Sa bawat araw ng aking pag gising, Ako'y napapangiti sa ganda mong
nakakabighani, Hindi sa mga ngiti mong nag nining-ning, Kundi sa kalikasang aking tinatangi. Kung inaakala mong ikaw lang ang magpapangiti, Sa aking mga labi, Di ka nagkakamali, Subalit mas nakakaakit, Ang mga natural nitong ganda, Pero mas maganda ka. Pagkumparahin man kayo at ang kalikasan, Ikaw parin ang mas lamang. Marupok man sa inyong mga mata, Tunay naman, walang halong duda. Mahal ko ang ating kalikasang kay ganda, Ngunit mas mahal kita. Kung ako'y papipiliin, Kalikasang nagbibigay buhay sa akin, O ikaw na walang ginawa kundi saktan ang aking damdamin? Kalikasang may iba't ibang nakakaakit na ganda, O ikaw na walang pakielam sa damdamin kong nag mamakaawa? Syempre ikaw parin, Walang alinlangang pipiliin, Sa rupok kong to? Isang kamusta mo lang, balik agad sayo. Biro lang po, Syempre ang kalikasan pa din, Ang aking pipiliin, Syang tunay at nagbibigay lakas at buhay sa atin, Kaya't wag nating ipagpalit, Sa kahit sino at ano pa man, Alagaan at wag sirain, Maging mabuti at mahalin ito, Wag sa taong sasaktan ang ating damdamin at puso, Ngunit pag ikaw ang ipapalit? Kahit saktan mo ng paulit ulit? Aba! Gaganti na ako't masakit. "ESKWELA" Sa bawat bagong araw, Bagong kabanata din ang nag sisimula, Sa pag bukas ng ilaw, Kasabay ng pagdilat ng mata.
Babangon, kakain, liligo, bibihis Pagtapos ay aalis,
Lalakad palabas, Maghihintay ng sasakyan sa labas.
Pagsakay tulala, Mga labing tatlong minutong
tungatunga, Ibat ibang eksena, Aking nakikita.
Pagkababa, agad ring sasakay, Isa na namang labing
sampung minutong lakbay, Kahit anong haba ng byahe, lalampasan, Makarating lang ng eskwelahan.
Pagpasok, sabay klase, Nainip sabay tulog sa klase, Mag
hintay hanggang uwian, Pag awas ay unahan.
Sasakay pauwi, Kanya kanyang dali-dali, Ganyan ang
nararanasan, Araw araw makarating lang ng eskwelahan. “ Ang Problema sa buhay ay parang isang tinik sa ngala-ngala. Matatanggal mo lang ito kung mag tatyaga ka.”