Filipino6 Q3 1.2 Pagbibigay-ng-Lagom-o-Buod-ng-Tekstong-Nnapakinggan - FilGrade6 - Quarter3 - Week1aralin2 - Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

6

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Lagom o Buod
ng Tekstong Napakinggan
Ikatlong Markahan - Unang Linggo
(Aralin 2)
FILIPINO – Ikaanim na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
Ikatlong Markahan – Unang Linggo (Aralin 2)
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


Sa Pinatnubayang Kasanayang Pamapagkatuto
Manunulat: Analyn Marie A. Guivencan
Editor: Joel Orcino
Tagasuri at Taga-anyo: Mary Ann C. Ligsay PhD
Divine Grace Esteban
Albin Lee A. Arabe
Tagaguhit at Tagalapat: Julius Hallado
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansanay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagbibigay ng Lagom o Buod
ng Tekstong Napakinggan

Panimula

Mahilig ka bang magbasa o makinig ng mga kuwento? Ano-ano na ang mga


kuwento o tekstong iyong nabasa at napakinggan? Naranasan mo na bang ibahagi
sa iba o isalaysay muli ang tekstong iyong napakinggan? Paano mo ito ginagawa?

Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagbibigay ng lagom o buod ng


tekstong napakinggan. Ito ay mainam na paraan upang maibahagi sa iba o
maisalaysay muli ng malinaw at maayos ang anumang akda. Sa ganitong paraan
makikita kung paanong ang mahabang kuwento, sanaysay o teksto ay napapaikli
nang hindi nawawala ang kabuuang mensahe nito.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan. (F6PN-IIIe19)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nabibigyang kahulugan ang lagom o buod;


2. nakagagawa ng dayagram batay sa tekstong napakinggan; at
3. nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan.

1|Pahina
Balik Aral

Panuto: Basahin at unawain ang tekstong Bakuna, Laban sa COVID-19. Sagutin


ang mga tanong sa ibaba ng teksto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Bakuna, Laban sa COVID-19


ni Analyn Marie A. Guivencan, Rabanes Elementary School

Ayon sa Department of Health (DOH), bumababa na ang kaso ng naturang


sakit na COVID-19 at dumarami na ang gumagaling. Layunin ng gobyerno at DOH
na mabakunahan lahat ng tao sa Pilipinas ng libre upang sa gayon ay mas maging
ligtas na. Inaasahan na kapag nabakunahan na ang lahat ay magbabalik na ang
mga trabaho at pagpasok sa paaralan. Ngunit ayon sa DepEd ay marahil
magsisimula ng magbukas ang klase sa mga lugar na kakaunti lang ang kaso ng
virus. Pinag-aaralan pa ito ng presidente dahil maraming magulang at mga
estudyante ang labis na nag-aalala sa kanilang kaligtasan. Marami rin namang
estudyante at guro ang nahihirapan sa makabagong pamamaraan ng pag aaral. Ang
dating layunin ng mga guro na magturo sa loob ng paaralan, ngayon ay estudyante
na ang mag isang nag aaral ng kanilang mga aralin katuwang ang kanilang mga
magulang sa kani-kanilang mga tahanan. Kaya't maraming mamamayan ang sabik
ng maibalik sa normal ang lahat. Ngunit hindi pa din sang-ayon ang lahat sa
pagpapabakuna. May ilan pa rin ang hindi sang-ayon ukol dito dahil sa takot na
baka maulit ang nangyari noon sa Dengvaxia. Sa kabila nito, giit ng DOH na
magkabakuna man ay hindi pa rin maaaring lumabas ng walang suot na facemask
at faceshield na pamprotekta laban sa virus upang makasiguro sa kaligtasan ng
bawat isa.

2|Pahina
1. Tungkol saan ang teksto iyong nabasa?
2. Bakit takot ang ilan sa pagpapabakuna?
3. Paano ang paraan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya?
4. Ano ang layunin ng gobyerno at DOH upang maging ligtas ang lahat laban
sa COVID-19?
5. Upang masagot ang mga tanong batay sa teksong iyong nabasa o
napakinggan, ano-ano ang mga dapat mong tandaan?

Pagtalakay sa Paksa

Hilig mo ba ang maglakbay? Sa iyong paglalakbay, naranasan mo na ba ang


sumakay sa iba’t ibang uri ng sasakyan tulad ng motorsiklo, dyip at bangka?
Nasubukan mo rin ba ang dumaan sa mabato, maalikabok at matalahib na daan?
Anong mga lugar na ang iyong narating?

