Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lady Ann Laquindanum

9-STE

Ang Ipinagbabawal na samahan


Nasa loob na sila ng paaralan at naghihimagsik sa kapaligiran, makikita na natin sila sa bawat
sulck ng silid-aralan. Ang fraternity mga samahan na dati ay karaniwang sa mga kalye lamang
nam-bibiktima ngunit ngayun ay maging sa loob ng paaralan ay makikita na rin natin sila.
Nanghihikayat ng mga rebeldeng mag-aaral at mga mag-aaral din nakanilang sisiraan ng buhay
at pangarap.

Ayon sa gobyerno, ang fraternity ay pinagbabawal sa kahit anong paaralan sapagkat nakakasira
ito sa kinabukasan ng mga estudyante. Pagiging rebelde ang isa sa epekto ng fraternity na
maaring makasira sa bagabot ng kanilang nfa pangarap. Ang mga nag-aaral ng mabuti ay na
iimpluwensyahan ng kapwa nila estudyante upang sumali sa pinagbabawal na mga samahan na
nambubulas o nangaapi ng mga estudyante na alam nilang hindi marunong lumaban, tinatawag
nila itong mga mahihinang tao. Gumawa sila ng fraternity upang pag hari-harian sa loob ng
paaralan, ang tingin nila sa kanilang sarili ay malakas sapagkat marami silang nabubulas o
naaapi na kapwa nila estudyante. Napakasama ng naidudulot ng fraternity dahil may mga
estudyante na nakakaranas ng depresyon at ang malala ay may mga nagpapakamatay dahil
satakot na mabulas ulit ng mga kapwa nila estudyante na kabilanf sa pinagbabawal na samahan
o fraternity.

Kaya naman mas mabuti kung hindi na tayu dadagdag sa problema ng paaralan, huwag mag
paimpluwensya at kung may na ipinagbabawal na samahan ay isiplong sa mga guro upang
maging maayoa na ang bawat paaralan, Ang pagsali sa ipinagbabawal na samahan ay siyang
sisira sa inyong kinabukasan

You might also like