Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

First day

Reporter #1

1 slide
Magandang araw sa ating lahat, ako si ____________ at ipapaliwanag ko kung ano ang pinagkaiba at
pinagkapareho ng Elehiya at Elohiyo

Simulan na natin.

Noong nakaraan ay nabusog tayo sa aral na hatid ng parabula na naging lunsaran natin upang
mapatunayan na ang mga pangyayari sa kuwento ay maaaring mangyari sa kasalukuyan. Pinuno rin tayo
ng kaalaman tungkol sa matatalinhagang salita na sa tingin ko ay magagamit ninyo ito sa inyong mga
sulatin.
Marami sa atin ay naranasan ng mamatayan ng minamahal sa buhay. Napakalungkot hindi ba? Kung
minsan, naiiisip natin na sana noong nabubuhay pa sila ay nasabi o naipakita ang pagpapahalaga natin sa
kanila. Napakalungkot mawalan ng mahal sa buhay. Masakit man mawalay sa kanila pero alam din natin
na masaya na sila kung nasaan man sila ngayon sapagkat kasama na nila ang ating Poong Maykapal.
Alam mo ba na maaari kang magsulat ng isang tula para sa kanila? Maaari mong sabihin sa iyong tula
ang mga bagay na hinding-hindi mo makakalimutan sa kanila, mga mabubuting nagawa nila na iyong
pagninilayan o ang mga nais mong ipagsigawan bilang pagpapahalaga sa kanila.
Ang tulang ito ay tinatawag na ELEHIYA.

Ngayon alamin natin ang kasaysayan, kahulugan at kung paano nasusuri ang elehiya.

2 slide
ang salitang elihiya ay nagmula sa salitang Griyego na ELEGEIA na nangangahulugang hagulgol o
pananangis. Ito’y unang ginamit noong ika-16 na siglo.
kapag sinabing elehiya, ito ay isang maungkot na tula na ipinapatungkol sa namatay.
Ito ay isang tulang liriko o tula ng damdamin. Ang elehiya ay kabilang sa grupo ng soneto, awit, at oda.

Para mas lalo natin maintindihan


Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni guni na nagpapakita ng
masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay. Ito’y tula ng pananangis, pag- aalala
at pagpaparangal sa mahal sa buhay na ang himig ay matimpi at magmuni-muni.
So sa Elehiya, doon niyo maibubuhos yung damdamin Ninyo tungkol sa tao o sa isang tao na namayapa.

3 slide
Baka naitatanong Ninyo o nagtataka kung ano ang pinagkapareho at pinagkaiba ng elehiya o elegy at
elohiyo o eulogy.
Kagaya ng nabanggit kanina, ang elehiya o elegy ay isang tula na pumapatungkol sa namatay
samantalang ang elohiyo o eulogy ay pumapatungkol din ito sa namatay ngunit hindi ito patula.
Reporter #2
Magandang araw sa ating lahat ako si ______________ ngayon ay ipapaliwanag ko naman ang mga
Elemento ng Elehiya

4 Slide
So meron tayo ditong mga elemento ng Elehiya

Una ay ang
Tema – ito ay ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang kongkretong kaisipan ay
puwedeng pagbasehan ang karanasan.
So katulad ng mga ibang akdang pampanitikan kagaya ng maikling kwento, ang tema ay ang
pangkabuohang kaisipan. Ibig sabihin doon pumapasok na an oba yung isang buong kaisipan na
nakapaloob sa isang akda katulad ng elehiya.
Meron ako ditong halimbawa.
Una - Pagmamahal ng magulang sa anak.
Pangalawa – Pagbibigay halaga sa isang kaibigan.
Bilang ang ating tinatalakay ngayong araw ay tungkol sa elehiya so ang ating tema ay lagingtungkol kung
ano bang mayroon dun sa taong namayapa.

Pangalawa ay ang
Tauhan – ang tauhan Ito ang taong kasangkot sa elehiya.
Halimbawa
Una – ang aking lolo
Pangalawa – kaibigan
Pangatlo – Ina o Ama

Ang ikatlo naman ay ang


Tagpuan – ito ay Lugar o panahon na pinangyarihan ng elehiya.. Maaring kaugnay ito ng mga karanasan
at alaala ng yumaon, at maging ang panahon ng kaniyang pagpanaw.
Halimbawa:
Isang gabi sa kabundukan o kaya paligsahan sa Paaralan.