Ipabasa sa iyong magulang, nakatatandang kapatid o tagapag-


alaga ang teksto sa ibaba na may pamagat na Tatlong Daan,
Patungong Tatlong Sitio.

Tatlong Daan, Patungong Tatlong Sitio


ni Analyn Marie A. Guivencan, Rabanes Elementary School

Sa barangay Aglao, San Marcelino, Zambales ay matatagpuan ang tatlong


Sitio: ang Ibad, Quartel at Kahapa. May tatlumpu’t apat na kilometro ang layo nito
mula sa kabayanan. Matatagpuan ang mga ito sa silangang bahagi ng bayan ng San
Marcelino, sa paanan ng mga bundok at sa dulong bahagi ng kalaharan ng bayan.
3|Pahina
Ang mga naninirahan dito ay ang mga katutubong Ayta. Tatlong daan ang maari
mong tahakin upang marating ang tatlong Sitio. Ang pagpili ng daan ay
nakadepende sa uri ng sasakyan na gagamitin sa paglalakbay.

Ang mga sasakyang may apat na


gulong tulad ng trak at pick-up ay maaaring
bagtasin ang pababa ng dike, patawid ng
kalaharan patungong paanan ng bundok ng
Sta. Fe at bundok Bagang. Dito ay
madadaanan ang malambot na lupa,
mabato, madamo at matalahib na daan.
Pagkatapos nito, ay muling babagtasin ng
sasakyan ang gitna ng kalaharan upang marating ang tatlong Sitio. Maaari ring
gamitin ang sasakyang may tatlong gulong tulad ng kuliglig sa uri ng daang ito.

Ang ikalawang uri ng daan ang


madalas daanan ng mga taong
naninirahan dito sapagkat higit na
malapit at mabilis ang paglalakbay dito
papunta at pabalik ng bayan.
Kinakailangang tahakin ang maalikabok
na itaas ng dike hanggang sa dulo nito,
pababa ng mabatong gilid ng bundok
Delta 8, hanggang sa makipot na tulay na
bakal, na tanging may dalawa hanggang tatlong gulong lamang ang maaring
magkasiya. Pagkatapos nito ay babagtasin muli ang gitna ng kalaharan upang
tuluyang marating ang mga Sitio. Ang mga motorsiklo at “kulong-kulong” naman
ang maaaring gamitin sa ikalawang uri ng daan. Ang “kulong-kulong” ay isang motor
na kinabitan ng pakuwadradong hugis na tila isang kahon na may pagkakahawig
sa pampasaherong traysikel. Ginawa ito upang maingatan ang mga bagay o
anumang isasakay. Dito rin dumadaan ang mga kalabaw na ginagamitan ng kariton
ng mga katutubong naninirahan sa tatlong Sitio. Sa kariton, isinasakay ng mga ito
ang kanilang mga produkto upang ipagbili sa bayan.

Sa ikatlong uri ng daan, ang dyip,


bangka at kariton ang maaaring gamitin.
Higit na mas malayo ito kung ihahambing
sa ibang daan. Ang dyip ay daraan din sa
itaas ng dike, paakyat ng bundok
patungong barangay Aglao. Mula dito,
pagbaba ng dyip, ay kinakailangang
sumakay ng isang bangka upang matawid

4|Pahina
ang lawa ng Mapanuepe. Pagtawid ng lawa, ay maaari ng sumakay ng kariton bago
makarating sa tatlong Sitio. Ang madalas gumamit ng daang ito ay ang mga opisyal
ng barangay Aglao, mga Health Workers at iba pang mga nais bumista sa Sitio.

Ibat iba man ang uri ng daan na kailangang tahakin upang marating ang mga
Sitio, anumang sasakyan ang gamitin patungo dito, ang pagod at hirap na hindi
maitatanggi sa paglalakbay ay tunay na mapapawi sa oras na marating ang tatlong
Sitio sapagkat sariwang hangin, tahimik, payapa at mabubuting tao ang sasalubong
sa iyo.

Naunawaan mo ba ang tekstong iyong napakinggan? Ano ang


masasabi mo sa teksto?

Ang tekstong iyong napakinggan ay lubos na napakahaba. Kaya ba mo


itong isalaysay sa mas maikling paraan?

