TULA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang tula o panulaan ay isang

masining na anyo ng panitikan na


naglalayong maipahayag ang
damdamin ng makata o manunulat
nito. Kilala ito sa malayang paggamit
ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo.
Nagpapahayag ito ng damdamin at
magagandang kaisipan gamit ang
maririkit na salita. Ito ay matalinghaga
at kadalasang ginagamitan
ng tayutay.

Ang tula ay binubuo ng mga saknong


at ang mga saknong ay binubuo ng
mga taludtod. Karaniwan itong
wawaluhin, lalabindalawahin, at
lalabing-animing pantig. Ang
kalipunan ng mga taludtod ay
tinatawag na taludturan o saknong.
Mga Elemento ng Tula
Ang tula ay may walong (8) elemento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Anyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.

A. Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay


karaniwang ayon sa nais ng manunulat.
B. Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita.
C. May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit
ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
D. Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa
bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.

2. Kariktan
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga
mambabasa. Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga
salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.

3. Persona
Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at
ang makata ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata.
Maaari rin na isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang nilalang.

4. Saknong
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa
dalawa o higit pang taludtod.

5. Sukat
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na
waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.

6. Talinhaga
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag
upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

7. Tono o Indayog
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang
pataas o pababa.

8. Tugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod ay magkakasintunog.

You might also like