungkahi ng mga kalahok; (5) paglalagom ng mga napag-usapan at napagkasunduan; at (6)
pagtukoy ng mga susunod na hakbang.
Dapat ding gabayan ng paggalang at respeto sa ideya ng mga kasama ang pagsasagawa
ng ganitong mga uri ng pagpupulong, upang maging mas epektibo ang pagdaos nito.
Mahalagang maunawaan na sa gawaing ito, pantay-pantay ang pagpapahalaga sa input ng mga
kalahok.
Upang mapanindigan ang mga napag-usapan ng grupo, mahalagang magtakda rin ng
isang tagadokumento na magtatala ng lahat ng napagkasunduan. Maaaring sundin ang pormat sa
ibaba para sa pagsulat ng dokumentasyon o katitikan ng pagpupulong: (1) paksa ng
pagpupulong; (2) oras at lugar kung saan ginanap ang pagpupulong; (3) mga kalahok; (4) mga
mungkahi at komento ng mga kalahok; (5) mga napagkasunduan; at (6) mga susunod na hakbang
ng grupo.
Maaari ding gamiting istratehiya sa pagdaos ng roundtable at small group discussion ang
brainstorming. Nilalayon ng istratehiyang ito na mangalap ng iba’t ibang tugon at mungkahi sa
mga kalahok, na malimit ay may iba’t ibang perspektibo hinggil sa paksang pinag-uusapan.
Epektibong istratehiya rin ang pagpaskil ng mga katanungan na isa-isang sasagutin ng mga
kalahok, gaya ng ginagawa sa isang Focus Group Discussion (FGD).
Sa isang probe, ang Six Thinking Hats ni De Bono (1985), ang maliit na pagpupulong na
naglalayong magbigay ng solusyon ay maaaring gamitin. Ang istratehiyang ito ay nagtatakda ng
tiyak na tungkulin sa mga kabahagi ng gawain depende sa smbrerong kanilang isinusuot upang
mas maging maayos ang talakayan. Ang bawat sombrero ay tumutukoy sa tungkulin ng may
suot: puti ang nagbabahagi ng mga impormasyon (facts) tungkol sa paksang tinatalakay; dilaw
angnakapokus sa positibong epekto ng mungkahi; itim ang nakapokus sa pagpapalutang ng mga
panganib na dulot ng mungkahi; pula ang nagpapahiwatig ng pakiramdam, bagama’t walang
lohikal na paliwanag tungkol sa mungkahi; berde ang nakapokus sa pagbibigay ng alternatibo at
bagong ideya; at asul ang tagapagdaloy ng pagpupulong. Mainam itong istratehiya upang
maging mas targeted ang mga tugon na nais makalap mula sa mga kalahok.
Pampublikong Komunikasyon
Lektyur at Seminar
Ang lektyur at seminar ay dalawa sa pinakagamit na termino ng mga tagapag-ayos ng
pagsasanay. Nakatuon ang mga ito sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 20
hanggang 70, na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa. Malimit itong
inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ng mga nakikibahagi, at nagtatagal mula
isang buong maghapon hanggang pitong araw, depende sa layunin ng pagsasanay. Ang mga
pagsasanay sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa silid-aralan, mga mandatory seminars
sa mga bagong luklok na opisyal ng barangay, pagsasanay sa mga bagong pamamaraan ng birth
control na isinasagawa sa mga barangay, at iba pa, ay ilan sa mga halimbawa ng lektyur at
seminar.
Ang lektyur at seminar ay mabibisang platform para ipakilala ang mga bagong kaalaman,
paraan upang i-update ang dati nang nalalaman ng mga prospektibong kalahok. Iminumungkahi
na magkaroon ng pagtataya sa pagtatapos ng gawain upang matiyak kung natamo ang layunin ng
lektyur at seminar. Hindi naman iminumungkahi ang balangkas na ito kung may inaasahang
bagong output mula sa mga dadalo.
Sa aklat ni Maranan (2018) magkahiwalay na tinalakay ang lektyur at seminar. Ayon sa
aklat, ang lektyur ay oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na kailangan ng
tao para sa isang partikular na paksa o asignatura. Kasama rito ang pagbabahagi ng mga kritikal
na impormasyon, kasaysayan, mga teorya, at iba pa. Naniniwala si Bligh (1972) na ang lektyur
ay isang paraan ng pagtalakay na ginagawa sa pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng
dalubguro. Higit naman naging detalyado ang depinisyong ibinigay nina Percival at Ellington
(1988) sa pagsasabing isa itong pamamaraan ng pagtuturo (didactic instructional method) na
kinasasangkutan ng linyar na komunikasyon mula sa aktibong tagapagsalita tungo sa mga
pasibong tagatanggap ng impormasyon.
Wala pang nahahanap na alternatibong pamamaraan sa metodong lektyur sa mga
kolehiyo, pamantasan o unibersidad bagama’t marami ang pumupuna sa pamamaraang ito ng
pagtuturo dahil isa lamang ang daluyan nito (one-way) bilang proseso ng komunikasyon na kung
saan ang pagkatuto ay matatamo sa isang pasibong pamamaraan. Tumataliwas sa aktibong
pamamaraan (active learning) ang paggamit ng lektyur.
