Text

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang balita para sa mga solo parents at persons with disability (PWDs) sa

lungsod ng Maynila.

Ito’y dahil inianunsiyo na ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes na tatanggap
ang bawat isa sa kanila ng tig-₱3,000 sa susunod na buwan para sa kanilang buwanang
allowance mula sa city government.

Ayon kay Lacuna, ang target na petsa your nang paglalabas ng nasabing financial
assistance ay sa unang linggo ng Disyembre. Tiniyak din ni Lacuna sa mga solo
parents at PWDs na ang nasabing benepisyo ay magpapatuloy sa ilalim ng kanyang
liderato.

Kaugnay pa nito, sinabi rin ng lady mayor na ang monthly financial assistance para
sa senior citizens at university students sa lungsod ay patuloy na ibinibigay.

Ang pagbibigay ng financial aid ay bahagi ng city government’s social amelioration


program. Ito ay binubuo ng 15,000 senior citizens; 21,800 PWDs; 5,000 solo parents;
17,000 university students at 5,000 Grade 12 students.

Ang mga college students ay tumatanggap ng ₱1,000 monthly allowance mula sa city
habang ang mga senior high school students ay tumatanggap ng ₱500 kada buwan pareho
din ng solo parents, senior citizens at PWDs.

You might also like