Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan - Modyul 5 Mga Mahahalagang Pangyayari Sa Pananakop NG Mga Hapones

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

NOT

6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Mga Mahahalagang Pangyayari sa
Pananakop ng mga Hapones

Republika ng Pilipinas. Kagawaran ng Edukasyon.


Published by the
Department of Education
Region X - Northern Mindanao
Division of Tangub City

COPYRIGHT NOTICE

Republic Act 8293, section 176 states that: “No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval
of the government agency or office wherein the work is created shall be
necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office
may, among other things, impose as a condition, payment of royalty.”

This material has been developed in support to the Alternative Delivery


Mode for the New Normal in the Department of Education, Region X-Northern
Mindanao, Division of Tangub City, Misamis Occidental. It can be reproduced
for educational purposes and can be modified for the purpose of translation into
another language provided that the source must be clearly acknowledged.
Derivatives of the work including creating an edited version, enhancement or a
supplementary work are permitted provided all original works are
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this
material for commercial purposes and profit.
Borrowed materials included in this module are owned by the respective
copyright holders. Effort has been exerted to locate and seek permission to use
these materials from the respective copyright owners. The publisher and author
do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Region X – Northern


Mindanao, Division of Tangub City, Misamis Occidental
Schools Division Superintendent: Agustines E. Cepe , CESO V
Office Address: Anecito St. Mantic, Tangub City
Araling Panlipunan Grade 6
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan –Modyul 5:
Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng Hapones

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatangsipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Author: Stephen John V. Tulabing
Reviewers: Evelyn B. Rodriguez
Gladys Ann E. Cuasito
Terry Lou D. Lumacad
Alma M. Melgar

Illustrator: Joselito B. Escala


Management Team:

Chairperson: Dr. Agustines E. Cepe, CESO V


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Lorena P. Serrano , CESE


OIC- Asst. Schools Division Superintendent

Members:
Carmelita A. Jubay, CID - Chief
Gina L. Mandawe, EPS - LRMS
Lorna C. Peňonal , EPS- Araling Panlipunan
Marilou S. Galvez, PDO II
Binepie M. Tapao, Librarian II

Printed in the Philippines by: DepEd, Region X, Division of Tangub City


Office Address: Anecito St.,Mantic, Tangub City,
Telefax: (088) 395-3372
E-mail Address www.depedtangub.net
6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations .

Republika ng Pilipinas. Kagawaran ng Edukasyon.

FAIR USE AND DISCLAIMER:

This SLM (Self Learning Module) is for educational purposes only. Borrowed
materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks,
etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest
appreciation to those who have made significant contributions to this module.
Talaan ng Nilalaman

Aralin 1: Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng Hapones

Mga Pahina
Layunin ……………………………… 1
Panimula ……………………………… 1
Tuklasin ……………………………… 2
I. Labanan sa Bataan ……………………………. 3
II. Death March ……………………………… 4
III. Labanan sa Corregidor………………………….. 5
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 6
Isaisip ……………………………… 7
Tayahin ……………………………… 8
Susi sa Pagwawasto ……………………………… 9-10
Apendiks ……………………………… 11-15

Sanggunian ……………………………… 16
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Mga Simbolong Ginamit sa Modyul

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Layunin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin tulad ng isang kwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa bahaging ito, bibigyan ka ng maikling
pagtatalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pag-unawa at mga
Pagyamanin
kasanayan sa paksa. Maari mong iwasto
ang mga sagot sa pagsasanay gamit ang
mga susi sa pagwawasto.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunuan ang patlang ng pangungusap
Isaisip
o talata upang maproseso kung ano ang
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Mga Mahahalagang
Pangyayari sa Pananakop ng
Aralin mga Hapones
1
LAYUNIN

1. Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa


pananakop ng mga Hapones

Halimbawa: Labanan sa Bataan,


Death March, Labanan sa Corregidor

PANIMULA

Ang modyul na ito ay inihanda upang lubos mong malaman ang mga
mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa pananakop ng mga
Hapones noong nasangkot ang ating bansa sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig mula taong 1942 hanggang 1945. May kuwento ka na bang
narinig tungkol sa digmaang ito? Kung wala, tuklasin na natin!