Ang konsepto ng lektyur ay hindi dapat ikahon sa apat na sulok lamang ng silid-aralan.
Maaari din itong gamitin sa mga kumperensiya, sermon, at iba pa. May mga adbentahe ang
pagsasagawa ng lektyur: (1) madaling pagkakalantad sa mga bagong kagamitan; (2) mataas na
antas ng kontrol ng dalubguro sa klase; (3) kahali-halinang pormat na tugma upang pangasiwaan
ang isang napakalaking pangkat ng mga tagapakinig o manunuod. Ngunit maaari din namang
magdulot ng hindi magandang bentahe katulad ng: (1) paglalagay nito sa mga mag-aaral sa
sitwasyon na pasibo ang pamamaraan ng kanilang magiging partisipasyon sa proseso ng
komunikasyon; (2) isa lamang ang daluyan ng komunikasyon; at (3) ang pagtalakay ay
nakasalalay sa kasanayan o kahusayan ng tagapanayam sa kaniyang isasagawang pagtalakay.
Sa pagbuo ng lektyur, mahalagang isaalang-alang ang layunin, nilalaman at istruktura, at
mahahalagang kakanyahan ng isasagawang panayam. Ang pagkakaroon ng layunin sa bagay na
nais isagawa ang siyang nagbibigay ng maayos na direksyon sa landas na tatahakin ng
isasagawang lektyur. Kung walang layunin, asahang wala ring tiyak na awput o magandang
resulta ang isasagawang lektyur. Asahan ding hindi makukuha ng mga kalahok ang
mahahalagang bagay na kailangan nilang malaman, hindi mapupukaw ang interes ng mga mag-
aaral sa paksa ng mga pagtalakay, walang malalim na pag-unawa at pagtingin sa mga usapin na
kailangan sanang matutunan ng mga kalahok.
Katulad din ng layunin, mahalaga ring isaalang-alang ang nilalaman at istruktura sa
pagbuo ng isang lektyur. Binibigyan nito ng katiyakan na ang isang lektyur ay maglalaman
lamang ng mahahalagang kaalamang dapat matutunan ng mga kalahok sa loob ng limitadong
oras ng pagtalakay. Madalas, sa pagnanais ng isang lektyurer na talakayin ang lahat ng nais
niyang ibigay sa mga kalahok ay sumasabog ito at nawawala sa pokus, dahilan kung bakit
nauubos ang oras na hindi naman natatalakay ang higit na mahalagang nilalaman ng kaniyang
lektyur. Ang pagbibigay naman ng istruktura, sa kabilang dako, ay makatutulong nang malaki sa
tamang pagsasagawa o implementasyon ng plano sa isasagawang pagtalakay. Ang istruktura ng
pagtalakay na nagbibigay ng baryasyon sa implementasyon ng panayam ay makatutulong upang
mapanatili ang atensyon ng
mga kalahok sa gawaing ito. Kailangang maglaan ng oras para sa partisipasyon ng mga kasali sa
lektyur upang masiguro ang mataas na bahagdan ng pakikinig para sa pag-unawa ng mga kalahok.
Ang bawat lektyur ay dapat magkaroon ng kakanyahang makatutulong sa kakintalan para
sa mga kalahok. Mahalagang pagtuunan ng pansin ng lektyurer ang panimula at ang wakas na
bahagi ng kaniyang lektyur. Ang panimula ang magtatalaga ng mood na maaaring madala
hanggang sa pinaadulong bahagi ng lektyur. Simulan ang lektyur sa pamamagitan ng pagtalakay
na may mataas na enerhiya. Sa bahaging ito maipaaalala sa mga kalahok ang layunin, nilalaman,
at istruktura ng isasagawang lektyur. Ang paggamit ng angkop na biswal na pantulong ay
mahalaga rin upang magkaroon ng kalinawan ang isasagawang pagtalakay na mahalaga para sa
maayos na komprehensyon o pag-unawa ng mga kalahok sa lektyur. Siguraduhing maayos ang
biswal na pantulong. Sa puntong ito, malinaw, simple, at nababasa ng mga kalahok kahit na sila
ang nasa pinakamalayong puwesto sa isinasagawang lektyur. Isaalang-alang na ang biswal na
pantulong tulad ng powerpoint presentation ay mga biswal na pantulong lamang at hindi
nangangailangang magtaglay ng lahat ng impormasyong bibigkasin din naman ng magsasagawa
ng lektyur. Mahalagang matutunan ng nagsasagawa ng lektyur na makapagbalik-tanaw sa mga
unang pagtalakay upang makasigurado na higit na maunawaan ng kaniyang mga kalahok ang
isasagawang pagtalakay. Bagama’t ang lektyur ay may kakanyahan na ang mga kalahok ay
ginagawang pasibo o tagapakinig lamang, marami ang mga pag-aaral na makapagpapatunay na
maaari namang gawing aktibo ang mga kalahok sa ganitong uri ng talakay. Sinasabi pa nga na
higit na makasisisgurado sa pagkatuto kung ang mga kalahok ay aktibo kumpara sa kung ang
mga ito ay pasibo. Kailangan ding ang magsasagawa ng lektyur ay magkaroon ng inobasyon para
sa aktibong partisipasyon ng kaniyang mga kalahok. Maaari siyang gumamit ng alinman subalit
hindi limitado sa video clips, powerpoint presentation, pakukuwento, paggamit ng sipi, at
pagbibigay ng katanungan.
