2ND Quarter Exam in Filipino 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

2ND QUARTER EXAM

IN FILIPINO 6
I. Piliin ang letra ng pinaka-angkop na sagot.

1. Ang kambal na sina Nelia at Delia ay _________________. Kampyeon si Delia sa Science Quiz Bee. Panalo
naman si Nelia sa tagisan ng talino sa paaralan.

A. kapwa mabilis C. kapwa malusog


B. kapwa matalino D. kapwa matangkad

2. Masayang nagtatawanan ang mga tao sa labas ng bahay nina Jose. Nakikipagkwentuhan siya sa kaniyang
kapitbahay habang bumibitaw ng mga biro at kalokohan. Si Jose ay ______________.

A. kapuri-puri B. maalalahanin C. nakakaaliw D. nakakainis

3. Paliging sinusunod ni Lance ang mg utos ng kaniyang mga magulang. Lagi rin siyang umuuwi sa bahay ng
maaga para hindi mapagalitan ng magulang. Maraming humahanga sa kanya dahil sa siya ay ______________.

4. ______________ ang mga nakuhang prutas nila Perly. Agad nila itong kinain dahil dilaw na ang mga balat nito.

A. Bulok B. Hinog C. Makunat D. Sariwang-sariwa

5. Gumaling sa matinding sakit si Aling Nora. ___________ kasi ang mga gamot na ibinigay sa kanya ng doctor.

A. Mabango B. Mabait C. Mabisa D. Matapang

6. Agad ginagawa ni Mario ang kaniyang mga takdang-aralin. Lagi rin siyang nagbabasa ng mga libro tuwing
may bakante siyang oras. Si Mario ay ___________________.

A. maaalahanin B. mapitagan C. masipag D. masunurin

7. ____________ ang mga anak ni Aling Zeny. Magagalang na pananalita ang maririnig mo sa kanila tuwi-tuwina.
Maging ang pagmamano at paghalik sa kamay sa mga nakatatanda ay ginagawa din nila.

A. Magagalang B. Masusungit C. Matatapang D. Matutulin

8. Ang dengue at malaria ay mga sakit na nagmumula sa kagat ng lamok. Ang mga sakit na ito ay nakamamatay.
Ang sakit na dengue at malaria ay maituturing na ___ .

A. mabigat B. maganda C. mapanganib D. masarap

II. Piliin ang angkop na kahulugan sa bawat idyoma. Piliin ang letra ng tamang sagot.

9. pusong mamon 10. Magsunog ng kilay


a. mahina a. sunugin ang kilay
b. mabait b. magbasa ng libro
c. masunurin c. maglaro ng apoy
d. malusog d. mag-aral ng mabuti
11. matalim ang dila 12. Nagbibilang ng poste
a. mahinahon ng masalita a. walang bahay
b. mabilis magsalita b. walang trabaho
c. masakit magsalita c. walang kausap
d. mahina magsalita d. walang pera

13. may uod sa katawan 14. Nagdilang anghel


a. magling a. nagkatoo ang sinabi
b. malambot ang katawan b. naging maswerte
c. malikot c. magaling magsalita
d. mabagal d. nagkatanggap ng biyaya

15. iginuhit sa tubig 16. Di mahulugang karayom


a. pinabayaan a. maraming utang
b. kinalimutan b. maraming tao
c. inilista c. maraming tatahiin
d. ibinigay d. maraming pera

III. Ibigay ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na salita.

17. “Naku, ayaw namin sa kaniya. Kay pangit naman niya. Dadalawa ang paa at walang sungay-sungayan,” sabi ng
mga salagubang.

A. Naaasar o naiinis
B. Natutuwa
C. Nagagalit
D. Naiiyak

18. “ Salamat sa iyo, maliit at magandang bata!” sabi ng ibon.

A. Nagagalak
B. Nayayamot
C. Nalulungkot
D. Naaasar

19. “Naku, ikaw pala, maliit na bata,” sabi ng butihing si Dagang –bukid. “Tuloy ka. Dito sa loob ng bahay ko ay
maaalis ang iyong ginaw.”

A. Nanghihinayang
B. Naaawa
C. Nagagalit
D. Natutuwa

20. madilim: maliwanag;


marunong: _______
A. Mangmang
B. Mahusay
C. naiiba
D. maayos

21. balintataw: imahinasyon;


kudil: ____________

A. balat
B. kutsyara’t tinidor
C. bahagi ng katawan
D. bahagi ng kaisipan

IV. Piliin ang angkop na pang-uri at pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.

22. kanilang mga anak ang itinuturing na _____ sa mga naninirahan doon.