Ipabasa ang susunod na teksto at paghambingin ang unang tekstong


binasa at ang tekstong susunod na babasahin.

Ang Sitio Ibad, Quartel at Kahapa ay matatagpuan sa barangay Aglao, San


Marcelino, Zambales. Ang mga ito ay malayo sa kabayanan at ang naninirahan dito
ay mga katutubong Ayta. Upang marating ang mga Sitio, may tatlong daan na
maaaring tahakin depende sa sasakyang nais gamitin.

Sa unang uri ng daan ay maaring gumamit ng mga sasakyang may tatlo


hanggang apat na gulong tulad ng kuliglig, pick up at trak. Tatahakin nito ang
malambot na lupa ng lahar, mabato, madamo at matalahib na daan sa gilid ng
bundok.

Dahil mas madali at mas mabilis ang paglalakbay gamit ang ikalawang uri ng
daan, ito ang madalas daanan ng mga naninirahan sa Sitio. Tanging mga sasakyan
na may dalawa hanggang tatlong gulong lamang ang maaring dumaan sa
maalikabok, mabato at makipot na tulay tulad ng motorsiklo, karison at “kulong-
kulong”.

Pinakamalayo sa lahat ay ang ikatlong uri ng daan na madalas daanan ng


mga opsiyal ng barangay at iba pang nais bumisita sa Sitio. Kinakailangan pa ang
pagsakay sa dyip, pagtawid sa lawa gamit ang bangka at pagsakay sa kariton bago
marating ang tatlong Sitio.

5|Pahina
Mahirap at nakakapagod man ang tatahaking daan sa paglalakbay patungo
sa tatlong Sitio, lahat ng ito ay mapapawi sapagkat may sariwang hangin, tahimik,
payapa at mabubuting tao ang sasalubong sa iyo.

Ano ang napansin mo sa huling tekstong iyong napakinggan? Hindi ba’t


ito ay mas maikli kung ihahambing sa unang teksto? Ito ay dahil ang huling
tekstong iyong napakinggan ay ang lagom o buod ng tekstong Tatlong Daan,
Patungong Tatlong Sitio.

Ang lagom o buod ay pinaikling bersiyon ng isang tekstong nabasa,


napakinggan o napanood. Ang pagbibigay ng lagom o buod ay ang pagsulat o
pagsasalaysay muli sa isang akda sa maikling paraan na ginagamitan ng sariling
pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ang
isinasama lamang sa isang lagom o buod ay ang mga pangunahing tauhan, ang mga
mahahalagang detalye o pangyayari, at ang kinahinatnan nito.

Mga Hakbang sa Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Teksto


1. Isulat ang pamagat ng tekstong nabasa o napakinggan.
2. Tukuyin ang paksang pangungusap o pinaktema.
3. Hatiin sa bahagi ang teksto batay sa paksa na bibigyang buod.
4. Sa bawat paksa dapat mailalahad ang mga mahahalagang detalye na
magbibgay ng mga kaisipang mag-uugnay sa paksa.
5. Sikaping gamitin ang sariling pangungusap sa paggawa ng buod
upang ito ay maging mas payak at agad mauunawaan.
6. Tiyakin ang organisasyon o pagkakasunod-sunod ng detalye o
pangyayari sa teksto.

Sa pagbibigay ng lagom o buod ng isang kuwento, mahalagang makabuo


muna ng balangkas na maaaring nasa ating isipan lamang o kaya ay maaari rin
namang isulat. Makatutulong ang paglalapat ng balangkas nito gamit ang
dayagram.

Gawin ang mga sumusunod na gawain upang mas mahasa ang inyong
kaalaman sa pagbibigay ng lagom o pagbuod ng isang teksto.

6|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
A. Panuto: Ayusin ang mga letra sa ibaba upang mabuo ang mga parirala na
nagbibigay kahulugan sa salitang lagom o buod. Punan ang grapikong
pantulong gamit ang mga nabuong parirala. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1.

2. 5.
Lagom o Buod

3. 4.

1. MAKILIGN BERYONSI
2. LIRISANG NANAPALITA
3. MALAHAHAGANG NAHUAT
4. MALAHAHAGANG TALDEYE
5. BUOPAG NG KASBALANG

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tama


patungkol sa lagom o buod at MALI naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel
ang iyong sagot.