Upang maging epektibo ang lektyur dapat magkaroon ng kahandaan, ng pokus, ng
pakikilahok ng mga tagapanood o tagapakinig, at makakuha ng komento o feedback.
Isa sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lektyur ay ang pagkakaroon ng layunin ng
isasagawang pagtalakay. Bahagi ito na siyang magbibigay ng direksyon sa gawain at magdidikta
sa mga bagay na dapat matutunan ng mga kalahok sa lektyur at kung bakit ito dapat matutunan.
Ang magsagawa ng lektyur ay nangangailangan ng pagbuo ng balangkas at mga biswal na
pantulong na may pagsasaalang-alang sa interes ng mga inaasahang tagapakinig o tagapanood
upang makuha ang kanilang atensyon sa isasagawang lektyur. Kung sakali mang ang
magsasagawa ng lektyur ay madalas kabahan sa tuwing humaharap sa maraming tao,
makatutulong ang ibayong paghahanda upang mapaglabana ang kaba o takot. Maaaring isulat
ang inyong panimula at magsasanay dito bago ang itinakdang araw ng lektyur.
Makatutulong din ang pagkakaroon ng pokus upang maayos na maisakatuparan ang
gagawing lektyur. Mapagtatagumpayan ang layuning ito kung magbibigay ng lima o mababa
pang puntos ng pagtalakay sa lektyur; magsasagawa ng masining na biswal na gabay at mga
halimbawa upang bigyan ng diin ang mga puntos na tinatalakay; mamamahagi ng balangkas sa
mga mag-aaral o kalahok sa lektyur na makatutulong sa makabuluhang pagtalakay; at
magbibigay-diin sa layunin at mahahalagang puntos sa panimula ng pagtalakay at maging sa
pagbubuod nito.
Ang pagpapahalaga sa mga tagapakinig, manunuod, at sa lahat ng kalahok upang maging
makabuluhan ang anumang gagawing pagtalakay ay tungkuling isagawa ng lektyurer. Hindi
mapagtatagumpayan ang tungkuling ito kung karamihan sa mga kalahok ay uuwing hindi
nakuntento sa lektyur. Upang mapagtagumpayan ito, dapat kilalanin kung sino ang mga kalahok
upang maiangkop ang kahandaan ng lektyurer sa interes ng mga kalahok; maaaring lagyan ng
drama ang pagtalakay katulad ng paggamit ng sipi, biswal, anekdota, at iba pang mga materyal
na may kaugnayan sa paksa; maaari ding gumamit ng iba’t ibang istratehiya upang mapukaw ang
atensyon ng bawat kalahok sa pakikiisa sa lektyur katulad ng paggamit ng multimedia,
pakikipagbalitaktakan, maliit na pagpapangkat, at marami pang iba; iugnay rin ang pagtalakay sa
mga bagay na makatotohanan para sa mga kalahok batay sa kani-kanilang mga karanasan; at
gawing aktibong kalahok ang mga kalahok sa pamamagitan ng manaka-nakang pagtawag sa
kanilang atensyon o kaya ay pagtatanong.
Ang pagkuha naman ng komento o tugon buhat sa mga naging kalahok ay
napakahalagang bahagi ng isang lektyur sapagkat maaari itong maging sanligan ng lektyurer sa
implementasyon ng kaniyang mga isasagawang lektyur sa mga darating na panahon. Kung
positibo ang pagtugon, nangangahulugang naging matagumpay sa kaniyang tungkulin ang
lektyurer. Kung kabaligtaran ang resulta, nararapat lamang na tingnan ang aspektong ito bilang
hamon upang higit pang mapaunlad ang kaniyang tungkulin na magsagawa ng lektyur.
Isang pormal na akademikong instruksyon naman ang seminar na maaaring ibigay ng
unibersidad o pamantasan, mga komersyal o propesyonal na organisasyon. Tungkulin nitong
lipunin ang isang maliit na pangkat para sa mahalagang pag-uusap sa isang paksa na kung saan
ang bawat kalahok ay inaasahang makilahok sa anumang paraan. Ang magsasagawa ng
pagtalakay ay karaniwang naghahanda upang epektibong talakayin ang pakas na iniatas o
ibinigay sa kaniya.
Ang seminar na marahil ang pinakakaraniwang gawaing inoorganisa ng isang indibidwal
na maaaring isakatuparan sa loob ng isa o kahit na kalahating araw lamang. Upang matagumpay
na maisakatuparan ang gawaing ito, mahalagang maging pamilyar sa mga sangkap nito na
kinabibilangan ng layunin, ang lugar na pagdarausan, paksa, tagapagsalita, at ang mga manonood
o dadalo.