Dito sa tagpuan pwede nating sabihin na saan nangyari, paano pumanaw yung isang taong na pinag
aalalayan mo ng elehiya. O di kaya naman saan yung sentro nung iyong elehiya noong ilaalala mo yung
taong pinag aalalayan mo ng elehiya.

Ikaapat na elemeto ay ang


Kaugalian o Tradisyon - Ito ang mga paniniwala, opinyon, o mga kuwentong naisalin sa mga magulang
papunta sa mga anak nila. Magmumula ito sa tagpuan sa mga karanasan ng yumao at maging ng
makata. Maaaring tumukoy ito sa mga gawi ng pinag – alayan ng tula o mga gawi ng lipunang kanyang
ginagalawan.
Halimbawa:
Pagdiriwang ng Kapistahan
Ikalawa Paglilinang at pagbubungkal ng lupa.
Halimbawa ang aking lolo kung baga kaugalian na niya yung paglilinang at pagbubungkal ng lupa. Diba
karamihan sa ating mga lolo at lola bilang sila yung pinakamatandang tao sa mundo sila yung may mga
karanasan tungkol sa paghahalaman o di kaya naman ay paglilinang ng lupa.

Panglima ay ang
Wikang ginamit – Karaniwang puno ng damdam ang wikang ginagamit sa pagbuo nh elehiya. Gumagamit
din ito ng paulit ulit na mga pahayag upang bigyang diin ang damdamin at imaheng nais nitong iparating
sa mambabasa.
Maaaring ito ay pormal at di-pormal.
Pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa usapang pormal. Ito
yung hindi na nababago.
Di-Pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
O kaya normal na sinasabi natin sa araw araw. Na kahit hindi natin napapansin na mali pala sa salitang
ginagamit natin o salitang balbal pala sa ayun yung tinatawag nating Di-pormal.

Pang anim na element ay ang


Pahiwatig o Simbolismo - Ito ay ang paggamit ng mga simbolo para magpahiwatag ng isang ideya o
kaisipan. Tumutukoy ito sa mga bagay o pangyayari na nagpapahiwatig o nagsisimbolo ng ideya o
kaisipan sa pagpanaw ng tauhan at ng makata sa mga inilahad sa elehiya.

Halimbawa:
Kadena – ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa o pagkakabuklo-buklot
Bonifacio – sumisimbolo sa katapangan
Rizal – sumisimbolo sa kabayanihan
Juan – sumisimbolo sa Masang Pilipino
Krus – sumisimbolo sa relihiyon.

Tandaan natin ang mga elementong ito sapagkat mamaya ay gagamitin ito sa pagsusuri ng isang
halimbawa ng elihiya na babasahin ni _______________ ngayon.
Reporter #3

Magandang araw sa ating lahat ako si _____________ ngayon ay babasahin ko ang tulang

5 Slide
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
Mula sa Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok aumaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak! 14 |
6 Slide
Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di- malilimutan
7 Slide
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay Nawala
O’ ano ang naganap, Ang buhay ay saglit na nawala
8 Slide
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
Reporter #4

Magandang Araw sa ating lahat ako si ____________, ngayon naman ay susuriin natin gamit ang
elemento ng elehiya ang binasa ni _____________ na pinamagantang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya.

9 Slide

Sa tingin niyo tungkol saan ang elehiyang ito? Anyone? Okay.

so Ang Elehiya sa kamatayan ni kuya ay isang matalinghagang tula tungkol sa kalungkutan at


paghihinagpis ng isang Ina sa kamatayan ng kaniyang anak na lalaki na si Pema. Sa kaniyang mga salita,
makikita ang sobrang pagmamahal habang inaalala niya ang mga bagay na nakikita niyang naiwan ng
kaniyang anak. Isinasaad dito ang kanyang pangungulila, ang mensaheng gusto niyang ipaabot sa nasawi
niyang anak, at ang mga pangarap ng kakilala para sa nasawi. Sinasabi din sa elehiyang ito na bilang
isang ina, dapat siya'y di panghinaan ng loob sapagkat gusto niyang payapang humimlay ang kanyang
anak. Masasabi na habang binabasa ang tula,tila ba nagkukwento ang Ina tungkol sa mga sakripisyo,
pagtitiis at labis napagmamahal ng kanyang anak para sa kanyang pamilya na handa nitong gawin ang
lahat.