________1. Ang lagom o buod ay pinaikling bersiyon ng isang tekstong nabasa,


napakinggan o napanood.
________2. Sa pagbibigay ng lagom o buod, kinakailangan ang paggamit ng sariling
pananalita.
________3. Ang lagom o buod ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng
pinakadiwa ng tekstong nabasa o napakinggan.
________4. Ang lahat ng tauhan, detalye o pangyayari sa nabasa o napakinggang
teksto ay isinasama sa pagbibigay ng lagom o buod.
________5. Mahalagang makabuo muna ng balangkas na maaaring nasa ating isipan
lamang o kaya ay maaari rin namang isulat sa pagbibigay ng lagom o
buod ng isang kuwento.

7|Pahina
Pinatnubayang Pagsasanay 2

Paalala: Ipabasa ang teksto na may pamagat na Gulong ng buhay sa Kulong-


kulong.

Gulong ng Buhay sa Kulong-kulong


ni David S. Tiglao

“Kulong-kulong” ang tawag sa


sasakyang de-motor na kinabitan ng
pakwadradong hugis na tila isang
kahon. Nakadisenyo ito upang
maingatan ang mga gamit o ang alin
mang bagay na isasakay. Dito ay
maaari ring sumakay ang mga tao
katulad ng sa traysikel. Ang kaibahan
lamang nito sa traysikel ay wala itong
bubong. Kadalasang ginagamit ang
“Kulong-kulong” sa mga lugar na
mahirap landasin at malalayo sa
kabihasnan. Ito rin ang gamit ng ating mga kapatid na katutubo sa paaangkat ng
kani-kanilang produkto patungo sa bayan.

Ang Chiang Chio Te Memorial Aeta School na isang paaralan ay hindi basta-
basta nararating ng lahat ng uri ng sasakyan sapagkat kinakailangan pang tawirin
ang kalaharan bago makarating sa paaralang ito kung kaya’t saludo ang mga mag-
aaral sa mga guro na matiyagang nilalandas ang paaralan upang magbahagi ng
edukasyon sa mga bata. “Kulong-kulong” ang gamit nilang sasakyan patungo rito.
Batid ng mga mag-aaral ang kanilang buhay sa “kulong-kulong”, sa araw-araw
nilang paglalakbay. Tila gulong ang kanilang buhay kasama ang “kulong-kulong”.
May mga pagkakataong at araw na masaya at puro tawanan ang hatid ng pagsakay
nila dito. May mga pagkakataon din namang hirap ang kanilang dinaranas sa tuwing
ito ay nasisira sa gitna ng daan. Ramdam nila ang kanilang pagod sa paglalakad at
pagtutulak ng kulong-kulong sa mabato at mabuhangin daan.

Ngunit sa kabila ng sakit ng katawang natatamo ng mga guro sa pagsakay


dito, sa likod nito ay ang busilak na puso na handang maghatid ng mga bagong
kaalaman. “Kulong-kulong”, hatid man nito’y saya, pagod, hirap at sakit ito naman
ang naghahatid sa mag-aaral para sa magandang kinabukasan.

8|Pahina
A. Panuto: Punan ang dayagram sa ibaba batay sa tekstong Gulong ng Buhay sa
Kulong-kulong. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Pamagat ng Teksto: Gulong ng Buhay sa Kulong-kulong

Talata 1
PAKSANG PANGUNGUSAP

MAHAHALAGANG DETALYE

Talata 2
PAKSANG PANGUNGUSAP

MAHAHALAGANG DETALYE

KONKLUSYON

Paalala: Ipabasa ang kuwento sa ibaba na may pamagat na Ang Alamat ng


Amukaw. Pakinggan at unawain ang kuwento.

Ang Alamat ng Amukaw


ni Pia Fe D. Castillo, Chiang Chio Te MAS

Sa bulubunduking bahagi ng bayan ng San Marcelino, Zambales ay


masayang naninirahan ang mga katutubo. Sila ay mayroong pagkakaisa sa lahat ng
bagay at may sinusunod na kultura. Pinangungunahan sila ng lider ng kanilang
tribo na kung tawagin ay chieftain. Isang araw, may dumating na isang dayuhan o

9|Pahina
estranghero at nagsasabing sa kanya ang tinitirhang bundok ng mga katutubo. Siya
ay nagngangalang Ampukaw. Pinapaalis ng malupit na estranghero ang mga kaawa-
awang mga katutubo sa kanilang tirahan.