Worksyap
Ang worksyap ay kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang pantas-aral o
seminar, bagama’t ang malaking bahagi nito ay nakapokus sa “hand-on-practice.” Idinisenyo ito
upang aktwal na magabayan ng mga tagapagsalita o tagapangasiwa ang mga kalahok sa pagbuo
ng inaasahang awput na bahagi ng pagtalakay. Isa itong uri ng interaktibong pagsasanay na kung
saan ang mga kalahok ay sumasailalim sa mga gawaing huhubog sa kanilang kasanayan sa halip
na ang maging pasibong tagapakinig lamang. Ayon kay Jolles (2005) ang training workshop ay
may dalawang anyo: (1) general workshop na kung saan ang gawain ay ibinibigay sa
magkaibang kalahok; at ang (2) closed workshop na kung saan ang training ay inihanda batay sa
pangangailangan ng ispesipikong pangkat ng tao.
Kadalasang nagtatagal ng anim hanggang walong oras sa maghapon o hanggang pitong
araw, inoorganisa ang worksyap o palihan nang may tiyak na produkto o awtput na inaasahan
mula sa mga kalahok. Iminumungkahi na upang maging produktibo ang worksyap, kailangang
limitahan ang dami ng mga kalahok upang humukin ang kolaboratibong paggawa, ngunit kung
malaki ang bilang, maaari din namang magkaroon ng mga concurrent break-out sessions upang
mas mapadali ang pamamahala sa mga kalahok. Ang pagtuturo ng paggawa ng handicrafts sa
isang komunidad upang pasiglahin ang turismo, pagsulat ng ortograpiya ng isang wikang
rehiyonal, pagbuo ng manwal sa pagtugon sa mga suliraning kaugnay ng Gender and
Development, o maging ng Disater Risk Reduction and Management, at iba pa ay ilan sa mga
halimbawa nito.
Pagtukoy sa paksa ang unang dapat isaalang-alang sapagkat ito ang magiging daloy ng
talakayan. Tungkulin ng tagapagsalita na pag-aralang mabuti ang paksa at siguraduhing alam
niya kung ano-ano ang kaniyang tatalakayin. Higit na magiging mataas ang antas nga
pakikilahok sa talakayang bahagi ng worksyap kung matutugunan nang mabuti ng
tagapangasiwa o tagapagsalita ang lahat ng katanungan na ipupukol sa kaniya na may kaugnayan
sa paksa ng pagtalakay. Ang karunungan sa paksa ng pagtalakay ay makatutulong nang malaki
para sa kumpiyansa ng tagapagsalita sa lahat ng kaniyang sasabihin sa ituturo sa pangkat.
Mahalagang tingnan ng tagapagsalita o tagapangasiwa sa kaniyang paghahanda ang
propayl ng mga kalahok upang kaniyang maiakma ang detalye ng pagtalakay sa pangangailangan
ng mga nasabing kalahok. Maaaring isaalang-alang ang kasarian, edad, relihiyon, propesyon,
kapasidad na umunawa, karanasan, at kasanayan.
Ang pagtukoy naman sa aktwal na bilang ng kalahok ay salik na mahalaga sa
pagpapasyang kahandaan ng tagapagsalita. Maaari itong maging pamatayan sa tamang
pagpupuwesto o pagpapangkat sa kanila sa loob ng silid na pagdarausan ng worksyap. Ang
tanggap na bilang ng kalahok sa isang worksyap ay walo hanggang labindalawa. Maaari itong
hatiin sa maliit pang pangkat para sa higit na sistematikong pasilitasyon ng worksyap.
Mahalaga rin na matukoy ng tagapagsalita o tagapangasiwa sa bahaging pagpaplano ang
oras na inilalaan para sa kaniyang worksyap nang sa gayon ay magkaroon siya ng tamang
pagpapasya kung paano hahatiin ang oras na ito para nmga gawain na kabilang sa kaniyang
layunin para sa worksyap. Ang maikling worksyap ay karaniwang nagtatagal ng apatnapu’t lima
(45) hanggang siyamnapung (90) minuto, samantalang ang kainaman o medium length ay
karaniwang nagtatagal ng siyamnapung minuto hanggang tatlong oras.
Mainam na sangkap ng epektibong wotksyap ang baryasyon ng mga gawain na inihanda
para sa mga kalahok. Ang monopolya sa pagtalakay sa loob ng napakahabang oras ay maaaring
magdulot ng pagkabagot sa mga kalahok kaya nararapat lamang na bumuo ng angkop na gawain
ang tagapangasiwa o tagapagsalita para sa higit na aktibong partisipasyon sa worksyap.
Nararapat na isaalang-alang sa pagbuo ng gawain ang interes ng kalahok at oras na laan para sa
kaniyang buong pagtalakay.
Ang biswal na pantulong at iba pang mga kagamitan sa pagtalakay ay nararapat ding
isama sa paghahanda ng worksyap. Maaaring makapukaw ng higit na interes sa mga kalahok
kung kanilang makikita na ang tagapangasiwa o tagapagsalita ay labis na pinaghandaan ang
mahalagang aspektong ito ng kaniyang pagtalakay.
