Almarie Report

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

LAYUNIN:

A. Naibibigay ang iba’t ibang uri sa pagtuturo ng pakikinig.


B. Natutukoy ang mga uri ng pakikinig.
C. Napapahalagahan ang tungkol sa pakikinig

Mga Patnubay/Simulain sa Pagtuturo ng Pakikinig

1. IHANDA ANG SARILI SA PAKIKINIG.

 Magdala ng gamit sa pagtatala.


Halimbawa: Lapis, Ballpen, Papel,kuwaderno.
 Ipokus ang kaisipan sa paksang pinag-uusapan.
 Tingnan ang tagapagasalita.
 Magpakita ng interes.

2. ALAMIN ANG LAYUNIN O DAHILAN NG PAKIKINIG.

 Tukuyin ang daloy at pagkakasunod-sunod ng paksang pinag-uusapan.


 Tukuyin ang mensahe at alamin ang kahulugan nito.
 Tuklasin at kilalanin ang mga bagong impormasyon.
 Makapagbigay ng buod tungkol sa paksa.

3. IWASAN ANG MGA SUMUSUNOD HABANG NAKIKINIG.

 Pagbibigay agad ng kaukulang konklusyon.


 Pagsingit ng sariling ideya.
 Pagiging bida sa usapan
 Paggambala sa tagapagsalita.
 Pagbibigay ng puna kahit hindi pa tapos ang tagapagsalita.
 Pagpuna sa gawi o mannerism ng tagapagsalita.
 Pagsagot sa text messages.

4. TIYAKIN NA LUBOS NA NAUUNAWAAN NG MGA MAG-AARAL ANG KANILANG GAGAWIN BAGO ITO
SIMULAN

5.MAGLAAN NG ISANG KONTEKSTO PARA SA PAKIKINIG, SABIHIN, HALIMBAWA, KUNG ANONG


TEKSTO ANG KANILANG PINAKIKINGGAN (isang talumpati,kuwento,atbp.) AT KUNG SAAN ITO
NAGANAP (e.g. sa isang bayan sa laguna, o sa isang parti.)
6.MAAARING PAKINGGAN NG MARAMING ULIT ANG ISANG INPUT SA PAKIKINIG AT KAILANGANG
MAY TIYAK NA LAYUNIN SA BAWAT PAKIKINIG NA ISASAGAWA. LINAWIN SA MGA MAG-AARAL ANG
LAYUNIN SA PAKIKINIG.

7.KUNG ANG INPUT AY MARIRINIG SA UNANG PAGKAKATAON, MAGBIGAY NG MGA TUWIRANG


TANONG NA MAKATUTULONG SA PAG-UNAWA SA KABUUAN NG TEKSTO. MAAARING MAGTANONG
TUNGKOL SA PANGUNAHING IMPORMASYONG NAKAPALOOB SA TEKSTO (sino ang tagapagsalita, ano
ang kanilang pinag-uusapan,atbp.)

8.MAGLAAN NG MARAMING GAWAIN BAGO MAKINIG AT TIYAKING MAKATUTULONG ANG MGA ITO
UPANG MAPAGTAGUMPAYAN NG MGA MAG-AARAL ANG MGA GAWAIN NA IPAGAGAWA SA KANILA.

9.MAGLAAN NG MGA TANONG O SET NG MGA GAWAIN NA ANGKOP SA KAKAYAHAN NG MGA MAG-
AARAL.

10.BIGYAN NG SAPAT NA PANAHON ANG MGA MAG-AARAL NA BASAHIN ANG MGA TANONG BAGO
NILA PAKINGGAN ANG TAPE. MAGBIGAY ITO SA KANILA NG KADAHILANAN SA PAKIKINIG AT MGA
HUDYAT KUNG ANO ANG AALAMIN SA PAKIKINIG. MAIIWASAN DIN ANG PAGBASA SA MGA TANONG
HABANG NAKIKINIG SA TAPE.

11.MAGLAAN DIN NG MGA GABAY NA LILINANG SA KANILANG MAPANURING PAG-IISIP BUKOD SA


MGA KARANIWANG TANONG SA PAG-UNAWA (e.g. sa aking palagay, mali ang awtor dahil. Ang mga
sumusunod na patotoo ang nagbunsod sa akin na sabihing ang kuwento ay naganap sa pilipinas.)

12.TIYAKING NAPAKINGGAN NG GURO ANG BUONG TAPE BAGO IPARINIG SA KLASE. KAILANGANG
ISAGAWA ITO UPANG MAIWASAN ANG ANUMANG SULIRANIN BAGO IPARINIG ANG TAPE SA KLASE.