“Hoy, mga kulot! Lumayas na kayo sa aking lupain ngayon din, kung hindi
ay ipapasunog ko ang buong kabundukang ito!”, ang sabi nito. Sinubukang
ipaglaban ng mga katutubo ang kanilang tahanan subalit lubhang malupit si
Ampukaw. Ipinasunog niya ang buong kabundukan. Naubos ang kabuhayan at mga
pananim ng mga katutubo. Napilitan ang mga ito na lisanin ang kanilang mga
tirahan dahil sa pangyayaring ito.

Lingid sa kaalaman ni Ampukaw ay may diwatang nagbabantay at


nangangalaga sa kabundukan. Nagalit ang diwatang si Aglawa sa ginawang iyon ni
Ampukaw. “Hahaha! Sa wakas ay napalayas ko na ang mga katutubong iyon! Sa
akin na ngayon ang kabundukang ito!, malakas niyang tugon. “Tatayuan ko ng
aking rebolto ang bawat bundok na matatanaw ko bilang tanda na pag-aari ko ang
mga ito.” Narining ng diwata ang tinurang iyon ni Ampukaw. “Aha!, iyan pala ang
balak mo. Parurusahan kita ayon sa nais mo”, bulong ni Diwata Aglawa.

Habang abala si Ampukaw sa


pagtatayo ng kanyang unang rebolto,
may lumapit na isang matandang
babae sa kanya. “Ano ang iyong
ginagawa dito ginoo?” Nagulat si
Ampukaw sa pagdating ng matanda.
“Hoy tanda! Wala kang pakialam kahit
anong gawin ko dito! Pag-aari ko ang
lugar na ito. Lumayas ka dito!”, sabay
tulak sa kaawa-awang matanda.
Napaupo ang matanda sa lupa sa lakas
ng pagkakatulak ni Ampukaw.
“Lubhang napakasama mo talaga Ampukaw. Nararapat ka lamang na parusahan!”,
biglang nagbago ang anyo ng matanda at naging isang magandang diwata. “Dahil
sinunog mo ang mga pananim, kabuhayan at tirahan ng mga katutubo, nararapat
lamang na panagutan mo ang iyong ginawa. Ikaw ay habang buhay na magbibigay
ng kanilang ikabubuhay. Tulad ng nais mo, ikaw ay matatagpuan sa lahat ng
kabundukan. Uusbong ka, tatayo sa lupa pagkatapos ay puputulin upang kunin
ang iyong puso at mula sa iyong puno ay yayabong kang muli. Paulit-ulit na kukunin
ng mga katutubo ang iyong puso na siyang magiging kabuhayan ng mga taong iyong
inabuso.” Pagkawikang iyon ng diwata, ay biglang naging puno ng saging si
Ampukaw. Ngunit kakaiba ang punong ito sa normal na puno ng saging. Ito ay may
maliit at payat na puno. Ang kanyang bunga ay maraming buto.

10 | P a h i n a
Lumipas ang panahon at hindi
napigilan ang pagdami ng puno ng
Ampukaw. Yumabong na muli ang mga
pananim at nanumbalik ang lahat sa
kabundukan. Napag- alaman ng mga
katutubo na wala na si Ampukaw. Balita
nila ay bigla na lamang naglaho ito sa
kabundukan. Dahil sa magandang balitang
ito ay nagbalik na ang mga katutubo sa
kanilang mga tirahan sa kabundukan.
Napansin ng mga katutubo ang mga
kakaibang puno ng saging na tumubo sa kanilang lugar. Gaya ng ibang puno ng
saging, sinubukang din nilang kunin ang puso nito na matatagpuan sa mismong
puno. Nakarating ang balita tungkol sa kakaibang puno ng saging sa chieftain ng
mga katutubo. Naisip nito na marahil ay iniwan ito ni Ampukaw sa kanila bilang
tanda ng paghingi ng tawad nito sa kanila. Katulad ni Ampukaw, sinakop ng
kakaibang puno ng saging na ito ang buong kabundukan ng San Marcelino. Dahil
dito, tinawag nila ang puno ng saging na ito na Ampukaw. Itinuring nila itong biyaya
ng kalikasan. Lumipas ang maraming taon. Nagpatuloy ang pagdami ng puno ng
Ampukaw. Hindi naglaon, ang puno ng ampukaw ay tinawag na puno ng Amukaw.