1
Bakit nakipaglaban ang
mga Hapones sa ating
bansa?

TUKLASIN

Alam mo ba na nagtagal ang mga Hapon sa pananakop sa


Pilipinas mula 1942 hanggang 1945? Dahil dito, naantala ang
pagtatamasa ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan.
Ang Pilipinas ay inimbitahan ng Hapon na makiisa sa programa
na Sama-samang Kasaganaan ng Kalakhang Asya (Greater East
Asia Co-Prosperity Sphere). Ang panghihikayat na ito ay hindi
binigyang-pansin ng mga Pilipino dahil para sa kanila mayroong
masamang hangarin ang mga Hapones. Ang kanilang pagtanggi sa
paanyaya ay nangangahulugang pag-iwas nila na mapasailalim mula
sa kamay ng mga dayuhan.
Kaya naman, pinaghandaan ng mga
reserved forces at regular armed forces ng
Pilipinas ang posibleng pakikipaglaban kasama
ang Hukbong Amerikano na nakatalaga sa
Asya. Tinipon sila ni Heneral Douglas
MacArthur, ang namumuno sa hukbong
sandatahan ng Pilipinas. Siya ay kilala sa
kanyang linyang “I shall return” dahil bumalik Heneral Douglas MacArthur (US
National Archives and Records
siya sa Amerika upang humingi ng tulong at Administration
palakasin ang pwersa ng Pilipinas laban sa
mga Hapones.
Sa iyong palagay, tama kaya
ang desisyon ng Pilipinas na
tumanggi sa paanyaya ng
Hapon?

2
Ano ang naganap sa
Labanan sa Bataan?

I. LABANAN SA BATAAN
Tuluyan na ngang nasakop ng mga Hapones noong Enero 2,
1942 ang Maynila. Ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay
sumuko mula sa Bataan patungo sa Corregidor. Isang pulo ito na
ginawang kuta ng mga Amerikano upang maprotektahan ang mga
lagusan sa Look ng Maynila.
Dahil naitatag na ang Pamahalaang
Komonwelt sa panahong ito, hiniling ni
Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika na
umalis si Pangulong Manuel Quezon sa
Pilipinas. Para kay Pangulong Roosevelt,
magiging kaawa-awa ang kahihinatnan ng
Amerika kung madakip si Quezon ng mga
Hapones. Kaya noong Pebrero 20, 1942,
inilikas ni Quezon sa Amerika ang kanyang
pamilya at ang Pamahalaang Komonwelt.

Sa pagbalik ni Heneral MacArthur sa Amerika, si Heneral


Jonathan Wainwright ang namuno para ipagpatuloy ang
pakikipaglaban sa mga Hapones. Naging madugo ang bakbakan at
maraming buhay ang nasawi. Subalit sadyang malakas ang puwersa
ng mga Hapones kaya mas pinili ni Heneral Wainwright na sumuko
kaysa maubos ang hukbo nang tuluyan. Ito ang ganap na pagbagsak
ng Bataan sa kamay ng mga Hapones noong Abril 9, 1942.

Ano ang iyong masasabi sa


desisyon ni Heneral
Wainwright na sumuko sa mga
Hapones?

3
Ating alamin ang ginawa ng mga
Hapones sa mga sumukong
sundalo.

II. MARTSA NG KAMATAYAN (DEATH MARCH)


Napasuko ng hukbong Hapon ang
may 70, 000 sundalong Amerikano
at Pilipino at 16 na heneral, anim dito
ay mga Pilipino. Sa puntong ito,
pinuwersa ng mga Hapones na
pagmartsahin ang kanilang bihag
mula Mariveles, Bataan hanggang
San Fernando, Pampanga. Mula rito,
sumakay ang mga sumuko sa tren
Mga sundalo sa Martsa ng Kamatayan patungong kampo sa Capas, Tarlac.

Maraming buhay ang nasawi na


umabot sa 5, 000. Ito ay dahil sa sakit
o sugat, o kaya’y pagsaksak ng
bayoneta habang naglalakad nang
walang pahinga, pagkain at inumin.
Marami sa mga bihag ang tumakas at
ang mga nahuli ay pinagbabaril.
Tumagal ng anim na araw ang Bayoneta
kalupitang ito.

