Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Abstrak

Ang pananaliksik na ito ay may layuning matukoy kung ano ang persepsiyon na makapagbigay
ng impormasyon upang mapukaw ang kamalayan ng mga ika-12 na baitang na mga mag-aaral
na mayroon talagang negatibong epektoang kahirapan sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay
nais patunayan na ang kahirapang pinansyal ay isang problemang kailangang mabigyan pansin
at hindi dapat balewalain. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng teoryang The History of
Money: From Barter to Bitcoin tumatalakay ay nag-sisilbing 'isang salita' sa lahat ng
pangangailangan ng tao at teoryang 'History of Education' na tumatalakay sa edukasyon na
pinakamahalagang aspento ng tao.

Ito ay isang kwalitatibong pananaliksik sapagkat tumutukoy lamang sa persepsiyon at hindi


gumagamit ng numero at may disenyong deskriptibo. Purposive sampling ang ginamit na
pamaraan sa pagpili ng respondente at mga kabilang sa programang 4ps ang kakapanayamin.
Ang instrumentong ginamit ay talatanungang halos bukas at sarado at agreement scale na may
kaugnayan sa kahirapang pinansyal.

Naging maayos ang resulta ng pananaliksik sa lahat ng kasagutan ng mga respondente ay iisa
lamang ang ideya at iyon ay negatibong epektong kahirapan sa kanilang pag-aaral at ang
pagtugon ng mga mgulang sa mga pangangailangan katulong na ang 4Ps. Sa kabuuan,may
epekto ang kahirapan sa pag-aaral ng estudyante dahil hindi lang isang salik ang sakop ng
kahirapan na nagpapahirap sa buhay ng mga tao kundi marami pang iba. Maaaring
mairekomenda na ang lahat ng estudyante,espesyal na ang mga kabilanv sa 4Ps,ay magsumikap
sa pag-aaral lalo na ang mayroong isang organisasyong gaya ng 4Ps na tumutulong sa kanila.

You might also like