So iisa-isahin natin ang elemento ng elehiya at susuriin natin ito

Una
Tema – Ang naging tema dito sa Elehiya sa kamatayan ni kuya ay ang pagdurusa niya nung mga panahon
siya ay nagsikap para sa kanyang pag-aaral bagama’t napakamurang edad na siya ay pumanaw sa pagkat
sa edad na dalawamput isa siya ay sumakabilang buhay na. Duon nakapaloob ang tinatawag natin na
tema.

Pangalawa
Tauhan – Kapag tatanungin ko kayo, sino ang pinakatauhan sa elehiya ng ating pinag aralan? Kung ang
sagot mo ay si kuya, tama ang iyong kasagutan. Na nagngangalang Pema.

Pangatlo
Tagpuan – Syempre ang pinaka lugar ito ay doon sa kanilang tahanan kung saan naganap ang mga
pangyayari sa kanyang lugar na pinag tratrabahuhan, sa kanyang pinag aralan bagama’t mahirap ang
buhay pinilit pa rin niya pero dumating sa puntong siya ay sumakabilang buhay na.

Pang-apat
Kaugalian o tradisyon – dun sa ating pinag aralan dito lumalabas ang tradisyon ng mga taga Bhutan na
sila ay katulad din natin na marunong magpahalaga sa mga kapamilya na pumanaw na. sapagkat ating
ito’s ginugunita , inaalala katulad ng ating tuwing undas tayo ay pumupunta sa kanilang puntod at
inaalalayan ng mga bulaklak. Ganun rin ang mga bhutanis o mga tao sa bansang Bhutan.

Panglima
Wikang ginamit – ito ay ang Epektibo Dahil sa pamamagitan ng mga wikang Ginamit madadama
natin ang kalungkutan na nararanasan ng tauhan sa elehiya. Ito ay dahil sa mga angkop na
wikang Ginamit ng may-akda upang maiakma sa emosyon at tono ng akda

Pang anim
Simbolo – katulad sa ating pinag aralan, diba gumamit doon ng iba’t ibang simbolo sabi doon sa kanyang
naranasan na usok s aumaga. Saan ba sumisimbolo yung usok hindi lamang literal na siya ay
nakaramdam o nakasanghap ng usok yun ay sumisimbolo sa mga problemang kanyang naranasan nung
panahong siya ay nabubuhay pa lamang. Yung mga poster, mga guhit, larawan. Sumisimbolo yun sa mga
laal ana kanyang nabuo kasama ng kanyang pamilya.
Second Day.

Reporter #1

10 Slide

Hello ako si ______________ ngayon Ang gagawin niyo lamang ay ipakita ang damdamin niyo sa mga
sumusunod na larawan. Maaaring ang damdamin ninyo ay malungkot, masaya, tuwang-tuwa,
nasusuklam, at iba pa.

11 Slide
Pero mgayon ay magbalik aral muna tayo.

Noong nakaraan ay tinalakay natin ang patungkol sa elehiya. Nalaman natin na isa itong malungkot na
tula na ipinapatungkol sa namatay. Tinalay rin natin ang isang halimbawa nito na pinamagatang “Ang
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”. Bilang bahagi sa pagsusuri ng elihiyang ito ay nalaman din natin ang mga
elemento ng elehiya. Ito ang: tema, mga tauhan, tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon,
wikang ginamit, pahiwatig o simbolo, at damdamin. Batid kong nagawa ninyo nang maayos ang gawain
na ibinigay sa inyo noong nakaraan. Kaya naman, atin pang dadagdagan ang inyong kaalaman sa
pamamagitan ng ating panibagong aralin. Handa na ba kayong matuto sa panibagong aralin na ating
tatalakayin? Ngayon magkakaroon tayo ng panimulang gawain. Ang pamagat ng gawain na ito ay
“Damdamin mo, Isigaw mo!”.