Kasama rin sa proseso ng pagbuo ng worksayap ang plano kung paano ang
implementasyon ng buong paghahanda. May mga pagkakataong naiiba ang aktwal na
implementasyon ng plano kung ihahambing sa orihinal na plano dahil sa mga pangyayaring hindi
inaasahan. Ang personalidad at karanasan ng tagapagsalita ay mga salik na mahalaga upang
solusyunan ang isyu na maaaring lumabas o lumutang sa partikular na sitwasyon. May ilang
gabay na maaaring makatulong sa implementasyon ng plano katulad ng maayos na
pangangasiwa o facilitation ng worksyap. Ang pangangasiwa ay higit na makabubuting gamitin
sa worksyap sa halip na magturo. Tinatawag na worksyap ang worksyap sapagkat ang bawat
kalahok ay bibigyan ng pagkakataong gumawa ng awtput sa ilalim ng pangangasiwa ng
tagapagsalita. Pagkakaroon ng konsistensi ng presentasyon at paksa ng worksyap. Hindi dapat
lumayo ang dalawang mahahalagang salik na ito sa isa’t isa. Direktang pagsangkot sa mga
kalahok. Tungkulin ng tagapangasiwa na gawing aktibo ang mga kalahok sa gawaing ito sa
pamamagitan ng maayos na
disenyo ng worksyap at implementasyon nito. Ang huli ay ang paglalagay ng baryasyon sa mga
nakahanay na gawain para sa worksyap.
Tinutukoy ng buong proseso ng pagpaplano kung paano isasagawa ang worksyap
samantalang ang paghahanda naman ay tumutukoy sa logistics o pagsisiguro na ang lahat ng
kailangan at koordinasyon ng isasagawang worksyap ay nasa ayos at mapagtatagumpayan.
Kasama sa paghahanda ang lugar na pagdarausan ng worksyap (upuan, mesa, suplay ng
kuryente, multimedia); kagamitang kailangan sa aktwal na worksyap (papel, panulat, kopya ng
handouts); pagkain para sa mga kalahok at inanyayahang tagapagsalita o tagapangasiwa;
dokumentasyon; at ebalwasyon.
Matapos ang isinagawang pagpaplano at paghahanda, kailangan namang harapin ang
aktwal na implementasyon ng worksyap. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-
alang sa panimula, nilalaman, at wakas. Kasama sa panimula ang oras kung saan ang mga
kalahok ay unang humakbang sa bulwagang pagdarausan ng worksyap hanggang sa pagtalakay
sa unang paksa. Mahalaga ang bahaging ito sapagkat nagbibigay ng tono sa maaaring maganap
sa kabuuan ng worksyap. Upang matamo ang isang magandang panimula, kinakailangang tama
ang espasyo para sa worksyap, mainam na maglagay ng musika sa mga panahong hindi pa
nabubuo ang bilang ng mga kalahok na inaasahang dumalo sa worksyap, batiin ang mga
panauhin, personal na introduksyon, pagbibigay ng agenda at plano para sa worksyap.
Ang eksekyusyon ng nilalaman ng worksyap ay nakabatay sa paraan ng paghahanda na
ginawa para dito. May ilang mungkahu upang mapagtagumpayan ng tagapangasiwa o
tagapagsalita ang kaniyang nais na pamamaraan upang maging maayos ang eksekyusyon ng
kaniyang worksyap katulad subalit hindi limitado sa: (1) Panatilihin ang pagsubaybay sa oras
upang makaagapay sa mahahalagang pagtalakay na kailangan sa kabuuan ng worksyap.
Tandaang may nakalaang oras para sa worksyap kaya mahalaga na nasusubaybayan kung
naisasagawa ang bawat detalye ng gawain alinsunod sa oras na itinakda para dito. Sa ganitong
paraan, mabibigyang- hustisya ng tagapangasiwa o tagapasalita ang pagtalakay sa mahahalagang
isyu o nilalaman ng worksyap; (2) Iakma ang presentasyon sa nilalaman at pilosopiya ng
worksyap. Nararapat na maipakita ng tagapangasiwa o tagapagsalita ang kaniyang paniniwla sa
prinsipyo ng kaniyang pagtalakay sa pamamagitan ng aktwal na paggamit dito. Ang ibig sabihin,
mahirap magsagawa ng worksyap kung ang tagapangasiwa nito ay walang kakayahang gamitin
ang kaniyang pagtalakay sa kaniyang aktwal na buhay; (3) Magkaroon ng baryasyon sa
presentasyon ng nilalaman ng worksyap upang mapanatili ang partisipasyon ng mga kalahok at
maipakita ang iba’t ibang istilo na kung saan ang tao ay maaaring matuto; (4) Gawing kaiga-
igaya o masaya ang mga gawainna isasama sa worksyap. Sa kabila nito, hindi dapat mabalewala
ang mahalagang nilalaman ng talakayan kapalit ng humor o pagpapatawa habang binibigyan ng
implementasyon ang plano; (5) Hikayatin ang mga kalahok na iugnay ang nilalaman ng
worksyap sa katotohanan ng buhay; at (6) Maglaan ng ilang oras o sandali para magkaroon ng
pagmumuni-muni at talakayan sa lahat ng gawaing kasama sa worksyap.
