Mga Pambansang Sagisag NG Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas

    1. Watawat :  Watawat ng Pilipinas 


    2. Awit: Lupang Hinirang 
    3. Wika:  Filipino 
    4. Bayani:  Jose Rizal 
    5. Bahay:  Bahay Kubo 
    6. Puno:   Narra
    7. Bulaklak:  Sampaguita 
    8. Prutas:  Mangga 
    9. Dahon:   Anahaw 
  10. Hayop:  Kalabaw 
  11. Ibon:  Agila ng Pilipinas 
  12. Isda:  Bangus 
  13. Kasuotang Panlalaki:  Barong Tagalog 
  14. Kasuotang Pambabae: Baro at Saya 
  15. Laro:  Sipa 
  16. Sayaw:  Cariñosa 
  17. Ulam:  Lechon 

1. Pambansang Watawat :  Watawat ng Pilipinas

       Pangunahing simbolo ng  ating bansa ang Watawat ng Pilipinas. 


       Tatlo ang kulay nito - bughaw, pula at puti. Ang bughaw ay para sa kapayapaan na mahalaga sa    pag-
unlad ng bansa. Ang pula ay para sa kagitingan na magpapaalala sa matatag na kalooban ng mga      
mamamayan. At ang puti ay para sa kalinisan ng puri at dangal ng mga Pilipino.
      Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng Pilipinas – Luzon, Mindanao at
Visayas. 
Ang unang bituin ay para sa Luzon na ang  pangalan ay mula sa “lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng ipa
at darak sa bigas. Ito ay sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino. 
Ang ikalawang bituin ay para sa Mindanao na ang pangalan ay mula sa “danaw” o lawa. Ito ay sumasagisag
sa  tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan  ang  kalikasan gaya ng yamang-tubig ng
Pilipinas.  
Ang ikatlong bituin ay para sa pulo ng Visayas na ang pangalan ay mula sa salitang masaya. Ito ay upang
laging kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino.
     Ang araw sa gitna ng tatsulok  ay sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan.  Ang walong sinag naman 
kumakatawan sa mga   walong lalawigan na unang naghimagsik  upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan
– Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, Batangas, at Cavite. 
    Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito kung ang bansa  ay nasa digmaan. Kapag ang
pulang kulay ay nasa itaas, nangangahulugan na ang Pilipinas ay nasa digmaan. 
    Ang Watawat ng Pilipinas  ay dinesenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay unang tinahi sa loob ng limang araw
sa HongKong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa Natividad.
    Iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo
noong  Hunyo 12, 1898.

2. Pambansang Awit :     Lupang  Hinirang

                                         Bayang Magiliw


                                         Perlas ng Silanganan,
                                         Alab ng puso
                                         Sa dibdib mo'y buhay.
                                         Lupang Hinirang,
                                         Duyan ka ng magiting,
                                         Sa manlulupig,
                                         'Di ka pasisiil.
                                         Sa dagat at bundok,
                                         Sa simoy at sa langit mong bughaw,
                                         May dilag ang tula
                                         At awit sa paglayang minamahal.
                                         Ang kislap ng watawat mo'y
                                         Tagumpay na nagniningning,
                                         Ang bituin at araw niya
                                         Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
                                         Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
                                         Buhay ay langit sa piling mo;
                                         Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi
                                         Ang mamatay nang dahil sa 'yo.     

        Ang himig ng Pambansang Awit ng Pilipinas ay ginawa ng pianistang si Julian Felipe ayon sa
kahilingan ni Hen. Emilio Aguinaldo nang  hindi niya nagustuhan ang komposisyon ng isang Pilipinong nasa
Hong Kong.

You might also like