12 Slide
Ngayon may ipapakita akong mga litrato at ang gagawin niyo lamang ay ipakita ang damdamin niyo sa
mga sumusunod na larawan.

13 Slide

Ano ang damdamin ninyo sa larawan? Anyone?


Hindi mo to sasabihin sa kanila – yes ms. Or mr. ? ano ang nararamdaman mo sa alide na ito? Yes tama.
Marahil sa inyo ay nalulungkot, yung iba naman ay nahahabag o naaawa. Sapagkat napakalungkot talaga
na makakita tayo ng mga bata na sa murang edad ay nakakararanas na ng ganitong kalunos-lunos na
pamumuhay.

14 Slide

Ano ang damdamin ninyo sa larawan?


Hindi mo to sasabihin sa kanila – yes ms. Or mr. ? ano ang nararamdaman mo sa alide na ito? Yes tama.
Malamang ang karamihan sa inyo ay masakit ang naramdaman ninyo rito. Masakit ang mawalan ng
mahal sa buhay. Maaaring ang ilan, dahil nakikilala nila ang mga tao sa larawan ay nakaramdam ng
pagkasuklam sapaagkat alam nila kung paano namatay ang mga nasa kabaong.

15 Slide

Ano ang damdamin ninyo sa larawan?


Hindi mo to sasabihin sa kanila – yes ms. Or mr. ? ano ang nararamdaman mo sa alide na ito? Yes tama.
Ang nakikita natin sa larawan ay isang pamilyang Pilipino. Malamang sa malamang masaya ang ating
maibibigay na damdamin sa larawan o di kaya nama’y masarap sa pakiramdam. Ito ang dapat nating
panatilihin sa ating pamilya – isang masaya at nagmamahalang pamilya.

So dito nagtatapos ang aking mga katanungan sa inyo at dumako naman tayo sa susunod na reporter na
si ___________________
Reporter #2

16 Slide
Magandang umaga/tanghali sa atin lahat ako si ______________ at ipapaliwanag ko ang Pang-uring
Ginagamit sa Pagpapasidhi ng Damdamin.

Simulan na natin.

17 slide

Pang-uring Ginagamit sa Pagpapasidhi ng Damdamin

Alam natin na mayaman sa talasalitaan ang Wikang Filipino. Ang tao ay gumagamit ng mga salita ayon sa
tawag ng mga pangyayari sa araw-araw na pakikipagtalastasan. Marapat na alam natin kung paano
gamitin ang mga salita upang makapagpahayag nang mainam at mas mabisa. May mga salita tayong
magkakaugnay ang kahulugan subalit magkakaiba ayon sa intensidad na ipinapahiwatig nito. Ang
salitang ito ay ginagamit sa pagpapasidhi ng damdamin at kaisipan ayon sa intensidad ng pagkakaayos
ng kahulugan na tinatawag na clining.

Narito ang mga salita bilang halimbawa ng pagpapasidhi ng damdamin.

18 Slide

 Ngumiti
 Ngumisi
 Tumawa
 Humalakhak
 humagalpak.

Nagkakaiba lamang ang mga salitang iyan sa sidhi ng kahulugan na ipinapahiwatig nito. Hindi maaaring
gamitin ang salitang humagalpak kung ang tao ay ngumiti lamang. 17 | Sa pagpapahayag ay mahalagang
ipakita ang damdaming nais bigyan ng diin o pangibabawin upang higit na maipahayag ang kaisipan o
bagay na nais maiparating.

19 slide

Ngayon alamin natin ang gamit ng pang-uri sa pagpapasidhi ng damdamin. Ngunit bago ang lahat, atin
munang alamin ang paglalarawan ng pang-uri. Ang panguri ay isa sa mga bahagi ng pananalita na
naglalarawan sa tao, bagay, pook, at pangyayari.

Narito ang ilan sa mga halimbawa:


 maganda
 kanais-nais
 maputi
 masipag
 istrikto

Ilan lamang ang mga salitang iyan sa mga marami pang halimbawa ng panguri.Tandaan na ang pang-uri
ay naglalarawan sa tao, bagay, pook, at pangyayari.