B. Panuto: Punan ang dayagram ayon sa balangkas ng kuwentong Ang Alamat ng


Amukaw. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

SIMULA
GITNA
(Tagpuan)
(Tauhan, problema,
banghay at
PAMAGAT pangyayari)

WAKAS
(Solusyon,
Kinalabasan)

11 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay

A. Panuto: Balikan ang kuwentong Ang Alamat ng Amukaw. Batay sa


Pinatnubayang Pagsasanay 2 na iyong ginawa, ibigay ang lagom o buod nito sa
isang talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Lagom o Buod:

Ang Alamat ng Amukaw


___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG ISKOR (RUBRIK)


Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad
ng 4-5 detalye ng 3 detalye lamang ng 2 lamang ng 1
detalye detalye
Presentasyon Organisado at Hindi gaanong May ilang Maraming
sunod- sunod organisado at detalye ang detalye ang
ang mga sunod- sunod hindi naisama hindi naisama
detalye sa ang mga sa buod sa buod
buod detalye sa
buod
Wastong Naibabaybay Wasto ang May ilang Maraming
baybay at ng wasto ang lahat ng hindi wasto salita ang
bantas lahat ng mga bantas na ang bantas na hindi
salita at wasto ginamit ginamit at naibaybay ng
ang lahat ng ngunit may may wasto at
bantas na ilang salita maraming marami ang
ginamit ang hindi salita ang maling bantas
wasto ang hindi wasto na ginamit.
baybay ang baybay

12 | P a h i n a
Pagsusulit

Paalala: Ipabasa ang tekstong Buhanging Hindi Maubos-ubos. Pakinggan at


unawain ang kuwento.

Buhanging Hindi Maubos-ubos


ni Analyn Marie A. Guivencan, Rabanes Elementary School

Isa sa pinagkukunang yaman ng bayan ng San Marcelino sa Zambales ay ang


quarry. Ang pag-quarry ay isang proseso ng pag-alis o pagkuha ng mga bato,
buhangin, graba at iba pang mineral na nagmumula sa lupa at ginagamit na
materyales sa paggawa ng mga gusali at iba pang imprastraktura. Ang paraang ito
ng pagkuha ng buhangin ay nananatili magpasa hanggang ngayon kahit maraming
taon na ang nakalipas. Madami ng trak ng buhangin ang nahakot at pabalik-balik
sa pagkuha dito. Iba’t ibang negosyante na din ang pumupunta at kumikita dahil
dito.

Ang buhangin sa bayan ng San Marcelino ang pinagkukunan ng mga


negosyante sa kanilang quarry. Ito ay dulot ng pagputok ng bulkang Pinatubo noong
1991. Ang mga lahar na ibinuga ng bulkang Pinatubo ang sanhi ng paglubog ng
ilang barangay sa San Marcelino. Sa kabila ng masamang idinulot ng pagsabog ng
bulkan, may mabuti pa rin itong naidulot sa ekonomiya ng bayan. Ang lahar na
tumabon sa mga kabahayan, ngayon ay isang malawak nang buhanginan.

Ang mga tao sa bayang ito ay nagtataka bakit tila hindi maubos ang mga
buhangin dito. Sa panahon ng tag-init, makikita ang malalim na hukay na dulot ng
paghahakot ng buhangin ng malalaking trak. Ngunit pagsapit ng tag-ulan, ang
malalaking hukay na ito ay nawawala sa tuwing madadaanan ng tubig baha. Sa oras
na humupa ang tubig baha, nanunumbalik sa pagiging patag ang buhanginan sa

13 | P a h i n a
dati nitong anyo na tila dumami pa at hindi nakuhanan ng buhangin. Dahil dito,
ito’y maituturing na likas na yaman ng bayan.

Panuto: Ibigay ang lagom o buod ng Buhanging Hindi Maubos-ubos sa isang talata.
Gawin ito sa iyong sagutang papel. Lagom o Buod:

Buhanging Hindi Maubos-ubos


____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG ISKOR (RUBRIK)


Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Nakapaglaha Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad
d ng 4-5 ng 3 detalye lamang ng 2 lamang ng 1
detalye detalye detalye
Presentasyon Organisado Hindi gaanong May ilang Maraming
at sunod- organisado at detalye ang detalye ang
sunod ang sunod- sunod hindi naisama hindi naisama
mga detalye ang mga sa buod sa buod
sa buod detalye sa
buod
Wastong Naibabaybay Wasto ang May ilang Maraming
baybay at ng wasto ang lahat ng hindi wasto salita ang
bantas lahat ng mga bantas na ang bantas na hindi
salita at ginamit ginamit at naibaybay ng
wasto ang ngunit may may wasto at
lahat ng ilang salita maraming marami ang
bantas na ang hindi salita ang maling bantas
ginamit wasto ang hindi wasto na ginamit.
baybay ang baybay

