Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan:__________________________________________________Asignatura:_______________Araw:__________

Pangkalahatang Panuto: Basahing maigi ang bawat aytem at sagutan ito ng tahimik. Iwasang tumingin sa papel ng iyong
kaklase.

A. PAGPIPILIAN. Bilugan ang tamang sagot.

1. Ang teorya o pagdulog na ito ay tumutukoy sa kayarian ng nilalaman ng isang akda.


a. Pormalismo b. Imahismo c. Sikolohikal d. Marxismo
2. Nakaangkla ito sa ekspresibong pananaw at inaanalisa dito ang ugnayan ng may-akda at ng kanyang akda.
a. Humanismo b. Moralistiko c. Sosyolohikal d. Sikolohikal
3. Ang pagdulog na ito ay nakasandig sa teorya ng pagtanggap at pagbasa kung saan may laya ang mambabasa na
magbigay-interpretasyon sa akda.
a. Realismo b. Marxismo c. Eksistensiyalismo d. Feminismo
4. Kinilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.
a. Realismo b. Imahismo c. Sikolohikal d. Romantisismo
5. Ang pinagtutuunan lamang ng pansin sa teoryang ito ang mga instruktura o pagkakabuo nito.
a. Pormalismo b. Imahismo c. Sikolohikal d. Marxismo
6. Layunin nitong ilahad ang mga pangyayari sa tunay na buhay.
a. Realismo b. Pormalismo c. Klasisismo d. Romantisismo
7. Pinalulutang sa pananaw o pagdulog na ito ang damdamin kaysa kaisipan.
a. Realismo b. Ekstensiyalismo c. Romantisismo d. Moralistiko
8. Karamihan sa mga akdang sinuri gamit ang pananaw na ito ay dumadalumat sa kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga
taong namayagpag sa panahong ito.
a. Sosyolohikal b. Moralistiko c. Humanismo d. Romantisismo
9. Ipinalalasap ng pananaw na ito ang katotohanan ng buhay maging ito man ay hindi maganda.
a. Sikolohikal b. Moralistiko c. Sosyolohikal d. Realismo
10. Ipinapahayag ng pagdulog na ito na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos.
a. Eksistensiyalismo b. Realismo c. Klasismo d. Romantisismo

B. HANAY A at HANAY B. Basahin ang mga pahayag na nasa Hanay A at piliin sa hanay B ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

11. Ang pumapagitna sa mga hidwaan sa pagitan ng instink at sa


nakapaligid na katotohanang panlipunan.
a. Feminismong liberal
12. Bunga ng kapitalismo.
b. Radikal
13. Hindi mahalaga sa pag-unawa sa akda ang kontekstong panlipunan,
c. Ego
pangkasaysayan o ang panahong isinulat ang akda
14. Ang pinagmulan ng instink o kalikasan ng tao d. Ahistorikal
15. Ang kawalan ng kamalayan ng isang indibidwal sa isang bahagi e. Superego
ng kanyang pagiging siya f. Dual-systems theory
16. Bunga ng sistemang patriyarkal g. Conscious
17. Tinitignan dito ang di-pantay na pagtingin ng kababaihan at kalalakihan h. Unconscious
18. Bunga ng komplikadong artikulasyon ng patriarka at kapitalismo. i. Id
19. Ito ang konsensya ng tao j. Marxist
20. Ang pagiging malay ng isang indibidwal tungkol sa kanyang sarili

C. PAGPAPALIWANAG. Isulat sa likurang bahagi ng papel ang iyong paliwanag na hinihingi sa bawat aytem.

21-25. Bakit mahalaga ang panunuring pampanitikan?


26-30. Bakit kailangang suriin ang mga pagdulog na ginamit sa mga akda?
31-35. Magbigay ng tatlong katangian ng isang mabisang manunuring na sa tingin mo ay iyong tinataglay.
36-40. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Klasisismo at Romantisimong Pagdulog.
41-45. Paghambingin ang katangian ng Realismo at Sosyolohikal na pagdulog.
46-50. Isulat ang pagkakaiba ng Imahismo at Arkitaypal na pagdulog.

You might also like