Mahalagang bahagi ng worksyap ang wakas sapagkat nabibgyan ng pagkakataon ang
tagapangasiwa o tagapagsalita na tuldukan kung anuman ang kaniyang nasimulan. Sa bahaging
ito, maaaring bigyan ng pagkakataon ng tagapangasiwa o tagapagsalita ang kaniyang mga
kalahok na magbigay ng pahabol na katanungan at mga mungkahi at puna sa naging kabuuan ng
worksyap. Maaaring gawin ang paglalahat, rebyu ng agenda o layunin ng worksyap, muling
pagbalik sa mga inaasahan ng mga kalahok, bigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na
magbigay ng kanilang paglalahat sa naganap na worksyap, at humingi ng feedback o reaksyon
hinggil sa ideya, pamamaraan, at metodo na ginaamit sa presentasyon.
Malaking pagtitipon naman ang isang kongreso na dinadaluhan ng 300 hanggang 2,000
kalahok at madalas na isinasagawa sa loob ng dalawa hanggang apat na araw. Binubuo ito ng
mga plenaryong sesyon at magkakasabay na pulong (concurrent sessions). Gaya ng
kumbensyon, may tiyak na grupo ng mga kalahok na tinutudla ang isang kongreso. Layong
talakayin at pag-aralan sa kongreso ang isang malaking paksa sa mga plenaryong sesyon na
siyang hinihimay sa mga magkakasabay na pulong.
Bagama’t bahagyang mas maliit ang bilang ng mga inaasahang kalahok, napapabilang pa
rin sa hanay ng kumbensyon at kongreso ang kumperensya. Isa itong pormal na pagpupulong na
kung saan ang mga kalahok ay binibigyan ng pagkakataong makapagbigay ng kani-kanilang
pagtalakay sa iba’t ibang paksa. Layunin nitong talakayin ang overview ng isang disiplina o
paksa at pag-usapan ang mga problema at suliranin hinggil dito. Hindi naman kailangang
palaging nakasentro ito sa larangan ng akademya. Malimit itong isinasagawa sa loob ng dalawa
hanggang tatlong araw. Ang pagtitipon ng mga eksperto sa panitikan na maaaring simulan ng
plenaryong sesyon na susundan ng serye ng palihan ay isang halimbawa nito.
Pangmadlang Komunikasyon
Programa sa Radyo at Telebisyon
Bagama’t dahan-dahan nang pinapalitan ng social media platforms, itinuturing pa ring
mas mapagkakatiwalaang batis ng impormasyon ang radyo at telebisyon. Pinatutunayan ito ng
nananatiling pagpapataasan ng ratings ng dalawang nangungunang networks - ang ABS-CBN at
GMA7. Mayaman ang kasaysayan ng radyo, telebisyon, at maging mga diyaryo ang ilan sa mga
nangungunang kumondena sa diktaturyang Marcos noong 1972. Isa-isang ipinasara at inatake
ang mga istasyon ng radyo at telebisyon upang supilin ang mga naghahayag ng katotohanan
hinggil sa Batas Militar. Naging malaki ang naiambag ng radyo at telebisyon sa paghubog ng
kaisipan ng madla patungkol sa maraming bagay. Nakapag-amabag din ito sa pagtataguyod ng
kultura sa pamamagitan ng musika at pagpapalitan ng mga kuro-kuro sa pagitan ng tagapanayam
at mga eksperto na iniimbitahan sa kanilang palatuntunan.
Marahil ang radyo at telebisyon, kumpara sa ibang daluyan, ang may pinakamalaking
ambag o hamon sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino, dahil na rin sa laki ng
bilang ng mga tumatanggap ng mensahe mula sa mga plaform na ito. Ngunit gaya ng ibang
daluyan, may kahinaan din ang radyo at telebisyon. Ilan sa mga limitasyon ay ang pagiging one-
sided o hindi pagiging demoratisado, dahilan upang hindi mabigyan ng pagkakataon sa
tagapakinig o tagapanood upang malaya at agarang makapagbigay ng puna at haka sa mga
corporate-driven ng mga ito. Dahil may mga pinangangalagaang interes ang mga istasyon,
malimit na nakakiling ang opinyon ng mga tagapanayam.