20 slide

Atin ng tukuyin ang gamit ng pang-uri sa pagpapasidhi ng damdamin: • Ito ay ginagamit sa pamamagitan
ng pag-uulit ng salita.Tumutukoy ito sa paguulit ng isang salita na naglalarawan upang higit na mapasidhi
ang damdaming nais iparating.

21 slide

Narito ang mga halimbawa upang lubusan itong maintindihan.


 Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag umaawit.

Ang pinasidhing damdamin ay magandang-maganda mula sa pang-uring maganda.

Narito naman ang isa pang halimbawa.


 Mainit na mainit ang damdamin ng dalawang nagtatalo kanina.

Ang pinasidhing damdamin ay mainit na mainit mula sa pang-uring mainit.


So dito nagtatapos ang aking report. Next reporter please
Reporter #3
Magandang araw sa ating lahat ako si __________ at ito ang aking report

22 slide

Atin pang tukuyin ang gamit ng pang-uri sa pagpapasidhi ng damdamin sa pamamagitan ng paggamit ng
panlapi. Tumutukoy ito sa sukdulang pagpapasidhi ng paglalarawan.

23 slide

Narito ang mga panlaping ginagamit sa pagpapasidhi ng damdamin.


unlaping – napaka
unlaping – pagka
unlaping – kay
unlaping – pinaka
unlaping – nag na dinudugtungan ng hulaping an
unlaping – ka na dinudugtungan ng hulaping -an

24 slide

Narito ang mga halimbawa sa paggamit ng panlapi

 Napakaganda ng layunin nating nagtutulungan sa oras ng pangangailangan.

Ang pang-uri ay napakaganda na ginagamitan ng panlaping napaka.

Isa pang halimbawa…


 Pagkabait-bait ng mga nag-aalaga sa mga may sakit.

Ang pang-uri ay pagkabait-bait na ginagamitan ng panlaping pagka.

25 slide

Alamin din natin ang paggamit ng mga pang-abay na nagbibigay-turing sa pang-uri sa pagpapasidhi ng
damdamin. Ito rin ay tumutukoy sa sukdulang pagpapasidhi ng paglalarawan.

26 slide
Gumagamit tayo ng mga pang-abay na…
 tunay na
 ubod ng
 hari ng
 sakdal
 sadya
 lubha
Kadalasan, gumagamit din tayo ng mga kataga gaya ng…
 Walang
 kasin/kasim/kasing

Atin ng suriin ang mga halimbawa sa paggamit ng mga pang-abay na nagbibigay-turing sa pang-uri.

27 slide
 Tunay na magaling ang mga Pilipino sa pakikipagkapwa-tao.
Ang pang-abay na ginamit natin ay tunay na binibigyang-turing ang pang-uring magaling.
Ang salitang nagpapasidhi ng damdamin sa pangungusap ay tunay na magaling.

Dumako tayo sa ikalawang halimbawa…

 Walang kasinsarap ang pagmamahal na totoo.

Ang katagang ginamit natin ay wala na binibigyang-turing nito ang pang-uring kasinsarap. Ang ginamit ng
mga salita bilang pagpapasidhi ng damdamin ay walang kasinsarap.
Ang ginamit ng mga salita bilang pagpapasidhi ng damdamin ay walang kasinsarap.
Reporter #4
28 slide
Magandang umaga/hapon sa ating lahat ako si __________ at ito ang aking ipapasagot sa inyo

29 slide
Ayan Bumuo ng anim na pangungusap na ginagamitan ng mga pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.

30 slide
Sa una at ikalawa, bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng mga pag-uulit na salita na nagpapasidhi sa
damdamin ng pangungusap.

31 slide
Sa ikatlo at ikaapat, bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng panlapi na nagbibigay-turing sa pang-uri
na nagpapasidhi sa damdamin ng pangungusap.

32 slide
Sa ikalima at ikaanim, bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng pang-abay na nagbibigay-turing sa
pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin ng pangungusap.

Ayan dito nagtatapos ang aking ipapasagot ko sa inyo.


Third day

Reporter #1
So ayun magandang araw sa ating lahat ako si ____________

33 slide
ngayon ibabalik muna natin yung pinag aralan natin nung nakaraan.

