Aralin 10 - Gramatikang Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 88

GRAMATIKANG FILIPINO

Mga Layunin:
a. nakagagawa ng sariling pangungusap ayon sa ayos at
gamit;
b. natutukoy ang pandiwa at ang aspekto nito sa isang teksto;
c. natutukoy ang bahagi ng pananalitang ginagamit sa
pangungusap o talata;
d. nakabubuo ng mga pangungusap na may kaisahan;
e. nagagamit sa sariling pangungusap ang iba’t ibang
cohesive devises.
Gramatika o Balarila
-ang agham sa paggamit ng salita at ang kanilang
pagkakaugnay-ugnay at ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa
isang pangungusap ay isininasaalang-alang nito.
Kalakip din sa gramatika ang kawastuhan ng pangungusap na
gagamitin, pasulat man o pasalita na kailangang umayon sa tamang
gramatikal istruktyur; ang kaayusan o sintaks, kahulugan o organisasyon
o pagkakabuo at maging ang panahunan ng mga salita (Bendalan, 2013).
1. Pagpili ng Angkop na Salita

Nakasalalay sa salitang gagamitin ang malinaw na


pagpapahayag. Dapat tandaan ang kahalagahan ng
paggamit ng angkop na salita sa isang pahayag dahil
may mga salitang kahit tama ang kahulugan ay hindi
naman ang mga ito angkop na gamitin.
Halimbawa:
(Mali)- Alam mo, bagay na bagay kay Cindy ang kanyang
makipot na bunganga.
Tama- Alam mo, bagay na bagay kay Cindy ang kanyang
makipot na bibig.
(Mali) Maarte sa mga laruan ang bunsong anak ni Aling
Mercedes.
Tama- Mapili sa mga laruan ang bunsong anak ni Aling Mercedes.
• May pagkakataon din na kilangang gumamit ng
eupemismo o paglulumanay sa isang pahayag kahit na
may tuwirang salita naman para rito.
Halimbawa:
pinagsamantalahan sa halip na ginahasa
namayapa sa halip na namatay
palikuran sa halip na kubeta
2. Mga Uri ng Salitang Ginagamit sa
Pagpapahayag
a. Likas- mga salitang katutubo
Halimbawa: isda, gulay, aklat, bituin, bato, mata, kahoy, pagkain, pera, langit
b. Likha- mga inimbentong salita bunga ng pangangailangan ng
mga mamamayan sa kanilang pakikipagtalastasan.
Halimbawa: tapsilog, kapuso, kapamilya, lobat, pabebe,
Pabebe- isang pang-uri na ang ibig sabihin ay umarteng parang baby o magpa-
baby o magpa-cute.
c. Hiram/Hango- mga salitang buhat sa ibang wika.
Halimbawa: hayskul, lektyur, brodkast, dyip, bintana, basketbol, orkestra,
epektibo, drayber, iskor, ekspert
3. Ang Tamang Pagbigkas ng Salita Gamit
ang Diin

Lalaki: Tayo na ba?


Babae: Tayo na. (At tumayo ang babae)
Apat na Uri ng salita ayon sa diin:

A. Malumay
B. Malumi
C. Mabilis
D. Maragsa
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Falmareynaldo%2Fmga-uri-ng-
diin&psig=AOvVaw0eg0mcJvbz3mZuYoELLch2&ust=1601542984791000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOivsdfCkOwCFQAAAAAdAAAAABAD
Halimbawa
A. Malumay
tao, tatay, lalaki
B. Malumi
hati, bata, dila
C. Mabilis
tatakbo, batas, tatak
D. Maragsa
dukha, salita, dugo,
Tingnan ang halimbawa at alamin ang tamang
bigkas ng salita.

1. magbasa- basahin ang nakasulat sa aklat.