Video Conferencing
Naging mas progresibo ang teknolohiya, dahil sa globalisasyon, na nagbunga ng iba’t
ibang paraan upang makipag-ugnayan. Isa na rito ang video conferencing o interaksyon sa
pagitan ng dalawa o mahigit pang tao na nasa magkaibang lokasyon, sa pamamagitan ng
pagtatawagan na may kasamang video. Nangangailangan ito ng Internet connection at computer,
o di kaya’y tablet o smartphone. Epektibong midyum ito lalo na para sa mga kumpanyang may
mga satellite sa ibang bansa o rehiyon. Ginagamit ito ng mga kumpanya o maging ng mga
kinatawan ng mga bansa upang magdaos ng mga pagpupulong para makatipid sa pamasahe, oras,
at iba pang pinagkukunan. Naging daluyan na rin ng mga pagsasanay ang modang ito ng
komunikasyon, partikular sa mga open universities. Pinadadali nito ang dating mas mahirap na
proseso ng pagkamit ng digri o sertipiko sa mga programa. Malimit din itong ginagamit ng mga
pamilyang may kamag-anak sa ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang may OFW na tinatayang
nasa 2.3 milyon na noong 2017 (Philippines Statistics Authority).
Ngunit ilan sa mga maaaring maging hamon sa paggamit ng video conferencing ay ang
limitadong Internet connection sa Pilipinas at mababang antas ng karunungan sa nabanggit na
pamamaraang pangkomunikasyon. Bagama’t mainam na pamamaraan ang video conferencing
upang mapanatili ang komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya o magkakaibigan,
isa sa mga puna ng mga eksperto ay ang limitasyon nito sa pagpapakita ng tunay na tugon ng
mga kalahok.
Naglalayon itong hadalangan at patawan ng kaso ang mga nais gumawa ng krimen sa Internet.
Patuloy rin ang
Maiigi ring aral ang tagapanayam sa mga batayang kakayahan ng isang mahusay na tagapagsalita
- gaya ng tamang gamit ng kamay at kilos, eye contact, mahusay na paggamit ng wika,
epektibong paggamit ng hinto at intonasyon, at iba pa.
Ang Conclave ay karaniwang iniuugnay sa eleksyon ng bagong Santo Papa, subalit, hindi
nangangahulugang ito ay para lamang sa okasyong ito. Maaari ding gamitin ang conclave sa mga
sikretong pag-uusap o closed door meeting na kinasasangkutan ng mga indibidwal na
makapangyarihan at maimpluwensiya.
Ang Bangkete (Banquets) ay katulad din ng gala sa antas ng pananamit ng mga kalahok
at lugar na pagdarausan nito. Ito ay piging na karaniwang inihahanda ng malalaking kumpanya
para iangat ang moralidad ng kanilang mga manggagawa.
Ang Press Conference ay inoorganisa o binubuo ng isang taong laman ng mga balita
upang linawin ang usapin hinggil sa kaniya, magbigay ng tiyak na impormasyon, at bigyan ng
pagkakataon ang media na makapagbigay ng mga kaugnay na katanungan sa usapin hinggil sa
kaniya.
Ang Panayam ay pormal na pakikipag-usap ng isang tao sa iba pang tao upang
makakuha ng mga kinakilangang impormasyon para sa ispesipikong layunin katulad ng
pangangalap ng balita at paghahanap ng posibleng empleyado sa isang kumpanya. Mainam na
gumamit ng interview protocol o talaan ng mga tanong na maaaring ipukol sa isang indibidwal
upang makakuha ng kinakailangan impormasyon.
Ang mga katanungan ay maaari ding bukas na malawak ang sakop sa punto na higit
nitong binibigyan ng kalayaan ang bawat isa na tumugon sa tiyak na impormasyon, opinyon, at
nararamdaman, at sarado kung ang dapat tumugon ay walang opsyon liban sa oo o hindi na mga
kasagutan.
SANGGUNIAN
Austero, Cecilio S., et al. 2012.Komunikasyong sa akademikong Filipino. Sta. Mesa Manila:
Rajah Publishing House.
Bartle Dr. Phil (n.d.) na isinalin ni Vitan III. Dionisio. Mga Sangkap ng Kahirapan, Ang
Limang Malalaki. Community Empowerment Collective.
http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules/emp-pvtt.htm
Brown, L. R. (2011). World on the Edge. Earth Policy Institute. Norton. ISBN 978-0-393-
Croucher, S.L. Globalization and Belonging: The Politics of Identity a Changing World.Rowman
& Littlefield. (2004). P.10
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. 2016. Komunikasyon at pananaliksik tungo sa
wika sa kulturang Pilipino. Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.
updinfo/jun14/articles/pahayag%20ng%20dfpp%20laban%20sa%20ched%20ge%20curri
culum.pdf.
Dyllick, T, Hockerts K. (2002). “Beyond the business case for corporate sustainability”. Business
Strategy and the Envirinment. 11(2): 130-141.
Maranan, Mario H. 2018. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Intramuros, Manila: Mindshapers Co.
Inc.
Philippine Constitution. 1987. The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines – Article
XIV. https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-
republic-of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-
article-xiv/
San Juan, David Michael M. 2014. “12 Reasons to Save the National Language”. Rappler.
August 11, 2014. https://rappler.com/voices/ispeak/san-juan-save-national-language
San Juan, David Michael M. et al. 2018. Piglas Diwa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino. Mutya Publishinh House. Malabon City.
San Juan, David Michael M. et al., (2019). Saliksik: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Lungsod
Malabon: Mutya Publishing House Inc.