Sino ang naging biktima ng


Death March?

4
Nagwagi kaya ang mga
Pilipino sa labanan sa
Corregidor?

III. Labanan sa Corregidor


Simula noong Abril 29, 1942, walang tigil na pagbobomba ang
hgafdeugfjl
ginawa ng mga Hapones sa Corregidor na umabot ng isang linggo.
Kaarawan din pala ito ng pinuno nilang si Emperor Hirohito. Dahil sa
walang katapusang pag-ulan ng bala at kanyon, maituturing na
pinakamahirap na araw noon ang Mayo 4, 1942. Noong Mayo 5,
ibinigay ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng
kanilang magagawa sa pagtatanggol ng Corregidor subalit bigo pa
rin sila sa hangaring magtagumpay.

Kaya naman, ganap ng bumagsak ang Pilipinas sa mga


Hapones noong Mayo 6, 1942. May halos 12,000 sundalong Pilipino
at Amerikano ang sumuko kay Heneral Masaharu Homma. Ngunit
nagwakas kaya ang digmaan dito? Hindi dahil matibay pa rin ang
paniniwala ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan. Sa
katunayan, maraming sundalong Pilipino ang hindi sumunod kay
Heneral Wainright sapagkat hindi pa tapos ang laban at para sa
kanila may pag-asa pang magwagi sa labanan. Dahil hindi natinag
ang kadakilaan ng pusong Pilipino, sila’y tumakas at namundok
hanggang sa naitatag ang mga pangkat gerilya at nagpatuloy ang
pakikibaka laban sa dayuhang mananakop.

Ano ang tawag sa mga sundalong


Pilipino at Amerikano na
nagsipagtakas sa kabundukan?

5
SURIIN

Suriin ang mga pangyayaring naganap sa pananakop ng mga


Hapones. Isulat sa patlang ang LB kung ang pangyayari ay tumutukoy sa
Labanan sa Bataan, DM kung Death March, at LC kung Labanan sa
Corregidor.
______1. Abril 9, 1942 nang simulan ng mga Hapones ang
nakapanlulumong pangyayaring ito.
______2. Pinili ni Heneral Wainwright na sumuko sa mga Hapones kaysa
maubos lahat ang kanyang mga tauhan sa labanan.
______3. Ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng
kanilang magagawa subalit bigo pa ring talunin ang mga Hapones.
______4. Ipinagpatuloy ni Quezon ang Pamahalaang Commonwealth sa
Amerika.
______5. Nagpatuloy ang mga Pilipino sa paglaban bilang mga gerilya.

Tingnan ang tamang sagot sa pahina 9


Sagutin ito sa Apendiks pahina 11

Tandaan: Dumanas ng malaking hirap ang mga sundalong


Pilipino sa kamay ng mga Hapon. Halimbawa nito’y ang “Death
March” mula Bataan hanggang Pampanga. Sa pagtatanggol sa
bansa, ipinamalas ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan,
kabayanihan at katapatan sa bayan.

PAGYAMANIN

Kung sakaling hindi tayo ipinagtanggol ng mga sundalong


Pilipino at Amerikano noon, ano kaya ang nangyayari sa ating
kasalukuyan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________
Sagutin ito sa Apendiks pahina 12
Tingnan ang posibleng sagot sa pahina 9

6
ISAISIP

Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang


pangungusap.

1. Nagtagal ang pananakop ng mga Hapones mula taong 1942


hanggang _________.

2. Kilala si Heneral Douglas MacArthur sa kanyang linyang


__________________.

3. Sa pagbalik ni Heneral MacArthur sa Amerika, si Heneral


1.
_______________
2 ang namuno para ipagpatuloy ang
pakikipaglaban sa mga Hapones.

4. Martsa ng Kamatayan o _________________ ang tawag sa


pwersang pagmamartsa ng mga sumukong sundalong
15
Pilipino at Amerikano.

5. Dahil hindi natinag ang kadakilaan ng pusong Pilipino, sila’y


tumakas at namundok hanggang sa naitatag ang mga pangkat
___________ at nagpatuloy ang pakikibaka laban sa
dayuhang mananakop.

