Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

8

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Pisikal na Katangian ng Daigdig (Heograpiya)
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City


SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Girlie L. Colaljo
Editor: Melinda E. Dayot
Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon
Tagaguhit: Luna Lou D. Beatingo
Tagalapat: Charisse B. Torres
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
8
Araling Panlipunan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy

Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga


mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa


iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang
inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul na
ito. Ang gawain ay mula sa topikong pisikal na katangian ng daigdig (Heograpiya)
kung saan nasusuri ang katangiang pisikal ng ating mundo.
Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin
Ko, Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Bahagi ng modyul kung saan


Aalamin Ko ipinapakilala ang learning competency
na dapat matutuhan sa araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang
Susuriin Ko pagsasanay na nagsisilbing pre-test at
balik-aral sa nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat
Pag-aaralan Ko mong matutunan.
Napapaloob dito ang ibat iba at
Gagawin Ko karagdagang gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na


Tatandaan Ko maging gabay para magawa at
masagutan ang mga pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng
Susubukin Ko pagsusulit na angkop sa aralin.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

iv
Unang Araling Panlipunan 8
Linggo Unang Markahan-Modyul 1
Pamantayan sa Pagkatuto
• Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.
AP8HSK-Id-4

Aalamin Ko

Lumingon sa kanan at sa inyong kaliwa.


Ano ba ang iyong nakikita?
Maaari mo bang ilarawan ang iyong mga nakikita?
Ito ay ating gagamitin sa pagtuklas at paglalakbay sa araling ito.
Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng modyul na ito,
pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes.
Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa
heograpiya, gayon din antas ng kahandaan ng bawat isa sa mga paksang
nakaloob. Napapaloob din sa araling ito, ang epekto ng COVID-19 Pandemic sa
Heograpiya at ang benepisyo ng Backyard Urban Gardening (BUG).
Tara maghanda sa paglalakbay ng pagkatuto.

1
Susuriin Ko
Pangalan: _________________________ Baitang: _____________________
Paaralan: __________________________ Iskor: _______________________
Panuto: Sagutan ang bawat tanong. May ibibigay na apat na salita na may kaugnayan sa
tamang sagot. Ang bawat letra ng tamang sagot ay may katumbas na numero na
magagamit sa pag-unlock ng puzzle.

1. Pagsasaka, Pangingisda, Pangangalakal, Pagmimina

1 3 2 3 5P 4B 6 1 3 8Y

2. Gobi, Karakum, Thar, Arabian

7D 9I 0 8 11 13 14 T 10

3. 24K, Au, Metal, Minimina

12 9 I 2 14 T 10

4. Burol, Bundok, Talampas, Lambak

3 2 8 10 2 12 G 16 L 6 5 3

5. Tagsibol, Taglagas, Tagtuyot, Tag-ulan

15 16 L 9 17 M 3

UNLOCK THE PUZZLE:


3 15 10 3 8

1 3 2 7 3 2 3 2 12

17 3 14 6 14 10 2 12

1 11 10 12 13 3 5P 9 8 3

2 12 7 3 9 12 G 7 9 12

2
Pag-aaralan Ko

HEOGRAPIYA - galing sa dalawang salita na:


GEO- daigdig
GRAPHIA- paglalarawan
- tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig

MGA SAKLAW NG PAG-AARAL NG HEOGRAPIYA


• Anyong Lupa at Anyong Tubig
• Likas na Yaman
• Klima at Panahon
• Flora (Plant Life) at Fauna (Animal)
• Distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran

Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang


heograpiya sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng
Association of American Geographers.

LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA


1. LOKASYON - tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
A. Lokasyong Absolute - na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng
latitude line at longhitude line na bumubuo sa grid.
Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang
tumutukoy sa insaktong kinaroroonan ng isang lugar
sa daigdig.

Mga Imahinasyong Guhit

Tinatawag na latitud ang distansyang angular sa pagitan ng


dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng ekwador

Ang ekwador ang humahati sa globo sa hilaga at timog


hemisphere o hemispero, itinalaga bilang zero-degree
longhitud

Tinatawag na longhitud ang distansyang angular na nasa


pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime
Meridian. Ito rin ang mga bilog (Great Circles) na tumatahak
mula sa North Pole patungong South Pole.
3
Ang Prime Meridian na nasa Greenwich sa England ay
itinatalaga bilang zero-degree longhitud.

B. Relatibong Lokasyon - na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa


paligid nito. Halimbawa ang mga anyong lupa at
tubig at mga istrukturang gawa ng tao.
2. LUGAR - tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook.
A. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig at likas
yaman.

