Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST 2

Mga Layunin CODE Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


n Aytem Bilang

Nakapagpapakita ng pagmamahal sa
pamilya at sa kapwa sa lahat ng
(EsP1P-IIc-d-
pagkakataon lalo na sa oras ng
3) 50% 5 1-5
pangangailangan

Naipakikita/ Naipamamalas ang (TG in EsP1


pagmamahal sa pamilya at sa kapwa pah 67-75, 76- 50% 5 6-10
sa lahat ng pagkakataon lalo na sa 86)
oras ng pangangailangan
Kabuuan 100 10 1 – 10
GRADE I – ESP
GURO AKO CHANNEL

SUMMATIVE TEST 2
GRADE I – ESP
GURO AKO CHANNEL

I. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at sa kapwa at Mali kung
hindi.

_____1. Hinati ni Tina sa kaniyang baon ang kamag-aral niyang nawalan ng pagkain.

_____2. Tinutulugan ni Kim ang kaniyang Ate sa paglilinis ng kanilang bahay.

_____3. Nag-abot ng tulong ang pamilya ni Kara sa kanilang kapitbahay na naapektuhan ng sakuna.

_____4. Pinagtataguan nila Ava at Jin ang kanilang kuya kapag sila ay inuutusan na maglinis ng bahay.

_____5. Inasikasong mabuti ni Pipoy ang mga Saksi ni Jehova na nagpunta sa kanilang bahay.

II. Kung ikaw ang nasa mga sitwasyon sa bawat bilang, ano ang iyong gagawin? Bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1. Binili ka ng bagong tsinelas ng nanay mo kahit maayos pa naman ang iyong pinaglumaan. Nakita mo na butas
na ang suot na tsinelas ng iyong kamag-aral.

a. Iinggitin ko siya dahil wala siyang bagong tsinelas.


b. Hindi ko siya papansinin
c. Ibibigay ko na lamang sa kanya ang pinaglumaan kong tsinelas.

2. Umalis ang tatay ni Dapdap upang maghanapbuhay sa malayong lugar. Nakita mo siyang malungkot.

a. Makikipaglaro ako sa kanya upang siya ay malibang.


b. Iiwasan ko siya dahil iyakin siya.
c. Iinggitin ko siya para lalo siyang umiyak.

3. Nasira ang bahay nila Beka dahil sa bagyo, at pansamantalang tumutuloy sa inyong paaralan. Lahat ng
kanilang mga kagamitan ay nabasa.

a. Hindi ko sila papansinin.


b. Pipiliin ko ang aking mga lumang gamit at ibibigay ko sa kanila.
c. Iiwasan ko sila baka mangutang pa sila sa amin.

4. Naglalagas ang buhok ni Enola, dahil sa kaniyang kakaibang sakit tuluyan na siyang nakalbo.
a. Makikipaglaro pa rin ako sa kanya at ipadadama na walang nagbago sa kanyang anyo.
b. Pagtatawanan ko siya dahil kalbo na siya.
c. Iiwasan ko siya at baka mahawa pa ako sa sakit niya

5. Sinabi ng iyong katabi sa paaralan na masakit ang kaniyang tiyan. Maya-maya ay nakaamoy kayo ng mabaho
sa loob ng silid aralan. Nadumi pala ang iyong katabi.

a. Sasabihin sa guro ang nangyari upang matulungan ang iyong kamag-aral na


nadumi.
b. Sisigawan siya at palalabasin ng silid-aralan.
c. Pagtatawan siya at tutuksuhin.

PREPARED BY:
ARCELLE YUAN
GURO AKO CHANNEL
ANSWER KEY:

1. TAMA 1. C

2. TAMA 2. A

3. TAMA 3. B

4. MALI 4. A

5. TAMA 5. A

You might also like