Sagutin ito sa Apendiks pahina 13


Tingnan ang posibleng sagot sa pahina 9

7
TAYAHIN

2. Isulat ang mga mahahalagang pangyayari sa


pananakop ng mga Hapones sa mga Pilipino at Amerikano

Gawing basehan ang rubrik na makikita sa pahina 15. (15 puntos)

_____________________________________________
_____________________________________________
1. Labanan _____________________________________________
sa
_____________________________________________
Bataan
(5 _____________________________________________
puntos) ______________________________________________

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
2. Death
March _____________________________________________
(5 puntos) _____________________________________________
_____________________________________________
_________________________________________________

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
3. Labanan sa _____________________________________________
Corregidor _____________________________________________
(5 puntos)
_____________________________________________
_____________________________________________

Sagutin ito sa Apendiks pahina 14


Tingnan ang posibleng sagot sa pahina 10

Binabati kita dahil natapos mo ang modyul na ito. Nagawa mo!


CONGRATS!

8
9
1. 1945
2. I shall return
3. Jonathan
Wainwright
4. Death March
5. Gerilya
ISAISIP
Kung sakaling hindi tayo ipinagtanggol ng mga sundalong Pilipino at
Amerikano noon, maaaring tayo ay nasakop na ng mga Hapones at hindi
natin nakamit ang kalayaang hangad ng mga Pilipino noon. Ang ating
kasalukuyan ngayon ay maaaring napasakamay ng mga Hapones at
naninilbihan tayo sa kanila sa sarili nating bansa.
PAGYAMANIN
1. DM
2. LB
3. LC
4. LB
5. LC
SURIIN
SUSI SA PAGWAWASTO
10
1. Labanan sa Bataan
Naging madugo ang bakbakan at maraming buhay ang nasawi.
Subalit sadyang malakas ang puwersa ng mga Hapones kaya
mas pinili ni Heneral Wainwright na sumuko kaysa maubos ang
hukbo ng tuluyan. Ito ang ganap na pagbagsak ng Bataan sa
kamay ng mga Hapones noong Abril 9, 1942.
2. Death March
Pinuwersa ng mga Hapones na pagmartsahin ang kanilang
bihag mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando,
Pampanga. Mula rito, sumakay ang mga sumuko sa tren
patungong kampo sa Capas, Tarlac. Maraming buhay ang
nasawi na umabot sa 5, 000. Tumagal ng anim na araw ang
kalupitang ito.
3. Labanan sa Corregidor
Noong Mayo 5, ibinigay ng mga sundalong Pilipino at Amerikano
ang lahat ng kanilang magagawa sa pagtatanggol ng Corregidor
subalit bigo pa rin sila sa hangaring magtagumpay. Kaya naman,
ganap ng bumagsak ang Pilipinas sa mga Hapones noong Mayo
6, 1942. Dahil hindi natinag ang kadakilaan ng pusong Pilipino,
sila’y tumakas at namundok hanggang sa natatag ang mga
pangkat gerilya at nagpatuloy ang pakikibaka laban sa
dayuhang mananakop.
(Maaaring iba-iba ang pagtatalakay.)
TAYAHIN
APENDIKS

Pangalan: _________________________________ Iskor: _________________


Paaralan: _________________________________ Petsa: ________________
Guro: ____________________________________

SURIIN
Suriin ang mga pangyayaring naganap sa pananakop ng mga

Hapones. Isulat sa patlang ang LB kung ang pangyayari ay tumutukoy sa

Labanan sa Bataan, DM kung Death March, at LC kung ang pangyayari

ay tumutukoy sa Labanan sa Corregidor.

______________1. Abril 9, 1942 nang pasimulan ng mga Hapones ang


nakapanlulumong pangyayaring ito.

______________2. Pinili ni Heneral Wainwright na sumuko sa mga


Hapones kaysa maubos lahat ang kanyang mga tauhan sa labanan.

______________3. Ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano


ang lahat ng kanilang makakaya subalit nagapi pa rin ng mga Hapones
noong May 5, 1942.

______________4. Ipinagpatuloy ni Quezon ang Pamahalaang


Commonwealth sa United States.

______________5. Nagpatuloy ang mga Pilipino sa paglaban bilang mga


gerilya.