• Klima - kalagayan ng atmospera sa isang lupain sa loob ng mahabang


panahon.
• Panahon - kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob
ng natatakdang oras

B. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o


dami ng tao, kultura at mga sistemang politikal

3. REHIYON - bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang


pisikal o kultural

4. INTERAKSIYON NG TAO AT KAPALIGIRAN


Ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang
kinaroroonang kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao, gayon
din ang pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.

5. PAGGALAW
Ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar
kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin
at ulan.
May tatlong uri ng distansya sa isang lugar:
Linear - gaano kalayo ang isang lugar
Time - gaano katagal ang paglalakbay
Psychological - Paano tiningnan ang layo ng lugar

4
Gagawin Ko- A
Panuto: Suriin ang talahanayan na makikita sa ibaba at isulat sa globo
ang mga hinihingi ng sumusunod;
1. Lagyan ng malaking ekis (X) ang limang bansa na may maraming namatay
dahil sa COVID-19 Pandemic.
2. Tukuyin at lagyan ng bituin sa mapa ang mga bansang may COVID-19
Pandemic ayon sa talaan.
3. Lagyan ng halfmoon ang lokasyon ng limang bansa na may
pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa daigdig.
4. Kulayan ang mga bansang na apektado ng COVID 19 Pandemic. Maglaan
ng kulay para sa mga kontinenteng kinabibilangan ng may pinakamaraming
kaso ng COVID-19 Pandemic at ibang kulay naman sa kontinenteng may
kakaunting kaso ng COVID-19 Pandemic. Lagyan ng legend kung anong
kontinente ang bawat kulay.
Kaso ng Bilang ng Kaso ng Bilang ng
Bansa COVID-19 mga Bansa COVID-19 mga
Pandemic Namatay Pandemic Namatay
Algeria 10,154 698 Mexico 113,619 13,170
Antigua & Madagascar 1,026 8
Barbuda 26 3 Myanmar 242 6
Argentina 22,781 642 New Caledonia 20 0
Bangladesh 65,769 846 Norway 8,547 238
Belize 19 2 Pakistan 98,943 2,002
Botswana 40 1 Papua New
Brazil 691,962 35, 026 Guinea 8 0
Cambodia 126 0 Peru 196,515 5,162
Canada 95,699 7,703 Philippines 21,895 994
China 83,036 4,645 Poland 26,561 1,153
Dominica 18 0 Qatar 68,790 51
Egypt 34,079 1,237 Russia 467,673 5,859
Eritrea 39 0 Saint Kitts &
France 153,977 29,084 Nevis 15 0
French 0 Sri Lanka 1,814 11
Polynesia 60 Saudi Arabia 101,914 676
Finland 6,981 323 Senegal 4,328 51
Germany 185,853 8,668 South Korea 11,776 273
Greenland 13 0 Spain 241,550 27,135
Grenada 23 0 Switzerland 30,956 1,660
India 246,628 6,929 The Gambia 26 1
Indonesia 31,186 1,801 Turkey 170,132 4,669
Iran 171,789 8,209 Ukraine 26,999 788
Ireland 25,201 1,670 United Kingdom 286,194 40,465
Italy 234,998 33,846 United States 1,977,899 109,038
Laos 19 0 Vietnam 329 0

Datos mula sa World Health Organization (WHO) as of June 7, 2020

5
5

Pamprosesong tanong: Isulat sa sugatang papel ang sagot sa mga sumusunod na


mga katanungan.

1. Ilahad ang iyong opinyon tungkol sa kumakalat na virus sa daigdig?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sa iyong pananaw, paano kumalat ang COVID-19 Pandemic sa buong daigdig?


Bakit nangyari ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Sa iyong palagay ano-ano ang mga maaaring gawin upang matipigilan sa


pagkalat ang virus sa iba’t ibang bansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

6
Gagawin Ko- B
Panuto: Suriin ang mga datos sa talahanayan sa itaas. Itala ang sampung bansa na
may pinakamataas na kaso ng COVID-19 Pandemic. Batay sa iyong
pananaw, ano ang naging kaugnayan ng limang tema ng heograpiya sa
pagtaas ng kaso ng COVID-19 Pandemic sa mga bansang iyong isinulat.
Kopyahin at sagutan ang talahanayan sa sagutang papel.

