Araling Panlipunan: Self-Learning Module

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

8

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 3: Panahon ng Prehistoriko
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City


SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rea Mae G. Plasus
Editor: Melinda E. Dayot
Mga Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon
Tagaguhit: Luna Lou D. Beatingo
Tagalapat: Charisse B. Torres
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
8
Araling Panlipunan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy

Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga


mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan


sa iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga
katanungang inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda
mula sa modyul na ito. Ang gawain ay mula sa topikong Panahon ng Prehistoriko
kung saan nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko.
. Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin
Ko, Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Bahagi ng modyul kung saan


Aalamin Ko
ipinapakilala ang learning competency
na dapat matutuhan sa araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang
Susuriin Ko pagsasanay na nagsisilbing pre-test at
balik-aral sa nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat
Pag-aaralan Ko mong matutunan.

Napapaloob dito ang ibat iba at


Gagawin Ko karagdagang gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na


Tatandaan Ko maging gabay para magawa at
masagutan ang mga pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng
Susubukin Ko pagsusulit na angkop sa aralin.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

iv
Ikaapat
Araling Panlipunan 8
na
Linggo Unang Markahan-Modyul 3

Pamantayan sa Pagkatuto:
• Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko.
AP8HSK-If-6

Aalamin Ko

Sa aralin na ito ay masusuri ang mga yugto ng pag-unlad ng kultura noong


sinaunang panahon, kabilang dito ang pamumuhay ng mga sinaunang tao.

Matututunan ang mahahalagang pangyayari sa Panahon ng Paleolitiko,


Panahon ng Neolitiko at Panahon ng Metal. Bago tuluyan maglakbay sa panahon
ng mga sinaunang tao, marapat na baunin mo ang mga impormasyon dati mo
nang alam. Makatutulong ito sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaralan.

Halina at ating tuklasin at pag-aralan.

1
Susuriin Ko
Panuto: Ang Heograpiyang Pantao ay may iba’t ibang saklaw, isa narito ay ang
Relihiyon sa Daigdig. Suriing mabuti ang Line Graph at sagutan ang
sumusunod sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig


35.00%

30.00%
31.59%
25.00% Mga
Pangunahing
20.00% Relihiyon sa
23.20% Daigdig
15.00%

10.00% 15%
11.67% 11.44%
5.00%
7.10%
0.00%

__________ 1. Anong relihiyon sa daigdig ang may pinakamaraming tagasunod?

__________ 2. Kung ang may pinakamataas na bahagdan ang pinakamaraming


tagasunod na relihiyon, anong relihiyon naman ang pangalawa sa
may pinakamaliit na bahagdan?

__________3. Sa Pilipinas may pinakamaraming tagasunod ang relihiyong


Kristiyanismo, anong relihiyon naman ang pananampalataya ng
mga Muslim sa Kanlurang Asya?

2
Panuto: Bagay Mo, Choice Mo!
Kung sakaling isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang
panahon. Pumili sa mga larawan ng tatlong bagay na sa tingin mo’y
makatutulong sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.
Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan ng iyong pagpili. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Apoy Bato Kahoy

Buto Banga Metal

Subukang sagutan ang mga tanong:


1. Alin ang iyong mga pinili sa mga larawan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bakit ang mga ito ang iyong napili?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung taglay mo ang mga


pinili mong bagay? Ipaliwanag ang iyong sagot.

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3
Pag-aaralan Ko

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga


ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang Homo Species
(homo na nangangahulugang tao).

May tatlong pangkat ng Homo Species na nabuhay sa daigdig at naging mga


ninuno ng mga kasalukuyang tao. Ang Teorya ng Ebolusyon ng Tao mula sa
pagiging ape hanggang sa paglitaw ng mga Homo Sapiens.

Ape- Sinasabing pinagmulan ng tao

Chimpanzee- pinalagay na pinakamalapit


na kaanak ng tao, ayon sa
mga siyentista

Australopithecine-tinatayang ninuno
ng makabagong tao;
Ape na may kakayahang
tumayo ng tuwid
Lucy- pinakatanyag na Autralopithecus
Afarensis na natuklasan ang mga
labi noong 1974

Homo Habilis, Homo Erectus at Homo


Sapiens- mga pangkat ng Homo Species.

4
Pagkaraang lumitaw ang mga Homo Species particular ang Homo Habilis
noong dakong 2.5 milyong tao ang nakaraan, nagsimula na rin ang Panahon ng
Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.