34 slide
Upang lubos nating maintindihan ang ating bagong talakayan ngayong araw, balikan muna natin ang
kahulugan ng elehiya. Ang elehiya ay isang uri ng tulang liriko na pumapaksa sa damdamin katulad ng
kalungkutan kasawian at kaligayahan. Ito rin ay tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o
guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.

35 slide
May mga katangian din ang elehiya, ito’y tula ng pananangis, pag-aalala at pagpaparangal sa mahal sa
buhay na ang himig ay magtimpi, mapagmuni-muni at dimasintahin. Ito rin ay pagbibigay parangal sa
mga nagawa ng mga yumao

36 slide
Tinalakay rin natin noong nakaraan ang paggamit ng pang-uri sa pagpapasidhi ng damdamin. Ang
pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas
ang antas nito. Kung iisipin natin parepareho lamang ang kahulugan ngunit magkakaiba ang antas o sidhi
nito. Binabati ko kayo at natatandaan niyo pa ang mga napag-usapan.
Reporter #2
Magandang araw sa ating lahat ako si ________________ ngayon tatalakayin naman natin ang Pagsulat
at Pagbigkas ng Elehiya

37 slide
Ang hirap magsulat lalo na kung hindi ito ang iyong hilig, pero napakadali kung ikaw ay may
pinanghuhugutan. Kung ikaw ay bigo, masaya, malungkot at lahat pa ng emosyong puwede mong
maramdaman at naranasan ay maaari mong gamitin upang ikaw ay makapagsulat. Sa pagsusulat
mayroon tayong dapat isaaalang-alang na mga tuntunin upang maging maganda ang ating isusulat. 20 |
Sa pagsusulat mayroon tayong dapat isaaalang-alang na mga tuntunin upang maging maganda ang ating
isusulat.

38 slide
Ngayon alamin natin kung ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng elehiya.

• Una ang Tema ito ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang kongkretong kaisipan at
pwedeng pagbasehan ang karanasan. Ano ang nais mong isulat na elehiya? Kailangan ito ay naglalaman
ng tunay na damdamin ng may akda ito ay naglalaman ng kalungkutan, kasawian o kaligayahan.
Depende ito sa nais ipabatid ng may akda sa tagapakinig. Ang importante ay bunga ito ng totoong
damdamin upang maging mas epektibo at maganda ang elehiya. Sa mga halimbawa ng elehiya
malalaman natin agad kung ang tema nito ay malungkot makikita mo naman lahat ng tagapakinig ay
umiiyak. Ganoon din naman kung masaya lalo na kung babalikan ang mga nakawiwiling gawain ng
yumaong mahal sa buhay

• Pangalawa ang Tauhan, ito ang taong kasangkot sa tula. Para kanino ang elehiya? Sino ang nais mong
alayan ng elehiyang gagawin o isusulat mo?

• Pangatlo ang Tagpuan, ito ay ang panahon at lugar na pinagyarihan ng tula.

• Pang-apat ang Kaugalian o Tradisyon dapat maramdaman ng mga tagapakinig sa elehiyang gagawin
mo ang kaugalian tradisyon na inyong kinamulatan upang maging kapani-paniwala at makasabay sa
iyong sinasabi ang mga tagapakinig.

• Ikalima, Wika - ang wikang gagamitin ay maaaring pormal – ito ay ang salitang istandard o maaari rin
namang impormal – ito ay madalas gamitin sa pag-arawaraw na pakikipag-usap. Mahalaga na ang
wikang gagamitin ay maintindihan ng lahat.

• Ikaanim, Simbolismo ito ay ang paggamit ng simbolismo para magpahiwatig ng isang ideya o kaisipan.

• Ikapito ay ang damdamin napakahalaga ng damdamin sa pagsulat ng elehiya dahil ito ang unang
mararamdaman ng mambabasa habang binibigkas ang elehiyang iyong nagawa. Nakasalalay dito ang
emosyon na puwedeng maramdaman ng iyong mga tagapakinig.

At dito nagtatapos ang aking report at ngayon tawagin naman natin si ____________ at si
_____________
Upang Isa-isahin ang pagsusuri sa pamamagitan ng mga tanong.
Reporter #3
Magandang araw sa ating lahat ako si ______________ at iisa-isahin natin ang pagsusuri sa
pamamagitan ng mga tanong.