13.SIKAPING GUMAMIT NG MGA INPUT AT MGA GAWAIN NA KALULUGDAN NG BUONG KLASE AT


TIYAKIN NA MATUTUGUNAN NG HALOS LAHAT NG MGA MAG-AARAL ANG MGA GAWAIN.
MAHALAGA ITO UPANG MALINANG SA KANILA ANG POSITIBONG SALOOBIN SA PAKIKINIG.

MGA URI NG GAWAIN NA GINAGAMIT SA IBA’T-IBANG TEKSTO SA PAKIKINIG

DESKRIMINATIBO

 Matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.


 Binibigyang pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos
habang nagsasalita.

KOMPREHENSIBO

 Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.


 Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.

PAGLILIBANG
 Upang malibang o aliwin ang sarili.
 Ginagawa para sa sariling kasiyahan.

PAGGAMOT

 Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan


ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita

KRITIKAL

 Gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa


paksang narinig.
 Makabuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig.
 Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan.

MGA URI NG TAGAPAKINIG

1. EAGER BEAVER
 Siya ang tagapakinig na ngiti ng ngiti o tango ng tango habang may nagsasalita sa kanyang
harapan. Ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.

2. SLEEPER
 Siya ang tipo ng tagapakinig na nuupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na
intensyong making.

3. TIGER
 Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang ng
reaksyon.

4. BEWILDERED
 Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-
pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang
kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

5. FROWNER
 Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa
kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi
isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang opurtunidad na
makapagtanong para makapag-paimpres.
6. RELAXED
 Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes
sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang
reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

7. BUSY BEE
 Isa siya sa pinakaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala
rin siya sa ibang Gawain Gawain tulad ng pagsusulat, pakikipag tsismisan sa katabi,
pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

8. TWO-EARED LISTENER
 Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga
kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita
sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

PAGPAPLANO NG ILANG ARALIN SA PAKIKINIG

MGA YUGTO NG ISANG ARALIN SA PAKIKINIG

 BAGO MAKINIG

1. Pagpukaw sa kawilihan ayon sa tekstong napakinggan.


2. Pagtukoy sa ialng dating kaalaman/impormasyon na makakatulong sa pag-unawa ng tekstong
pakikinggan.
3. Paglilinaw ng ilang talasalitaan na maaaring makasagabal sa pag-unawa.
4. Pagtalakay sa layunin ng isasagawang pakikinig.

MGA GAWAING MAILALAPAT SA YUGTONG ITO NG PAKIKINIG


1. Impormal na talakayan.
2. Pag-uusap tungkol sa isang larawan.
3. Pagtatala ng mga mungkahi, opinyon, atbp.
4. Pagtatala ng kaugnay na teksto.
5. Pagbasa sa mga tanong na kailangang masagutan habang nakikinig.
6. Paghula sa maaaring mangyari.
7. Pagtalakay sa uri ng wikang maririnig sa teksto.
 HABANG NAKIKINIG

- Ito ay pokus ng aralin. Ang mga gawain sa yugtong ito ay naaayon sa mga puntos na nais
bigyang-diin ng guro.

MGA GAWAING MAILALAPAT SA YUGTONG ITO

a. Pagsagot ng mga tanong na maraming pagpipiliang sagot;


b. Mga tanong na tama/mali;
c. Pagtukoy sa mga maling impormasyon.

 PAGKATAPOS MAKINIG

- Sa yugtong ito, maaaring bigyan ang mga mag-aaral ng mga gawaing bunga ng ginawang
pakikinig.

HALIMBAWA: Pagsulat ng liham sa tagapagsalita bilang personal na tugon sa sinabi ng tagapagsalita.

HALIMBAWA NG BANGHAY ARALIN SA PAKIKINIG

LAYUNIN: Naisasagawa ang wastong pakikinig at nasasagot ang mga tanong tungkol sa mga detalye
(paglalarawan).

 GAWAIN BAGO MAKINIG

- Magbigay ng mga larawan ng iba’t ibang nagandang lugar sa Pilipinas. Itanong kung ialang
lugar ang nakita/napasyalan na at talakayin kung bakit dinarayo ito.

 HABANG NAKIKINIG

- Ang mga mag-aaral ay makinig at sasagutin ang mga tanong tungkol sa mahahalagang
detalye. Input na pakikinggan: Tatlong maikling paglalarawan ng tatlong magagandang lugar
sa Pilipinas.
 PAGKATAPOS MAKINIG

- Gawain sa pagsasalita. Talakayin sa klase kung aling lugar ang gusto nilang bisitahin at bakit.

You might also like