A. masisipag
B. masipag-sipag
C. higit na masisipag
D. pinakamasipag

23. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 30 porsyento ang ibinaba ng antas ng reserbang tubig sa bansa. Bunga nito,
_____ ding bumaba ang suplay ng tubig sa mga kabahayan.

A. malaki C. marami
B. mataas D. mabilis

24. Ating matatandaan ang Pangulong Corazon Aquino ang may _______ na pagpapasyang baguhin ang takbo ng
ating pamahalaan sa pamamagitan ng “People Power Revolution.”

A. matatag
B. mas matatag
C. matatag-tatag
D. pinakamatatag

25. Ayon sa panitikan, si Maria Clara ang tinaguriang _______ na dalaga dahil simbolo siya ng kababaihang
Pilipina.

A. Pinakamahinhin
B. Mahinhin-hinhin
C. Mas mahinhin
D. Higit na mahinhin

26. Ang Tulay ng SanJuanico na nagdurugtong sa Samar at Leyte ay ______ sa buong Asya.

A. mahaba
B. higit na mahaba
C. mahaba-haba
D. pinakamahaba

27. Marami nang kababayang dumating at umalis sa bansang Dubai kung saan nagtatrabaho si Mang Jose. Siya
ang _______ sa kanila na nagtrabaho doon.
A. matagal
B. pinakamatagal
C. matagal-tagal
D. higit na matagal

28. May ilang naniniwala rin na _______ sa street-dancing ang mga taga-Iloilo sa buong Kabisayaan.

A. ubod ng husay
B. mas kahali-halina
C. sobrang maindayog
D. totoong malikhain

29. Kung noong dekada ’90 ang halaga ng langis ay kaya pang tapatan ang halaga ng ating piso, ngayon ay hindi
na dahil sa _______ taas nito.

A. lalo na
B. higit na
C. sadyang
D. sobrang

30. Kung noong mga taong 1970 ay makakayang suplayan ng 9,600 mtro kubikong tubig ang mga kabahayan,
ngayon ay _____ mababa ito at nasa 3,300 metro kubiko na lamang.

A. lalong C. higit na
B. lubhang D. mas na

31. Sa kasalukuyan, masasabing nasa kritikal na kondisyon ang presyo ng langis. Bunga nito, _______ ang halaga
ng lahat ng mga bilihin.

A. biglang humina
B. talagang tumaas
C. lalong tumumal
D. lubhang humusay

32. Masaya silang namamasyal nang may _______ umagaw sa kanyang shoulder bag.

A. agad
B. biglang
C. nag-aapurang
D. nagmamadaling

33. Paglusong mo sa tubig iyong madarama ang ___________ ng alon sa iyong buong katawan.
A. banayad na hampas
B. mabilis na agos
C. rumaragasang takbo
D. mariing daloy

34. Ipinagmamalaki naman ng mga taga-Baguio ang Panagbenga __________ na ipinaparada ang iba’t ibang uri ng
mga bulaklak.

A. kung umiikot
B. sana maagap
C. habang buong gilas
D. kapag nakalibot habang idinaraos

35. Sila ay ____________ na sana ay laging nasa mabuting kalagayan ang kani-kanilang pamilya.

A. mataimtim na nananalangin
B. tiklop-tuhod na umaasa
C. madalas na magdasal
D. laging naiisip

36. Nagkaroon siya ng sariling bahay at napagtapos ng pag-aaral ang mga anak, kaya naman kaagad ______ ang
mga ito.

A. nagtrabaho
B. nagsitrabaho
C. magsitrabaho
D. nakapagtrabaho

37. Ang mga mangga ay ______ nang malakas ng hangin.

A. ilaglag
B. ilalaglag
C. mailaglag
D. nailaglag

38. Sayang, _______ pa naman ako ng kalahati ng halaga kung naibenta ang mga manga.

A. bigyan
B. bibigyan
C. binigyan
D. binibigyan

V. Basahin ang talata. Tukuyin ang pangunahing diwa ng sumusunod na talata. Isulat ang letra ng sagot sa
patlang.
39. Ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje) ang
patron ng Antipolo sa Rizal. Dito, ang pagdiriwang ng pista ay sa buong buwan ng Mayo. Ipinagdiriwang din ito
sa ika-8 ng Disyembre.Ito’y dinarayo ng maraming taong nais humiling ng biyaya sa patron ng bayan.