2. magbasa- buhusan ng tubig ang katawan

1. magbasá (mabilis)
2. magbasâ (maragsa)
1. aso- usok o smoke sa Ingles
2. aso- uri ng hayop
1. (tuldik na pahilis) tubó - pangunahing
pinagkukunan ng asukal
2. (walang tuldik) tubo - daluyan ng tubig
3. (tuldik na paiwa) tubὸ - interes sa perang
pinautang
1. bukas - sunod na araw
2. bukás -“open” o hindi sarado
• Upang makaiwas sa kalituhan, mahalaga ring
matutuhan ang angkop na pagbigkas ng mga salita
ayon sa diin.
Halimbawa:
Hukom: Ikaw ba ang pumatay?
Nasasakdal: Hindi po ako si Teryo.
Hukom: Ikaw ba ang pumatay?
Nasasakdal: Hindi po ako si Teryo.

Hukom: Ikaw ba ang pumatay?


Nasasakdal: Hindi po, ako si Teryo.

Hukom: Ikaw ba ang pumatay?


Nasasakdal: Hindi po ako, si Teryo.
4. Pagsusunud-sunod Ng Mga Sangkap Ng Pangungusap

Tingnan ang mga halimbawa:


1. Kinain ng pulis ang pansit sa ilalim ng tulay.
2. Sa ilalim ng tulay kinain ng pulis ang pansit.
3. Sa ilalim ng tulay kinain ang pansit ng pulis.
4. Kinain ang pansit ng pulis sa ilalim ng tulay.
5. Kinain sa ilalim ng tulay ng pulis ang pansit.
6. Kinain ng pulis sa ilalim ng tulay ang pansit
4. Pagsusunud-sunod Ng Mga Sangkap Ng Pangungusap

Tingnan ang mga halimbawa:


1. Kinain ng pulis ang pansit sa ilalim ng tulay.
2. Sa ilalim ng tulay kinain ng pulis ang pansit.
3. Sa ilalim ng tulay kinain ang pansit ng pulis.
4. Kinain ang pansit ng pulis sa ilalim ng tulay.
5. Kinain sa ilalim ng tulay ng pulis ang pansit.
6. Kinain ng pulis sa ilalim ng tulay ang pansit.
4. Pagsusunud-sunod Ng Mga Sangkap Ng Pangungusap
Tingnan ang mga halimbawa:
1. Kinain ng pulis ang pansit sa ilalim ng tulay.
2. Sa ilalim ng tulay kinain ng pulis ang pansit.
3. Sa ilalim ng tulay kinain ang pansit ng pulis.
4. Kinain ang pansit ng pulis sa ilalim ng tulay.
5. Kinain sa ilalim ng tulay ng pulis ang pansit.
6. Kinain ng pulis sa ilalim ng tulay ang pansit
4. Pagsusunud-sunod Ng Mga Sangkap Ng Pangungusap

Tingnan ang mga halimbawa:


1. Kinain ng pulis ang pansit sa ilalim ng tulay.
2. Sa ilalim ng tulay kinain ng pulis ang pansit.
3. Sa ilalim ng tulay kinain ang pansit ng pulis.
4. Kinain ang pansit ng pulis sa ilalim ng tulay.
5. Kinain sa ilalim ng tulay ng pulis ang pansit.
6. Kinain ng pulis sa ilalim ng tulay ang pansit
5.Ang Ayos Ng Pangungusap

Tinatawag na karaniwan at di karaniwan ang ayos


ng pangungusap sa Filipino.
A.Karaniwan- nauuna ang panaguri kaysa paksa.

A. Di karaniwan- nauuna ang paksa kaysa panaguri,


at ginagamit dito ang panandang “ay”.
a. Ang mga empleyado ng DOH ay namigay ng
libreng gamot.
b. Namigay ng libreng gamot ang mga empleyado
ng DOH.
6. Mga Di-Ganap Na Pangungusap

Ayon kay Dr. Alfonso Santiago, ang pangungusap na di-


ganap ay isang sambitlang may panapos na himig sa dulo
(De Dios at Lozano, 2014). Ito ay inuri niya sa sumusunod:
Ito ay inuri niya sa sumusunod:

1. Eksistensyal- nagsasaad ng “pagkamayroon” o


“pagkawala.”
Hal. May tao sa silong.
Walang umayon.
2. Paghanga
Hal. Ang tangkad niya!
3. Matinding damdamin
Hal. Aray!
4. Nagsasaad ng panahon
Hal. Bumabagyo.
5. Pagtawag
Hal. Halika rito.
6. Pagbati
Hal. Kumusta ka?
7. Pormularyong panlipunan
Hal. Tao po!
8. Pagpapaalam
Hal. Aalis na po kami.
9. Pampook ( bilang sagot sa tanong)
Hal. Saan ka galing? Sa Cavite.
7. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

1. Pasalaysay o Paturol- gumagamit ng bantas na


tuldok at nagpapahayag ng pangyayari, kaisipan at
katotohanan.
2. Pautos/Pakiusap- nag-uutos o nakikiusap;
ginagamitan ng kuwit kung may pagtawag, at
tuldok sa hulihan.
3. Patanong- ginagamitan ng bantas na pananong;
nagtatanong at nagnanais na makaalam hinggil sa isang
bagay.
4.Padamdam- nagsasaad ng paghanga o matinding
damdamin. Gumagamit ito ng tandang pandamdam (!) sa
hulihan.
8. Ang Mga Pangatnig
Conjunction sa Ingles ang pangatnig. Ito ay mga
kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay na pinagsunod-sunod sa
pangungusap.
Hal. at, kung, ngunit, pero, habang at iba pa
Halimbawa:
A. Nag-uugnay ng dalawang salita
Mahirap paghiwalayin sina Bert at Lyca.
B. Nag-uugnay ng dalawang parirala (phrase)
Pakikinig sa musika at pagsusulat ng tula ang hilig ni Bianca.
C. Nag-uugnay ng dalawang sugnay (clause)
Si Emma ang tagapagdesinyo ng gown ni Pia at si Laylay
naman ang tagapagdesinyo ng barong ni Miguel.
9. Mga Cohesive Devices
Cohesive devices ang tawag sa mga salita at pariralang
nag-uugnay ng mga salita, parirala, at sugnay sa loob ng
pangungusap, ng mga pangungusap sa loob ng talata at ng
mga talata sa loob ng komposisyon.
Ang mga pangatnig ay nagsisilbing cohesive devices
bagamat may mga pariralang ginagamit ang mga
manunulat at mambibigkas upang matamo ang kaisahan
ng isang pahayag o komposisyon (Casanova et al., 2001).
Mga halimbawa ng cohesive devices:

taliwas sa, taliwas sa mga, batay sa, batay sa mga, batay kay, batay kina,
ayon sa, ayon sa mga, ayon kay, ayon kina, marahil, siguro, bukod dito,
alinsunod sa, alinsunod sa mga, gayon din, ganoon din, batay sap ag-
aaral, batay sa pananaliksik, batay sa resulta, batay sa ulat/ report,
alinsunod sa, alinsunod sa mga, kaugnay nito, kaugnay ng mga ito,
samakatwid, halimbawa, bilang halimbawa, gayon pa man/gayunpaman,
may posibilidad na, bilang konklusyon, bilang pangwakas, hindi
maitatatwa na, noong mga nakaraan, noong lumipas na panahon, sa
kasalukuyang panahon, atbp.
10. Ang Gamit ng Mga Cohesive Devices (Casanova et
al.,2001).
1. Pagpapahayag ng pagdaragdag
(ganoon din/gayundin; at saka; bilang; karagdagan/dagdag pa rito;
riyan/roon; at saka, hindi lamang; pati na)
2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan
(maliban sa/ maliban sa mga; kay/kina; bukod kay/bukod kina; bukod
sa/bukod sa mga)
3. Pagpapahayag ng dahilan-resulta ng isang pangyayari o kaganapan
(kaya; kaya naman; dahil; dahil sa; dahil sa mga; dahil kay; dahil kina;
pagkat; sapagkat; dahil dito; bunga nito)
4. Pagpapahayag ng kondisyon-bunga/kinalabasan
(sana; kung; kapag; sa sandaling; basta’t)
5. Pagpapahayag ng taliwasan, salungatan o contrast
(pero; ngunit; sa halip; kahit; kahit na)
6. Pagpapahayag ng pananaw o punto de bista
(ayon sa; ayon sa mga; ayon kay; ayon kina; batay sa; batay sa mga;
batay kay; batay kina; para sa; para sa mga; para kay; para kina; mula sa
pananaw ng; sa paningin ng; sa paningin ng mga; alinsunod sa)
7. Pagpapahayag ng pagsang-ayon, di- pagsang-ayon at di-ganap
na pagsang-ayon. (kung gayon; kung ganoon; dahil dito, samakatwid;
kung kaya)
8. Pagpapahayag ng probabilidad, kakayahan, o paninindigan
(maaari; pwede; posible; marahil; siguro; sigurado; tiyak).
9. Pagpapahayag ng pagbabago ng paksa o tagpuan (gayunman;
ganoon pa man; gayunpaman; sa kabilang dako; sa kabilang banda; sa
isang banda; samantala)
10. Pagpapahayag ng pagbibigay-linaw sa isang ideya, pagbubuod at
paglalahat (sa madaling salita; sa madaling sabi; bilang paglilinaw; kung
gayon; samakatwid; kaya; bilang pagwawakas; bilang konklusyon)
11. Pagpapahayag ng halimbawa (bilang halimbawa; ilan sa mga
halimbawa)
12. Pagpapahayag ng pagpapatunay (bilang pagpapatunay; patunay
nito).
13. Pagpapahayag ng kabaligtaran/taliwasan (taliwas nito; taliwas
rito; taliwas riyan; taliwas sa ulat; taliwas sa paniniwala; bagkus)
14. Pagpapahayag ng pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari
(kasunod nito; kasunod niyan).
15. Pagpapahayag ng pag-uugnayan ng mga pangungusap o
talata (kaugnay nito, kaugnay niyan)
16. Pagpapahayag ng sabay na kalagayan o pangyayari (kasabay
nito, kasabay niyan, kaalinsabay nito' kaalinsabay niyan)
11. Kohesyong Gramatikal

Kohesyong gramatikal -ang mga salitang nagsisilbing


pananda upang maging hindi paulit-ulit ang mga salita.
Dalawa ang Kohesyong Gramatikal:
1. Anapora- panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
2. Katapora- panghalip na ginagamit sa unahan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.
A. Nabili niya ang pinapangarap na SUV, kaya
masayang-masaya na si Joshua.

B. Kung papasok si Abner sa klase bukas, pakisabi lang


na ibig ko siyang makausap.
C. Sa erport na ito tayo unang nagkita,
dito kita unang nakilala.
12. Mga Uri ng Pangatnig
1.Nag-uugnay ng magkatimbang na yunit
a. Pamukod - o, ni, maging, man
b. Panalungat o paninsay- at, pati, maging, subalit, ngunit, datapwat
bagaman, saka, habang
2.Nag-uugnay ng di- magkatimbang na yunit
a. Panubali- kung, kapag/pag
b. Pananhi- dahil sa, sapagkat/pag
c. Panlinaw- kaya, kung gayon, sana
13. Mga Uri ng Sugnay
Lipon ito ng mga salitang may paksa at panaguri na
maaaring buo o hindi ang diwa.
A. Sugnay na makapag-iisa- nagtataglay ng buong diwa
o kaisipan
B. Sugnay na di- makapag-iisa- hindi buo ang diwa ng
ipinahahayag.
1. Tapos ko na ang aking takdang-aralin dahil ginawa ko
ito kagabi.
2. Labis ang pagtitipid ng mga ilaw ng tahanan dahil sa
mahal ang mga bilihin ngayon.
14. Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
1. Payak- nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan.
a. Dapat nating ingatan ang ating likas na yaman.
2. Tambalan- pinag-uugnay sa isa ang dalawa o mahigit
pang mga kaisipan. Binubuo ito ng dalawa o mahigit pang
mga payak na pangungusap o dalawa o mahigit pang sugnay
na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig tulad
ng: at, saka, pati, ngunit, datapwat, subalit, maging.
a. Si Betty ay magluluto at ikaw ay maglilinis ng
bakuran.
3. Hugnayan- binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa
at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Pinag-
uugnay ito ng kung, kapag, samantala, habang,
sapagkat, upang, nang, dahil sa, palibhasa, na at nang.
a. Nasira ang kamera habang ginagamit ng anak niya.
b. Guguho ang mundo kung mawawala ka sa piling
ko.
4. Langkapan- binubuo ito ng dalawa o mahigit pang
sugnay na makapag-iisa at isa pang sugnay na di-
makapag-iisa.
a. Si Remia ay mag-aaral ng Tourism Management at
si Lucy ay kukuha ng kursong Hospitality
Management palibhasa'y hilig nila ang mga ito.
b. Nang magkaroon ng meting, ang tagapayo ay hindi
dumating at ang tagapangulo naman ay nagkasakit.
15. Pagbuo ng Pangungusap

May kaisahan ang pangungusap kung ang bawat bahagi


nito ay tumutulong para maihayag nang malinaw ang
pangunahing diwa nito. Upang matiyak ang kaisahan sa pagbuo
ng pangungusap, dapat tandaan ang sumusunod (Bernales et al.,
2012):
v Dapat nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa
(tenses of the verb) sa pangungusap.
• Di-nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwian na ang mga
estudyante ni G. Cruz.
• Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi na ang mga estudyante
ni G. Cruz
v Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi
magkakaugnay na kaisipan.
Di-magkakaugnay: Hindi uunlad ang ating bansa
kapag hindi natin ito minamahal, at nahilig tayo sa
kalayawan.
Wasto: Hindi uunlad ang ating bansa kapag hindi
natin ito minamahal.
v Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng
pangungusap.

Di-timbang: Matapos magsilaro ay agad na nagbalot


ng gamit ang mga atleta.
Timbang: Matapos magsilaro ay agad na nagsipagbalot
ng mga gamit ang mga atleta.
Di-paralel: Ang pag-eehersesyo at
masustansyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti ng ating kalusugan.
Paralel: Ang pag-eehersesyo at pagkain ng
mga masustansyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti ng ating kalusugan.
v Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang
pangunahing sugnay at ang pantulong na sugnay.
Hindi malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko
binili ang relo.
Malinaw: Dahil sa ayaw ko sa relo, hindi ko iyon
binili.
vHuwag ilayo ang salitang panuring sa
tinuturingang salita.
vSa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa simuno
sa karaniwang ayos ng pangungusap.
vIwasan ang pagsama-sama ng maraming kaisipan
sa isang pangungusap.
16. Mga Bahagi ng Pananalita
Ang balarila o gramatika ng wika ay nakasalalay
sa mga salitang pangnilalaman. Ang mga ito ay
siyang nagtatakda ng mga pangunahing
kahulugan (Maglaya et al.,2003).
Ang mga bahagi ng pananalita sa Filipino
ay:

1. Pangngalan- panawag ito sa ngalan ng tao,


hayop, bagay, pook, at pangyayari.
Mga Uri ng Pangngalan:

a.Pantangi- tanging pangalan ng tao, hayop, bagay,


lugar o pangyayari; isinusulat na nagsisimula sa
malaking titik.
Halimbawa: Mario, Brownie, Bicol, Linggo ng Wika
a.Pambalana- tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng
tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.
Halimbawa: bata, kambing, aklat, nayon, piyesta
Kasarian ng Pangngalan

1. Panlalaki
Hal. lolo, ama, kuya, ninong, tandang, Don Juan
2. Pambabae
Hal. ina, modista, ate, ninang, dalaga, Gng. Ramos
3. Di-tiyak (di alam kung lalaki o babae)
Hal. mag-aaral, pamangkin, panauhin, guro
4. Walang kasarian- (nauukol sa mga
bagay at lugar)
Hal. Boracay, lunsod, puno, papel, aklat,
Iloilo
Kalikasan ng Pangngalan

1. Likas- kung ito ay talagang salitang Filipino sa


mula't mula pa at ito ay salitang-ugat (root word).
Hal. tala, ilog, araw, bathala, apoy, ligaya
2. Likha- kung ito'y yari ng mga pantas sa wika o
dalubhasa sa wika; agham, talatinigan, sining,
balarila
3. Ligaw- mga salitang hinango o
hiniram sa mga salitang banyaga.
Hal. demokrasya, hopia, titser,
relihiyon
Kayarian o Anyo ng Pangngalan

1. Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang.