Panahong Paleolitiko
(Dakong 2 500 000-10 000 BCE)
• “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age)
• Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang paleos o matanda at lithos o bato.
• Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan
• Pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga Hominid.
• Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao.

Lower Paleolithic Period


• Nagwakas dakong 120 000 taon na ang nakaraan.
• Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.
• Hindi pa lumikha ng kasangkapan.
• Homo Habilis ay nangangahulugang able man o handy man, unang species
ng Homonid na marunong gumawa ng kagamitang bato.
• Homo Erectus, na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato.

Middle Paleolithic Period


• Dakong 120 000 - 40 000 taon ang nakaraan.
• Paglitaw ng makabagong tao noong 100 000 taon ang nakalilipas.
• Umusbong ng pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at
pagguhit sa bato.
• Nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi.

Upper Paleolithic Period


• Dakong 40 000 - 8 500 taong nakaraan.
• Nagkaroon ng unang pamayanan sa campsite na matatagpuan sa lambak.
• Ang taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng taong
Cro-Magnon.

Mga Tanyag na Pehistorikong Tao


Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang
Homo Sapiens Neanderthalensis (circa 200 000-30 000 CE). Higit na malaki
ang utak ng Homo Sapiens sa mga sinaunang species kaya higit ang kanilang
kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na
may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon
ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba.

5
Homo Sapiens Cro-Magnon
Neanderthalensis

Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong


tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang
matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanin. Tuluyan ding umunlad ang
kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang
pagsisimulasa Panahon ng Neolitiko.

Panahon ng Neolitiko
(Dakong 10 000 - 4 000 BCE)

• Panahon ng Neolitiko o Panahon ng Bagong bato (New Stone Age)


• Hango sa mga salitang Greek na Neos o Bago at Lithos o Bato.
• Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya upang italaga ang isang
antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at
teknolohiya.
• Kilala ang panahon ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato,
permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok
at paghahabi.
• Rebolusyong agrikultura sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa
pagkain.
• Nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang alagaan
ang mga pananim.
• Catal Huyuk - isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng
Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon)
• Isang pamayanang sakahan.
• Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng
isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan.
• Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay.

6
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga
sinaunang tao nang mayutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at
sandatang yari sa metal. Naganap ito dakong 4 000 BCE, Panahon ng Metal.

Panahong Metal
(Dakong 4 000 BCE- Kasalukuyan)

Panahon ng Tanso
• Kauna-unahang natuklasan ang mga uri metal
• Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4 000 BCE sa ilang lugar sa Asya,
2 000 BCE sa Europe at BCE naman sa Egypt.
• Nalinang ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.

Panahon ng Bronse
• Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na
bagay.
• Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng
espada, punyal, martilyo, pana at sibat.
• Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ng mga tao sa mga
karatig-pook.

Panahon ng Bakal
• Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na
naninirahansa kanlurang Asya dakong 1 500 BCE.
• Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal.
• Lumaganap sa buong Africa, Asya at Europe ang paggamit ng bakal

7
Gagawin Ko
Panuto: I-Status Mo!
Bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga kailangang impormasyon
ang I- Status Mo! Organizer. Ibigay ang hinihinging impormasyon ng
organizer batay sa pagkaunawa sa binasa. Magbigay ng komento sa
bawat pamumuhay ng Panahon ng Paleolitiko, Neolitiko at Metal.
Isulat ito sa sagutang papel.

Paraan ng Pamumuhay sa Panahon ng Paleolitiko


Status:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Komento:

Paraan ng Pamumuhay sa Panahon ng Neolitiko


Status:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Komento:

Paraan ng Pamumuhay sa Panahon ng Metal


Status:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Komento:

8
Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa


kasangkapan, kabuhayan at iba pag aspekto ng pamumuhay?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Gumawa ng konklusyon tungkol sa mga sinaunang tao.

______________________________________________________________
______________________________________________________________

9
Tatandaan Ko

• Ang pinagmulan ng sinaunang tao ay may tatlong pangkat; Homo Habilis,


Homo Erectus at Homo Sapiens.

• Sa Panahon ng Paleolitiko ang pamumuhay ng mga sinaunang tao ay


pangangaso at pangangalap ng pagkain. Sila ay walang permanenteng tirahan
at umaasa lamang sa kanilang kapaligiran. Natuto silang gumamit ng
magaspang na bato sa paggawa ng kanilang mga kasangkapan sa panahong
ito.

