Professional Documents
Culture Documents
A Teacher Affects Eternity
A Teacher Affects Eternity
Chorus:
Sino pang magdadamayan
Kundi tayo tayo rin
Kung may pagkakataong tumulong
Huwag palampasin
Simulan nang magtanim
Ng mabubuting gawain
Dahil sino pang aani
Kundi tayo tayo rin
Kung dumaraing ka
Masdan mo ang musmos
Gusto sanang mag-aral
Ngunit nanlilimos
Kung nagigipit ka
Masdan mo ang dalaga
Di maabot ang pangarap
Dahil babae siya
Pre-Chorus:
Bawat tao’y may problema
Ngunit bawat tao’y may lakas
Magsikap ka, magsama-sama
Lahat ng iya’y may lunas
(Repeat Chorus)
Kung nalulungkot ka
Masdan ang isang ina
Di mabigyang buhay
Ang sanggol niyang dala
Kung nangungulila
Masdan ang may sakit
Hangad niya ay unawa
Ngunit walang lumalapit
(Repeat Pre-Chorus)
(Repeat Chorus)
Bridge:
Halika, kumilos na,
sabay tayo,
Tara may oras pa,
Tulungan tayo!
Narration:
Ang pag-alis ng kahirapan,
pagpapabuti ng edukasyon,
pagsulong ng patas na karapatan at
kalusugan ng lahat...
Ang pag-aalaga ng kalikasan,
at pandaigdigang pagtutulungan
Ito ang ating Millennium Development
Goals o MDGs.
Sikapin nating maabot ang mga ito.
May kanya-kanya tayong lakas!
Tulungan tayo!
(Repeat Chorus)