Class Prophecy 2020

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“Class Prophecy”

“Magandang Gabi sa lahat narito ako sa inyung harapan upang magbigay ng aming Class Prophecy”

Sa wakas nabuo na ang imbensyon na pinaghirapan nina Dr. Richard Moda at Dr. Elvie Joy
Lagalcan na bagong tuklas na makina. Isang “Time Machine”. Halos taon din ang ginugol nila upang
mabuo ito. Sobrang saya ng dalawang siyentista at sabik na silang subukan kung ito ay matagumpay
na nabuo.

Pumasok silang dalawa sa makina. Tumunog ang makina. Ilang sandali lamang ay bigla na
silang naglaho.

2029. Luminga-linga ang dalawang siyentista sa paligid. Ang buong paligid ay sadyang
makabago. Marami ang ilaw, may lumilipad na sasakyan, mga robot ang nagwawalis sa kalye. Ang
mga damit ng mga tao ay disenyong parang metal at kusang nagpapalit ng kulay kung gusto. Ang mga
gusali ay nakalutang sa ere. Ang mga kalye ay nagbubukas sa ilalim. Sadyang makabago talaga ang
nakikita ng dalawa. Hindi maikakaila na gumana nga ang kanilang time machine. Pero bigla itong
pumutok. Tiningnan nila at nasira.

Binalak ng dalawa na galugarin ang paligid kung ano ang bago nilang makikita. Nakakita sila
ng isang napakalaking billboard na umiilaw at nagsasalita. dalawang sikat na fashion model na
nakasuot ng eleganteng damit na tila napakamahal ang bayad. Sa baba nito nabasa nila ang nakasulat,
“Top Fashion Models: Em – Em Waloc and Apple Joy Palasanon. “Wow!” Sabi ni Dr. Richard.
“Mga mag-aaral natin yan ha”, winika naman ni Dr. Elvie Joy.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nagtanong sila sa nakasalubong kung saan sila pwedeng
kumain. Isang pulis ang nakausap nila. Gwapong-gwapo ang porma, nakasuot ng umiilaw na
eyeglasses. Nalaman nila na ito pala ay si Police Chief Superintendent Ian Paul Sulang. Hindi
nagpahalata ang dalawa na kilala nila ang taong napagtanungan nila.

Pumasok sila sa isang restawrant. The Super Sarap Restaurant. Ito ang pangalang kanilang
kakainan, talagang makalaglag laway ang sarap ng mga pagkain na nandoon. Nais nilang kilalanin
ang nagmamay-ari ng restawrant. Si Chef Elmer Campaan pala ang nagmamay-ari ng restawrant at
sya na rin ang kilala na pinakamagaling na chef ng buong bayan. Muling ngumiti ang dalawa.

Paglabas ng dalawa sa kainan ay may nakita silang kumpol ng tao. Doon sila nagtungo at
inusisa kung ano ang mayroon. Isa palang concert. Isinisigaw ng mga tagahanga ang pangalan ni Ivy
Campaan at Kiven Pielago. Sila ay naging isang mga sikat na singer. Nakisigaw na rin ang dalawang
siyentista sa kasiyahan na makita ang dalawang kaklase.

Gumabi na at tumuloy ang dalawa sa isang “5 star hotel”. Isang nakakalulang skycraper na
halos di muna makita ang dulo nito sa itaas. Napag alaman nila na ang nagmamay-ari pala ng
napakalaking hotel sa buong mundo at napakamayamang negosyante ay si Ricky Amadio.
Nagtinginan ang dalawa at sila’y namangha.

Habang nag papahinga, binuksan nila ang telebisyon. Sa balita, pinararangalan ang isang
sundalong nagligtas sa libu-libong tao dahil sa terorismo at siya ay si 5 star General Jayson Tang.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang napanood na ang kanilang kaklase ay sikat na tao.
“Talagang malaki na ang pinagbago, sambit ng dalawang siyentista.

Kinaumagahan ay handa na naman ang dalawa sa paggagalugad kung ano pa ang kanilang
madidiskubrehan. Hinawakan ni Dr. Judy Ann naman ang isang magazine. Nagbasa siya. Nabasa niya
ang tungkol sa new society sa pahayagan. Nais alamin ng dalawang siyentista kung ano ito subalit
kailangan nilang sumakay ng eroplano.

Nang nandoon na sila sa new society. Laking gulat nila na makita nilang ang gandang arkitekto
ng mga gusali sadyang malayo sa imahinasyon na kanilang makikita dahil sa pinagsamang makaluma
at makabago. Nalaman nila na ang nag disenyo pala nito ay ang pinakamagaling na arkitekto na si
Jan Jan Palawan.

Habang sila ay naglalakbay, napansin nila ang isang botanical garden na sobrang lawak na
punong-puno ng mga magagandang bulaklak at mga gulay. Ito ang Lagutan’s Garden na pagmamay-
ari ni Dem – Dem Daganon. Sa di inaasahang pangyayari, natuklaw ng ahas si Dr. Judy Ann, kaya
agad siyang itinakbo sa pinakamalapit na ospital.

Inasikaso agad sya ng doctor. Sa isang iglap nawala ang kamandag ng ahas dahil sa bagong
teknolohiyang paghigop na ginamit at dahil na rin sa galing ng doktor. Gusto niyang pasalamatan ang
mga doctor na nagpagaling sa kanya kaya nakilala niya ito, at ito ay si Dr. Jicmor Amadio at kasama
ang kanyang maasikasong nars na si Nurse Cherrie Mae Palawan

Nang makalabas na sila nang ospital ay nagulat sila nang may biglang tumawag sa kanilang
pangalan. May nakakakilala sa kanila. Papalapit ang dalawa, napag alaman nila na sina Elmie Laud
na sa panahong iyon ay may sariling laboratory dahil sa pagiging magaling na mathematician at si
Charlyn Egong na isang CPA lawyer. Tulala ang dalawa sa puntong iyon, sinabi ng dalawang
siyentista ang kanilang problema tungkol sa time machine. Nag isip ang magkaibigan, isang magaling
na software engineer ang makatutulong sa kanila. Siya ay si Engineer Jerry Luis.
Dahil sa tulong ng tatlo nakabalik nang mahusay ang dalawang siyentista sa dating panahon na
kanilang kinabibilangan.

Talagang sasakyan ng tadhana ang aming pangkat. Lahat kami ay magiging isang
pinakamatagumpay matapos ang sampung taon. At ipinagmamalaki namin na kami ay galing sa iisang
paaralan at iisang klase. Talaga nga naming nakakatuwang isipin na ang mga pinagdadaanan ng aming
klase ngayong high school days. Maraming hirap at pasanin ang aming ipinundar para lamang maabot
ang mga pangarap naming ito. Kahit gaano man kataas ang aming mga pangarap hindi ito naging
hadlang sa amin para magsumikap.

Mula sa amin mga mag-aaral, Nagpapasalamat kami sa aming mga butihing mga guro na laging
nariyan para kami ay turuan at aming naging sandigan sa ano mang problema na aming hinaharap.
Maraming Maraming Salamat sa inyu aming mga guro. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang
kakayahan at abilidad na baguhin ang takbo ng kanyang kapalaran. Hindi ang tadhana ang naglalaan
ng kapalaran ng tao, hindi ang hula ng kung sino man, tanging panahon lamang ang makatutukoy nito
at wala nang iba pa. At kung kailan may mawalan ng tiwala sa sarili, harapin ang nararapat at sabihing
Ako ay tao...... Makapangyarihan may pangarap na dapat tuparin.
~~~ END ~~~

You might also like