• Panahon ng Neolitiko
Dahil sa pagkatuklas ng pagsasaka, nagkaroon na ang mga sinaunang tao ng
permanenteng tirahan kung saan sila ay natutong magtanim ng halaman at
mag-alaga ng mga hayop na siyang pinakamahalaga pagbabago sa kanilang
pamumuhay sa panahong ito. Namalagi na sila sa isang lugar upang
masubaybayan ang kanilang pananim. Dahil dito natuto silang gumawa ng iba’t
ibang kasangkapan gamit ang mga pinakinis na bato.

• Sa Panahon ng Metal naman ay natuklasan ang mga tanso, nalinang ang


paggawa ng iba’t-ibang uri ng metal tulad ng bronse. Sa panahong ito, natuto
silang makipagkalakalan sa karatig-lugar. Nagsimula naman sa paggawa ng
mga kasangkapang yari sa bakal kung saan lumaganap sa buong Africa, Asya
at Europe ang paggamit nito. Naging mas maunlad ang pamumuhay ng
sinaunang tao pagkalipas ng maraming taon.

10
Isasabuhay Ko - A

Panuto: Kung May Itinanim, May Aanihin!


Sa Panahon ng Neolitiko ay nagkaroon ng sistematikong pagtatanim. Sa
kasalukuyan halos lahat ng tao ay nagtatanim sa labas ng kanilang balay
na tinatawag na Backyard Urban Gardening. Kunan ng larawan ang mga
itinanim na gulay at i-post sa Group Chat/ Facebook Account ng klase ang
inyong larawan gamit ang #ItinanimKoAanihinKo

Susubukin Ko

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong ng mabuti. Piliin at isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig na pinakamaagang panahon sa


pag-unlad ng tao batay sa mga ginagamit na kasangkapan at naging hudyat
din ng pagtatapos ng Panahon ng Pleistocene?
A. Mesolitiko C. Neolotiko
B. Metal D. Paleolitiko

2. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong


naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. Agrikultura III. Labis na Pagkain
II.Kalakalan IV. Pangangaso
A. IV, I. III. II C. IV, I, II, III
B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV

3. Aling pahayag ang may MALING impormasyon tungkol sa mga yugto ng


pag-unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng
kalakalan.
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng
metal

11
4. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na
pinasimulan ng mga sinaunang tao noong Panahong Neolitiko?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo
ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na
magpaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng
pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.

5. Ang Homo Species ay nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng mga


kasalukuyang tao. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pangkat ng Homo
Species?
A. Ape C. Homo Sapiens
B. Chimpanzee D. Australopithecus

6. Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon.


Alin sa mga sumusunod na bagay ang tingin mo’y makatutulong sa iyong
pang araw-araw na pamumuhay?
A. Apoy, bato, buto ng hayop C. Kutsilyo, pana, tirador
B. Damit, pagkain, tubig D. Posporo, tela, palayok
7. Nang lumitaw ang mga Homo Species, lalo na ang Homo Habilis ay
nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI nagpapahayag tungkol sa Panahong Paleolitiko?
A. Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao.
B. May kakayahan ang mga tao sa paggawa ng kasangkapang bato.
C. Nagkaroon ng permanenteng tirahan ang mga tao.
D. Ito ang pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.

8. Ito ay huling bahagi ng Panahong Bato. Nakilala ang panahong ito sa


paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng tirahan sa
pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi.
A. Panahon ng Paleolotiko C. Panahon ng Metal
B. Panahon ng Neolitiko D. Panahon ng Lumang Bato

9. Nagkaroon ng pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang


matutunan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa
metal. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Panahon ng Metal?
A. Panahon ng Bakal C. Panahon ng Bronse
B. Panahon ng Bato D. Panahon ng Tanso

10. Kung ikaw ay nabuhay sa Panahon ng Paleolitiko, ano ang paraan ang iyong
gagawin upang mapagtagumpayan ang hamon ng kalikasan at manatiling
buhay sa kabila ng panganib sa paligid.
A. Magtanim ng mga gulay at mag-alaga ng hayop sa tahanan.
B. Magtago sa loob ng kuweba upang maging ligtas sa panganib.
C. Maging matulungin sa kapwa na nangangailangan.
D. Huwag iasa sa kapwa ang kaligtasan ng iyong pamilya.

12
Sanggunian
Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 8.
Kasaysayan ng Daigdig
pahina 39-44

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/5524

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6038

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like