Professional Documents
Culture Documents
Grade 12 PDF
Grade 12 PDF
LAYUNIN
A.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP
(AKADEMIK)
Pagsulat – artikulasyon ng mga ideya,konsepto,paniniwala
at nararamdaman na ipinapahayag sa paraang pasalita.
Akademya – lipunan o institusyon
ng mga kilalang iskolar,artist, o
siyentista na naglalayong
palaganapin at panatilihin ang
pamantayan sa isang tiyak na
larangan.
A.PAGLALAHAD B.PAGSASALAYSAY
C.PAGLALARAWAN D.PANGANGATWIRAN
1. Sang-ayon kay Giovanni Careri,isang manlalakbay
na Italyano na nakasapit sa ating bansa noong
1696, ang mga unang Tagalog na naninirahan sa
baybayin ng dagat at mga ilog ay sumasamba sa
mga puno ng Balite.Siya ay naglibot sa mga paligid
sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinawag na Lawa ng
Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga
naninirahan dito.
2. Masyadong maikli ang panahon para sa
preparasyon ng mga guro. Kaya ba ng limang araw
na pagsasanay na ibigay ang karampatang
kaalaman sa pagtuturo sa mga klaseng remedial
para sa buong taunang na karanasan ang mga
gurong magtuturo ng tatlong nabanggit na
asignatura,iba pa rin ang katangian at oryentasyon
ng klaseng remedial.Ang mga estudyanteng
nakapaloob dito ay matamang na mabagal
.
umintindi kaya kailangang maging mapanlikha sa
paraan ng pagtuturo at magkaroon ng maraming
gawain.Hindi kasya ang limang araw.
3. ”Dumating ang may –ari ng litsunan,sa ayos
niya’y mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng
kawayan at ihawin sa nagbabagang uling. Bilog na
bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg.
Nakasaklay na ang kanyang balikat sa magkabilang
tainga. Makipot ang nag-mantika niyang labi na
ibinaon naman ng pumuputok nyang pisngi. Biik
lamang ang kanyang tangkad kung maglakad siya’s
parang nakawalang bulog. Sumenyas
siya.Pinapupunta kami sa loob ng kanyang kural,
este opisina.”
(Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhod sa
Litsunan”).
4. Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang
karneng dinurog.Timplahan ng asin,budburan ng
kaunting paminta at ihalo ang harina. Gumawa ng
katamtamang laki ng bola-bola at kapag nabilog na ay
iprito sa mahina-hinang apoy hanggang sa pumula ito.
Ilagay sa mantika ang pinitpit na bawang at kapag
mamula –mula na ito ay igisa dito ang sibuyas at kamatis.
Sabawan ng mga anim na kutsarang tubig ang kawali
hanggang sa maging parang sarsa ang sabaw. Ihalo ang
mga ginawang bola-bola at pabayaang kumulo.
Pagkaraan ng limang minute,hanguin ang nilutong bola-
bola at ihain ito nang mainit.
5. Ngunit ang kanilang marangyang pamumuhay ay
hindi po nagtagal. Labing-isang taong gulang si Rizal
nang dakpin ang kanyang ina,palakarin ng limampung
kilometro patungong Sta. Cruz, at itapon sa
bilangguan. Wala po siyang naging sala,napag-initan
lang ng isang alkaldeng sinasabing alipores ng mga
fraile. Hindi pa dito natapos ang kalbaryo ng kanilang
pamilya Di-nagtagal,nagsimula na ang pagsamsam ng
mga fraile sa mga lupain at ilang ari-arian ng
Mercado-Rizal.
Mga Gawain sa Pagkatuto: