Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Pangasinan State University


Sta. Maria, Pangasinan

PRE-TEST EGE 106


Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II- Panitikan ng Pilipinas

Pangalan: CAMPOS, ALYANNA CLARISSE P. Date: MAR. 1, 2023

Year/Section: BEED 3A

Panuto: Turan at talakayin ang hinihiling / tinutukoy sa bawat pahayag sa ibaba.

1. Ano ang Panitikan?

Ang panitikan ay kalipunan ng mga sulatin at mga akdang maituturing ding mga likhang sining. Ang salitang
panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping
"an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa
Latin na litterana nangunguhulugang titik. Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

2. Ano ang kahalagahan ng Panitikan?

Ang panitikan ay mahalaga dahil nagkakaroon tayo ng mas malalim na pag-intindi at panibagong perspektiba
sa kung ano ba ang kahalagahan ng Panitikan. Dagdag pa dito, panitikan ang gumagawa ng paraan para makita
ng iba’t ibang tao kung ano ang kanilang pagkakapareho sa kabila ng maraming pagkakahati-hati nila sa usapin
ng lahi, rehiyon, bansa, kasarian, ideolohiya, panahon at iba pa. Natutulungan tayo ng panitikan na malinang
ang ating isipan na kritikal na tumingin sa mga bagay bagay at pagsusuri nito.

3. Anu-ano ang iba’t ibang anyo ng Panitikan?

 Pasalin-dila
 Patula
 Pasulat

4. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Panitikang Filipino?

Mahalaga ang panitikan upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng
kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan. Ito ay isang paraan upang mabatid natin ang mga
kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito at malaman ang ating mga
kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad. Bilang mga Pilipinong mapagmahal
at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan. Tayo higit kanino
man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.

5. Sa mga uri ng panitikan, alin ang gustung-gusto mo at bakit? Magbigay ng halimbawa.

Ang Pasulat na panitikan. Sa paraang ito, mas naipapahayag ang damdamin, kaisipan at karanasan.
6. Sino ang pinakatanyag na makatang Filipino para sa’yo? At bakit? Magbigay ng halimbawa ng kanyang
inakda at bigyan ito ng maikling paglalarawan.

Si Francisco Baltazar o mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na Pilipinong makata, at
malawakang itinuturing na isa sa mga pinakadakilang Pilipinong pampanitikang Filipino. Siya ang itinuturing na
Ama ng Balagtasan. Isa sa mga kanyang akda ay ang Florante at Laura. Isang kilalang mahabang tula na isinulat
ni Francisco Baltasar, isang mahusay na manunula na kinikalala na isa sa mga pinakamagaling sa kanyang
panahon. Mas kilala si Francisco Baltasar sa pangalang Balagtas. Ang Florante at Laura ay tungkol sa kwento ng
buhay nina Florante at Laura sa kahariang Albanya. Makikita sa mga pahina nito ang mga iba’t ibang mga
pakikipagsapalaran. May kwento ng giyera laban sa mga Turko. May kwento din ng pag-ibig nina Florante at
Laura at nina Aladin at Flerida. Ito ay isa sa mga librong kailangan pag-aralan ng mga mag-aaral na high school
sa buong Pilipinas dahil isa ito sa mga obra maestra na sinulat ng isang Pilipinong manunulat.

ZTC?03/01/23

You might also like