Interaksyon
Bansa Lokasyon Lugar Rehiyon ng Tao sa Paggalaw
Kapaligiran
1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

7
Tatandaan Ko
Mga dapat tandaan sa modyul na ito.
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang
kaalaman na dapat mong tandaan?
• Ang Heograpiya ay galing sa dalawang salita: Geo at Graphin na may ibig
sabihin na daigdig at paglalarawan.

• Ang pag-aaral sa Heograpiya ay binalangkas sa limang tema: Lokasyon,


Lugar, Rehiyon, Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran at Paggalaw.

• Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalupaan, klima, katubigan,


buhay-halaman, buhay-hayop at mineral. Naka-iimpluwensya ang bawat
katangian sa isa’t isa. Ang kakulangan o pagkasira ng isa ay lubos na
nakaaapekto sa iba.

8
Isasabuhay Ko- A

COVID-19 LABANAN, STAY AT HOME SA KINAROROONAN ANG PANLABAN!


PANUTO: Gumawa ng isang video clip o isang Comics Strip sa bahay kung paano
hinarap at nilalabanan ng iyong pamilya ang COVID-19 Pandemic, mga
paraan ng pinagkukunan ng hanap-buhay at pagbabagong nagaganap sa
kapaligiran dahil sa pandemya.

PAMANTAYAN/RUBICS SA PAGMAMARKA NG VIDEO CLIP O COMICS STRIP

Pamantayan 5 Puntos 3 Puntos 1 Puntos Puntos


sa Pagbibigay
Puntos
Kung ipinakita ang Kung ipinakita ang Kung ipinakita
tatlo (3) o higit na dalawang (2) paraan ang isa (1) paraan
Konsepto paraan na ng pinagkukunan ng ng pinagkukunan
pinagkukunan ng hanapbuhay sa ng hanapbuhay
hanapbuhay sa panahon ng sa panahon ng
panahon ng pandemya pandemya
pandemya

Kung pinakita ang Kung ipinakita ang Kung ipinakita


tatlong (3) o higit dalawang (2) paraan ang isa (1) paraan
na paraan ng ng pagtulong sa ng pagtulong sa
pagtulong sa sariling pamilya sa sailing pamilya sa
sariling pamilya sa panahon ng panahon ng
panahon ng pandemya. pandemya.
pandemya
Kung ipinakita ang Kung ipinakita ang Kung ipinakita
tatlong (3) o higit dalawa(2) paraan sa ang isang (1)
pang paraan sa pagsunod ng batas paraan sa
Pamaraan pagsunod ng batas na ipinapairal ng pagsunod ng
na ipinapairal ng gobyerno sa batas na
gobyerno sa panahon ng ipinapairal ng
panahon ng pandemya gobyerno sa
pandemya panahon ng
pandemya
Kung ipinapakita Kung ipinapakita ang Kung ipinapakita
ang tatlong (3) o dalawang (2) paraan ang isang(1)
higit pang paraan sa pagtulong sa paraan sa
sa pagtulong sa kapwa sa panahon pagtulong sa
kapwa sa panahon ng pandemya kapwa sa
ng pandemya panahon ng
pandemya
KABUUAN

9
Isasabuhay Ko - B
Garden Miniature Making: My Miniature Garden
Panuto: Gumawa ng miniature garden kawangis ng globo na may mga grid.
Kumuha ng mga litrato kung paano mo ginawa ang iyong miniature garden.
Kunan ng mga larawan kada linggo na nagpapakita ng iyong hardin at kung
paano mo ito naalagaan.
Ipasa ang mga larawan sa pamamagitan ng E-mail o Facebook Account.

PAMANTAYAN/ RUBRICS SA PAGMAMARKA NG MINIATURE GARDEN

Pamantayan sa
Pagbibigay 5 Puntos 3 Puntos 1 Puntos PUNTOS
Puntos
Kung nakagamit Kung nakagamit Kung
Pagkamalikhain ng 5 o higit na ng tatlong (3) nakagamit ng
recycled recycled isa (1) na
materials materials recycled
materials
Kung naipakita Kung naipakita Kung naipakita
ang 5 o higit ang tatlong (3) ang isang (1)
pang imahinasyong imahinasyong
imahinasyong guhit guhit
guhit.
Konsepto at Kung may 5 o Kung may Kung may
nilalaman higit pang buhay dalawang (2) isang (1)
na halaman buhay na buhay na
halaman halaman
Kung may 5 o Kung may Kung may
higit pang mga dalawang (2) isang (1)
halamang halamang halamang
itinanim na itinanim na itinanim na
pwedeng kainin pwedeng kainin pwedeng
kainin
Kabuuang Puntos

10
Susubukin Ko

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Paano matutukoy ang kinaroonan ng isang lugar sa daigdig gamit ang


lokasyong absolute?
A. Ang pagkukrus ng dalawang imahinasyong guhit na latitude at longitude.
B. Ang pagtawid ng linyang International Dateline pasilangan o pakanluran
C. Ang pagbabatay sa mga lugar at bagay na nasa paligid nito.
D. Ang paglalarawan sa mga taong naninirahan sa mga lugar na ito.

