Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 46

DISKURSO

AT MAKRONG
KASANAYAN

Inipresenta ni:
Norfaisah I. Magad, LPT
Kahulugan ng diskurso
 Ayon
sa diksyunaryong ingles,-filipino (1984), ang diskurso ay nangangahulugang
magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan

 Ayonnaman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang pormal na
pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita.

 Angdiskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng


pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
Dalawang anyo ng diskurso
A. Pasalitang Diskurso – karaniwang magkaharap ang mga participant kung kaya’t
bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi
ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono, tindig at iba
pang salik ng pakikipagtalastasan na maaring makapagpabago sa kahulugan ng
mensahe.
B. Pasulat na Diskurso – higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa
sandalling ang mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa
tatanggap at ito’y kanyang nabasa, hindi na maaring baguhin ng manunulat ang
kanyang sinulat
Uri ng diskurso
 Deskriptib/Paglalarawan– pagbibigay ng malinaw na imahen ng isang tao, bagay, pook,
damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon. Layunin nito na makalikha ng
imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay maranasan din ang
naranasan ng manunulat.

Halimbawa:

paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng mga turista.


 Naratibo Pagsasalaysay – dito, isinasambit natin ang mga detalying kalakip ng isang
particular na pangyayari upang maibahagi sa iba ang mga bagay na nagaganap sa atin o
mga bagay na ating nasaksihan. Layunin nito na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng
isang pangyayari sa isang maayos at sistematikong kaayusan.

Halimbawa:
paglalarawan ng hindi makakalimutang pangyayari sa buhay.

 Ekspositori
o Paglalahad – ito ay anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang
tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na inihanay
sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang magkaroon ng bago at dagdag na
kaalaman ang ibang tao. Layunin nito na makapagbigay impormasyon.

Halimbawa:

manual tungkol sa COVID19 vaccine.


 Argumentatibo o Pangangatwiran – ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng
isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o
makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig. Layunin nitong makahikayat ng tao sa isyu
o panig,

Halimbawa:

Paghihikayat na magpabakuna laban sa COVID19.

You might also like