Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PROYEKTO

SA

E.S.P Ni
Precious Ceelene T. Camacho

Michelle Maniquiz
Guro
URI NG SAYAW

Cariñosa
Nangangahulugang ito “mapagmahal” o “magiliw”. Ang Carinosa ay isang sayaw na
sumikat noong panahon ng mga Espanyol na kung saan ginagamitan ng pamaypay
at panyo.

Isinasayaw din ito na suot ang damit ni Maria Clara at ang kapares naman ay naka-
Barong Tagalog upang maganda sa paningin ito.

Ang tugtog dito sa sayaw ay may ¾ na kumpas at tinutugtog ng Rondalla na


kadalasang ang miyembro ay mga kalalakihan.

Pinakikita ng Carinosa na nahihiya ang babae habang nagsasayaw habang


hinahabol naman ito ng lalaki. Mahalaga na maisapraktika pa rin itong Carinosa
dahil parte na rin ito ng ating kasaysayan at kultura kada Buwan ng Wika.
URI NG KANTA

Leron Leron Sinta


Sa kabuuan, malalarawan ang isang tao na sinibulan ng bagong pag-ibig at umasa
na natagpuan na niya ang the one that he/she`ve been searching for his/her whole
life. Umasa, nabigo nagmove-on. Napaka tipikal na love story. Eh ano ngayon? Bakit
kailangan kong sabihin sayo to?

Ito ay isang halimbawa lang na maaring magpatunay na may mga kaalaman tayong
pinanghahawakan na maaring may ibang katuturan na sumasalungat sa
katotohanan nito. Kaya ikaw na ang bahala kung maniniwala ka sa akin o hindi.
Hindi kita pipilitin. Salamat sa pagbabasa. Wag ka sanang ma-leron-leron sinta.
URI NG LARO

Patintero
Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay maaring laruin ng tatlo
hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng
dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago
mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat kuponan.

Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang
taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang
ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang
grupo.

Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli
ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi
nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga
tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang
mahuli ng kabilang kupunan.

Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang


magwawagi.
URI NG MAGANDANG TANAWIN

Mayon Volcano
Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng
Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito.
Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang
pinakamataong lungsod sa despacito Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang
pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo
1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.

Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila
simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga
daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot nang halos 50 beses na ang mga pagsabog
nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong ikalawa pinaka-aktibong bulkan noong
2020 sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary sa gitna
ng Platong Eurasian at ng Plato ng Pilipinas.

URI NG KWENTO
Alamat
Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Bagama't karaniwan nang sinasabi
bilang "totoo" na mga kuwento, ang mga alamat ay kadalasang naglalaman ng mga
supernatural, kakaiba, o napaka-imposibleng elemento. Ang ilan sa mga
pinakatanyag na alamat sa mundo ay nabubuhay bilang mga tekstong pampanitikan,
tulad ng "Odisea"  ni Homer at mga kuwento ni Chrétien de Troyes tungkol kay
King Arthur.

URI NG TULA
Anyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.

Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang


ayon sa nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat ni Alejandro Abadilla ang
halimbawa ng mga tulang nasa anyong malayang taludturan.
Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga
halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose
Rizal, isa na dito ang “Isang Alaala ng Aking Bayan“.

May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang
huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.

Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa
bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.

URI NG KASUOTAN
Barong Tagalog
Ang Barong Tagalog, Barong Pilipino, o Barong lamang ay burdadong pormal na
kasuotan sa Pilipinas. Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob
ng pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-
kasal para sa mga lalaking Pilipino.

Naging tanyag ang pagsuot ng barong sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon


Magsaysay, na sinusuot ito sa karamihan ng opisyal at pansariling mga okasyon,
kabilang na dito ang pagluklok sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. Naging opisyal
na pambansang kasuotan ang barong sa isang kautusan mula sa dating Pangulong
Ferdinand Marcos noong 1975.
URI NG PAGKAIN

Vegetable Salad
Ang salad ay binubuo ng halo-halong maliliit na piraso ng pagkain, kadalasan gulay
gayunpaman, amy ibat-ibang uri ng salas ang mga gulay na ito ayy tulad ng
Lettuce,Cabbage,carrot,Tomato,cucumber At iba pang gulay na nakakaing hilaw.
Meron namang tinatawag nilang cooked salad o potato salad. Ang salad na ito ay
idinaan sa apoy tulad ng nilagang patatas na nilagyan ng mayonesa at iba pang
pampalasa upang maging masarap. Ang mga ganitong pagkain ay tinatawag na
salad.

You might also like