Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Marienne Denise O.

Martinez Fil 1
BSIT
Bilang isang mag-aaral paano mo pa mas malilinang ang iyong kakayahan sa pagsusuri hinggil
sa pagpoproseso ng mga impormasyon?
Ang pagproseso ng impormasyon ay maaring tumukoy sa pag-intindi at paglaganap nito. Ito ay
matuturing na isang paraan na tumutulong mag proseso ng kaalaman mula sa iba’t ibang aspekto
na pupwedeng manggaling sa narinig, naitala, nakita, o nabasa. Ito ay nakukuha sa pamamagitan
ng direkta na pakikisalamuha sa kapwa at sa paligid. Dahil dito ay mas lumalawak ang kaalaman
ng bawat taong makakakuha o makakatanggap ng impormasyon, dagdag pa dito ay nag aambag
din ito sa pag iisip ng analitikal na nakakatulong kapag ang tagapagtanggap ay nabibigyan ng
pagkakataon makapagproseso ng maraming impormasyon.
Sa pagpropeso ng impormasyon ay kinakailangan na nalalapatan ito nang maayos na sistema at
organisasyon ang mga konsepto o ideya ng taga-paghatid upang lubos na maintindihan ng mga
magiging taga-pagtanggap ng kaalaman. Nakakatulong sa pagproseso ng kaalaman ang pag-
intindi ng mga kategorya ng pagproseso nito. Ito ay ang pandinig, pampaningin, at pagkilos. Sa
pamamagitan ng pandinig, ay natatamo natin ang mahahalagang impormasyon. Maaring ito ay
galing sa isang talakayan o anumang gawaing ginagamitan ng tainga o ating pandinig. Isang
halimbawa nito ay ang pakikinig sa talakayan sa iskul, maraming impormasyon ang pupwedeng
malaman ng bawat isa sa eskwelahan. Pangalawa naman ay ang pampaningin. Ang mga
halimbawa katulad ng tsart o dayagram ay ilan lamang sa mga pinaka mahusay na halimbawa
upang maipakita at mapaintindi ang impormasyon sa biswal na pamamaraan. Ang pang huli
naman ay ang pagkilos. Sa prosesong ito ay nagaganap ang pag-unawa ng gustong maipakitang
mensahe sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na pisikal o ng pagkilos.
Bilang isang mag aaral mas mapapalinang ko ang aking kakayahan sa pagsusuri hinggil sa
pagpoproseso ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagpili ng batis ng impormasyon.
Ngayon ay mas nagagamit na ang kagamitang panteknolohiya sa pagkuha ng impormasyon.
Ngunit, hindi lahat ng laman nito ay masasabi nating totoo at maasahan. Dahil sa dami ng
modelo ng komunikasyon, nararapat lamang na maintindihan ng bawat mangbabasa o taga
pagtanggap ang iba’t ibang anyo, element at konsepto ng komunikasyon. Sa wastong pagsuri ng
ating kinukuhang impormasyon ay mabisa upang makaiwas sa mga peking impormasyon.
Kinakaylangan nating basahing mabuti kung ang mga aklat, dokumento o ano mang pag
kukuhanan ng impormasyon ay nag bibigay ng direktang katibayan tungkol sa paksa na ating
gusting malaman o sa paksang ating sinasaliksik. Dagdag na rito ay ang pag-intindi ng mensahe
ng impormasyon sa kaugalian ng taga-pagtanggap ng ideya. Dapat ay malawak ang kaisipan ng
bawat indibidwal na makakatanggap ng kaalaman upang maintindihan at maproseso ng mabuti
ang impormasyon na gustong maisawalat o maibahagi ng taga-paghatid ng mensahe.

You might also like