11
Pangalan: _________________________________ Iskor: _________________
Paaralan: _________________________________ Petsa: ________________
Guro: ____________________________________

PAGYAMANIN

Kung sakaling hindi tayo ipinagtanggol ng mga sundalong


Pilipino at Amerikano noon, ano kaya ang nangyari sa ating
kasalukuyan?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________.

12
Pangalan: _________________________________ Iskor: _________________
Paaralan: _________________________________ Petsa: ________________
Guro: ____________________________________

ISAISIP

Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang


pangungusap.

1. Nagtagal ang pananakop ng mga Hapones mula taong


1942 hanggang _________.
2. Kilala si Heneral Douglas MacArthur sa kanyang linyang
__________________.
3. Sa pagbalik ni Heneral MacArthur sa Amerika, si Heneral
_______________ ang namuno para ipagpatuloy ang
pakikipaglaban sa mga Hapones.
4. Martsa ng Kamatayan o _________________ ang tawag
sa pwersang pagmamartsa ng mga sumukong sundalong
Pilipino at Amerikano.
5. Dahil hindi natinag ang kadakilaan ng pusong Pilipino, sila’y
tumakas at namundok hanggang sa natatag ang mga
pangkat ___________ at nagpatuloy ang pakikibaka laban
sa dayuhang mananakop.

13
Pangalan: _________________________________ Iskor: _________________
Paaralan: _________________________________ Petsa: ________________
Guro: ____________________________________

TAYAHIN

Isulat ang mahalagang pangyayari ng mga Pilipino at


Amerikano sa panahon ng pananakop ng mga Hapones? (15
puntos)

_____________________________________________
_____________________________________________
3. Labanan _____________________________________________
sa Bataan
_____________________________________________
(5 puntos)
_____________________________________________
______________________________________________

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
4. Death
March _____________________________________________
(5 puntos) _____________________________________________
_____________________________________________
_________________________________________________

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
3. Labanan sa _____________________________________________
Corregidor _____________________________________________
(5 puntos)
_____________________________________________
_____________________________________________

Rubrik sa Tayahin

14
Pagtatalakay sa mga Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng
Hapones
Rubrik
Pamantayan 5 4 3 2
Pagsasaayos Malinaw at Maayos ang Maayos ang Hindi
maayos ang kabuuan ng pagtatalakay masyadong
pagtatalakay. pagtatalakay. ngunit hindi malinaw at
masyadong maayos ang
malinaw. pagtatalakay.
Kawastuhan Napakahusay Mahusay ang May May
ng mga ng pagkabuo pagkabuo sa kahusayan sa kahusayan
Impormasyon ng talata. impormasyon pagkabuo ng ngunit magulo
impormasyon. ang
impormasyon.
Kaangkupan Angkop na Angkop at Wasto ang Maraming
ng mga salita angkop at wasto ang mga salita kamalian sa
wasto ang paggamit ng ngunit hindi mga salita.
mga salita. mga salita. masyadong
angkop.

15
SANGGUNIAN

Rama, M., Domingo, F., Rama, J. and Cruz, J., 2006. Pilipinas: Isang Sulyap
At Pagyakap. 1st ed. Makati City: EdCrisch International, Inc., pp.214-216.

file:///C:/Users/User/Downloads/EASE-Modyul-14-Ang-Pilipinas-sa-Panahon-
ng-Ikalawang-Digmaang-Pandaigdig.pdf

https://www.slideshare.net/PanimbangNasrifa/labanansabataandeathmarchla
banansacorregidor1

https://quizizz.com/admin/quiz/59f146a6bf113210002aa03a/pananakop-ng-
mga-hapones

https://quizlet.com/470497613/araling-panlipunan-quiz-set-1-flash-cards/

https://www.history.com/topics/world-war-ii/bataan-death-march

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education
Zone 1, DepEd Building Master Avenue, Upper Balulang, Cagayan De Oro City,
9000
Telefax: (088) 880 7072
Email Address: region10@deped.gov.ph

Division of Tangub City


Anecito St., Mantic, Tangub City
Telefax: (088) 395 – 3372
Website: www.depedtangub.net

16

You might also like