ARALING PANLIPUNA (Grade 7)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 7
Pangalan:______________________
Petsa:_________________________
Basahin Natin!
Alamat ng Pinagmulan ng Korea

Kagaya ng paniniwala sa bansang Hapon, ang mga Koreano ay naniniwala na banal din ang pinagmulan
ng kanilang pinuno. Si Dangun Wanggeom ang nagtatag ng unang kaharian ng Korea. Noong unang
panahon, si Prinsipe Hwanung, anak ng diyos ng kalangitan na si Hwanin, ay nagnais na bumaba mula
sa langit at manirahan sa daigdig ng mga tao. Nang malaman ang ninanais ng anak ay naghanap si
Hwanin ng mataas na kabundukan, at kaniyang natagpuan ang Bundok T’aebaek na nagsilbing tirahan ng
nasabing prinsipe. Nang makapanirahan na sa lupa ang prinsipe, itinatatag niya ang lungsod ng diyos.

Tinuruan niya ang kaniyang nasasakupan ng mga kaalaman sa agrikultura at iba pang gawain na
nangangailangan ng kasanayan, tulad ng paghahabi at pagkakarpintero. Dito na sinasabing
nagsimula ang kabihasnan ng mga taga-Korea. Bumuo rin siya ng mga batas upang maging gabay
sa pagtukoy ng mabuti at masama, pati na ang pagpapatupad ng kaparusahan sa mga lumabag
sa batas. Siya ay pinaniwalaang nakapag-asawa ng isang oso na naging isang napakagandang babae.
Sila ay nagkaanak, at pinangalanan nila itong Dangun Wanggeom. Siya naman ang
pinaniwalaang nagtatag ng kaharian ng Gojoseon (Lumang Joseon). Ayon sa mga tala at kuwentong
salin ay namuno siya sa loob ng 1500 taon.

Devaraja
Ang Angkor Wat ay isa sa mga pinakamagagandang templong naiwan ng mga
Khmer. Bukod sa mga templong ito, pamana rin ng mga Khmer ang ideya ng
devaraja. Sa paniniwalang ito, ang hari ay itinuturing bilang diyos sa lupa. Makikita
sa mga estatwang nakapalibot sa Angkor Wat ang pagsamba at pagturing sa hari at
kaniyang pamilya bilang mga diyos sa lupa.

 Ang devaraja ay nagmula sa dalawang salita: “deva” na tumutukoy sa


“diyos”
at “raja” na nangangahulugang “hari.” Kapag ang mga ito ay pinagsama, ang
salita ay nangangahulugang “haring diyos.”
 Sa bansang India, ang kinikilalang diyos at pinakamataas sa lahat ay nagmula
sa pagsasamasama ng diyos ng buwan, apoy, araw, hangin, tubig, kayamanan, at kamatayan. Kinilala
siya bilang pinakamataas at walang kapantay dahil hindi lamang iisang diyos at kapangyarihan ang
kaniyang taglay. Samakatuwid, siya ay itinuturing na diyos ng lahat. Ang tawag at pagkilala sa kaniya ay
devaraja.
 Si Jayavarman II na nagtatag ng Imperyong Khmer (kasalukuyang Cambodia) ay nagtatag ng
isang kulto o samahan na tinawag na “devaraja.” Bunsod ng nalinang na kaisipan nito, ang mga
haring Khmer ay kinilala bilang God King at nagtaglay ng parehong mala-diyos at mala-haring
kapangyarihan. Ang hari ang naging representasyon ni Shiva o Vishnu at itinuturing bilang buhay
na diyos sa daigdig.
 Ibinibigay ang kapangyarihan ng diyos sa hari sa pamamagitan ng isang seremonya. Ito ay
isinasagawa ng isang mataas na pari. Dito ibinibigay ang kapangyarihan sa pamamagitan ng
linga, isang estatwa na nagsisilbing simbolo ng diyos na si Shiva.
 Bunga ng kaisipang ito, ang mga hari at namumuno sa Asya ay pinagkalooban ng higit na
pagkilala at paggalang ng kanilang mga pinamumunuan. Ginamit ang ideya ng devaraja upang
maging lehitimo sa mata ng tao ang paghahari ng mga emperador ng Khmer. Itinuring ang
kanilang pamumuno bila ng biyaya na magdudulot ng mataas na antas ng kaunlaran at
kapayapaan sa buong nasasakupan. Sinampalatayahan sila
Punan ang patlang upang mabuo ang sanaysay.

Ang devaraja ay nagmula sa mga salitang deva na ibig sabihin ay (1)____________________________ at

raja na ibig sabihin ay (2)___________________________________ . Ito ay tumutukoy sa pagiging (3) ng

isang pinuno. Ginamit ito ng mga hari upang maging (4)___________________________ ang kanilang

kapangyarihan. Ito ay unang sinimulan ni (5)___________________________ na nagtatag sa imperyo ng


(6)_______________________________________. Sila ay pinaniniwalaang representasyon ng mga diyos
sa Hinduismo na sina (7)___________________________________ at
(8)_____________________________ . Ang mga hari ay tinitingnan, hindi lamang bilang sugo ng diyos,
kung hindi bilang (9)_____________________________________________ ng diyos sa mundo. Sila ay
(10)_____________________________________ng mga tao.
 bilang mga diyos.

You might also like