A. Ang pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting
Paglalakbay
B. Ang hindi pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at
Mabuting Paglalakbay
C. Ang pagsalungat sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng
Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
D. Ang kaguluhan sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng
Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

40. Ipinagdiriwang taon-taon ang kapistahan ng Patrong San Martin, pati na rin ang higit na masiglang kapistahan
ng Mahal na Krus sa bayan ng Bocaue sa Bulacan. Mayroon ditong Pagoda sa Wawa o prusisyon sa ilog.
Iniikutan ng maraming taong lulan ng maliliit na bangka ang Mahal na Krus na nasa napakagarang pagoda. Ito’y
ipinuprusisyon sa kahabaan ng Ilog Bocaue hanggang sa Wawa, kung saan sinasabing nakuha ng mga
mangingisda ang Mahal na Krus.

A. Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kalsada ng Bocaue hanggang sa Wawa


B. Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kabundukan ng Bocaue hanggang sa Wawa
C. Ang pagparada ng Mahal na Krus sa ilog ng Bocaue hanggang sa Wawa
D. Ang pagparada ng Mahal na Krus sa dagat ng Bocaue hanggang sa Wawa

41. Ang Moriones ay hindi sa entablado ginaganap kundi sa mga lansangan sa buong bayan. Ito’y idinaraos taon-
taon, ilang araw pagkaraan ng Biyernes Santo o Mahal na Araw.

A. Ang pagdiriwang ng Moriones Festival


B. Ang pagdiriwang ng Pahiyas Festival
C. Ang pagdiriwang ng Higantes Festival
D. Ang pagdiriwang ng Sinulog Festival

42. Noong panahon ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay hindi masasabing malaya. Nasa ilalim tayo ng mahigpit
at malupit na pamamahala ng mga Espanyol. Salamat na lamang sa ating dakila, matatapat, at matatapang na
bayani. Nakipaglaban sila upang matamo ang ating kalayaan.

A. Ang mga Pilipino sa panahon ng mga bagong bayani


B. Ang mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol
C. Ang mga Pilipino sa panahon ng kalayaan
D. Ang mga Pilipino sa panahon ng Hapon

43. Ang Girl Scouts of the Philippines ay ang pambansang samahan ng mga kababaihan na may misyong
matulungan ang iba pang kababaihan na matutuhan ang kahalagahan ng pagiging babae upang maihanda ang
sarili sa mga tungkulin sa pamilya, pamayanan at sa buong mundo.

A. Ang layunin ng Girl Scouts of the Philippines


B. Ang pamilya ng Girl Scouts of the Philippines
C. Ang samahan ng Girl Scouts of the Philippines
D. Ang paligid ng Girl Scouts of the Philippines
44. Isa pang pangunahing dahilang _________ ng 46. Si Maria Makiling ay kinilala ng ating lipunan
mga eksperto ay ang unti-unting pagkasira ng sa gayong taguri at ________(bigay)
ating mga yamang-tubig tulad ng mga lawa at ilog. Inspirasyon sa maraming
kababaihan noon.
a. Ibinigay
b. Ibinibigay
c. binibigyan 47. Dahil isang kawili-wiling pagdiriwang
d. binigyan ng Peñafrancia, maraming turista
ang ________ (balikan)nitong nakaraang
taon.
45. Maagang ______ si Gng. Asis nang araw na iyon
upang maghanda para sa kaarawan ng VI. Ibigay ang inyong sariling opinion o reaksyon.
dalawang anak.
48-50. Paano nakatutulong ang cyber ethics
sa paggamit ng technolohiya
A. gigising tulad ng facebook, instagram,
B. gigisingin internet at iba pa?
C. gumising
D. gumigising ____________________________________
____________________________________
46. Ang pagtingin naman sa leybel ng ____________________________________
de lata o gamot ay _______ sa pagtiyak ____________________________________
sa nilalaman nito bago bilhin. ____________________________________
____________________________________
A. tumutulong ____________________________________
B. makatutulong ____________________________________
C. tinutulungan ____________________________________
D. nagpapatulong ____________________________________
____________________________________

I. Gamitan ng angkop na pandiwa ang


sumusunod na pangungusap.

47. Marami tayong _________ (natuto)sa pagbabasa


na magagamit natin sa pang-araw-araw na buhay.

48. Ang ating pamahalaan ay _________( ugnayan)


na kamakalawa sa bansang Amerika upang
tayo ay makabangon sa ating ekonomiya.

49. Para namang _________ (ayon)sa kanya ang


suwerte at biniyayaan pa siya ng supling na babae.

50. Sa nakaraang laban ni Donaire, ang kahusayan


niya sa boksing ay ________ ( hangaan) ng
sambayanang Pilipino.
Good Luck & God Bless!!
51. Ang “People Power Revolution” ang naging
sandigan ng bagong pamamalakad ng pamahalaan
na __________(sulong) rin ng Pang. Noynoy
nang siya na nahalal
Prepared by:
JANET I.ASPREC
File Submitted by DepEd Club Member
-visit depedclub.com for more
Credit to the author of this file

You might also like