2. Ang COVID-19 ay nagdudulot ng malaking problema at pagbabago sa buhay


ng mga tao sa buong mundo kung saan sa kasalukuyan ay patuloy na
hinahanapan ng lunas. Isa sa mga dahilan ng pagkalat ng virus na ito ay ang
paglilipat-lipat ng mga tao sa iba’t ibang lugar. Sa anong konsepto ng limang
tema ng heograpiya napapaloob ang pahayag na ito?
A. Lokasyon C. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
B. Rehiyon D. Paggalaw

3. Ang mga sumusunod ay mga magagandang benepisyo ng Backyard Urban


Gardening sa panahon ng COVID-19, maliban sa isa.
A. Pagkakaroon ng mga organiko at masustansiyang pagkain mula sa bunga
ng mga pananim.
B. Pagliit ng bahagdan ng mga mamimili sa palengke dahil sa Backyard
Urban Gardening.
C. Malaki ang naging kontribusyon nito sa kalusugan at seguridad ng pagkain
sa bawat komunidad.
D. Nakapagbibigay ito ng dagdag na kita sa pamilya sa pang-araw-araw na
gastusin.

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa halimbawa ng


konsepto ng Rehiyon bilang isa sa limang tema ng heograpiya ng Pilipinas?
A. Rehiyon VI - Kanlurang Visayas
B. Rehiyon I – MIMAROPA
C. Rehiyon IV-A – Ilocos Region
D. Rehiyon IV-B – CALABARZON

5. Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO) ang bansang ito ang
may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID -19 (as of June 7, 2020).
Anong bansa ang tinutukoy nito?
A. United States C. Brazil
B. Russia D. Italy

11
6. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraan na ginagawa ng pamahalaan
upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng virus, alin dito?
I. Magtayo ng mga quarantine facilities para sa mga apektado ng
COVID-19.
II. Pagtalaga ng curfew sa buong lungsod ng Bacolod mula
10:00 PM hanggang 4:00 AM.
III. Pagpatupad ng mga patakaran at batas na nagbibigay ng
karampatang parusa.
IV. Lumalabas na walang face mask at hindi sumusunod sa social
distancing.
A. I, II at III C. II, III at IV
B. I, III at IV D. IV, II, at I

7. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.


A. Lokasyon C. Kasaysayan
B. Heograpiya D. Lugar

8. Kapag may bagyo nagbabago ang panahon. Ngayong linggo nabalita sa


radyo at TV na may paparating na bagyo kung saan nakasentro sa lalawigan
ng Negros Occidental. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Hintayin na lang ang parating na bagyo at maglikas sa Evacuation
Center.
B. Kumain at maglaro sa cellphone habang naghihintay sa parating na
bagyo.
C. Manatili sa loob ng bahay habang naghihintay sa parating na bagyo.
D. Sundin ang tamang paraan ng DRRM tuwing may parating na bagyo.

9. Saan makikita sa globo ang guhit latitude?


A. Ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa
Hilaga o Timog ng ekwador.
B. Ang humahati sag lobo sa Hilaga at Timog hemisphere o hemispero,
itinalaga bilang zero-degree longhitud.
C. Ang distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo
sa kanluran ng Prime Meridian.
D. Ito ay makikita sa Greenwich sa England na itinalaga bilang zero-degree
longhitud.

12
10. Anong bahagi ang ginagampanan ng Prime Meridian sa globo?
A. Ito ang naghahati sa globo sa Hilaga at Timog hemisphere o hemispero
B. Ito ang naghahati sa latitude at longitude na matatagpuan sa Greenwich
na nasa England.
C. Ito ang distansya sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa Hilaga o
Timog ng ekwador.
D. Ito ang distansya na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa
kanluran ng Prime Meridian.

Sanggunian

Araling Panlipunan IV (Ang Kasaysayan ng Daigdig)


Edisyon Pampaaralang-Bayan
Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan
Unang Edisyon,1992
Pahina: 2-10, 299

Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan
Modyul Para sa Mag-aaral

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6846

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like