Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

March 5, 2023

Rev. Fr. Rufino Coronel Sescon Jr.

Rektor at Kura Paroko

Basilika Menor ng Itim na Nazareno

Quiapo, Manila

Sa aming iginagalang na Fr. Jun na aming kalakbay at pastol,

Isang mapagpalang araw po! Ako po ay si John Pablo, 28 na taong gulang, kasalukuyang nakatira sa Gate
8 Parola Tondo, Manila. Sa kaibuturan po ng aking puso, ay dumudulog po ako sa inyo na kami’y
magawaran ng Banal na Sakramento ng Kasal ng aking magiging asawa na si Rizelle Bona, 26 na taong
gulang sa petsa po na ika-26 ng Agosto 2023 (Sabado). Kami po ay handa sa anumang pagbabago po ng
petsa sang-ayon po sa inyong mapagpasyahan.

Kami po ay mahigit limang taon nang nagsasama at sa awa ng Diyos ay nabiyayaan po ng isang anak na
babae na anim na buwang taong gulang na po sa ngayon.

Tungkol po sa aking pananampalataya, masasabi po na ako ay isang nagbabalik-loob mula sa ibang uri ng
relihiyon. Nung ako po ay bata pa, ako po ay dinala ng aking Ama sa isang “born-again” na samahan sa
aming dating tirahan sa Las Pinas. Nang ako po ay naghustong-gulang na, unti-unti po akong nahikayat ng
aking ina na samahan siya sa pagsisimba sa Parokya ng Quiapo mula taong 2010 (panahon ni Msgr. Clem)
at simula po noon ay ako’y napalapit na po sa ating mahal na Senyor.

Sa nilipas ng mga panahon, saksi po ako sa kapangyarihan ng ating Senyor, hindi niya po pinabayaan ang
aking pamilya gayon na din po ako. Sa ngayon po, sa aming pagsisikap at sa Kanyang pagpapala, unti-unti
po kaming nakakahanap ng paraan upang umahon sa aming kalagayan at sa ilang buwan nga po ay
makakalipat na rin po kami sa aming sariling tahanan.
Naalala ko po ang inyong mga sinabi, Fr. Jun, nung kayo po ay nag homilya bago ganapin ang Walk of
Faith:

“Tumingala kay Hesus at humingi ng paggabay;

Talikdan ang dapat talikdan at sumulong;

Tumalima sa kalooban ng Ama"

Sa mga nakalipas na panahon, sa bawat traslacion at mga munting sakripisyo po na aking inalay, ito po
ang aking paraan upang Tumingala.

Sa aking pagsisisi at patuloy po na pagtutuwid ng aking buhay, ito po ang aking paraan upang Talikdan
ang dapat talikdan at tahakin ang tamang landas.

At bilang panghuli po, ang aking pagpapakumbabang pagdulog po sa inyo upang ako na ay mabinyagan
na sa Banal na Simbahang Katolika, gayundin po na kami ng aking magiging asawa ay madulutan ng
Banal na Sakramento ng Kasal ay ang amin pong pagpapahayag na kami po ay Tumatalima sa kalooban
ng Ama.

Kami po ay susunod sa anuman pong gawain na inyong ipagkakaloob po ninyo sa amin. Tatanawin ko po
itong malaking utang na loob at asahan po ninyo na ako po at ang aking pamilya ay mas lalo pong
maglilingkod bilang kabahagi ng Simbahan at Komunidad ng Quiapo.

Lubos po na gumagalang,

John Paul Pablo

E-mail: jpc.pablo.1995@gmail.com

Contact Number: 09270242151

You might also like