Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

El filibusterismo

Kabanata 1: Sa Kubyerta
NARRATOR: Isang araw ng Disyembre, naglalakbay ang Baper Tabo sa ilog pasig patungong
Laguna. Nag-uusap sa kubyerta ang mga pasahero.
DONYA VICTORINA: Kapitan, bakit hindi pa tulinan nag barko?
KAPITAN: Sasadsad tayo sa bukiring iyan, Donya Victorina
NARRATOR: Habang pinagtatalunan ng mga sakay ang pagtutuwid sa paliku-likong ayos ng
ilog ay biglang nagsalta si Simoun.
SIMOUN: Ang lunas ay napakadali. Humukay ng kanal sa Maynila. Magbukas ng bagong ilog at
tabunan ang ilog Pasig.
DON CUSTODIO: Sa panukalang ito’y malaking pera ang magugol, G. Simoun, at masisira ang
mga kabayanan.
SIMOUN: Puwes, sumira! Gamitin ang mga bilanggo at bihag upang walang perang gugugulin
sa paggawa. Kung hindi sasapat , ang taong bayan ang sapilitang pagawain. Sa ganyang
paraan nayari ang malalaking piramide sa Ehipto, ang lawing Moeris, at ang Coliseo ng Roma.
DON CUSTODIO: Ngunit maaaring magbunga iyan ng paghihimagsik.
SIMOUN: Nag-alsa na ban a kahit misan ang bayang ehipto?
DON CUSTODIO: Pero hindi na kayo kaharap ng mga ehipto.
PADRE SALVI: Ang lupaing ito’y maraming beses nang naghimagsik dahil sa sapilitang
paggawa.
SIMOUN: Ang mga pulong ito ay hindi na muling maghihimagsik, At kayo Padre Salvi, ano ang
silbi ninyong mga prayle kung maghihimagsik ang bayan? At huwag kayong bumanggit ng
pangangatwirang pawing katunggakan! (umalis)
DON CUSTODIO: Siya’y isang napakawalang utang na loob… at talakayin pa ang mga bagay
na ito sa bapor pa naman!
DON CUSTODIO: Nagharap na ako ng isang tunay na panukalang matipid at kapaki-
pakinabang upang linisin ang mahabang wawa sa Laguna.
BEN-ZAYB: At maari bang malaman kung ano iyan?
DON CUSTODIO: Pilitin ang lahat ng bayang magkatabi na mag-alaga ng pato, at ang mga
hayop na ito, sa pamamagitan ng panginginain ng susong maliliit, ang magpapalalim ng wawa.
BEN-ZAYB: Maari ko bang isulat tungkol sa bagay na iyan?
DONYA VICTORINA: Pero, Don Custodio, kung lahat ay mag-aalaga ng mga pato, darami ang
mga balot. Mabuti pa’y matabunan na nag wawa kaysa magkaroon ng maraming nakadidiring
balot!

You might also like