TESIS
HANGUANG ELEKTRONIKO
"About mental health and mental health problems ... - CAMH." https://www.camh.ca/-
/media/files/mi-index-other-languages/tagalog-about-mental- health.pdf?
la=en&hash=471B98D227170BD526B7A7B1CB01DFE8B8DA194B.
“Ang Pilipinas sa Kasalukuyan”https://www.scribd.com/doc/268110203/
"Ang Totoong Estado ng Sistemang Pangkalusugan sa Pilipinas."
http://suliraningpangkalusugan.blogspot.com/.
Bridgeman, P.A. (2010) Round Table Discussion: An Effective Public Engagement Strategy.
Paper presented at North American Association of Christians in Social Work Convention,
Raleigh- Durham, NC, November 2010.
http://www.nacsw.org/Publications/Proceedings2010/BridgemanPRoundTable.pdf
Cocoate (2011) How to plan, organize, perform, evaluate and document roundtables.
Cocoate.com. Available at: https://cocoate.com/sites/cocoate.com/files/guide.pdf
"(DOC) ASEAN Integration sa pagpapaunlad ng wikang ...." 12 Jul. 2019,
https://www.academia.edu/39810675/ASEAN_Integration_sa_pagpapaunlad_ng_wikang_Filipin
o_at_ang_epekto_nito20190712_69391_th4ks.
"DepEd, bukas sa panukalang i-review ang K to 12 program " 21 Oct. 2019, https://news.abs-
cbn.com/news/10/21/19/deped-bukas-sa-panukalang-i-review-ang-k-to-12-program.
"DOST, DOH nilagdaan mga pangunahing ... - DOST-STII." 1 Apr. 2011,
http://www.stii.dost.gov.ph/images/jdownloads/pdf_files/rapidost/2011/rapidost_april2011issueo
nlinefinal.pdf.
Felt, U. & Fochler, M. (2010) Machineries for making publics: Inscribing and describing
publics in public engagement. Department of Social Studies of Science, University of Vienna.
https://www.jstor.org/stable/41821524?seq=1#metadata_info_tab_contents
"Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang ... - Philippine EJournals."
https://ejournals.ph/article.php?id=7900.
How to facilitate roundtable discussions 5 tips to create meaningful conversations
https://medium.com/@shannonkelly_80469/
Kolar, C. (2016) Useful Roundtable Discussion Guidelines. The Membership Management Report.
12(7), p. 7. DOI: 10.1002/mmr.30434
“KALAGAYAN NG SINING AT KULTURA SA PANAHON NG GLOBALISASYON”
https://www.academia.edu/34419633/
"Kawalan ng angkop na pabahay sa mamamayan, malalang ...." 14 Mar. 2018,
https://www.veritas846.ph/kawalan-ng-angkop-na-pabahay-sa-mamamayan-malalang-problema-
sa-bansa/.
“Kulturang Pilipino ang Daanan ng Pag-unlad” https://dlimm16.wordpress.com/2014/12/08/
https://ph.theasianparent.com/k-to-12-program-in-the-philippines
https://rappler.com/voices/editorials/philippine-education-found-wanting-pisa-dismal-rating
https://tl.wikipedia.org/wiki/Politika
https://www.doh.gov.ph/sites/default/files/news_clips/072319-0002.pdf
https://www.officialgazette.gov.ph/programs/ang-pantawid-pamilyang-pilipino-program/
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2018/03/17/1797676/disiplina-sa-
lansangan-lunas-sa-trapik
https://www.pinoyweekly.org/2019/08/krisis-sa-transportasyon/
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx
https://www.youtube.com/watch?v=Ea73LOvbMdAm
https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To
www.sccgov.org
www.cdc.gov/ncov
www.IbonPraymer.com
www.Pollution.blogspot.com
www.Sites.google.com
www.Tl.wikipedia.org
www.Pinoyweekly.org
https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8
https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk
https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k
https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0
https://www.youtube.com/watch?v=LrxTuj1SsEw
https://www.youtube.com/watch?v=YTMR8fgUQw4
https://www.youtube.com/watch?v=NSii-kt0Psw
https://www.youtube.com/watch?v=A8s1tAOqi9U
https://www.youtube.com/watch?v=4bN9yimMXro
https://www.youtube.com/watch?v=iOjyCHA_PeA
https://www.youtube.com/watch?v=wINpYbATXjM
https://www.youtube.com/watch?v=kAL7yeP4qh0
https://www.youtube.com/watch?v=em1eRDsXD4U
http://Academia.edu
https://www.youtube.com/watch?v=7OMeMq7qZ2I
https://www.youtube.com/watch?v=grQk7PbSCmA
https://www.youtube.com/watch?v=xxQoL6HvK0E
https://www.youtube.com/watch?v=3x28eG3OTws
https://www.youtube.com/watch?v=_dp5Grxs00w
https://www.youtube.com/watch?v=rEMpwyJ4rk8
https://www.youtube.com/watch?v=e3HjbF0mBmw
https://news.abs-cbn.com/news/06/06/18/tamang-pangangasiwa-ng-basura-dapat-magsimula-sa-
mga-bahay-denr