14 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag o ideya sa ibaba. Piliin ang
sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.

tauhan pagsasalaysay maikling napapaikli balangkas

pinakadiwa pagsusulat maibahagi malinaw mahabang

Ang paglalagom o pagbubuod ay ang _____________ o _____________ muli sa


isang akda o narinig sa _____________ paraan na ginagamitan ng sariling pananalita.
Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng _____________ nito. Ang isinasama
lamang sa isang buod ay ang mga pangunahing _____________, ang mga
mahahalagang pangyayari, at ang kinahinatnan nito. Ang pagbibigay ng lagom o
buod ng tekstong nabasa o napakinggan ay mainam na paraan upang _____________
sa iba o maisalaysay muli ng _____________ at maayos ang anumang akda. Sa
ganitong paraan makikita kung paanong ang _____________ kuwento o teksto ay
_____________ nang hindi nawawala ang kabuuang mensahe nito. Mahalagang
makabuo muna ng _____________ sa pagbibigay ng lagom o buod ng isang kuwento
at makatutulong ang paglalapat ng balangkas nito gamit ang dayagram.

15 | P a h i n a
16 | P a h i n a
BALIK-ARAL B.
1. Ang teksto ay tungkol sa bakuna laban sa 1. TAMA
COVID-19 2. TAMA
2. Layunin ng gobyerno at DOH na 3. TAMA
mabakunahan ng libre ang lahat 4. MALI
3. Ang ilan ay takot magpabakuna dahil 5. TAMA
kanilang iniisip na baka maulit muli ang PATNUBAYANG PAGSASANAY 2
katulad ng nangyari sa dengvaxia PAGSUSULIT B.
4. Posibleng sagot: sabik ang lahat na 1. pagsasalaysay
bumalik na sa normal dahil ang ilan ay 2. pagsusulat
nahihirapan na. 3. maikling
5. Ang mga dapat tadaaan sa pagsagot sa 4. pinakadiwa
mga tanong tungkol sa nabasa o 5. pangunahing tauhan
napakinggang teksto ay ang mga PANGWAKAS
importanteng detalye katulad ng mga 1. pagsasalaysay
tauhan o gumanap sa kuwento, lugar na 2. pagsusulat
pinangyarihan, banghay o wastong 3. maikling
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, 4. pinakadiwa
mensaheng nais ipabatid, at paksang diwa 5. tauhan
nito. 6. maibahagi
PINATNUBAYANG PAGSASANAY 1 7. malinaw
A. 1. Maikling bersiyon 8. mahabang
2. Sariling pananalita 9. napapaikli
3. Mahahalagang tauhan 10. balangkas
4. Mahahalagang detalye
5. Pagbuo ng balangkas
Susi sa Pagwawasto
Te Memorial Aeta School. Tomo III, Blg.1
Tiglao, David S., 2018, Ang Dekoro, Opisyal napahayagan sa Filipino ng Chiang Chio
melc/
https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning- ompetencies-
(MELC)
Teach Pinas, Desyembre 14, 2020, K-12 Most Essential Learning Competencies
at-pagbubuod-ng-mga-ideya-4-638.jpg?cb=1508941475
https://image.slidesharecdn.com/6-171025142331/95/pagbuo-pag-uugnay-
Nato, Rochelle S., Oktubre 25, 2017, Pagbuo, Pag-uugnay at pagbuod ng mga ideya
Castillo, Pia Fe D., 2019, Ang Alamat ng Amukaw
Mga Sanggunian
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang patuloy na
paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng
mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa
tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan
Schools Division ng mga Paaralan ng Zambales
of Zambales
Zone
Zone6,6,Iba,
Iba,Zambales
Zambales
Tel./Fax
Tel./FaxNo.No.(047)
(047)602
6021391
1391
E-mail
E-mailAddress:
Address:zambales@deped.gov.ph
zambales@deped.gov.ph
Website:
Website:www.depedzambales.ph
www.depedzambales.ph

You might also like