39
1. Akma ba ang akda sa kahulugan ng elehiya? Para sa unang tanong, ang “Elehiya sa Kamatayan ni
Kuya” ay angkop na angkop sa kahulugan ng elehiya sapagkat ipinakita rito ang pagdadalamhati
at paggunita sa buhay ng yumao.
2. . Pasok ba lahat ang mga elemento ng elehiya sa binasang halimbawa? Mahusay kung ang
inyong tugon ay oo, sa pagbabalik-tanaw sa araling ito tiyak na nangibabaw talaga ang mga
elemento ng elehiya dahil sa simula pa lamang nito ay ipinakita na ng persona ang kanyang pag-
alaala sa kanyang yumaong mahal sa buhay.
3. Paano ang ginawang pagbigkas? Kung inyo ngang napanood ang pagbigkas sa elehiyang ito na
mapapanood sa youtube ay talaga namang kahit sino ay madadala sa emosyong ibinigay ng
bumigkas. At talaga namang nakakalungkot mawalan ng mahal sa buhay.
4. .Nauunawaan ba ang bawat salita? Kung tunay ngang inyo itong nabasa, tiyak na inyo itong
mauunawaan sapagkat gumamit ang persona o may-akda ng mga payak na salita.
5. Angkop ba sa emosyon ng nagsasalita ang damdaming dapat maramdaman ng mga tagapakinig?
Tama! Ang emosyon ng nagsasalita ay angkop sapagkat makikita at madadama sa boses ng
bumigkas ang pighati. Sa nilalaman ng elehiya o akda, mararamdaman mo rin ang pighati at
pangungulila sa isang mahala sa buhay na pumanaw.
6. Sino-sino naman ang mga tauhan sa binasa? Ang mga tauhan sa binasang elehiya ay sina ina, si
Pema at ang nakababatang kapatid na siyang nagsilbing persona sa akda.

At dito nagtatapos ang aking pagsusuri sa pamamagitan ng mga tanong at ngayon ay magrereport
naman ay si ___________.
Reporter #4
Hello magandang umaga/tanghali sa inyong lahat. Ako si __________ at itutuloy ko lamang yung iisa-
isahin natin ang pagsusuri sa pamamagitan ng mga tanong.

40 Slide

7. Saan ginanap ang elehiyang binasa? Ang pinag-ugatan ng Elehiya sa Kamatayan ni Kuya ay sa
Bhutan, ang bansang ito ay walang pampang na matatagpuan sa mga bundok ng Himalaya, sa
pagitan ng India at Tsina sa Silangang Asya. Kaya maaaring ito ang lugar na pinagganapan ng
elehiyang binasa.
8. Nalito ka ba sa mga salitang ginamit? Ang mga salitang ginamit sa akdang ito ay payak kung
kaya’t madali lamang itong maunawaan ng mga mambabasa at tagapakinig.
9. . Madali mo lang ba itong maunawaan? Ang elehiyang nabanggit ay madali lamang itong
maunawaan sapagkat ang mga salita ay payak at talaga namang nakaaantig ng puso.
10. Ano ang simbolong ginamit? Ang mga simbolong ginamit sa akda ay ang mga sumusunod: mga
larawang guhit, aklat, larawan, poster at talaarawan. Ang mga bagay na ito ang siyang 22 |
kumakatawan sa yumaong mahal sa buhay. Mga bagay na nagpapaalala sa mga pagsusumikap at
pagpapagal.
11. Ano naman ang naramdaman mo habang ito ay iyong binabasa? Lahat tayo mga ay may iba’t
ibang pananaw at damdamin hinggil sa paksa, ngunit sa bahaging ito marahil kayo rin ay gaya
ko, nalungkot. Sino nga naman sa atin ang magiging masaya kung ang taong mahalaga sa atin ay
pumanaw sa panahon at oras na hindi natin inaasahan.
All student

Jonas – at dito nagtatapos ang aming report. Ngayon tatanungin ko kayo kung may natutunan ba kayo
or kung may hindi ba kayo naintindihan sa aming report? Please raise a hand.

____ - kung wala na kayong katanungan may inihanda kaming mga quiz para sa inyo.

You might also like