Hal. radyo, musika, tasa, isda
2. Maylapi- binubuo ng salitang maylapi.
Hal. magpinsan, kabataan, palayan, bukirin
3. Inuulit- ang salitang-ugat o unang pantig ng
salitang-ugat ay inuulit.
Hal. bahay-bahay, araw-araw, ari-arian
4. Tambalan- dalawang salitang pinagtambal
upang makabuo ng bagong salita.
Hal. silid-aralan (tambalang di-ganap)
bahaghari (tambalang ganap)
Ang mga bahagi ng pananalita sa Filipino ay:

2. Panghalip
-salitang panghalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook at pangyayari
Mga Uri ng Panghalip

1. Panao- panghalili sa ngalan ng tao, bagay,


hayop, pook at pangyayari. May tatlong panauhan
ito:
• Unang panauhan- ako, ko, kami tayo
• Ikalawang panauhan- ikaw, ka, kayo, inyo, ninyo
• Ikatlong panauhan- siya, sila, nila, kanya, kanila
2. Pamatlig- panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng
tao, bagay, pook at pangyayari-
ito, iyan, iyon, dito, doon, ganito, ganyan, ganoon,
ganire
3. Pananong- ginagamit sa pagtatanong ng tao,
bagay, pook, at pangyayari-
sino, ano, alin, kanino, magkano, kailan, ilan sino-
sino, atbp.
4. Panaklaw- nagsasabi ng dami o bilang ng tao,
bagay, pook at pangyayari-
kapwa, lahat, madla, sinuman, alinman,pawang,
anuman
Ang mga bahagi ng pananalita sa Filipino ay:

3. Pandiwa
- nagsasaad ng kilos o galaw ng lipon ng salita sa
mga pangungusap.
Mga Aspekto ng Pandiwa

1. Perpektibo- kapag ang kilos ay nasimulan at natapos


na:
nagbasa, sinabi, itinago, sinamahan, natulog, tumakbo
2. Imperpektibo- kung ang kilos ay sinimulan na
ngunit itinutuloy pa o kasalukuyang nagaganap:
nagbabasa, sinasabi, sinasamahan, natutulog,
tumatakbo
3. Kontemplatibo- kapag ang kilos ay gagawin o
mangyayari pa lamang:
mag-iipon, bibigyan, sasali, tatakbo, ipagsasabi, aayusin
Mga Tinig ng Pandiwa

Dalawa ang tinig ng pandiwa: Tukuyan at


Balintiyak

A. Tukuyan- (active voice) kapag ang paksa/simuno ay


siyang gumagawa ng kilos.
Hal. Mga Brgy. Tanod ang humabol sa mga pasaway
na lalaki.
B. Balintiyak- (passive voice) kapag hindi ang
paksa o simuno ang gumanap sa kilos ng pandiwa.
Hal. Ang mga pasaway na lalaki ay hinabol ng
mga Bgy. Tanod.
Ang mga bahagi ng pananalita sa Filipino ay:

4. Pang-uri
Ito ang mga salitang nagpapahayag
ng katangian o mga salitang
naglalarawan.
Kaantasan ng Pang-uri:

1. Lantay- nag-iisa lamang ang tinutukoy o


inilalarawan.
2. Pahambing- kapag may pinagtutulad o pinag-
iiba.
Dalawa ang uri nito:
magkatulad at di-magkatulad.
3. Pasukdol- ipinakilala nito ang pinakatampok sa
lahat, o nangunguna sa lahat ang katangian.
Makikilala ito sa pamamagitan ng marker na:
di- hamak na, lubha, lalo, totoo, sukdulan ng, ubod
ng, hari ng, napaka, pinaka, saksakan ng.
Mga Halimbawa:

1. Totoong tapat sa kanyang kapwa si Punong Bgy. Jose


del Rosario.
2. Masipag na estudyante si Winston.
3. Ubod ng ganda ang reyna sa piyesta.
4. Simbango ng shampoo ni Elena ang shampoo ni
Novie.
5. Si Alice ang pinakamatalino sa klase.
6. Higit na gusto ni Eric ang pagsayaw kaysa paglalaro
ng basketbol.
Mga Pang-uring Pamilang

1. Patakaran/Kardinal- likas ang mga bilang na ito


Halimbawa: isa, dalawa…..sandaan, sanlibo, sanlaksa
(10,000) sangyuta (100,000) sang-angaw/sangmilyon,
sangbilyon
2. Panunuran/Ordinal- mga bilang na naghahayag ng pagka sunud-
sunod, pagkakahanay, baitang o antas.
Halimbawa: una/pang-una, pangalawa/ ikalawa,
pansampu/ikasampu
3. Pamahagi/Fraksyunal- ginagamit sa pagbabahagi o
pagbubukod ng ilang hati sa isang kabuuan.
Halimbawa: kalahati (1/2), tigsampu, 5 porsyento

4. Patakda- ginagamit sa pagsasabi ng tiyak na bilang;


nasa anyo ng parsyal na pag-uulit
Halimbawa: iisa, dadalawa, lilibuhin, dadaanin
Ang mga bahagi ng pananalita sa Filipino ay:

5. Pang-abay
-bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa
pandiwa, sa pang-uri o kapwa pang-abay.
Halimbawa: Nagbibigay turing sa Pandiwa:
Malumanay niyang sinabi sa ama niya ang totoong
nangyari.
Halimbawa: Nagbibigay turing sa Pang-uri
Totoong masikap na anak si Leandro.
Halimbawa: Nagbibgay turing sa kapwa Pang-abay
Talagang maraming kinuha sa bukid ang mga
magsasaka.
Mga Uri ng Pang-abay

1. Pamanahon- sumasagot sa tanong na kailan at nagsasaad ito


ng panahon.
Hal. Balang-araw ay magtatagumpay rin siya bilang abogado.
2. Panlunan- nagsasaad ng pook o lunan at sumasagot sa
tanong na saan.
Hal. Maghintay ako sa aklatan kung hindi tayo magkita sa OV-
205.
3. Panggaano- sinasaad nito ang dami, bilang, o halaga ng
binabanggit na pandiwa sa pangungusap.
Hal. Maraming naghihitay na mga mag-aaral sa opisina ng
Registrar.
4. Pamaraan- sinasabi nito kung paano naganap ang kilos ng
pandiwa.
Hal. Patakbong sinalubong ni Myka si Ramil.
5. Pang-agam- nagpapahayag ng pag-
aalinlangan o kawalan ng katiyakan.
Hal. Tila hahabulin ng aso ang pusa na iyon.
6. Panang-ayon- nagsasaad ng pagkatig o
pagpayag.
Hal. Totoong matulungin ang kanilang mayor.
7. Pananggi- nagsasaad ng pagsalungat, pagtanggi
o pagbabawal.
Hal. Huwag mong galawin ang larawan sa mesa.
8. Panulad- ginagamit sa paghahambing ng kilos o
galaw ng pandiwa o kaya'y paghahambing ng mga
pang-uri.
Hal. Lubhang masipag magbasa at magbalik-aral
ang pinsan niya.
9. Panunuran- tumutukoy sa ayos ng pagkakasunud-
sunod sa hanay o kalagayan.
Hal. Kahuli-hulihang nagsalita ang paborito kong
kandidato.
10. Pamitagan- nagsasaad ng paggalang o pagsasaalang-
alang.
Hal. Mawalang-galang nga po. Pwede bang magtanong?
11. Pananong- ginagamit ito sa pagtatanong.
Hal. Gaano ba kadalas ang pagkikita ninyong
tatlo?
12. Panturing- nagsasaad ng pagkilala ng utang na
loob o kasiyahang loob.
Hal. Salamat na lamang at di ka pinarusahan ng
iyong ina.
Salamat!

You might also like